ROXY CITY BOOK 5 (LOVE OR NOTHING) Chapter 9

CHAPTER NINE

“When cupid strikes, it’s bull’s eyes.” Umiiling na wika ni Jeuan kay Jershian habang nasa pagking lot sa labas ng opisina ni Judge Romero Fortes, ama ni Lourd. Ito ang magkakasal sa kanila ni Geri. Ngunit kasalukuyan pang kinakausap ni Lourd ang ama nito.

He snorted but smiling. Alam niyang nagbibiro lang ito upang ipakita ang hindi pagsang- ayon sa mabilisan niyang desisyon. Nang dumating siya sa studio at sabihin ang balak niya ay tanging tampal sa noo at iling ang naging sagot nito. He was his friend ever since learn how to be a friend. Sinubok na ng panahon ang pagkakaibigan nila. Kahit na noong umalis ito at tumira sa Italy nang ilang taon.

“Ayaw mo ba sa kanya?” tanong niya sa halip, tukoy si Geri. Manaka-naka niyang sinusulyapan ang wristwatch dahil hindi pa dumadating sina Geri. Nagpa-iwan kasi ang ‘Xquizit pagkatapos ng ‘speech’ niya. Gusto daw munang makausap ng mga ito si Geri. Nang masinsinan.

“May sinabi ba ako? Naisip ko lang. Hindi kaya magkaproblema ka sa lolo mo. Hindi s’ya katulad natin. I have nothing against Geri. Pero hindi s’ya ang tipo ng lolo mo na gugustuhin n’yang mapangasawa mo.” sagot nito.

Nakasandal sila sa hood ng Jaguar niya at panay hithit ng sigarilyo. Katatapos lang nitong kumain ng tanghalian kasama sina Mike at Marlon. Hindi na sumama sina Mike dahil kailangan ang mga ito sa business ng mga ito ng isang clothing line.

He should be eating with them but he refused. Naisip niya na baka hindi pa kumakain si Geri at sinabi na lang niyang sasabay na lang dito. Tinawanan siya ni Jeuan matapos sabihin iyon. The idea was a plain concern but his curling mind made the story and said that he was into

something more intimate with her. Dapat ay maiinis siya ngunit tila may nararamdamang kakaibang init ang puso niya dahilan upang mapangiti siya.

“Pinag-isipan ko na ‘yan. And I think I have to tell you the truth.” Tugo niya.

Taka itong tumingin sa kanya. “So, sinsabi mo na arte mo lang ang lahat kanina? Tama ang hinala ko na may kinalaman ito sa lolo mo?”

Tumango siya. “Nakita ko na ang pinsan ko. Kapatid ni Geri.”

“Whoa.” Ani Jeuan. Sinimulan niyang ikwento ang lahat dito. Panay ang iling nito. “Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko pero-”

“Here comes the bride.” Sambit ni Jeuan sa kanya at mabilis siyang siniko. Nakita nila paparating na Nissan x-trail na nakita rin niya.

His heart bit paced a little faster. Iyon ang sasakyan ni Cassie at sigurado siyang sakay din noon ang magiging Mrs. Jershinal Charl Rover Lagdameo Sianco. His wife.

Humimpil sa tabi ng kotse ang sasakyan at bumukas ang driver seat kasabay ng passenger seat. Bumungad kaagad ang seryosong si Amber. Kasunod ang iba pang kaibigan ni Geri.

“She’s ready.” She said. And his eyes immediately searched for her. Hindi naman siya nabigo dahil agad niyang nakita ang dalaga.

Alanganing lumapit si Geri kina Jershian at Jeuan na hawak ang pouch niya. Kinakabahan pa. Agad niyang nakita ang binata suot pa rin ang asul na polo na nakatupi ang manggas hanggang kalahati ng braso nito. Bahagya niyong natakpan ang tattoo nito. Pinatungan iyon ng itim na vest na hindi naman ibinutones. Nakapantalon lang ito at sneakers sa paa. Hindi niya maintindihan ang fashion statement nito ngunit nagugulat siya dahil bumagay dito ang suot.

Samantalang siya ay nakasuot ng puting scalloped dress na dala ni Amber sa sasakyan nito. Ang hanggang balikat niyang buhok ay hinayaan lang na nakalugay. But Cleo put some make-up on her. Ayaw sana niya ngunit mapilit ito. Sinabi nito na kahit madalian ang kasal ay dapat maganda pa rin siya. Kahit pa hindi lubos na sang-ayon ang mga ito sa gagawin niya.

Ayaw niyang maging disappointment sa mga kaibigan niya. Alam ng mga ito kung paano siya tumanggi sa relasyon dahil sa kagustuhan niyang maging maayos ang buhay nila ni EJ. At alam niyang masama ang loob ng mga ito sa kanya. Ngunit wala na siyang magagawa. Iyon ang naisip niyang paraan upang matrotektahan ang kapatid niya.

“Matagal pa ba tayo?” Tanong ni Kathryn sa dalawa habang siya ay tahimik na nakasunod dito.

“Hindi naman.” Si Jeuan ang sumagot dahil si Jershian ay nakatitig lang sa kanya.

Biglang nakaramdam ang pagkailang si Geri. Naisip niya na baka hindi maganda ang pagkakalagay ng make-up o kaya ay hindi bagay ang dress na suot niya.

“Let’s go. Hinihintay na tayo.” Sa pagkabigla ng lahat ay bigla siyang hinawakan ng binata sa kamay at bahagya siya hinihila nang naglalakad na sila.

“Alam ko na ngayon kung paano ma-in love si Jershian.” Narinig pa niyang saad ni Jeuan kay Cassie habang naglalakad sila.

May labin-limang minuto na silang nasa loob ng opisina ng hukom nang bumukas ang pinto at pumasok ito ang isang makisig na lalaking nakabarong. Kasunod nito si Lourd.

“Please leave me and Mr. Sianco for a minute. I want to talk to him.” Maawtoridad na wika nito habang lumalapit sa mesa nito.

Pare-pareho mang nagulat ay walang nagawa ang lahat ng naroon kundi magtinginan at kumilos upang lumabas. Si Geri na noon ay nakaupo sa visitor’s chair at akmang tatayo nang mahagip siya nito.

“Ikaw ba ang nobya?” makakaalarmang tanong nito.

Muli siyang napalapat ng upo sa tinig nito. Lumipad ang tingin niya kay Jershian na noon ay nakasandal sa tabi ng malapad na book shelf.

“Yes.” Si Jershian ang sumagot ngunit nasa kanya ang mga mata nito. Mukhang nabasa ng binata ang kaba sa kanya.

Kumilos ang mga mata ng hukom at muling bumalik sa kanya. “Alright, you stay. The rest, out.”

Walang salitang lumabas ang lahat at tahimik ding isinara ang pinto. Nang maiwan silang tatlo ay sumandal ang hukom sa executive chair nito.

“Maupo ka, Jershian.” Utos nito na sinunod ng binata. Sa katapat na upuan niya ito umupo.

Sa ilang sandali ay pare-pareho silang seryoso at walang imik. Ang hukom ay palipat- lipat ang paningin sa kanila. Siya naman ay mas lalong walang maisatinig.

“Kinausap ako ng anak ko tungkol dito kaya ako nahuli.” Panimula ng hukom. “At sinabi n’ya na hindi planado ang kasal na ito pero sinabi rin niyang walang makakapigil sa inyo kahit pa ang bagyo.”

Lumukot ang ilong ni Jershian at umayos ng upo. “Kung ayaw ninyo kaming ikasal ay aalis na lang kami.”

“Shut up.” Napapitlag si Geri sa tono ang boses nito. “Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin.”

Noon lumipad ang mata nito sa kanya. The judge has a demeanor and arrogant face. But she also traced the pleasant attitude from his eyes. It was like full of contentment and love.

“Bigyan mo ako ng magandang dahilan, Jershian.” Ito pa rin ang nagsasalita.

Nakita ni Geri ang mariing pagpikit ng binata. Why she felt something like burden from his eyes she cannot clear. At parang gusto niya itong aluin ito nang sandaling iyon. Bakit bigla ay naramdaman niya? Hindi niya alam.

“Kaya kong panindigan ‘to. Ako nang bahala kay lolo.” Mabigat ang salitang sagot ni Jershian.

“Hindi ko pinoproblema ang lolo mo.” Nagbuntong-hininga ito. Umangat ang likod mula pagkakasandal. Ipinatong ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. He entwined his fingers of his two hands. He looked at them deeply.

“May kakayahan akong magkasal ngunit ikinakasal ko lamang ang mga handa at nagmamahalan. I doubt if you two are in any of it. Isang kalokohan ang ginagawa ninyo.” saad nito sabay tingin sa kanya.

“Anong dahilan mo?”

Napabuntong-hininga siya. “May kanya-kanya po kaming dahilan.” “Tulad ng pera?” he snapped.

“Tito.” Saway naman ni Jershian dito.

Maya-maya’y kinuha nito ang papel na nagsisilbing marriage contract nila at walang tanong na pinirmahan iyon. Tumayo ito.

“Panindigan mo ang kasal na ito, Jershian. Pangalagaan mo ang magiging pamilya mo. Hindi ko alam kung paano mo gagawin. Panghahawakan ko na lang ang tiwala ko sa’yo.” Iyon lang at iniwan na nito ang mesa pagkatapos ay tahimik na lumabas ng opisina.

Nagbuga nang hininga si Geri na parang noon lamang ginawa iyon sa buong oras na kaharap ang hukom. Si Jershian ay tahimik na tiningnan ang kontrata.

“Ano sa tingin mo ang nasa isip niya nang pirmahan niya ang marriage contract natin?” tanong niya sa binata.

“Alam niyang alam ko ang ginagawa ko.” He said.

Hindi man lubos na naiintindihan ni Geri ang sinabi nito ay hindi na rin niya inusisa iyon. Bukod sa wala siyang karapatan ay alam naman niya ang totoo nilang sitwasyon kaya sila nagdesisyong magpakasal.

Nakita niyang pumirma na si Jershian sa kontrata at iniabot nito ang ballpen sa kanya.

Tinanggap niya iyon ngunit hindi pa lumagda. “Wala nang oras.” Inip na saad nito.

“Paano ang para sa mga witness?” wala sa loob niyang naitanong.

“I’ll call them.” Sagot ni Jershian at lumabas ng opisina. Maya-maya’y bumalik ito kasama sina Jeuan at Amber.

Pinirmahan ng mga ito ang kontrata at sa huli ay iniabot iyon sa kanya. Halos pikit mata at mabilis na pumirma si Geri. Ngayon ay malinaw na nakasal na sila. It will take only a few hours before it is put on the record of their names. Mapapalitan na ang de Claro sa pangalan niya. She wanted to shiver on that thought, very fast-pacing indeed.

“Ipapaasikaso ko na lang ang filing kay Elbert. Let’s go.” Naunang tumayo ang binata at muli nitong hinawakan ang kamay niya. Magkaagapay silang lumabas ng opisina.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi man lang niya ito sinasayaw sa ginagawa nito. Dahil ang totoo ay parang gusto niya na malapit ito sa kanya. She feel so secure

and safe with him, sila ni EJ. Iyon marahil ang naging dahilan niya kung bakit ito ang tinakbuhan niya nang mga oras na wala na siyang maisip na paraan tungkol sa pananakot ng tiyahin niya.

“Dapat may celebration.” Kumento ni Jeuan sa kanilang likuran.

“Kumain ka na ba?” masuyo ang tinig ni Jershian nang lumingon sa kanya. Tiningnan niya ito at muli na naman niyang nakita ang kakaibang tiim ang mga mata nito. But she cannot describe it this time. The collision of opposite emotion lingered in his eyes. Pinili na lamang niyang iiwas ang tingin.

“Hindi pa.” tipid niyang sagot.

“I wanna have a private lunch with my wife. Okay lang ba?” wika ni Jershian nang bumaling sa dalawa.

“What?” hindi nasisiyahang tugon ni Amber. “Naghihintay sila sa parking.”

“Babawi ako next time, Amber. And thanks for coming and helping.” Naglalambing sa sagot ni Jershian.

“Halika na, pabayaan na natin ang bagong kasal.” Mahina namang hinila ni Jeuan si Amber at wala na itong nagawa kundi magparaya.

“Ano na ngayon?” tanong niya nang maiwan sila at binawi ang sariling kamay sa pagkakahawak nito.

“Bibili tayo ng singsing pagkatapos nating kumain.” Sagot nito na ikinapikit niya.

“Hindi ‘yan ang tinatanong ko. Ngayong kasal na tayo, anong mangyayari? Paano natin sasabihin kay EJ? Paano mo ipapaliwanag na mag-asawa na tayo?”

“Bakit ba ang dami mong tanong?” kunot ang noong tanong din nito. “Nililinaw ko lang ang lahat.”

He snorted. “Malinaw naman, Geri. Kasal na tayo. At wala tayong ibang gagawin kundi panindigan ito. Clear?”

Hindi siya nakahuma. Paano nila paninindigan ang lahat kung wala naman silang nasimulan? Ni hindi sila magkasintahan o magkaibigan man lang. Paano nila gagampanan kung wala naman silang pundasyon?

“Paano natin gagawin ‘yon?” naguguluhan niyang tanong. Napapikit siya dahil bigla siyang nahilo. Marahil dahil sa gutom. Wala pa kasi siyang nakakain na kahit na ano simula kanina.

“Are you okay?” she sounded concern in his voice.

“Okay lang.” pagkakaila niya. Nauna na siyaing lumakad at sumunod ito sa kanya.

“You must be really hungry. Mukhang hindi mo kinain ang inihanda ni Manang. Too excited for the wedding?” nanunudyo nitong tanong sa kanya.

She smirked and walked faster. “In your dreams, Mr. Sianco.”

“It’s Jershian, Mrs. Sianco. Simula ngayon ay kalimutan mo na ang pormalidad na ‘yan.” Hinila siya nito pabalik. Sa paghila nito sa braso niya at nagtama ang mata nila.

“Masyadong naging mabilis ang pangyayari. Nakalimutan ni Tito Rom ang pinakaimportante sa seremonya ng isang kasal.” Pagkasabi noon ay hindi nakakilos si Geri dahil lumapat na ang labi nito sa maang niyang labi.

Pagkalipas ng ialng sandali ay mangha pa rin si Geri nang bumitiw si Jershian sa kanya at nakangising lumayo sa kanya.

“You are sweet for a bride.” “Jershian.”

“What? Don’t tell me pagbabawalan mo ‘kong halikan ka.” Anito. He seemed amused.

“Alam kong asawa mo na ‘ko. Ang-”

Hindi na niya nagawang tapusin ang sinsabi niya dahil muli nitong nilusob ang labi niya. He kissed her again. But it was intensified this time. His lips tasted good. Naramdaman ng panlalabot ng mga tuhod si Geri kaya kusa nang kumapit sa batok nito ang braso niya. His gripping arms seized her.

Hindi na napigilan ni Geri na tumugon sa mapangahas nitong halik. She opened his lips to welcome her invader. Kaya lalo lumalim ang halik nito tulad ng lalong pag-igting ng kapit niya dito. She was trembling and felt like melting.

Hanggang sa matapos ang halik na iyon at nanatiling nakapikit ang mga mata ni Geri.

She frozed. Her breathing went hot.

“Such a seducer.” Sabi nito at nagmulat siya ng mga mata. Hanggang tila napahiyang lumayo dito. He laughed. At iniwan siyang tulala ng kanyang asawa.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.