ROXY CITY BOOK 5 (LOVE OR NOTHING) Chapter 16

CHAPTER SIXTEEN

Nagpasya si Geri na magtungo sa garden ng mansyon habang hinhintay na matapos ang pag-uusap ng maglolo. Hindi siya mapakali at unti-unti nang kumakain ang kaba sa kanya. Dumating na ang araw na kinatatakutan niya. Makakaharap na niya si Don Emmanuel. Ang taong iniwasan ng daddy Randel dahil sa impluwensya nito. Ang taong may galit sa kanya at sa kanyang ina.

Gustong bumunghalit ng luha ni Geri. Hindi niya akalain na malalagay siya sa ganoong sitwasyon. Na walang kasiguraduhan ang kinabukasan niya. Kung tama bang naroon siya sa lugar na iyon o kung may lugar na siya sa mga taong naroroon. Kung tatanggapin ba siya ng mundong pinasok niya.

She was born a fighter. Maaga siyang namulat sa kalupitan ng mundo dahil sa mga makakasariling tao. Hindi siya lumaking marangya ang buhay. Sinikap nilang mag-ina na mabuhay sa mabuting gawain kahit na napapalinutan sila ng dumi at kasalanan ng lipunana. Pilit na inayos ng kanyang ina na pag-aralin siya sa kabila ng trabaho nito sa isang maliit na club.

Nagbago ang buhay nilang mag-ina nang makilala nila ang daday Randel niya. Minahal nito nang tapat ang kanyang ina at ipinangako ang tahimik na buhay. Ngunit maaga namang nawala ang mga ito sa kanila ni EJ. Leaving them helpless.

“Kumusta?” anang isang tinig at gulat siyang napalingon. Nasa may batuhang daan malapit sa garden set ay nakatayo si Elbert. May dala itong isang folder.

“Hi.” Nag-iipon ng kalma niyang bati dito. “Naligaw ka.” Kumibot ang labi nito. “Ipinatawag ako ni Don Emman.”

Kumunot ang noo niya. Ang buong akala niya ay si Jershian ang pinuntahan nito. Ano ang pakay dito ng lolo ni Jershian? Alam ba iyon ng asawa niya?

“Akala ko si…Jershian ang kakausapin mo.” sabi niya. “And’yan ba s’ya?” tanong nito.

Tumango siya. “Kausap n’ya ang lolo n’ya.”

She saw him sighed heavily. She can feel Elbert wanted to say something. Matagal na rin nang huli silang nagkausap. At alam niyang marami rin itong tanong sa kanya. Elbert was a friend to Jershian. Mas kilala nito ang asawa niya. Kaya ito ang makakapagsabi kung tama ba o mali ang naging desisyon nila.

“Ano ‘yan?” She tried to have a conversation.

“Legal papers.” Maiksi lang naging tugon nito. Ramdam ang pagtangging lumawig pa ang usapan.

“Ah.” Aniyang tatangu-tango. ‘Upo ka.”

Lumapit siya sa garden set na naupo sa isa sa bench. Sumunod naman ito at naupo sa katapat niya.

“Matagal na bang nag-uusap ang dalawa?” tanong nito tukoy ang mag-lolo.

She smiled to dismiss a hint of discomfort. “H-hindi ko alam. Nang nagising ako nasa study na sila.”

Tumango ito. “Geri, bakit mo pinakasalan si Boss Jershian?” Napalingon siya. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito.

“I know the story, Geri. I’m a trusted man of Jershian. Alam ko ang tungkol sa inyo ni EJ.” Anito marahil napansin ang pag-aalinlangan niya.

Nagbuga siya ng hangin. “Ang kapatid ko. Ayokong malayo sa kanya. Alam kong absurd ang idea pero ‘yon ang last resort ko since si Jershian ang nag-suggest no’n.”

“Yon lang?”

“Gusto ko rin maprotektahan si EJ, Elbert.”

He silenced for seconds. “Protektahan kanino? Sa tita Naida mo?”

Nagulat siya. “P-pa’no mo nalaman ang tungkol sa tita ko? I mean…may sinabi ba sa’yo si Jershian?”

“I know what you are doing, Geri. Nakikipagkita ka sa tita Naida mo. I have reports to prove it.” Sabi nito.

Napatayo si Geri. Matinding kaba ang bumalot sa kanya at parang alam na niya ang sunod na mga mangyayari.

“May kailangan ba akong ipaliwanag? Base sa sinabi mo’y parang pinagdududahan n’yo ‘ko. Hindi na rin ako magtataka na alam ni Jershian ang tungkol sa sinabi mo.”

“Trabaho kong sabihin ang lahat sa kanya.”

Naupo siya muli. Tila nanghina siyang bigla. ‘Elbert, please.”

Inabot nito ang kamay nito. “Calm down. I have no side on this one.” Naguluhan siya sa sanabi nito. “Anong ibig mong sabihin?”

“Kaibigan rin kita, Geri. At gusto kong maniwala sa pakiramdam kong wala kang masamang intesyon sa pakikipagkita sa tiyahin mo. Sana lang hindi mo sirain ang tiwalang ibinigay sa’yo ni Jershian. Alam nating lahat na hindi mabuti ang hangad ng tita Naida mo.” sagot nito.

“Elbert.”

“Kailangang sabihin mo sa’kin ang totoo kung gusto mong mapatunayan ang sarili mo.

Bakit ka nakipagkita sa tita Naida mo?” tanong nitong.

Binawi niya ang kamay mula dito. Nagbuntong-hininga siya. “Maipapangako mo ba sa’kin na tutulungan mo ‘kong maprotektahan ang mga Lagdameo?”

“Anong plano ng tita mo?” balik-tanong nito. “Pera, Elbert.” She said.

Sumandal ito. Mukhang naintidihan na nito ang sinabi niya. “Geri, hindi ko masisiguro sa’yo ang magiging desisyon ni Don Emman sakaling malaman n’ya ang tungkol dito. Kahit si Jershian hindi ko kontrolado. At-”

“A-Ano?” Aniya at nanginig na ang buong katawan niya. “Elbert, wala akong kinalaman sa plano ni Tita. Bigla na lang n’ya akong pinuntahan sa Roxy nang malaman niyang nasa mansyon na si EJ.”

“Bakit hindi mo sinabi sa asawa mo?” tila nanenermon nitong tanong. “Kung sana’y hindi na nakarating sa kanya ang tungkol do’n at nasabi mo na, wala ka nang problema.”

“N-natatakot ako eh.” “Saan? Kanino?”

Nagsimulang mamuo ang luha niya. “ Natatakot ako sa iisipin sa’kin ni Jershian. Alam ko, Elbert. Ako ang huling taong paniniwalaan at pagkakatiwalaan n’ya. Kahit na pinakasalan pa n’ya ako. Si EJ lang naman ang dahilan n’ya kaya n’ya ginawa ‘yon. Wala akong lugar sa mundo ni EJ, sa mundo ni Jershian. Baka nga naawa lang s’ya sa’kin kaya naririto pa rin ako.

“Wala akong planong pakasalan si Jershian. Balak ko noong una ipaubaya na si EJ sa mga Lagdameo dahil mas magiging maganda ang buhay n’ya. Tama naman ang boss mo. Hindi ko kayang buhayin ang kapatid ko. Mahirap pero handa ko nang tanggapin ‘yon. Hanggang sa magpakita sa’kin si Tita Naida. Hinihingan n’ya ako ng pera. Nagalit s’ya sa’kin nang nalaman n’yang pumayag ako sa gusto ni Jershian na kuhanin si EJ. Pinagbantaan n’ya ‘ko. Natakot ako para sa kapatid ko. Kaya pumayag ako sa alok ni Jershian.”

Sandali siyang tumigil sa pagsasalita dahil tumulo na pala ang luha niya. Inabutan siya ni Elbert ng panyo. Tinanggap niya iyon.

“Akala ko titigilan na ‘ko ni Tita nang tinanggihan ko s’ya pero tinawagan n’ya ‘ko. Kaya napilitan akong magbigay ng pera sa kanya. For the hope na sapat na ‘yon para manahimik s’ya.”

“Sa’n galing ang pera?” tanong nito.

“May in-open na savings account para sa’min ni EJ si Papa. ‘Yon ang ibinigay ko sa kanya. Hindi naman na ‘ko nag-aalala sa welfare ni EJ kasi narito na s’ya.” Sagot niya.

“Kinontak ka na n’ya ulit?” Ani Elbert. Umiling siya. “Hindi pa simulang no’ng…”

Hindi niya naituloy ang sasabihin. Naisip niya na hindi na marahil kailangan iyon. “Geri.”

“Nasaktan ako ni Tita no’ng huli naming pagkikita.” Pag-amin niya. “Ano?!”

Nagpahid ng luha si Geri saka tumingin kay Elbert. “I’m okay. Pero nag-aalala ako sa pwedeng gawin ni Tita.”

“Anong gagawin ng Tita mo?” anang tinig ni Jershian at ganoon na lang ang kaba niya nang lingunin ito.

“Jershian.”

“Tell me, Geri.” Anito at lumapit sa kanila. Seryoso ito hitsura nito. Alam niyang hindi nito ikinatuwa ang narinig nito.

Tumayo na rin si Elbert. Siya naman ay natulos na sa kanyang kinatatayuan. Parang gusto na naman niyang umiyak.

“A-Ahm-”

“Damn it, Geraldine!” iglap na nahagip ni Jershian ang braso niya at mariing pinisil iyon.

Niyugyog siya nito.

“Tell me!” he then shouted on her face.

“Boss.” Mahinahon namang saway ni Elbert at sinubukang alisin ang kamay ni Jershian sa braso niya.

“Stay out of this, Elbert.” Tiim na sabi nito kay Elbert. Muli siyang tiningnan nito.

Noon siya muling napaluha. Bigla ay ilang na ilang siya sa kanyang asawa. Tila ibang tao ito sa harap niya. Ang tanging nakikita niya ay ang galit nito sa kanya.

“Sasabihin mo ang totoong pakay mo sa buhay namin kung ayaw mo-” “Sir, Ma’am!”

Natigilan silang tatlo at sabay-sabay na napalingon. Si Lyka humahangos palapit sa

kanila.

“Lyka?” Si Jershian na binitawan siya. Pasimple niyang inayos ang sarili. “Anong ginagawa mo dito? Si EJ?”

Nagtataka rin siyang napatingin kay Lyka. Hindi mapakali ang tindig nito at tila maiiyak pang humarap sa kanila. Kasama itong umalis ni EJ para sa first session swimming lesson ng kapatid niya.

“S-Sir…”

“Lyka, ano ba?” naiirita agap ni Jershian.

“S-Si EJ po kasi.” Nagsimula na itong umiyak.

“Oh my God.” Aniya na tila alam na niya ang nangyari. Mabilis siyang lumapit dito. “Nasaan ang kapatid ko?”

“Ma’am…may kumuha po sa kapatid…n-n’yo.” Tugon nito.

“What!” anang galit na tinig ni Jershian samantalang siya ay parang natunaw na lamang at napaupo na lang siya sa sahig.

“EJ…” anas niya. Biglang namanhid ang buo niyang katawan.

Naramdaman niya ang bisig na humawak sa kanya at itinayo siya. Nilingon niya ito sa pag-asang si Jershian iyon. Ngunit Elbert ang lumapit sa kanya.

“Hindi pa tayo tapos, Geraldine.” Puno ng galit na sabi ni Jershian saka lumingon kay Elbert. Parang papanawan ng ulirat si Geri sa narinig mula kay Jershian.

“Call ninong Francis, Elbert. Pupuntahan ko si Boss Lourd. Lyka, tell me what happened.”

“Jershian…” tawag niya dito ngunit tila wala itong narinig at mabilis na lumkad palayo. “It’s okay.” Ani Elbert at sumunod na kay Jershian kasama ni Lyka.

“You must be well trained by your mother.” Napapikit na lang si Geri nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Don Emman.

Nasa malaki sala siya ng mansyon.Nakaupo ito sa gitna ng mahabang velvet sofa in full businee suit. Habang siya ay nakaupo sa one-seater sa kaliwa nito.

Hindi maitatanging si Don Emmanuel Lagdameo ang ama ng kinalakiha niyang daddy Randel. Walang hindi nakuha si daddy Randel dito. Mula sa hugis ng mukha hanggang sa kulay nito. He was like the older version of her daddy Randel. Kung mayroon mang namana si Jershian sa lolo nito ay iyon ang tindig at talking voice nito.

Nagimbal ang buong Lagdameo mansion nang biglang mawala si EJ na kinuha daw ng dalawang lalaki at pilit isinakay sa isang itim na Sudan. Wala na raw nagawa sina Lyka at si

Mang Celso dahil sinuntok nito ang kawawang driver. Natakot naman si Lyka dahil tinutukan ito nang baril.

“How many are your kind?” tanong nito nang nanatili siyang tahimik. Nasa paligid ang halos sampung kapulisan at naghihintay sa maaaring development ng pag-kidnap sa kapatid niya. Nakapaglagay na rin ng tap sa lahat ng communication device nila sakaling kontakin sila ng kidnapper.

Si Jershian naman ay kasama nina Elbert at sinusubukang ipa-review ang cctv ng resort na nag-organize ng swimming lesson.

“Mukhang hindi ka nakakaintindi ng Ingles-”

“We are well raised by our parents, Don Emman. Especially EJ. He was very smart.” Agap niyang tugon sabay buga ng hangin. Hindi niya intensyong bumuo ng tensyon sa pagitan nila. Hindi lamang niya napigilang ipagtanggol ang sarili.

“Tell me what you want, Miss…”

“Geri po. Geraldine Laura po.” She supplied her name.

“Alright.” Anito saka nagbuga ng hangin. “Huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa, Geri. Alam natin pareho kung anong nangyayari at alam ko alam mo kung nasaan ang kapatid mo. As you can see, I’m not rattled by my grandson’s abduction. Dahil kaharap ko naman ngayon ang abductor.”

Hindi na pinigilan ni Geri ang marahas na paghinga sa narinig. Kung siya ay nag-aalala sa maaaring gawin ng tiyahin niya sa kapatid niya, si Don Emman naman ay abala sa pagdududa sa kanya. Hindi na nga duda. He was just confirming his own knowledge of truth.

“H-hindi ko po alam ang sinasabi n’yo, Sir.” Aniya na pilit hinahayon ang sarili.

He scoffed. “Come on, I have records of your acts this past few months. Alam ko ang tungkol sa pakikipagsabwatan mo sa pamilya mo para samantalahin ang hospitality namin.”

Pinili ni Geri na huwag nang sumagot. Wala naman itong paniniwalaan sa kahit na anong sasabihin niya. Buo ang paniniwala nito sa masama siyang tao. Na wala siyang maidudulot na maganda. Na katulad siya ng kanyang ina na sa pagkakaalam nito ay inagaw si Randel mula dito.

‘We will end up fighting until our last breath if you continue bagging around, Geri. You know my stand about your marriage with my grandson. Alam mo na hindi ko kahit kailan papaburan ang pagsasama n’yo. You know what will happen. Think about it.” Mahabang saad nito.

“Talaga po bang naniniwala kayong mali ang naging desisyon ni Daddy Randel na pakasalan ang nanay ko? Mahal po ng nanay ko ang anak n’yo. Wala pong ibang lalaki…”

She saw him snorted. Kitang-kita ang kawalan ng espasyo upang paniwalaan siya nito. “…na minahal si Mama kundi si Daddy Randel. Sir. Naging masaya po kami bilang

pamilya. Naging kontento po ang anak n’yo sa piling namin. Dahil…hindi naman po totoo na masamang tao ng nanay ko.”

“Kung totoo ang sinasabi mo, bakit hindi man lang ako nagawang puntahan ng anak ko sa loob ng maraming taon. He chose to be away from all of this…” Anito habang inaangat ang kamay. “From me. From his real family.”

“I’m sorry po kung gano’n ang naramdaman n’yo. Gano’n din naman po si Daddy. Hindi lang po n’ya alam kung pa’no kayo pupuntahan. Dahil alam n’yang galit kayo sa kanya.”

He chuckled this time. It surprised her. “Hindi ako galit sa kanya. It was the decision that he made.”

It was silence after that phrase.

“Anong gusto mong mangyari, Geri? Let’s not waste time. Nagtatagal na ang apo ko kasama ng tiyahin mo. You need to decide now.”

“Sir…”

“Ako na ang tatapos sa sinimulan ng pamilya mo. Isang tawag ko lang kay Jershian ay maibabalik si EJ ora mismo. Maipapakulong ko ang tiyahin mo pati ang mga kasabwat niya. You’re will be save. That if you cooperate with me.”

She closed her eyes to way the situation. Isang mabigat na desisyon ang kailangan niyang

gawin.

“Wala po akong kinalaman sa plano nila.” “I don’t care.” Agap nito.

“Pa’no po si Jershian?” tanong niya.

“Hindi kayo kasal. I have the connections to stop it.” Tugon nito.

“P-Po?” tila bombang sumabog sa harap ang sinabi nito. Tila piniga ang puso niya at naninikip iyon dahilan upang mahugot siya ng hininga saka ibuga iyon.

“I’m a powerful man, Geri. At hindi ako makakapayag na maulit ang kapalaran ni Randel sa katauhan ni Jershian. I will not allow your marriage. I want to win this time. Stay out of my family’s life.”

Nagbaba ng tingin si Geri. She tried holding her tears but the hurt was overpowering her. Parang ulan na bumuhos ang luha niya. Wala na siyang laban kung ang tanging bagay na panghahawakan niya para kay Jershian ang nawala na. Kailangan na niyang magparaya. Para sa ikatatahimik ng lahat.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.