CHAPTER TWELVE
“I can’t wait, wanna see…how this night is gonna be…Just a touch, a way…From the feeling that is here’s to stay.” Parang hinugot ang hininga ni Jershian mula sa kanyan nang bumuka ang labi ni Geri nang magsimula itong bitiwan ang lyrics tugtog.
Humihilagpos sa buong katawan nito ang berdeng laser lights at background nito ay ang nag-iibang techno template na umaayon sa bawat galaw na dalaga.
Palibhasa’y kumakanta rin ito, nilagyan ito ni Lourd ng maliit na mike sa gilid ng bibig nito. And her voice was amazing. Noon lang niya nakita ang talagang performance nito. Madalang kasi nilang mapanood ang ‘Xquizit dahil busy din sila.
“Arch your back, Geri!” pasigaw na sabi ni Cleo na nasa gilid na pala ng stage.
Palibhasa’y ito ang choreographer ng grupo.
Geri swayed a hip at kumilos din ang ilaw at nagbigay iyon na kakaibang view. Mangha sila sa ideyang nagawa nina Lourd. Magaling na ginamit ng mga ito ang censor upang makabuo ng ganoong effects. At kahanga-hangan rin sina ni Cleo dahil kaagad na naintidihan ng mga ito ang gagawin. It was as if Geri immediately merged with light at napasunod nito kaagad nito. Kahit ang dulo ng mga daliri nito ay nagagawang pakilusin ang ilaw. Parang hawak talaga nito ang laser light.
“Take my hand, close your eyes…So this sweet little things that make me cry…Catch my tears with a kiss…This special moments do exist.” Awit ng husky voice ni Geri na lalong nagdulot ng kakaibang init kay Jershian. Tila kay bilis na namnumbalik sa kanya ang nangyari sa kanilang noong nakaraang gabi.
Her curves, her skin and her softness. Sadyang ginigising ng kanyang asawa ang hindi mapigilang urgency sa kanya. Tanging si Geri ang nagdudulot noon sa kanya. Simpleng tingin
lamang nito ay nag-iinit na ang katawan niya. She was like a magnet of desire. At siya lamang ang nahihigop ng magnet na iyon.
Bumilis ang tugtog at nagsimulang gamitin ni Geri ang hulahoop. Nawala ang background upang bigyang emphasize ang hugis ng hulahoop.
“Wooooh! I love you, Geri. Sleep with me tonight!” sigaw ni Cassie na hindi napigil ang paghanga sa kaibigan. Napakagaling ni Geri. She was so sensual and too sexy. Hindi na tuloy siya mapakali sa kanyang kinauupuan.
“Galing!” sigaw naman ni Mike at panay ang palakpak. “Calvin! Bilhin natin ‘yan para sa design.”
Napangiti sila ni Calvin dahil sa bilis ng imahinasyon ni Mike. Hindi na siya nagtaka. His friends were such some artistic jerks.
Geri continued singing and dancing. She was a one man entertainment. Isang matalinong investment ang ginawa ni Roxanne nang buuin nito ang ‘Xquizit. These women were the epitome of passionate talent and skills. Hindi talaga maitatanggi ang galing ng mga ito. Lalo na si Geri. From his perspective and eyes, his wife was the greatest. She completed a puzzle of gambled life, his empty heart.
“We’re walking on sunshine…in the middle of the night…and it feels like I’m somewhere above the sky…”
Yes. He felt he was in sunshine looking at her. Her heat was like the sun and it melted him. Dinadala siya ni Geri sa isang lugar na tanging sila lamang dalawa ang nakakaalam. Sana’y tulad sila ng nasa isip ni Geri. He wanted them to collide. Iyon ang isinisigaw ng kalooban niya. Na nakalaan para sa kanya ang bawat galaw at ikot nito.
Kumilos ang mga mata nito at nagtama ang mga tingi nila. Her eyes were fiercely desirable. Tinitigan siya nito. Parang gusto niyang hilahin ito palayo sa lugar na iyon. He wanted to take off her clothes and ripped her sanity with his.
Ilang effects pa ang ginawa nina Lourd kaya tumagal pa ng isang minuto ang performance. Isang napakaingay na audience ang sumunod na eksena. Naroong tumakbo pa si Amber upang yakapin si Geri. Pinaghahalikan nito ang asawa niya.
“Oh my God, girl. Ang sexy-sexy mo. Kung ako ang asawa mo, kawawa ka sa’kin mamaya. You seduced me hard, baby.” Anito sa kaibigan. Tumawa lang ang hinihingal na si Geri. Saka tumingin sa kanya.
“Yeah, definitely.” Sabi niya habang titig na titig sa asawa.
“Oooh…” anang ilan na naroroon. Napatawa siya. Ilang na ilang si Geri na nagiging usapan. He was amazed to his wife. Napakaangas nito sa stage habang sumasayaw. Ngunit nang kaharap na niya ito ay tila gusto nitng matunaw na lang.
“Bata na ang kasunod n’yan.” Narinig nilang biglang biro ni Roxanne. Napalingon sila dito. “Kids nowadays. Aggressive.”
“Di naman po lahat.” Si Mike. “Ako behave.”
“Mama’s boy.” Pagbibiro ni Lourd. Kinutusan ito ni Mike. Nagtawanan ang lahat. Kilala sa pagiging torpe si Mike kaya kahit na trenta y dos anyos na ay iisa pa lang ang nagiging girlfriend.
“We’ll go ahead.” Aniya at nakangiwi na lang siya sa naging reaksyon ng marami. “Sinasabi ko na eh.” ani Marlon. “Bago matapos ang taong ito. Ang daming binyagan.” Tawanan ulit.
“Pisting buhay! Gastos ‘yan.” Reklamo ni Mike.
“Eh ‘di hindi namin kayo kukuhaning ninong.” Saad ni Kathryn.
“Ay, hindi pwede. Nakalista na kami.” Agap ni Marlon. “Di’ba Mike?” “Hmmm, kay Mama ako hihingi ng pakimkim.” Tugon naman nito.
Isang malakas na tawanan ang kumalat sa buong lounge. Hinawakan niya ang kamay ni Geri. Hindi naman ito pumiglas.
“Let’s go home. May tama na ‘ko.” Makahulugan niyang bulong sa asawa. Nasundan iyon ng isang marahas na paghinga ni Geri. He grinned. His wife answered his call. Kailangan na nilang makauwi.
“Go ahed. Let’s all call it a night.” Pagtataboy sa kanila ni Roxanne. “Uwi na rin ako. Bigla kong na-miss ang asawa ko.” Sabad ni Calvin. “Yun oh! Biglang Jubelle si ‘toy.” Biro ni Marlon.
Tumawa si Calvin. Saka nagsikilos ang lahat upang umuwi. The party was over. Malalim na rin gabi ang pare-pareho silang may mga gagawin kinabukasan. Paalis pa si Lourd patungong Singapore at si Kathryn naman ay Pa-Cebu para sa provincial tour nito. At si Cleo ay may luncheon meeting sa Malacañang kasama ng pamilya ni Gavin.
Hanggang makarating ng parking lot ay hindi niya binitiwan ang kamay ni Geri. It felt good for him. Parang may kung anong nagdikit sa mga kamay nila ay siya mismo ay ayaw kumalas doon. Hindi niya kayang i-justify ang nararamdaman niya. He only wanted to be with wife. Very much.
“Sinong kausap mo kanina?” biglang basag ni Geri sa katahimikan nito nang makasakay sila ng kotse. Napalingon siya dito.
“Si Elbert. May ini-report s’ya sa’kin.” Tugon niya. Saka niya naalala ang dahilan kung bakit galit siyang umakyat ng lounge kanina.
“Hindi si Elbert ang kausap mo. Si Arnie.” Anito nang hindi tumitingina sa kanya.
He chuckled. He can sense the jealousy. Totoong nagkita sila ni Arnie kanina. But that was accidental. Kasama nito ang mga kaibigan nito. They had a little talk but that was it. Naroong naramdaman niya ang pagpapahiwatig ni Arnie ngunit tinaggihan niya ito. Sinabi niyang may asawa na siya. At ganoon lang ang gulat nito. Saka galit na lumayo sa kanya.
“Oo, kausap ko s’ya kanina. Bago ako tawagan ni Elbert.” Sagot niya. Tumatakbo na sila
noon.
Wala na siyang narinig na tugon mula dito. Nilingon niya itong nakatingin sa labas ng sasakyan. Walang ngiting mababakas sa mukha nito. Napabuntong-hininga siya. Nag-umpisa na ang buhay may asawa niya. Fighting against his wife over petty things.
Nagtaka si Geri nang biglang itigil ni Jershian ang kotse saka lumabas. Sinundan niya ito ng tingin at nakitang umupo sa hood. Nanatili ito doon. Siya ay hindi alam kung lalabas din upang lapitan ito o hahayaan na lang niya ito. Ngunit sa huli ay lumabas din siya.
“May problema ba?” lakas-loob niyang tanong. Umaasa siyang hindi sungitan nito. Hindi naman kasi silang close para magtanungan nang ganoon.
Walang tugon. Nakababa ang tingin nito habang tila nag-iisip. Kinabahan siya. Mukhang magtatalo na naman sila.
“Let’s talk about Arnie.” Saad nito. “Anong tungkol sa kanya?” tanong niya.
“Hindi ko alam na magkikita kami kanina. She was with her friends. Nag-usap kami at oo, she tried to talk about us.” Sabi nito.
Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Parang sumakit ang ulo niya bigla. Masakit para sa kanya na malamang may ibang nakakapasok sa pagitan nila ni Jershian. He scared her to death that he can easily drop her like a trash. Dahil ang totoo ay hindi siya mahal nito.
“Sinabi kong kasal na ‘ko.” Anito at nilingon siya. “Panindigan na natin ‘to, Geri.” “Hindi pa ba natin ginagawa ‘yon?”
“Hindi pa. Dahil hindi pa rin tayo at ease sa isa’t-isa. Marami ka pa ring hindi sinasabi sa’kin. Gano’n din ako sa’yo. Kaya sinimulan ko kay Arnie. I want to play your husband.”
“Pinipilit ko naman.” Sagot niya at lumakad palapit dito. Tinabihan niya ito. “Kaso hindi naman gano’n kadali ‘yon. Biruin mo, last month, magkakilala lang tayo. Ngayon mag-asawa na tayo. Alam ko rin na hindi maganda ang tingin mo sa’kin tungkol kay EJ. Alam ko naman hanggang ngayon pinagdududahan n’yo pa rin ako. At mahirap para sa’king patunayan ‘yon. Dahil hindi ako kagaya mo na mayaman. Kahit na anong gawin ko ikokonekta n’yo sa maghabol sa pera n’yo. Hindi kita masisisi. Mahirap ako eh.”
“Let’s give each other’s chance if that’s the case.” Anito. She blew her breath. “Sige.”
“Pwede ba kitang hawakan?” tanong nito. Tiningnan niya ito dahil hindi niya kaagad naintindihan ang tanong.
“Pwede.”
Kumilos ito at inabot ang kamay niya. Bahagya siyang hinila nito palapit hanggang sa magkadikit sila. Saka kusa nang kumilos ang katawan niya at inihilig ang kanyang ulo sa balikat nito. Ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula dito. And it felt so tender and warm.
“Talaga bang gano’n ka kapag sumasayaw?” tanong nito.
“Anong ibig mong sabihin?” hindi ito nililingon niyang balik-tanong. Napatingin siya sa pulos tattoo nitong braso. Hindi niya napigilan haplusin iyon.
“Para kang nagsasabog ng sex.” Tugon nito at gulat niyang nahampas ang balikat nito. “Sobra ka naman.” Tila napapahiya niyang bulas.
Tumawa ito. His smile was beautiful. “Joke lang. Ang galing mo kasi. Any man could finish a round just watching at you. Gets mo ‘ko?”
“Porno?”
“Of course not.” Agap nito. “Tama na nga. Kung anu-ano iniisip mo. Gusto ko lang sabihin na...gusto ko ng exclusivity, Geri.”
Tiningala niya ito. “Asawa mo na ‘ko. Sa tingin mo ba may magtatangka pang umaligid sa’kin? Sino naman ang tangang lalaking gusto pumatol sa may sabit?”
“With a woman like you, any man would grab a chance.” Saad nito. “Kung gano’n wala kang tiwala sa’kin.”
He sighed. “Gusto kong magtiwala sa’yo.”
“Hindi ba dapat ako ang nagsasabi n’yan? Sa’ting dalawa alam natin kung sino ang may tendency na hindi magseryoso.”
Ngumiti ito. “Hindi ko hihingin ang bagay na ‘to sa’yo kung hindi ako seryoso. Magdesisyon ka na habang maaga pa. Pero kung mananatili kang asawa ko, wala nang pwede pumagitna sa’ting dalawa. I’m all yours and I demand the same from you.”
“Marunong akong tumupad sa usapan.” Aniya saka muling inihilig ang ulo niya.
Naramdaman niya ang paghalik nito sa ulo niya. Napangiti siya.
“May mga ibig sabihin ba ang mga tattoo na ‘to?” tanong niya habang pinagmamasdan ang braso nito. Natuon siya sa isang tarantula sa may pulsuhan nito.
“Nagkaroon ako ng girlfriend na may phobia sa spider. I want to test her kung gaano n’ya ako kamahal kaya nagpalagay ako kay Calvin. But when she saw it, after a week nakipag-break s’ya sa’kin.” Kwento nito.
Hindi niya napigilang tumawa. “Buti na lang hindi ako takot sa ganito.”
Kumilos ito at tinanggal ang cardigan. Lalo niyang nakita ang tila isang canvas na tattoo nito. Buong braso nito ay mayroon.
“This is me.” Turo nito sa forearm nito. Isa iyong cross tattoo. “Yong skulls sa baba ng cross, family ko ‘yan. Pwede akong tapusin ng hardships at alam ko na and’yan sila para sa’kin. At alam ko na sasaluhin nila hanggang kamatayan ko kaya dito ko sila inilagay.”
Napangiti siya.
“Gitara?” aniya nang ibaba niya ang tingin. May nakita pa siyang playing card na ace spade katabi ng gitara.
“I love playing base pero mas magaling si Marlon sa’kin. Kaya naging drummer ako. Naniniwala naman ako na life is a gamble kaya may playing cards. Spade kasi powerful among the cards. I gamble with power.”
“It’s all or nothing, gano’n?”
“No. It’s love or nothing. In love, you also gamble. Kung minsan kapag nagmahal ka, tira ka na lang nang tira. Hindi ka naman sigurado kung mananalo ka. You even forget to strategize. Kinagat mo na ‘yong bait eh. Kasi umaasa tayo sa winner takes all. Loser takes the fall.” Paliwanag nito.
“Naka-tattoo rin ang pangalan ko sa likod ko.” Saad pa nito. “In case, magka-amnesia ako pwede nila akong makilala.”
Napatawa siya sa biro nito. “Sira. Wala namang hindi nakakakilala sa’yo eh.”
“Meron.”
Kunot ang noo niyang nilingon ito. “Sino?” “Ikaw.” Agap niya.
She gaped. Pero mabilis siyang bumawi. “Nagsisimula pa lang ako…tayo.”
“Pero gusto ko sana…kilalanin mo ‘ko dito.” Anito sabay turo sa dibdib niya. “It would be the bast kung hanggang d’yan nakakapasok ako.”
“Eh, pa’no naman ako sa’yo?” biglang nakaramdam ng insecurity niyang tanong. “Bukas na.” tugon nito. “It’s for you to decide kung tutuloy ka.”
“Sa ganyan mo ba napasagot si Arnie?” aniya upang maiwaglit niya ang tensyong nabubuo sa kanya. Nagsisimula na kasi siyang mailang.
Tumawa ito. “Hindi ko s’ya niligawan.”
“At nanliligaw ka ngayon?” she started to teased.
“Ahm, depende sa’yo kung pa’no mo i-iinterpret sinasabi ko sa’yo.”
Niyakap niya ang braso nito. Hanggang magawi ang tingin niya sa isa pa nitong tattoo.
Time piece iyon.
“Twelve twenty one?”
“That was the time when I was born. Ang akala daw nina Daddy noon, hindi ako aabot sa paghahati ng taon. Nag-umpisa daw kasing mag-labor si Mommy alas-diyes ng gabi pero tumagal ng ilang oras. Hanggang sa nailabas ako nagpuputukan. Then I was born on the first day of the year. On its first hour.”
Geri was amazed. Pareho kasi lang ipininganak ni EJ nang tanghaling tapat. Pakiramdam nga niya ay wala namang espesyal noong ipinganak siya. Madalas kasing ipamukha sa kanya ni tita Naida na hindi naman ginusto ng kanyang ina na ianak siya. Pinagsamantalahan daw ng
kanyang tunay na ama ang kanyang ina noon kaya siya nabuo. But EJ’s birth was the brightest day of their lives.
“Twelve twenty one was the most important time of my life. At malakas ang pakiramdam ko na magiging importante ulit ‘to sa’kin.” Sabi pa nito.
“Pa’no?”
Nagkibit ito ng balikat. “Ewan ko pa. Basta malapit na siguro. That’s what I am feeling.”
Tumango siya. Napapahanga siya sa mga sinasabi ni Jershian. Hindi niya akalain na ganoon pala kahalaga dito ang bawat bagay sa buhay nito.
“Oh…shit.” Biglang may naalala niyang sambit. Napatayo siyang biglang. “Hinihintay ako ni EJ. Naipangako ko sa kanya na ngayon namin kakainin ‘yong cake. Halika na.”
“Tulog na ‘yon.” Hindi naman nabahala nitong sagot.
“Hindi. Kilala ko ‘yon. Hihintayin ako no’n.” aniya at nauna na siyang maglakad pabalik sa sasakyan. “Anong oras na ba kasi?”
Bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse at akala niya ay sumunod na si Jershian sa kanya ngunit nagtaka siya dahil nakatayo pa rin ito at nakatingin sa relo nito.
“Halika na. May problema ba?”
Tumingin ito sa kanya. Kinabahan siya. Hindi niya gusto ang klase ng tingin nito. “Jershian.”
Ngumiti ito saka tumango. “Alam ko na.” “Ang alin?”
Hindi siya sinagot nito bagkus mabilis itong lumapit sa kanya. He grabbed the door open and snatched a kiss from her. Na-mesmerized na naman siya halik na iyon. At wala na siyang nasabi dahil itinulak na siya nito papasok ng kotse at umalis na sa lugar na iyon.