CHAPTER TEN
“Ate?” walang imik na tiningnan ni Geri ang kapatid habang nakapatong ang baba sa likod ng dalawang kamay nito. Nasa harap ito ng counter at pinagmamasdan ang ginagawa niyang paghahalo sa mga ingredients . Inungutan kasi siya ni EJ na gumawa siya ng leche flan tulad ng ginagawa ni ate Len. Ngunit hindi siya marunong kaya nagkasya na lang siya sa pagbe- bake ng Popcorn, pretzel and M&M’s cake na itinuro sa kanya ni Cassie.
“Bagay sa’yo ang wedding ring mo. Meron din ba si Kuya Jershian?” inosente nitong
tanong.
“Meron.” Sagot niya sabay sulyap sa white gold ring kaliwang palasingsingan niya. Noong mismong araw din ng kasal nila ay dumaan sila sa isang jewelry store at bumili iyon. Hindi naman naging problema ang pagsasabi kay EJ dahil sa bukod sa bata pa ito ay alam naman nito na hindi sila buong magkapatid. It will take some time for him to really absorb everything.
“Kailan kayo magkaka-baby?” muli nitong tanong.
Marahas siyang lumingon sa kapatid sabay ng pagkalito ng isip niya. Gusto niyang kutusan ito dahil kung anu-anong pumapasok sa utak nito.
Kasal man sila ni Jershian ay hindi pa nila nagagawa ang magtabi sa pagtulog. Sa loob ng kwarto nito sa mansyon ay sa malaking sofa bed ito natutulog at siya sa kama nito. Ni hindi pa nga ulit siya nakakabalik sa sariling pad nito dahil ito ang umaayaw. Hindi naman niyang magawang magtanong dahil lagi siyang nauunahan ng hiya. At isa pa, pakiramdam niya ay wala pa rin siyang karapatan dito kahit na mag-asawa na sila. Nararamdaman din niya ang pagkailang nila sa isa’t-isa. May pagkakataong napagmamasdan niya ito ngunit bigla ay mapapalingon ito sa kanya na mabilis naman niyang babawiin ang mga mata.
“E-ewan ko eh.” Paiwas niyang sagot. Tumalikod siya at kinuha ang pan at nilagyan ng sunflower oil iyon.
“Ate, nakita ko pala ang kotse ni Tita Naida sa harap ng mansyon dati.” EJ said.
Natigil ang pagpapahid niya at napatitig dito. Saka kinabahang bigla. Anong ginagawa ng tita niya doon? Talaga bang totohanin nito ang banta nito?
“N-nakita ka ba?” pilit itinatago ang kabang nararamdaman. Parang sasabog ang puso niya ng mga oras na iyon.
“Hindi. Ayaw akong palabasin ni ate Lyka noon, eh. Bakit ‘andun si tita?”
Naghagilap siya ng sasabihin. Madalas na nagpapadala ng text sa kanya ang tiyahin na panay pananakot nito. Ilang ulit na rin niyang binalewala ang mga tawag nito.
Noon din naman tumunog ang cellphone niya. Nilapitan niya iyon at inalam kung sinong tumatawag. Ngunit naging mabilis si EJ at ito na ang sumagot. She anticipated as he answered the phone.
“Hello?” EJ said. Kumunot ang noo nito. “Hello?”
“Ate, walang nagsasalita.” Iniabot ni EJ ang aparatu sa kanya. “Hello?” siya na ang sumagot.
“Geri.” Anang boses babae.
Ngali-ngaling ihagis ni Geri ang phone dahil boses ng tiyahin niya iyon. Naglaho-laho na ang kanyang nararamdamang galit, kaba, pagkalito at takot.
“A-anong kailangan ninyo?” lakas-loob niyang tanong.
“Magkita tayo at kailangan ko na ang pera. Huwag mo akong subukan kung ayaw mong ako ang sumugad dyan.” Matalas na sagot nito.
Tiningnan niya ang kapatid na nakatunghay sa kanya. Tahimik itong nakamasid sa pakikipag-usap niya. Bahagya siyang lumayo kay EJ.
“Wala akong pera.” Mahina niyang tugon.
“Puñeta, Geri! Huwag kang gumawa ng dahilan. Alam kong nagpakasal ka sa apo ng Don. Kung hindi ka magpapakita ngayon ay pagsisisihan mo ito.” Bulyaw ni Naida.
Nagbuntong-hininga si Geri upang pigilan ang sarili. Hindi dapat makahalata si EJ. “Saan tayo magkikita?” bagsak ang loob niyang saad.
Sinabi lang nito ang lugar at walang habas na pinatay nito ang sariling linya. Nalulumo siyang muling lumapit sa kapatid.
“EJ, aalis lang ako sandali. Babalik ako kaagad.” Paalam niya sa kapatid. “Saan ka pupunta?”
Sumandaling nag-isip si Geri. “Er…may bibilhin lang ako. May kulang kasi sa ingredients natin. Babalik ako kaagad. Magsabi ka lang kay ate Lyka mo pag may kailangan ka ha.”
“Sige. Pero balik ka agad, ha.” Sagot nito. “Oo.” Niyakap niya ito ay hinalikan ang pisngi.
Bago siya lumabas ay ibinilin niya kay Lyka na bantayang mabuti si EJ. Tinakot pa niya na isusumbong sa boss kung hindi nito gagawin iyon.
“Opo, ma’am misis.” Nakangiti nitong sabi.
Kahit na sabihing nagulat ang lahat nang sabihin ni Jershian ang tungkol sa naganap na kasalan ay wala namang nagtanong at nag-usisa pa. Wala naman sa ugaling ng mga ito ang makialam sa personal na transaksyon ng bawat isa kung hindi kinakailangan.
“Salamat.” Saad niya bago tuluyang nilisan ang mansyon.
Sa isang fast food chain sa España nagkita sina Geri at Naida. Ngunit bago siya tumuloy doon ay winithdraw niyang lahat ng laman ng personal account niya na binuksan ng Papa niya noong nasa kolehiyo pa siya. Umabot din iyon ng thirty thousand at iyon ang ibibigay niya dito.
Nang makita ito ay nag-alangan siyang lumapit sa kinauupuan nito dahil may katabi itong lalake. Malaki ang pangangatawan nito nakakatakot ang mga mata. Kumakain ito ng spaghetti at parang hindi yata naturuan ang tamang manners sa mesa. At tiya naman niya at tila naiinip na dahil panay ang lingon sa paligid.
Humugot muna ng malalim na hininga si Geri bago lumapit sa mga ito. Agad naman siyang nakita ni Naida at ngumiti nang hindi maintindihan.
“Mabuti at dumating ka na. Maupo ka. Gusto mo bang kumain.” Nakataas ang kilay na wika ni Naida. Ang lalaking katabi nito at sumulyap lang sa kanya at itinuloy ang pagkain.
Nanatili siyang nakatayo. “May dala akong pera pero ito na ang una’t huli akong magbibigay sa inyo. Wala na talaga akong pero, tita.”
Hindi pinansin ni Naida ang sinabi niya bagkus lumipad ang tingin nito sa kaliwang kamay niya na nakahawak sa croissant bag niya.
“Maganda ang singsing mo.”
Noon tumunghay ang lalaki tumingin din sa singsing. “At siguradong akong mahal din
‘yan.”
Wala siyang sinabi. Binukan niya ang bag at inilabas ang isang sobre. “Heto na ang
pera.”
Tinanggap nito ang sobre. Ang lalaki ay tumigil sa pagsubo at tumingin sa tiyahin niya.
Sinilip nito ang lilibuhing laman ng sobre.
“Barya lang ito.”
“Sarili kong ‘yan, tita. Hindi ko ginagalaw ang pera nila. Ito na ang huli.” She snapped.
Akmang tatalikod siya nang pigilan nito ang braso niya.
“Asawa mo na ang apo ng ni Don Emman kaya isa ka na rin sa kanila. May karapatan ka na sa pera nila.” Bulong ni Naida habang mahigpit na hawak ang braso niya.
Nag-iwas siyang tingin. Punung-puno ang kalooban niya ng galit at inis sa sariling tiyahin. Bakit hindi na lang ito matuwa sa ibinigay niya at panay pa ang habol sa kayamanan ng iba?
“Tigilan n’yo na ako. Wala kayong makukuha sa’kin. Hindi ko gagalawin ang pera ng asawa ko.” Nagngitngit din niyang sagot.
Binawi niya ang sariling braso at walang salitang iniwan ang mga ito. Umaasa siyang ito na ang huling guguluhin siya nito. Naibigay na niya ang nararapat. Maubos na ang lahat sa kanya. Basta huwag na lamang silang guguluhin nito.
Ginabi ng uwi si Geri sa mansyon dahil bukod sa hapon na sila nang magkita ng tiyahin ay inabot din siya ng katakut-takot na traffic. Dumaan pa kasi siya sa Roxy dahil nagtext si Cassie. Naroon daw ito sina Cleo. Pagdating doon ay hindi niya napigilang magsabi ng problema niya. Nagulat din ang mga ito at sinabi ni Cassie na sasabihin nito kay Lourd upang makahingi ng tulong sa ama nitong isang hukom.
Nilakad niya hallway sa kaliwang bahagi ng mansyon. Nang marating ang dulo ay itinulak niya ang wooden door. Sinalubong siya ng malakas na ingay. Sound proof ang buong kwarto kaya walang nakakarinig kung maingay man sa loob. Ngunit dahil sa isang buwan na rin siya doon ay alam na niya kung saan namamalagi ang kapatid niya.
“Ang daya mo, kuya!” tumatawang sigaw ni EJ habang nakatayo at hawak ang consule.
Nakatutok ang mga mata nito sa malaking screen. The cousins were playing virtual game.
Nakaharap sa kanya ang screen kaya nakatalikod sa kanya ang dalawa. Nakita niyang nakalupagi si Jershian sa carpet. Nakasandal ito sa easy chair. Nakatutok din ang atensyon nito sa nilalaro.
Tahimik siyang lumapit sa mga ito. Tila namalayan ni EJ iyon kaya lumingon ito sa likuran. Ngumiti ito kaagad nang makita siya.
“Ate, halika. Sali ka.” Yaya nito.
She just smiled and looked at her husband. Parang wala itong narinig ngunit nawala ang ngiti nito. Ngayon ay seryosong nakatingin ito sa screen. Alam niyang siya ang dahilan noon.
“Oh, I’m dead.” Jershian groaned and put away the console from his hand. “Ayoko na.” “Huh?” nagtatakang saad ni EJ kahit nasa laro pa rin ang atensyon.
“Ikaw na lang maglaro.” Tumayo si Jershian at tumalikod. Lumakad ito papunta sa pinto. Hudyat iyon ng pag-uusap nila. Sinadya nitong magpatalo sa laro upang hindi mahalata ni EJ. Hinaplos niya ang buhok ni EJ saka ito iniwan upang sumunod sa asawa.
Nakahiga sa kama ni Jershian at nilalaro ng isang tennis ball na inihahigis nito sa ere nang pasukan ni Geri. Nagbuntong-hininga siya saka tinungo ang walk-in closet. Naroroon ang mga damit nila ngunit magkahiwalay pa rin ng cabinet.
Hinubad niya ang suot niyang platform saka sumandal sa nakasarang dahon ng cabinet.
She closed her eyes and grabbed some air. Napagod siya sa hindi niya maintindihang dahilan. “Mukhang hindi naging maganda ang usapan ninyo ng kung sinuman kinatagpo mo.”
Naimulat niya ang mga mata nang marinig ang boses na iyon. Sa bungad ng closet ay nakatayo si Jershian. Nakasandal sa hamba ng pinto.
“Galing ako sa Roxy. Nagkita kami nina Amber.” Hindi niya alam kung paano at saan nagmula ang dahilang iyon. Marahil ganoon talaga kapag kailangang may pagtakpan.
“Talaga? Bakit parang hindi ka masaya sa pagkikita ninyo. It should be fun.” Hindi kumbinsido nitong tugon.
Pinili na lamang niyang huwag sagutin iyon dahil wala siyang maisip na sabihin.
Binuksan niya ang sariling cabinet at kumuha ng pamalit saka tumingin dito.
She rumbled rapidly as she looked at him. Nakatitig ito sa kanya na parang hinuhugot ang kaluluwa niya. Biglang nagbago ang tibok ng puso niya. Bigla rin siyang nailang.
“M-magbibihis ako.” gusto niyang kutusan ang sarili sa panginginig ng tinig. Hindi naman niya kailangan maging ganoon.
“Pwede kang magbihis habang nag-uusap tayo.” Mabilis nitong sagot.
She rolled her eyes in frustration. She blew a breath harshly. “Lumabas ka muna at magbibihis ako.”
“Sino ang kasama mo kanina?” imbes ay tanong nito. Hindi maikakaila ang pinipigil na
galit.
“Sinagot ko na ang tanong na ‘yan, hindi ba?”
He snorted. “Really? May cellphone ka at alam mo ang number ko. Hindi mahirap kung nagpaalam ka. At nagawa mo pang iwan si EJ. Ang sabi n’ya sa’kin dapat ipagbebake mo s’ya.”
She sighed. “I’m sorry.”
“Damn it!” agap nito at mabilis na lumapit sa kanya. Marahas nitong hinawakan ang braso niya at iniharap siya dito. “Is that all you will say, sorry? Are you playing games with me? Are you seeing someone else?”
Mabilis na kumilos ang isip niya galit na itinulak ito. “Mga kaibigan ko ang kasama ko.”
Iniwan niya ito at muling pumasok sa kwarto. Sumunod naman ito sa kanya. Nasa gitna na siya malapit sa kama nang muli nitong mahagilap ang braso niya.
“Pareho tayong nakatali sa kasal na ito kaya matuto kang gampanan ang tungkulin mo. At unang-una na doon ang ipaalam mo sa’kin kung saan ka pupunta, kung sinong kasama mo at kung anong dahilan. We both sacrifice on this so play your part of the bargain.”
“Ginagawa ko naman ang parte ko at hindi ako nagsisingungaling sa’yo.” nagmamatigas niyang sagot.
Sinubukan niya ang lahat upang manatiling matatag dahil unti-unting nilalamon ang sensasyon ang pakiramdam niya dahil sa sobrang malapit nito sa kanya. She suddenly felt like melting in his arms. At sa tuwing hahaplos sa mukha niya ang hininga nito ay parang lalong nadadagdagan ang kaba niya.
“You are not doing it. In fact, hindi mo pa nagagampanan ang pagiging asawa sa akin.” Makahulugan nitong saad.
A-ano?” she stammered. Naalarma ang pakiramdam niya sa uri ng tingin nito sa kanya.
Napagtagumpayan niya ang kumalas dito at una niyang ginawa ang umatras ngunit kama na pala ang naatrasan niya kaya napaupo siya. Sumunod ito sa kanya at hindi na siya nakakilos nang dumikit ito at ikinulong siya nang itinukod ang dalawang kamay sa tigiliran niya.
She tried to move but he is too closed that her face could touch his. Her senses went to alarm. Biglang nalito ang utak niya.
“You must-”
Mabilis na kumilos ang mga kamay niya upang pigilan ito. Ngunit tila isang pagkakamali iyon dahil lumapat iyon magkabilang balikat nito. Her purpose was to push him away but he grabbed her arms in haste. Napahiga siya sa kama na nasa ibabaw ito at nakatuon ang isang
tuhod nito sa gilid ng kama upang doon kumuha ng bigat. Her arms are on the top of her head tied by his hands.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” he asked in a hiss.
“Ikaw ang dapat ang tanungin ko.” she answered as hesitant speech.
He smiled slightly. Naramdaman niya ang ipinaloob nito ang mga daliri nito sa kanyang mga kamay. He massaged it softly but firmly.
Geri rapidly felt urgent. Something blissful crossing from outside of her driving deeply inside her. Kakaibang init na noon lang niya naramdaman sa tanang buhay niya.
“We should have done it before.” He whispered to her face. Wala sa loob na napapikit si Geri. Without seeing it, he kissed her naked neck and licked her flesh.
She moaned softly. Gumapang ang labi nito mula sa leeg niya patungo sa baba niya hanggang sa gilid ng kanyang labi. His lips are so hot and pampering at the same time.
“A-nong ginagawa mo?” nagawa pa niyang itanong sa gitna ng lahat ng nararamdaman
niya.
“Geri, be my wife tonight.” Bulong nito sa kanya sabay na paghalik sa kanyang punong
tainga.
“No.” ganti niyang bulong bilang pagtanggi ngunit tila hindi iyon ang ibinubulong ng katawan niya. She must really wake up from such beautiful nightmare with him.