ROXY CITY BOOK 5 (LOVE OR NOTHING) Chapter 1

CHAPTER ONE

Dala ang sports bag niya ay lumabas si Geri ng artists lounge. Katatapos lang ng appearance niya sa Roxy City. Ang pinakasikat na superclub na nakabase sa Taguig City. May special event kasi na ginanap sa superclub. Kinailangan ang presensya ng ‘Xquizit dahil sa taas ng public demand sa kanila. Hindi naman nila magawang mag-perform nang kumpleto.

Thia Adriatico was married. May posibilidad pa na magka-baby na ito. Si Cassie Dillan naman ay abala sa wedding preparation nito. Si Cleo na bukod sa nilalamay ang best-selling comic series nito ay abala rin sa love life. Dapat sana ay kasama niya si Amber ngunit bigla itong may family affair na hindi nito natanggihan. Kaya siya lamang ang tanging miyembro na nakadalo. Siya na rin ang nagpakasunduan na mag-anunsyo na magkakaroon ng bagong miyembro ang ‘Xquizit at ang audition ay sisimulan sa lalong madaling panahon.

Nagdesisyon ang pamunuan ng Roxy City na makipag-merge sa EZT channel 5, ang pinakamalaki at namamayagpag na TV station sa kasalukuyan, na gawing isang reality based show ang paghahanap para sa bagong miyembro ng ‘Xquizit. Nabuo ang ganoong ideya ni Roxanne dahil sa pagsikat nila sa social media dahilan upang sila ang dayuhin sa Roxy City bukod sa live performances ng mga artists ng LinkMusic.

Marami ang nasorpresa. May mga nalungkot at nagulat. Ngunit may ilang natuwa rin at masaya sa naging desisyon nila. Mabibigyan daw ng pagkakataon ang ibang may potensyal na tulad nila.

It had never been an easy for them. Mahaba at nakakapagod na meeting ang naganap upang talakayin ang totoong estado ng grupo. All of them love the group. Ilang taon nilang inalagaan at minahal ang trabaho sa Roxy. Ngunit maraming nangyari sa kanila nitong lumipas

na isang taon. Parang itinadhana na lahat sila ay may kanya-kanyang pinagdaanan dahilan upang magpahinga sa passion nila. It was sad. At marahil ay siya na ang pinakanalungkot at nanghinayang. Dahil katuparan ng pangarap niya ang maging miyembro ng grupo.

Siya ang pinakahuli at kumumpleto sa ‘Xquizit. Nagtatanghal na noon sina Cassie, Amber at Cleo bilang ‘Roxies’ sa club. Noon ay nag-aaral pa lamang siya. Napanood niya sa video sharing site na YouTube ang grupo at kaagad na hinangaan ang mga ito. She searched the group on the internet. At kasama ang mga kaibigan ay sinadya nila ang Roxy City mapanood lamang ang mga ito. Noon din nakarating kanya na naghahanap pa ang karagdagang miyembro ang grupo. Hindi na siya nagdalawang-isip. She auditioned and got through.

Dumiretso siya sa likod ng club. Kailangan pa niyang maglakad upang marating ang bungad ng kanto. Doon dumaraan ang taxi. Kailangan na niyang makauwi dahil malakas ang pakiramdam niya na naghihintay pa rin si EJ sa kanya. She felt guilty immediately. Mapupuyat na naman ito dahil sa kanya.

“Geri?” napalingon siya nang marinig iyon. Sinipat niya sa may di kalayuan ang tumawag sa kanya. Nakita niya ang dalawang lalaking papalapit.

“Hi.” Nakangiting sabi ng isa habang lumalapit sa kanya. Noon niya naaninag ang mukha nito at nagliwanag ang ekspresyon niya dahil nakilala niya kaagad ito.

“Elbert?” Nakikilala ngunit naniniguro niyang saad. “Kumusta?”

“O-okay naman. Ikaw?” Hinarap niya ito nang makalapit. Nasa tabi nito ang kasama nito sa tingin niya ay kasing edad nito.

“Heto. Oh, by the way this is my friend, Russell.” Ipinakilala nito ang katabi. “Hi.” Russell politely lent his hand. Tinanggap niya iyon.

“So, saan ka na ngayon?” naitanong niya habang inilalagay ang bag sa likod ng kotse. “I’m a head technician, sa Pasig. Kasama ko si Russell doon.” Sagot nito. Siya naman ay

tatangu-tango at sumulyap dito.

Barkada niya noong college si Elbert. Mas matanda ito ng limang taon sa kanya. Nakasama niya ito sa isang youth organization na sinalihan niya noong freshman pa lang siy. She was a graduate of BS Accountancy. Samantalang galing sa department of Engineering si Elbert. Ngunit nang makatapos ito ay nawalan na siya ng balita sa binata. And she was really happy to see an old friend. In fact, she misses her life before. Noong panahong wala pa siyang responsibilidad. But now, it changed.

“Pauwi ka na ba?” Elbert asked. Napangiti siya. “Oo sana.”

“Nanggaling ka ba sa loob ng Roxy?” kunot ang noong tanong nito.

Tumango siya bilang tugon. Hindi man niya ikinakahiya ang trabaho niya sa club dahil pagsasayaw ang talagang hilig niya ay naroroon pa rin na maingat siya pagsasabi kung anong trabaho niya. Her kind of job sliced a crack in the reputation of a woman. Madalas kapag nalalaman ng marami na sa ganoong klaseng lugar nagtatrabaho ay nag-iiba kaagad ang tingin sa pagkatao ng isang babae. At hindi niya madiretso si Elbert dahil baka magtaka ito kung bakit naroroon siya gayong Accountancy ang tinapos niya.

“B-bakit parang employee’s area ang nilabasan mo? Are you working here?” tanong muli ni Elbert. Tumango siya.

“Ibig sabihin…dancer ka?” si Russell ang nagsalita.

“Oo.” She snapped. Hindi na niya itinanggi. Nakita niyang ngumiti lang si Elbert.

“Isa ka sa ‘Xquizit?” paniniguro ni Elbert. Wala siyang nabakas na panglalait sa tono

nito.

Muli siyang tumango. “Gano’n talaga.”

Nagkibit ito ng balikat. “Hindi na ako nasorpresa. Hilig mo naman talaga ang magsayaw.

And singing as well.”

Muli ay ngiti ang isinagot niya. Si Russell ay nakita naman niyang pailing-iling. “Actually, naghahanap din naman ako ng ibang trabaho.” Sabi niya sa dalawa.

Nagtinginan ang mga ito at tumango si Elbert. “Our company is currently looking for a bookkeeper. Since, Accountancy ang course mo siguro pwede mong subukan.”

“Talaga?” tuwang-tuwa niyang sambit. Matagal na niyang sinabi kay Roxanne na gusto niyang humanap ng pang-araw na trabaho dahil alam niyang kulang ang kinikita niya sa pagiging freelance back-up singer. Lumalaki na is EJ idagdag pa ang gastos nila sa araw-araw. Nahihiya na rin siyang tumanggap ng tulong galing sa mga kaibigan. Dumagdag pa na baka pati siya ay mawala na rin sa grupo.

“Oo naman. Give me your phone.” Sabi ni Elbert at inilahad ang kamay. Sinunod naman niya ito ay iniabot ang cellphone niya mula sa bag niya.

“Here.” Ibinalik nito iyon matapos ang ilang tipa. “Naka-type na d’yan ang number sa office, at e-mail add ko. Pati na rin ang website namin. Email mo sa’kin ang resume mo. Ako nang bahala kay Boss.”

“S-salamat.” Nasisiyahan niyang tugon.

“Wala ‘yon. Mabuti na lang at natyempuhan ka namin.” Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “I mean…nagkataon din naman na naghahanap ka ng trabaho at kailangan namin ng empleyado. This could mean na para sa’yo ang bookkeeper job na ‘to.”

“Salamat uilt. Pero kailangan ko nang umalis. May naghihintay kasi sa’kin.” Nag- aalangan niyang paalam. Gustuhin man niyang makipagkwentuhan sa mga ito ngunit pagod na rin siya bukod pa sa kailangan na niyang umuwi.

“Sige. Nice seeing you again. One of these days, kwentuhan tayo.” Pagpayag ni Elbert. “Kita tayo sa office.” Singit naman ni Russell.

“Sige.” Napapatawa niyang tugon. Kumaway pa siya sa mga ito habang papalayo.

Kaagad naman siyang nakasakay sa taxi nang marating ang kanto. Isinandal niya ang ulo saka nag-isip. Mabuti na lang at muli niyang nakita ang dati niyang barkada. Isang magandang pagkakataon pa ang ibinigay ng pagkikitang iyon. She was really hoping to find a good job.

She sighed wearily, trying to absorb every drop of events. They were on their own. Sila na lang ni EJ ang magkasama sa buhay. Sa edad na bente tres ay magulang at kapatid na siya sa kapatid na pitong taong gulang pa lamang.

Sabay na namatay ang mga magulang nila nang magkaroon ng malaking sunog ang department store kung naroroon ang mga ito. Kinailangang magpunta ng mga magulang niya sa naturang mall upang bumili ng costume para kay EJ na gagamitin sa play nito. Nagkataon naman na hindi sila kasama ni EJ dahil noon ay may lagnat ito.

Hanggang gulatin siya ng tawag at ibalita ang sunog sa naturang mall. Her world was totally wrecked on hearing the devastating news. Marami ang namatay sa naturang aksidente kabilang ang mga magulang niya.

She closed her eyes to stop the waiting tears. Wala nang silbi kung iiyakan pa niya ang pangyayari. Kailangan siya ng kapatid kaya hindi kailangang pagpakita ng kahinaan. At mabuti na lang narorooon ang mga kaibigan niya at si Roxanne. Kaya ganoon na lamang ang pasasalamat niya sa mga ito.

Nang marating niya ang apartment ay tahimik siyang nakapasok at pilit namang hindi mag-ingay habang pumapasok siya ng bahay. Nang makapasok ay kaagad siyang tumungo sa kwarto ni EJ upang bisitahin ito.

Pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang lampshade na lang ang ilaw at tulog na tulog ito. She sighed as she looked at him. Tiningnan niya ang study table nito at dahan-dahang lumapit. Nakakalat doon ang hindi pa natatapos na book review na English project nito. Walag ingay niyang inilapag ang bag niya at tahimik na naupo sa harap noon. Sinimulan niyang tapusin iyon. Naipangako niya kanina na tatapusin niya iyon dahil sa makalawa na ang deadline ng project.

“Kukulayan na lang ‘yan, Ate.” Nabitawan niya ang color pencil nang marinig ang boses nito. Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang humarap ito sa kanya. Ang buong akala niya ay tulog na ito.

“Matulog ka na at ako na ang bahala dito.” Sabi niya habang sinisimulang lapatan ng kulay ang papel.

Napalingon siya dito nang makitang bumangon ito at naupo sa kama. “Late ka na naman.

Hindi ka na naman makakatulog ng eight hours n’yan kasi bukas maghahanap ka ng trabaho.”

Nagbuga siya ng hangin at lumapit dito. EJ must live his life only for eight years but his thoughts are like circling in the earth like an adult. Daig pa nito ang Papa nila sa pagsesermon sa kanya.

“Tatapusin ko lang ‘to at matutulog na ako. At ikaw…” sabi niya at inihiga niya muli ito saka kinumutan. “Ikaw ang mas dapat na natutulog na.”

“Ate.” Pangungulit nito. “Ano?”

“Bakit hindi natin hanapin si lolo? Hindi naman sinabi ni Papa na bawal siyang puntahan.” Bigla mula sa kung saan ay tanong nito. Wala tuloy siyang naisip na maisagot.

Ang totoo ay hindi naman kailangang hanapin ang lolo nila dahil wala naman yatang hindi nakakakilala dito. Don Emmanuel Lagdameo was the toughest business tycoon ever live in the country. Ang tatay ng papa nila. Pangalan lamang nito ang alam niya dito dahil hindi pa nila ito nakikita nang personal. Tanging sa magazines at TV lamang niya ito kilala. Hindi rin sila nakilala nito.

They have a separate life with her father’s family. Pahapyaw na kwento lamang ang nasabi ng mama nila na hindi sang-ayon ang pamilya ng ama nila sa pagpapakasal ng mga magulang nila. At paminsan-minsang kwento ng papa nila kapag nagtatanong si EJ tulad ng sinabi nito na mabait at kagalang-galang si Don Emman. Gustuhin man niyang puntahan ang ito ay hindi naman niya alam kung paanong pakikiharap ang gagawin niya. Baka nga ipagtabuyan pa sila nito.

“Paano natin siya hahanapin, aber?” she asked.

“Ewan ko.” Sagot naman nito. “Kasi noon laging sinasabi ni Papa na mabait naman daw si lolo. Naisip ko lang bakit hindi natin siya dalawin. Wala kasi siya nang mamatay sina Papa at Mama. Hindi kaya, hindi niya alam ang nangyari kina Papa?”

“S-siguro.” Pagkikibit niya ng balikat.

“Kung manawagan kaya tayo?” napatawa siya sa sinabi nito. “EJ, mga mawawalang tao lang kailangan ipagpanagawan.”

Kumunot ang noo nito. “Kaya nga. Hindi natin alam kung nasaan siya. Kaya kailangan nating humingi ng tulong.”

Umiling siya dahil nag-uumpisa na naman itong mangulit. Kung anu-anong bagay na naman ang tumtakbo sa utak nito kaya kung anu-ano din ang gustong gawin.

“Matulog ka na nga.” Pamimilit niya.

Kumibot ang labi nito at biglang nalungkot. “Ate, ayaw mo bang makita si lolo? Malay mo, hinahanap din niya tayo. Kasi Ate, nalulungkot ako dito sa bahay kapag mag-isa ako. Ayaw mo naman akong isama kapag umaalis ka.”

“Kasama mo naman si Tita Len.” sagot niya.

Kapitbahay nila si Len. Isa itong biyuda at mag-isa lang nakatira sa kabilang kwarto kasunod nila. Sa tuwing aalis siya at pinapakiusapan niya itong silipin si EJ kapag darating galing school. Mabait naman ito at laging nasa bahay lang. May home based business ito na gumagawa ng mga desserts o kakanin tulad ng halayang ube at leche flan.

“Sa kabila naman s’ya eh. Hindi naman ako pwede sa bahay n’ya kasi baka maubos ko ‘yong leche flan n’ya. Eh kung isama mo ‘ko sa paghahanap mo ng work? Pwede?”

Geri rolled her eyes on frustration. Hindi maubos-ubos ang mga tanong nito. “Hayaan mo ay kapag may oras ako ay mamasyal tayo. Sa ngayon, matulog ka na lang muna.”

“Sinabi mo ‘yan, ha.” Unti-unting nakukumbinsing sabi nito. “Oo.”

“O, kantahan mo na ako. Ginising mo ako eh.” nakangisi nitong sabi sa kanya. Isa sa mga kapritso nito sa kanya ay ang pakantahin siya sa tuwing matutulog ito. Mas gusto daw nitong kantahan ito kaysa kwentuhan ng kung anu-ano.

“Siya, siya, sige na nga.” Sabi niya at nagsimulang umayos. Tumikhim muna siya at ito naman ay pumikit na ngunit alam niyang hinihintay nito ang pag-awit niya.

“My precious one, my tiny one…lay down your pretty head. My dearest one…my sleepy one…it’s time to go to bed. Just vow your head and give your cares to me…Just close your eyes and fall into the sweetest dream…cause in my loving arms…Your safe as you will ever be so hush my dear and sleep… ” Her husky angelic voice whispered to him as he was breathing calmly. Ito ang sleeping therapy ni EJ. She continued singing the song as she slowly sent EJ back to sleep.

PrevNext

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.