ROXY CITY BOOK 5 (LOVE OR NOTHING) Chapter 2

CHAPTER TWO

Isang pagkalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jershian saka muling tiningnan ang kanyang lolo na nakaupo sa may gazebo at nakatungo sa isang babasahin.

Kaninang umaga ay tawag nito ang gumising sa kanya at sinabing umuwi siya sa Mandaluyong dahil nais siya nitong makausap. Ayaw man ay wala naman siyang magagawa. Baka kaladkarin pa siya ng mga bodyguards nito kung hindi siya susunod.

Mabigat ang loob na nilakad niya ang natitirang distansya papalapit dito. At hindi pa man lubos siyang nakakarating ay nag-angat na ito ng ulo at isinara ang binabasa.

“You’re late.” Bungad agad nito at ipinatong ang libro sa mesita. “Traffic-”

“As always.” Mabilis na agap nito. Hindi ang traffic ang tinutukoy nito kundi ang pagdating niya nang huli. Kaya hindi na muling nagtangkang sumagot si Jershian. Malamang na sa pagtatalo na naman mauuwi ang pag-uusap na iyon.

“Maupo ka.” Saad nito na kanyang sinunod.

“Jershian, hijo!” nilingon niya ang tumawag na iyon at nakitang papalapit ang Maita. Ang assistant ng kanyang lolo sa loob ng dalawampu’t dalawang taon. Masayang-masaya ito at nang makalapit sa kanya ang niyakap siya nito nang mahigpit.

“Mabuti naman at dumalaw ka dito. Kumusta ka na?” tanong nito. Lumingon siya sa kanyang lolo na tanging mga mata ang nakatunghay sa kanila.

“Pinapunta ko siya dito.” Sabad nito.

Nabawasan ang sayang sa mukha ni Maita. Don Emmanuel Lagdameo was known for his strict words and stare. Ngunit si Maita lamang ang nakakabasag sa kasungitan nito. Kung hindi

nga lamang nakapag-asawa si Maita bukod sa malaki ang agwat ng edad nito sa kanyang lolo ay iisipin niyang nagkagusto ito kay Don Emman.

“Kumain ka na ba? Kung gusto mo magpapalabas ako ng pagkain.” Pagbawi kaagad ni Maita. Hindi nito pinansin ang lolo niya.

“Busog po ako.” He just said.

Kitang-kita niya ang dismaya sa mga mata ni Maita. Alam niyang miss na siya nito. May tatlong taon na rin kasi siyang namumuhay nang independent. Hanggang’t maaari ay ayaw na niyang sumandal sa kanyang lolo. Dahil sa nakalipas na limang taon, ilang buwan matapos bawian ng buhay ang kanyang ama sa isang malagim na car accident ay nagbago na ang relasyon niya sa kanyang lolo. Hindi naging maganda ang huling pag-uusap nito at ng kanyang ama noong araw na maaksidente ito. Iyon ang araw na mag-resign ang kanyang ama bilang CEO ng Lagdameo Group of Companies.

“Gusto kitang kausapin tungkol sa Wise&Pro. Mukhang wala ka nang balak umahon mula sa pagkakalubog mo sa kumunoy. And the company is affected. That thing never helps me and the company.” Saad nito.

“Sir, maaari bang mamaya mo na kausapin ang apo n’yo. Hayaan n’yo muna siyang makakain.” Pagsingit ni Maita.

“Kasasabi lamang niya na busog siya.” Mabilis na katwiran nito.

“No, he’s not…Sir.” Seryosong namang sagot ni Maita. Halatang gumanti ito sa pagtataray ng lolo niya.

“Tita Maita.” Singit niya. “Okay lang po ako.”

“At ano? Almusal mo ang pagtatalo ninyo.” Paghihimutok nito. “I can’t understand both of you.”

Pagkasabi noon ay mabigat ang mga hakbang na iniwan sila nito. Jershian stared at her with amusement.

“Huwag mong pansinin si Maita, Jershian.” Anang lolo niya. Tiningnan niya ito at bagot na nagbuga ng hininga.

“Lolo, just tell me what you want.” He said.

“Wala akong gusto mula sa’yo. Tatanungin lang kita kung gusto mo pang tumagal ang negosyo mo. I’m wasting my money on you.” Mabilis ang mga salita.

“We’re coping. Hindi mabilisan ang pagbawi sa sales.” Sagot niya. Pilit na itinaatago ang sakit na nararamdaman dahil sa mga salita nito. Sadyang wala itong tiwala sa kanya tulad ng kawalang tiwala nito sa kanyang ama.

Don Emman smirked. “Coping like what? Like a little girl hurt by her first love?” Kasabay ng sabing iyon ay ang paghagis nito ng broadsheet sa mesita sa harap niya.

Sinundan niya iyon ng tingin at isang ilap ang ginawa niya. Titulo pa lang ng article ay alam na niya ang ibig nitong sabihin.

“My band has nothing to do with Wise&Pro. Kaya kong-”

“Kaya walang napupuntahan ng negosyo mo ay dahil sa pagtugtog na ‘yan.” May galit nitong agap.

“Pamilya ko ang Skiptloosemonk.”

“Pamilya? Anong pamilya ang sinasabi mo?” sagot nito. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Hindi siya kumilos kundi tumungo lamang. “Nagsasayang ka ng pera ng LGC. Dapat ay doon ka magtrabaho at hindi makihalubilo sa mga tulad nila! Anong mapapala mo sa pagtatambol sa bandang ‘yan? Imbes na bawiin mo ang perang nasayang sa kumpanyang itinatayo mo ay pagbabanda ang inaatupag mo.”

“You don’t what you’re talking about. Hindi mo sila kilala.” Mahinahon ngunit mariin niyang tugon.

“Of course I know. Sila ang magiging dahilan kaya tuluyang hihina ang negosyo mo at ano? I’m going to save your ass again.” Malamig na sagot nito. Lumakad ito at bahagyang lumayo.

“Give me time. Patutunayan ko sa inyo na ito ang una at huling pagkakataong kakailanganin ng Wise&Pro ang pera n’yo.” Sagot niya sa mahinahong paraan.

“Na pera mo rin.” Agap nito. “Na kayamanan mo rin!”

He remained silent. Lasap niya ang katotohanan tungkol sa yaman at kapangyarihan ng pamilya niya. Ng pagiging Lagdameo. Ngunit ang katotohanang ding iyon ang sumakal sa kanyang ama na naging mitsa ng buhay nito. Dahil walang mahalaga sa lolo niya kundi ang pangalagaan ang estado nito sa lipunan.

Hindi kasing yaman ng isang Lagdameo ang isang Sianco na tulad ng kanyang ama. Mula sa pamilya ng mga Journalist ang kanyang ama na si Daniel Feid Sianco. Isa itong sociologist at kilalang aktibista noong panahon ng kabataan nito. He even condemned national issues involving the government. Ngunit nang mapangasawa nito ang kanyang ina na si Colette Lagdameo, bunsong anak ni Don Emmanuel Lagdameo ay napilitan ang kanyang ama na magtrabaho sa LGC bilang kinatawan ng kanyang ina. His mother was not into business. Isa itong host ng isang travel show kaya kung saan-saang bansa nakakarating. Taong 2004 nang masawi itong sa Thailand nang tamaan ng tsunami ang Phuket. Lubha iyong dinamdam ng kanyang ama lalo na ng lolo niya. Iyon ang simula ng pagkakaroon ng lamat sa relasyon ng kanyang ama at ni Don Emman.

Pinilit nilang ituloy ang buhay matapos ang trahedyang iyon. Pinilit niyang tapusin ang pag-aaral ng kursong business management ngunit mas matimbang ang hilig niya sa musika at sa programming. Hindi siya interesado sa maraming kumpanyang hawak ng lolo niya. He was not into mining, real state, telecommunication or even hotels. He wanted to be free and independent. Na naging dahilan din upang magkaproblema sila ng lolo niya.

“Mahaba na ang oras na ibinigay ko sa’yo. Wala ka pa ring pinagbago. Ginagawa mo pa rin ang gusto mo. At hindi mo pa rin nagagawa ang inuutos ko. When will you stop persuading me to hate you?” Seryoso nitong saad na nagpalingon sa kanya.

“Iyon ba tingin ninyo sa ginagawa ko?” tanong niya.

Saglit itong hindi umimik. Saka nagbuntong-hininga. “Ayokong isipin na ganoon. Sana’y

hindi.”

“Then you have to trust me.” Mariin niyang sabi. “I have trusted you enough.” Anito.

Sandaling katahimikan.

“Ano nang nangyari sa ipinapagawa ko sa’yo?” pagbasag nito sa katahimikan. “Hinihintay ko pa ang report ni Elbert.” Sagot niya. Nakita niya ang pagngiwi nito. “Elbert? You’re assistant?” anito sa paraang hindi kumbinsido.

“Alam niya ang ginagawa n’ya.” Agap niya.

“Find Randel’s son. Kung wala na talaga akong mapapala sa’yo ay gusto kong makita ang anak ng tito Randel mo.” sagot nito na tila ayaw nang makipagtalo tungkol kay Elbert.

“Mahahanap ko s’ya.” Aniya saka tumayo. “Aalis na ako kung wala na kayong sasabihin.”

“I need your financial report of Wise&Pro. Gusto ko ring gamitin ang team mo para sa bagong program ng Kendel Industries.” Saad nito.

Tempting ang alok ng lolo niya. Kailangang kailangan ng Wise ang malaking kliyente upang makabawi ngunit alam niyang paraan ito ng lolo niya na kontrolin siya. Nasa ilalim ng LGC ang Kendel.

“I’ll think about it.” Tugon na lang niya.

“Malaking kliyente ang Kendel.” May diin nitong sabi.

Muli siyang nagbuntong-hininga. “I’m still the president of my company, Lolo. Ako pa rin ang magdedesisyon. I want to think. At isa pa. Imi-meeting ko muna ang team ko tungkol d’yan.”

“Bahala ka.” Panay iling na sabi nito saka tumalikod.

“Good day, Lolo.” Sabi niya. Naghintay siya ng tugon ngunit nanatili itong nakatalikod. “Hahanapin ko ang pinsan ko. Pangako.”

Napapailing naman siyang kumilos. Mabigat ang mga paang lumakad siya palabas ng mansyon. Bitbit ang sama ng loob kay Don Emman.

Kinagabihan ay isang party ang ginanap sa Roxy City. Kaarawan ni Roxanne Roswell. Ang co-owner ng superclub at ina ni Jeuan Roswell na lead vocalist ng Skiptloosemonk. Libre ang entrance noong gabing iyon para sa mga kababaihan pati na ang lady’s drinks. Nagkaroon ng isang maiksing program para kay Roxanne. Everyone was having fun. At inasahan ng lahat ang presensya nilang lahat ng miyembro ng Skiptloosemonk at ng ‘Xquizit.

Nasa VIP suite ng club sina Geri matapos ng programa. Kasama nila ang producer at boss niyang si Lourd Fortes. Naroon ang mga kaibigan niyang sina Thia at asawa nitong si Seoff, Si

Kat at fiancée na si Jared. Sina Cassie, Cleo at Amber. Pati ang sikat na tattoo artist na si Calvin Esguerra at ang asawa nitong pastry chef na si Jubelle Antonio. Malapit na kaibigan ng mga miyembro ng Skiptloosemonk si Calvin at siyang gumawa ng lahat ng tattoo ng magkakaibigang sina Mike, Marlon at Jershian.

“Vodka pa, Kat.” Ani Geri sa kaibigan nang makalapit sa bar. Palibhasa’y dating bartender si Kat kaya nagpresinta itong gumawa mixes para sa kanila.

“Nakakarami ka na. Laklak lang ang peg?” anito habang inaabutan siya ng ni-request

niya.

Umismid siya. “Pangatlong pa lang ‘to.”

“Hmm.” Hindi ito kumbinsido. “Wag mong daanin sa alak ang problema mo. Sige, sabihin mo at nang masermunan kita.”

“Eto naman oh. Problema agad? Nag-eenjoy lang ako.” Aniya sabay lagok ng alak.

Humarap ito sa kanya na animo’y sinisipat siya.

“Bagong hairstyle. Ibang shade ng eye shadow. Nagmumurang pulang dress. Niyayakap mo naman masyado ang pagpapanggap. Pati sa’min deny-deny?” salubong ang kilay nitong saad. Hindi siya tumugon. Hindi siya nagpunta sa party para pag-usapan ang kinakaharap niya.

She was there because of fun. Bukod pa sa namimiss na niya ang mga kaibigan niya. “Nakakamatay ang pagiging selfish. Bumabara ‘yan dito o.” sabi pa nito sabay turo sa

sarili nitong lalamunan.

“Fine.” Aniya. Na-frustrate na siya. Hindi talaga siya titigilan ni Kathryn. “Wag ka na lang maingay sa kanila. Pwede?”

“Alam mo kung pa’no ‘ko patatahimikin.” Nakangisi nitong sabi.

She rolled her eyes. “Katharina, pwede ba? Pati ako pagtitripan mo para d’yan sa paglilihi mo? Kay Jared ka magpabili ng lansones.”

Tumawa ang kaibiga niya. Kathryn was eight weeks pregnant. Hindi man napagplanuhan ay masaya naman ang kaibigan niya at si Jared kaya nagdesisyon na ang mga itong magpakasal bago pa makapanganak si Kathryn. At tila mahihirapan si Jared dito dahil madalas ang mood swings nito. At isa nga ang prutas na lansones ang gusto nitong kainin madalas.

“Ano nga kasing problema mo? Sabihin na kasi. Sige ka. Hindi kita kukuning ninang.” Kunwa’y galit at nagbabanta pang sagot ni Kathryn.

“Iniisip ko lang kung saan ako pwedeng magtrabaho since madi-dissolve na kami. ‘Wag kang maingay.” Aniya dito.

“Ah, ‘yan lang problema mo? Susme, daig mo pa ang nabiktima ng bagyo kung makapagdala ka ah. At saka, sandali nga. Bakit mo naman naisip na mawawala ka na eh, si Thia lang naman ang aalis di’ba?” kunot ang noo ito.

“Si Thia lang? Sure ka?” naka-angat ang kilay niya saka lumingon. Hinanap ng mga mata niya ang mga kaibigan niya. Alam niyang ganoon din ang ginawa ni Kathryn.

“Tingnan mo nga, Kat. Sino na lang sa’min ang walang lovelife?” tanong habang kalat ang tingin sa paligid partikular kina Cassie at Cleo na pawang katabi ang mga kasintahan.

“Ikakasal pa lang si Cassandra.” Ani Kathryn. “Bago pa lang naman sina Cleo at Gavin. And the last time I checked, single na ulit si Amber dahil break na sila ni Austin. Anong ganap do’n?”

She looked at her friend amazed but frustrated. “Di mo gets? They’re in love! ‘Yun ‘yon

eh.”

“Love happens, Geri.” Tugon nito saka tumingin sa kanya. “Ako rin naman eh. Hindi ko rin inasahan si Jared sa buhay ko. Basta na lang nag-landing. You never know what will hit you until it hit you.”

“Well, sa’kin hindi. Dahil kailangan kong kumita. Hindi ako mayaman.” Aniya. “Si Amber ang mayaman dito.” Agap naman ni Kathryn.

“Alam mo ang sinasabi ko.”

Nagkibit ito ng balikat. “Na ano? Na hindi ka pwedeng ma-in love kasi distruction ‘yon.” “Oo.” Mabilis niyang tugon saka itinapat ang baso niya dito. “Vodka pa.”

“Geri.”

Ngumiti siya. “I’m good. Kailangan ko lang ma-relax.”

“What if ma-in love ka bigla?” tanong nito bigla habang sinasalinan ang baso niya. “Lagot ako kung gano’n.” Maiksi niyang sagot sabay ikot patalikod. Dala niya ang baso

niya ngunit sa bilis ng pag-ikot niya ay nabunggo siya sa isang bulto.

“Opps! Sorry.” Aniya sa kung sino. Kaagad na dumako ang tingin niya sa T-shirt na puting natapunan ng alak sabay angat ng mga mata niya.

“Favorite shirt ko pa naman ‘to.” Anang lalaki na nakatingin sa kanya. Napangiwi siya. “Sorry po.”

“Use this, Jershian.” Sabad naman ni Kathryn sabay abot ng isang towel dito. Tahimik nitong kinuha iyon saka ipinunas sa sarili.

Hindi siya kaagad nakakilos dahil sa pagkahiya. Alam niyang hindi niya sinasadya ang nangyari at forgivable naman iyon. Nahihiya siya dahil sa taong nadisgrasya niya. Si Jershian Sianco. Ang intimidating drummer ng Skiptloosmonk.

Mabait naman ito. Hindi rin suplado. Iyon nga ang problema. Sa sobrang bait nito at palakaibigan ay lalo siyang naiilang dito. Tila walang sinabi ang wit niya sa presence nito. Bukod kasi sa magaling ito ay sobrang yaman pa nito. Hindi tulad niyang pobre. Pulos talent lang.

“Sorry.” Hiyang-hiya niyang saad dito. Nakangiting kumibot ang labi nito. “La ‘to.”

Lalo siyang nanliit sa ginawa nito. Hindi niya alam kung swerte ba siya o sadyang nagkamali siya ng napuntahan. Sadyang mababait ang mga nakikilala niya sa Roxy City. Mula sa mga kaibigan niya hanggang sa mga kaibigan ng mga kaibigan niya. At halos lahat may sinasabi sa buhay. Mayayaman at hindi matatawaran ang pamilyang pinaggalingan. Tulad na lang ni Jershian.

Ibinalik ni Jershian ang towel kay Kathryn. Saka ngumiti sa kanya. “Amoy vodka.” Anito nang amuyin ang natapunan nitong damit.

Napangiti na rin siya. “Hassle naman.”

“Naku! Naku!” Si Kathryn. “Wag mong intindihin ‘yan. Ganyan talaga napapala ng mga malalandi.”

“Hep, hep.” Sabi ni Jershian. “Wala akong ginagawa sa kaibigan mo.” “Wala pa.” tila pagtatama ni Kathryn.

“You really think I’m a flirt, don’y you?” Saad nito saka itinuon ang siko sa bar.

“Oo. Kayo ni Lourd.” Mabilis na tugon ng kaibigan niya. Napangiti siya. Natutuwa siya sa closeness ng dalawa. Hindi siya ganoon kalapit sa miyembro ng Skiptloosemonk. Nauunahan kasi siya ng ilang at hiya kapag kasama ng mga ito.

“Nagbago na si Boss. Stick to none este to one na s’ya ngayon.” Saad naman ni Jershian.

“E-Excuse lang ha.” Sabad niya sa mga ito. Sadyang naiilang siya kay Jershian. Sadyang ayaw niyang makausap ito nang matagal. Pakiramdam kasi niya kapag malapit dito ay parang wala siyang magagawang tama at lagi lang mapapahiya dito.

Hindi na niya hinintay na sumagot ito at mabilis nang lumakad palayo. Mukhang absuwelto naman na siya sa kasalanan dito.

Nilapitan niya sina Amber na kausap si Cleo. Nakasimangot ito at salubong ang kilay. At mukhang alam na niya ang dahilan noon.

“O, inaano ka naman ni Jeuan?” tanong nang makaupo sa tabi nito.

“Nagseselos ‘yan. Kanina pa ‘yan. Pagdating pa lang natin dito.” Si Cleo ang sumagot. “Bakit? Kasi kasama ni Jeuan si Luah?” sagot niya sabay hanap kay Jeuan. Nakita ito sa

may dulong parte ng suite. Nakaupo ito sa velvet sofa habang kalampungan si Luah Ezequivel, isang Fil-Mexican celebrity. Ito ang nababalitang kasalukuyang girlfriend ni Jeuan.

“I’m getting married.” Walang gatol na sabi ni Amber. “Weh?” sabay na bulas nila ni Cleo.

“Yes!” biglang sigaw nito saka tumayo. Natigalan ang lahat sa tumungin sa kaibigan niya. “I am fucking getting married and I cannot do anything to stop it!”

Nagulat sila. Nagkatinginan sila ni Cleo. Amber was mad and maybe upset too.

Kapansin-pansin iyon sa reaksyon nito. Tila may problema ito.

“And that conceited talented beast?” sabi pa nito at pinagduduro si Jeuan na taka rin nakatingin dito. “Hindi ko magugustuhan ang lalaking ‘yan. Ever!”

“Amber.” Aniya at hinawakan ito ngunit nagpumiglas ito saka mabilis na lumabas ng

suite.

Wala kaagad nakahuma sa kanila. Nanibago sila sa ikinilos ni Amber. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang lumipad ang tingin niya kay Jershian.

Tila tumigil nang sandali ang tibok ng puso niya. It was a flash. Nagtama ang mga mata nila. Para siyang matutunaw sa titig nito. Hindi niya akalain na nakatitig pala si Jershian sa kanya. At tila nagbilang na ng sandaling nakapako sa kanya ang tingin nito.

Kailangan niyang umiwas ng tingin. Hindi maganda ang dulot ng pakiramdam na iyon sa kanya. Hindi niya maaaring bigyan ng kahulugan ang tinging iyon. Isang kahibangan iyon. Pilit ang sariling umiwas siya at sa malakas na tibok ng puso ay sinundan niya si Amber.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.