CHAPTER THIRTEEN
“Kumusta?” ani Jershian nang salubungin siya ni Elbert. Kararating na lang niya sa Wise&Pro.
Matapos ang meeting ng buong team ay napagdesisyunan nilang tanggapin ang Kendel Industries. Hindi magawang makabawi ng repair. Isang kliyente naman nila sa web hosting ng nag-pull out dahil sa pagsasara nito.
“Okay na. Pwede na tayong mag-set ng meeting sa Kendel.” Sagot nito. Naupo siya sa executive chair sabay buntong-hininga. “You sure you want to do this?”
“Kendel is the best option.” Tugon niya saka binuklat ang folder na naglalaman ng company profile ng Kendel Industries. Alam niyang maaaring malagay sa alanganin ang Wise&Pro sa pagpasok nila sa Kendel. Hindi pa alam ng lolo niya ang desisyon niya ngunit alam niyang anumang oras ay makakarating na dito ang balita. Lalo na ang tungkol sa pagpapakasal niya.
“Mukha namang madaling kausapin ang Marketing head nila. Sa tingin ko magugustuhan niya ang design na ginawa ni Milca.” Anito.
“Sana.” Aniya habang nasa binabasa ang mga mata. Kendel Indutries was a good catch. Malaki ang iaangat ng market status nila kapag nalagay sa portfolio nila ito. Sana nga lang ay magtuluy-tuloy na iyon.
“Iniisip mo pa rin ba ang sinabi ko sa’yo? Ang weird mo eh.” Sabi nito.
Patamad niyang isinara ang folder at itinon ang mga siko sa mese. He then brushed his fingers through his hair. Hindi na niya itatago ang pagka-aburido. Alam niyang bukod kina Jeuan ay si Elbert ang tanging mapagkakatiwalaan niya.
“May update na ba ang imbestigador mo?”
“Wala pa.” sagot nito. He winced. Nakita iyon ni Elbert.
“Boss, hindi pa naman tayo sigurado sa report na ‘yon. Hindi pa natin alam kung bakit nagkita sila.”
“Pero pa’no mo ipapaliwanag ang sobre?” giit niya.
Bumuga ng hangin si Elbert saka sumandal sa upuan nito. “Ito na nga sinasabi ko kaya nagdadalawang-isip akong sabihin sa’yo. Alam kong madali para sa’yo na pagdudahan s’ya.”
He stood up harshly. Ilang araw na siyang ginugulo ng sinabi sa kanya ni Elbert. Nakarating sa kanya ng nakipagkita si Geri sa tiyahin nito sa isang restaurant. Sandali lang ang naging pag-uusap ngunit may inabot na sobre si Geri sa tiyahin nito. Ikinagalit niya ang nalaman at dapat ay kukumprontahin niya si Geri ngunit pinigilan siya ni Elbert.
“Kailangan nating gumawa ng paraan para mapigilan sila.” Saad niya habang palakad- lakad sa loob ng opisina niya.
“Pa’no nga natin gagawin ‘yon kung hindi pa naman natin alam kung ano talaga ang totoo. Hintayin mo muna ang report ko tungkol sa tita Naida ni Geri. Kung sa tingin panganib ang dala no’n saka tayo kumilos.” Agap nito.
“Hindi ka ba nag-aalala na pwedeng banta sa buhay ni EJ o buhay ko ang tiyahin nilang
‘yan?”
“Alam ko ‘yon.”
“Then why do I have this feeling na parang kinakampihan mo sila?” hindi na niya napigil ang sarili niyang sita dito.
“Dahil asawa mo s’ya.” Anito na tumayo na rin. “No’ng nagdesisyon kang pakasalan si Geri ay alam kong naging basehan mo ang observation mo sa kanya. Naramdaman mo ring mabuti s’yang tao.”
“Iyon ang pagkakamali ko. Pinapasok ko s’ya sa buhay ko.” Puno ng pagkalito at galit niyang sagot.
“Come on, Boss. Huwag na tayong maglokohan. Hindi ang kaligtasan ng buhay mo ang nasa isip mo kaya ka nagkakaganyan. Nalilito ka dahil nasasaktan ka. Iba na ang dating ni Geri sa’yo. Alam kong hindi mo lubos na pinaniniwalaang may kinalaman s’ya sa tiyahin niya.” Saad nito.
He snorted. “Hindi ko alam ang sinasabi mo. Si EJ ang inaalala ko.”
“Hindi mo ba nakikita kung gaano kamahal ng asawa mo ang pinsan mo? Ano ba ang dahilan n’ya nang magpakasal sa’yo?”
Tumalikod siya at aburidong bumalik sa upuan niya. “It can be her way to get in.”
“Ikaw ang nag-alok ng kasal, remember? Pilit mo rin s’yang pinapirma ng kontrata at babayaran mo s’ya. You even leave her with no choice. Pero tinanggihan n’ya ‘yon. Kung pera lang habol n’ya hindi ka na nahirapang alukin sa kanya ‘yon.” Mahabang sabi nito.
“Pero bakit kailangang ilihim n’ya sa’kin ang tungkol do’n?” He asked in frustration. “Dahil pagdududahan mo s’ya. Katulad ng ginagawa mo ngayon. It was never easy being
in her shoe. Lagdameo was a powerful name. Too powerful to handle.” Mabilis na sagot nito.
Umismid siya sabay pukol ng masamang tingin kay Elbert. “May gusto ka ba sa asawa
ko?”
Natigilan ito. Tinitigan siya saka tila napikong nag-iwas ng tingin sa kanya. “Kung sabihin ko ba sa’yong oo? Sisisantehin mo ‘ko? Iisipin mo na kasabwat nila ako? Para kamkamin ang pera mo?”
“Hindi imposibleng mangyari.” Tugon niya.
He saw how Elbert face went blank. Alam niya. Hindi nito nagustuhan ang ipinahayag niya. He would admit. Hindi rin niya gusto ang binitawan niyang salita. Trusted employee niya ito. At kaibigan na rin. Kaya masakit sa loob niya kung nalalaman niyang may kinalaman ito upang manganib ang buhay niya.
“Minsan ko lang sasabihin ‘to sa’yo, Jershian. Wala akong gusto kay Geri. At wala rin akong balak na sirain ang tiwala mo. Naniniwala lang ako na pwedeng walang masamang balak si Geri sa’yo dahil nararamdaman ko. Nakilala ko na s’ya noon. Noon pa man ay inaalipusta na s’ya ng tita Naida n’ya. Sila ng mama n’ya. Hindi birong pang-iinsulto at paninira ang ginawa sa kanya. Kaya hindi natutunan ni Geri na maging malapit sa tita n’ya. Kaya pa’no ko magagawang maniwala ngayon kung alam ko na walang magandang naidulot si Naida kay Geri? Hindi pa lang ako sigurado pero malakas ang kutob kong kayo ang pinuprotektahan ni Geri kaya s’ya nakipagkita sa tiyahin n’ya.” Walang patid na sabi nito.
He never answered. Naramdaman niya ang galit sa tinig ni Elbert. He never called him in his nickname. Alam niyang nagdulot siya ng tensyon sa pagitan nila. Kaya pagkatapos ng isang tingin ay wala nang salitang lumabas si Elbert ng opisina niya.
Marahas niyang muling binuklat ang folder at pinilit na aralin ang files ng Kendel. But he cannot concentrate. Hindi mawala sa isip niya si Geri at ang posibilidad na isang patibong ang pagpasok nito sa buhay niya. Na nagkamali siya ng desisyong gawin itong asawa.
Geri must be really an actress. Nakumbinsi siya nito na hindi niya kayang wala si EJ sa buhay nito kaya gagawin nito ang lahat para kapatid nito. Nakaramdam siy ng awa. But he tried to play with her. Sinubukan niya itong alukin ng kasal at maging asawa ito. Tulad inasahan niya ay tumanggi ito. She passed his first test. Ngunit malakipas lamang ang ilang araw ay bumalik sa kanya at sinabing nais na nitong maging asawa siya. Muli siya nagduda sa totoong motibo nito.
He got worried a bit. Malabo sa kanya ang naging dahilan nito ngunit binalewala na niya iyon. Tinupad niya ang hamon niya.
Subalit unti-unti nang gumugulo ang sitwasyon. Naipalagay na niya ang sarili sa presensya nito at unti-unti na niyang natutunang pagkatiwalaan ito. He even started to enjoy her company. And that night? That particular steamy night? It was the night we chose to never forget. Hindi na niya kayang hindi ito nakikita. Masyado nang namulat ang kalooban niya sa sayang nararamdam niya kapag kasama niya ang dalaga. Gusto niyang ito ang makikita sa tuwing uuwi siya sa mansyon bukod kay EJ. He was happy with EJ but Geri was a fulfillment. A fulfillment her never expected to happened to him. Not at the moment.
Sumandal si Jershian saka mariing pumikit. And sighed with a weary heart.
Napangiti si Geri nang makita si EJ na bumaba ng CR-V. Kagagaling lamang nito sa tutor nito. Wala na kasing tumanggap na school kay EJ dahil patapos na ang school year. Kaya ini-enroll na lang nila ito sa isang tutor upang hindi mapag-iwanan sa acedemics nito. Matalino naman si EJ kaya hindi ito nahirapan sa biglaang adjustment.
“Ate!” masayang tawag nito habang papalapit sa kanya. Kaagad siyang niyakap nito nang makalapit sa kanya.
“Uy, pulos pawis ako.” Aniya nang paghahalikan siya nito. Hindi napagilan ang tawa. Kagagaling niya sa gym ng mansyon. Mayroon doon isang malaking mirror wall kaya nag- ‘stretching’ siya. She missed dancing. Isa pa ay kailangan niyang mag-isip ng routine para sa gaganaping launching ng reality show nila. Cleo insisted inputs from all the members of ‘Xquizit.
“Ano bang ginawa mo kasi?” nakatingala ito sa kanya at kunot ang noo. Nginitian niya si Lyka habang papasok ito.
“Sa gym. Alam mo na. Exercise din ‘pag may time.” Aniya. She heard EJ laughed.
Nahawa na rin siya. Hanggang sa naghaharutan na sila nang pumasok sa loob.
Pagdating sa entrada ng sala ay naroon si Lyka. May iniabot ito sa kanya. Nagtataka niyang inabot iyon.
“Sa’n ‘to galing?” tanong niya kay Lyka. Tiningnan niya ang puting sobre. Nakasulat doon ang pangalan niya.
Hindi kaagad ito tumugon saka tumingin kay EJ. Tila nag-aalangan ito.
“Ahm, EJ. Palit ka na ng damit mo.” palambing niyang sabi sa kapatid saka tahimik namang itong sumunod.
“Kanino galing ‘to?” tanong niyang muli kay Lyka nang maiwan sila.
“Ma’am, kanina kasi nang pauwi na kami may lumapit sa’kin na lalaki. Hindi ko kilala eh. Iniabot lang n’ya sa’kin ‘yang sobre. Hindi ko sana tatanggapin kasi baka kung ano ‘yan, eh…sabi n’ya iabot ko daw sa’yo. At saka may pangalan mo eh. Kaya inisip ko na baka mahalaga.” Sabi nito.
Muli niyang tiningnan ang sobre. Umahon ang kaba sa dibdib niya. Wala siyang alam na maaaring magbigay ng sulat sa kanya. At bakit idinaan pa kay Lyka? Tila kilalang-kilala siya ng kung sino mang nag-abot. Muli niyang tiningnan ang sobre. Parang ayaw niyang buksan iyon.
“Basahin mo na kaya.” Ani Lyka.
“Natandaan mo ba kung anong hitsura ng nag-abot sa’yo? Wala na ba s’yang ibang sinabi?” puno ng interes niyang tanong.
Umiling ito. “Wala naman s’yang ibang sinabi. At saka hindi pamilya sa’kin ‘yong lalaki.
Matangkad s’ya, medyo maitim. Kung makikita ko ulit s’ya matatandaan ko naman.”
“S-sige.” Hindi na siya nag-usisa pa. Tila naghihintay naman si Lyka na buksan niya iyon sa harap nito. Ngunit mas gusto niyang basahin iyon nang mag-isa. “Ako na’ng bahala dito.
“Okay.” Sabi at lumayo na sa kanya.
Napapa-isip at kinakabahan siyang lumakad patungo sa sofa. Nanginig bigla ang kamay niya. Sinira niya ang gilid at inilabas ang papel. It was a yellow paper. At sa pagbuklat niya ay tumambad sa kanya na tama lang na kabahan siya. Hindi na muna niya binasa ang mensahe dahil inagaw ng pangalan kung kanino galing ang sulat ang umagaw sa atensyon niya.
‘Tita Naida’
Napapikit siya. Para siyang nahilo bigla. May ideya na siya kung anong nilalaman ng sulat na iyon. Ngunit nagpasya pa rin siyang basahin.
‘Hindi ko na ililigoy ang pakay ko, Geri. Ipapaalala ko sa’yo ang napag-usapan natin. Kailangan ko ng pera. At sa lalong madaling panahon na sana. Alam mo na ang gagawin mo. Kung ayaw mong ang kapatid ko ang magsakripisyo.’
Daig pa ni Geri ang namanhid ang buong katawan dahil sa natuyuan siya bigla ng pawis. Mukhang hindi siya titigilan ang tiyahin niya. Despirado na itong makakuha ng pera sa kanya. Sa perang hindi naman kanya.
Napatayo siya at nagpalakad-lakad sa carpeted na sala. Kailangan niyang makaisip ng paraan. Sino ba ang pwedeng puntahan at kausapin? Paano n’ya mapipigilang ang tita Naida niya? Sasabihin ba niya kay Jershian?
‘Pa’no ko sasabihin kay Jershian? Baka isipin na naman n’ya na kasabwat ako ni Tita.” Anang tuliro niyang isip. Hindi tama na sabihin niya kay Jershian. Mag-aalala ito at baka magalit pa sa kanya.
Nakaramdam ng takot ang puso niya nang maisip si Jershian at ang magiging damdamin nito kung sakaling makarating dito ang ginagawa ng tiyahin niya. Na alam niya at wala siyang ginagawa upang mapigilan ito. Iyon naman ang nais niya ngunit paano niya gagawin iyon? Paano niya ipagtatanggol ang mga Lagdameo sa pamilya niya?
“Ma’am Geri.”
“Ay! Nanay ko tatay!” napalubas siya sa gulat at mabilis na nilingon kung sino mang tumawag sa kanya. Napahawak tuloy siya sa dibdib niya.
“Mang Celso. Bakit po?” Aniya sa driver ni EJ.
“Naiwan kasi ito ni EJ sa loob ng kotse. Baka hanapin n’ya.” Sabi nito sabay abot sa kanya ng Rubik’s cube ni EJ.
“Ah…salamat po.” Sabi niya saka tinanggap ang laruan. Ngumiti lang ito at lumabas na
muli.
Isang mabigat na buntong-hininga ang ginawa niya. Saka nagmamadaling umakyat patungo sa kwarto niya. Kailangan niyang makausap si Amber, Cassie o kahit si Cleo. Kailangan niyang makahingi ng tulong.
Mabilis siyang nagbihis. Kailangan niyang makaalis kaagad at makabalik din bago gumabi. Nasa Wise&Pro lang si Jershian at magtataka ito kapag hindi siya nagdatnan. Wala silang napag-usapan na aalis siya.
Nang makapag-ayos ay dumaan siya ng game room upang magpaalam kay EJ. Hahanapin kasi siya nito.
“Aalis ka naman? Bakit gano’n, ate? Kapag nagpapaalam ka sa’kin parang may nangyayari na masama.” Sabi nito sa kanya. Kunot pa ang noo.
“EJ.” Pagsaway niya dito. Lalo lamang nitong dinadagdagan ang pag-aalala niya. Nagkibit ito ng balikat. “Feeling ko lang naman.”
“Walang mangyayaring masama, okay?” saad niya saka hinalikan ang pisngi nito. “Alis lang si Ate, ha. Behave.”
“Okay.” Tila na-bored nitong tugon.
Ngumiti siya saka nagpasyang lumabas na iwan muna ito. Hindi na niya nagawang magpaalam kay Lyka dahil na niya ito nakita.
Mabilis ang ginawa niyang paglalakad palabas ng subdivision. Alas-kwatro na ng hapon kaya kailangan niyang magmadali. Darating na anumang oras ang asawa niya.
Naghihintay na siya ng masasakyang taxi nang may lalaking lumapit sa kanya. “Pwede ka bang makausap?” Anang lalaki sa kanya.
Kinakabahan niyang tiningnan ang lalaki. Matangkad ito at maitim tulad ng pagkakalarawan ni Lyka sa lalaking nag-abot ng sulat sa kanya.
“Sino ka?”
“Halika.” Sabi nito at bigla na lang siyang hinawakan sa braso. Palakad siyang hinila nito palapit sa isang sasakyan.
“Ano ba? Bitiwan mo nga ako!” galit niyang piglas dito. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at natigilan siya nang makita ang nasa loob.
“T-tita…” pakiramdam ni Geri ay papanawan siya ng ulirat.
“Geraldine.” Sabi nito at biglang lang may tumakip sa bibig niya. At nawalan na siya ng
malay.