CHAPTER FIFTEEN
Naramdaman ni Jershian na may kumilos sa likod niya kaya nilingon niya ito. At napaangat siya sa pagkakaupo dahil si Geri ang naroon. Ang buong akala niya at tulog pa ito kaya nagpasya siyang pumunta sa terrace ng kwarto nila at doon magpalipas ng oras habang binabantayan ito.
“Oh, bakit bumangon ka? Hindi ka pa magaling ah.” umahon ang pag-aalala niyang tanong dito. Inilapag niya ang sketch pad niya at lumakad palapit dito. Hindi ito kumikilos.
“Okay na ‘ko.” Buo ang tinig ngunit matamlay nitong tugon. Napapabuntong-hininga siyang umiling.
Hinawakan niya ang balikat nito at iniikot. “Wag nang mapilit, Geraldine. May sakit ka pa at kailangan mong magpahinga.”
“Pero-”
Pumalatak siya. “Hay naku naman. Stubborn wife is no match to me. Balik sa kama,
dali.”
Bigla itong umikot paharap sa kanya. Malamlam ang mga mata nito nang tumingin sa kanya. But it doesn’t lessen the charm and passion lingered on that eyes. Hindi niya napigilan ang sariling titigan din ito. Kung wala nga lang itong sakit ay baka hinubaran na niya ito at dinala sa kama. He can surely make her moan with his arrogant urge.
“Magaling na ‘ko. Tingnan mo ‘ko o.” anito at kinuha ang kamay niya. Ito na ang naglapat noon sa noo nito pababa sa leeg nito. Lihim na nahugot ni Jershian ang kanyang hininga. Hindi na ito mainit ngunit tila siya ang mag-iinit kung ipagpapatuloy nito ang ginagawa.
“No.” aniya na pilit nilalaban ang pagsisimula ng sensasyon dahil hawak nito. “Jershian-“
“Lintek na.” iyon lang nasaabi niya at mabilis nang lumapat ang labi niya sa labi nito.
He kissed his wife hungrily. Mahirap paglabanan ang nararamdaman niya. Ilang araw na niyang sinubukang huwag itong masyadong lapitan ngunit sadyang mahirap gawin iyon. His was damn hot and inviting to ignore.
Mabilis niyang naramdaman ang pagtugon nito ng halik. He became hungrier. Lalong tumindi ang sensasyon kaya lulalim ang halik niya. He probe into her and explore her hotness. He grabbed her face to conquer her inner territory. Daig pa niya ang hayok sa pananabik. He could lose his sanity for the desire for his wife. Wala na siyang pakialam kahit na may dinadamdam ito.
“I missed you, love.” anas niya at bumaba ang halik niya sa leeg niya. Nasa batok niya ang mga bisig nito at yakap siya.
“Love-”
“Jershian.” Agap nito dahilan upang ibalik niya ito sa kama.
They moved so fast. Mabilis na natanggal Geri ang suot niyang t-shirt. She caressed his body with fire. Pasimple siyang humugot ng hininga. Tila kakapusin siya ng hangin.
Muling naglapat ang kanilang mga labi. The kiss was more playful this time. Their tongues tangled as their breath collide to give each other’s hang. It was like the first time. Noong gabing una niyang nahaplos ang malambot nitong katawan. She was like incense burning into his hands. A sailing of anticipation of unexplainable and unknown. Tila kuryente ang bawat daliri nito sa tuwing lalapat sa kanya. And her smell. It was so tasteful he could swallow it.
“Damn it, Geri…” may panggigigil niyang sambit nang bumaba ang kamay nito sa pagitan ng kanyang mga hita. She massaged his maleness like with her soft hands. It rubbed over there so smoothly.
Nakatuon ang mga kamay niya sa kama sa may ulunan nito. He moved her legs apart. He grabbed her thigh and massaged it. Napaungol ito. Lalo siya tila nalulong sa pagnanasa dahil sa ginawa nito.
Hindi na niya kayang pigilan ang sarili. He wanted her so bad. He would thrust his way to her with their clothes on. Hinalikan niya itong muli habang tinatanggal ang butones ng suot niyang patalon. He felt her running out of time and breath.
His pants pulled down to his thighs then he grabbed her waist. Napisil niya iyon nang bahagya niyang hilahin ito. Muli itong napaungol habang maghinang ang kanilang mga labi ngunit iba ang ungol na iyon. It seemed like she was hurt.
“Did I hurt you?”
“Okay lang ako.” Bulong nito sa kanya ngunit nagtaka na siya. Itinaas niya ang suot nitong cotton dress at ganoon na lang sa singhap niya nang makita ang tagiliran nito.
“What the f…” aniya nang makita ang halos gaplatong pasa nito. Halos magkulay talong na iyon at tila may gasgas pa. Mula sa ibaba ng dibdib nito pababa sa gilid ng balakang nito ang pasa. Bumalot ang kaba at pag-aalala sa kanya.
“Anong nangyari dito?” tanong niya sabay tingin dito. Nasa ibabaw pa rin siya nito. Hawak pa rin niya ang dress nito. Tiningnan niya ito at hinintay ang isasagot nito ngunit nakatingin lang din ito sa kanya. Nairita siya.
“Geri.” May pagbabanta niyang untag dito.
“H-hindi maganda ang bagsak ko no’ng huling rehearse namin. Nagkamali ako ng ginawa ko ‘yong bagong…routine.” Sagot nito.
“P-pero okay naman na. Pagaling na.” Sala nito nang makita ang pag-ismis niya. Hindi niya ikinatuwa ang nakita. Hurting his wife would be the one thing that would pissed him off.
Kahit pa sabihing aksidente iyon. Paano na lang kung mas malala ang nangyari dito? Baka siya mismo ay ipapasara niya ang Roxy City.
Marahas siyang nagbuntong-hininga. Parang hindi niya matagalang tingnan ang kalagayan nito. At bakit tila hindi niya mapaniwalaan ang sinabi nito?
Akma siyang tatayo nang pigilan nito. Inabot nito ang dalawa niyang kamay. Tinitigan niya ito.
“Okay lang talaga, promise. Don’t worry too much.” Anito saka ngumiti.
“Geri, love-” Hindi na natapos ang sasabihin niya dahil dinukwang siya nito at hinalikan.
It was meant to stop him.
“Please, Jershian.” Saad nito sa pagitan ng paghalik. “Love me tonight.”
“Geri.” He whispered her name so tenderly. He would oblige to her request. Hindi na nito kailangang hilingin sa kanya. He would willingly love her. No questions asked. Ngunit may sugat ito. Sugat na hindi niya maintindihan kung paano nito nakuha. Anong nangyari dito?
“You need to rest.” Aniya nang bahagya siyang lumayo dito. Inipon niya ang buong lakas niya upang maupo sa kama. Just one sensual touch and he would indulge his desire.
Bumangon na rin ito. Kitang-kita niya ang kakaibang lamlam ng mga mata nito. He reached her face. Marahan niya hinaplos iyon. He could resist his raging groin. His wife was still sore.
“Baka kaya ka nagkasakit ay dahil d’yan. Go back to sleep.” Sabi niya saka ito hinalikan.
He felt her hands on the side of his face. Saka niya ito pinahiga muli sa kama at kinumutan ito. “Jer-”
He sighed. “Okay, tatabihan kita.”
Hindi ito tumugon at nakatitig lang sa kanya.
“But I cannot promise I won’t touch you. You’re still inviting though weak.” Dagdag niya. Ngumiti ito. She spread her arms.
“Halika na, please.” Paglalambing nito at napapangiti naman niyang sinunod ito.
Isang hirap na hinga ang pinakawalan ni Geri bago kumilos sa kama. Nilingon niya ang katabi ngunit wala na doon ang inaasahan niya. She knew it right away. She expected to wake up with him greeting her good morning. Ngunit wala na ito.
Mabigat ang loob siyang bumangon. Napangiwi siya nang makaramdam ng kirot sa kanyang likod. She was still sore. Or maybe it was not her body that was aching. It was her heart. Muli siyang naupo sa kama.
Pinakiramdaman ang sarili. Jershian must be really tired resisting her charm. Hindi rin nito napigilan ang sarili at nagniig pa rin sila. Kahit pa alam niyang pinilit nitong maging gentleman sa kanya dahil sa kalagayan niya. But the force of passion was powerful. Napangiti siya. Jershian was so gentle to her last night yet so romantic.
At tulad ng nauna, wala siyang pagsisisi. Kung anuman ang nangyari sa kanila ay habang-buhay na iyong tatak sa isip at puso niya. Ngayon ay maaari na niyang aminin sa sarili na mahal na niya ang asawa. That whatever wall she tried to adhere between them just fell apart. Ang tanging na lamang tanong ay kung mahal din siya nito.
Isang iling ang naging sagot niya sa sariling tanong at muling tumayo. Nangangarap yata siya kung iisipin niyang mahal din siya nito. What happened was just purely lust. Isang pangangailangan na kanya lamang tinugunan dahil sa asawa siya nito.
Ibinigay niya ang sarili dahil sa kagustuhan niya at iyon ang isinisigaw ng puso niya. She was willing to do and give anything just for their marriage to work. Kahit na masaktan siya.
Matapos makapag-ayos at maisuot ang isang itim na tank top at cotton pants ay lumabas ng kwarto si Geri. Sa bungad ng hagdan ay nasalubong niya si Lyka.
“Good Morning.” Bati nito.
“Good morning.” Sagot niya. “Gising na ba si EJ?”
Umiling ito. “Binisita ko lang ang kwarto niya. Iniutos kasi ng Don.”
Kaagad na nagsalubong ang kilay ni Geri sa narinig. “D-don? Dumating na si Don Emman?”
“Oo. Kanina lang sila dumating ni Miss Maita.” Bumakas ang pagkabahala sa mukha nito. “Nasa study siya ngayon. Mukhang mainit ang ulo.”
Binalot ng kaba ang dibdib niya. May ideya na siya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Sigurado siyang nakarating na dito ang pagpapakasal nila ni Jershian. Hindi pa man niya nakikilala ang si Don Emman ay nakikita-kita na niya ang hitsura nito sa sobrang galit.
Lihim siyang napangiwi. Ano na ngayon ang gagawin niya? Hudyat na kaya ito ng pagpapalayas sa kanya sa bahay na iyon? Paano na sila ni Jershian?
“Kumain ka muna ng agahan.” Yaya ni Lyka sa kanya. “Sige. Susunod na lang ako.” Aniya at iniwan na siya nito.
Nilingon ni Geri ang mahabang pasilyo kung saan nasa dulo noon ang study cum library ng mansyon. Nasa loob noon sina Jershian at ang lolo nito. She sighed in weary.
Samantalang sa loob ng study.
“You are insane!” anang ng galit na tinig ni Don Emman.
Kasalukuyang nakatayo ito sa likod ng mesa nito. Si Maita ay nakaupo sa wooden vistor’s chair sa harap ng mesa. Samantalang si Jershian ay nakatayo sa gitna ng study at nasa balakang ang mga kamay.
“Sir, could you please calm down. Maaaring pag-usapan ito nang hindi nagsisigawan.” Nakiki-usap na tinig ni Maita.
“How will I calm down!? Hindi ko maintindihan kung anong iniisip nitong alaga mo at nagpakasal sa babaeng ‘yon.” Bulyaw na sagot ng don.
Nagbuntong-hininga si Jershian. Ito na ang araw na inaasahan niya. Biglang dumating ang lolo niya dahil nalaman na ng mga ito ang pagpapakasal niya.
“I told you that you cannot hold me on the neck, Lolo. Hindi sa lahat ng bagay at oras ay kaya mong magdesisyon ayon sa gusto mo. I have my own life.” Kalmadong sagot ni Jershian.
“What life? Marrying that kind of woman?!” “Sir.” Saway naman ni Maita.
“Hiwalayan mo ang babaeng iyan, Jershian. Get your life back. ” Anang tinig ng don na hindi inintindi ang sinabi si Maita.
“Hindi ko gagawin ‘yon.” Sagot ni Jershian. “I will stay married to her.”
“What?” hindi makapaniwalang saad ito. “Anong gusto mong palabasin sa ginawa mong ito, Jershian? Kailangan ko na bang ihanda ang sarili ko na muli ay mawawalan na naman ako ng isang miyembro ng pamilya?”
Tumingala si Jershian at pinagmasdan ang magarbong kisame ng study. Iniangat ang isang kamay at saka hinilot ang sariling batok.
“Hindi ninyo kailangang mag-isip nang ganyan. Walang aalis kung susubukan ninyong pagbigyan ako.” he then said.
Tila napagod itong nagbuntong-hininga at sumandal sa executive chair nito. “Are you in love with that woman?”
Jershian got speechless for seconds. Naghahagilap ng mga salita. Hindi niya nagawang sagutin ang tanong. Ano nga ba nararamdaman niya? Unang-una na ay kung bakit ba siya nagpakasal kay Geri? His initial reason was to provoke his grandfather. Plainly, that’s it. At isa pa, ang matugunan ng sagot ang duda niya sa totoong pagkatao ni Geri. If she was really after his cousin’s wealth. Ngunit ngayon ay parang nahihirapan na siyang intindihin ang nararamdaman niya. Dahil sa kaibituran ng kanyang puso ay ang pagpapahalaga sa kanyang asawa nang higit pa sa sarili niya.
“Should I be?” naitanong niya sa sarili. Narinig iyon ng lolo niya kaya mapakla itong napatawa.
Taka siyang napatingin dito. “Dapat ay itinanong mo na ‘yan sa sarili mo bago mo pa ginawa ang kalokohan mo. Alright. Let’s make a truce.”
He snorted. Umangat ang likod nito mula pagkakasandal. “File an annulment to end your marriage and marry someone else. I will give you back the company. Simula ngayon ay hindi ko na pakikialaman ang pamamahala mo sa Wise&Pro. It will be all yours.”
Jershian gritted his teeth. “Palaging may kapalit lahat ng pabor na ibibigay mo.” He smirked. “I always do that.”
“I don’t’ need any of your manipulation.”
“I’m not manipulating. Sinasabi ko lang ang dapat mong gawin. You are already thirty years old, for God sake! Ngunit kung mag-isip ka ay parang nagwawalang disi-otso anyos!”
Hindi na nasopresa si Jershian sa narinig. Kahit noon pa man ay hindi na ito natutong magtiwala sa kanya.
“It is as if I didn’t grow up.” Umiiling niyang tugon.
“Exactly!” he snapped. “Life is not a game, Jershinal. Huwag mong sayangin ang lahat ng mayroon ka ngayon. Kung ipagpapatuloy mo ang ginagawa mo ay mapipilitan akong tanggalan ka ng karapatan sa lahat ng pag-aari ko. Even your own company. This woman will ruin your life.”
“Walang kinalaman ang pagpapakasal ko kay Geri sa pamamalakad sa kumpanya, Lolo.
Let her stay out of this!” galit na niyang tugon.
“Malaki ang kinalaman niya sa usapang ito!” ganti nitong sigaw. “Ipinapakita ng pagpapakasal mo sa kanya na handa kang kalabanin ako.”
He sighed in frustration. “So, what are you going to do? Igagaya mo rin ako kay Uncle Randel?”
Don Emman seemed like restlessly holding. Mabilis na nag-iba ang mukha nito nang marinig ang pangalan ang panganay na anak. Kahit na anong pilit na pagtatago ang gawin nito ay hindi pa rin maikakaila ang sakit at lungkot nito sa pagkawala ng anak. He insisted that he was a strong man but in the deepest side of him was a lonely father missing his son.
“Gumawa siya ng maling desisyon. At tulad niya, ginawa mo rin.” He said bitterly.
“Do you really believe that his wife, Carissa, was after this wealth of your family? Na siya ang sumira ng pamilyang ito. O dahil ‘yon lang ang gusto ninyong paniwalaan dahil hindi ninyo matanggap na may sariling paninindigan ang panganay ninyo.”
“What the hell are you talking about?” tila nagngingitngit na tanong nito.
“Tao ka lang, Lolo. Hindi ka Diyos. At ang tao nagkakamali. Maybe you are wrong.
Hindi lahat ng taong nakapaligid sa’yo ay susunod sa’yo.”
“Alam ko!” nagpupuyos na sagot nito. He can see the fury on his eyes and he filtered guilt on his blink. “Hindi mo ako lubos na naiintidihan. Hindi ko nilusob ang lahat ng hirap para lamang sa sarili ko. Ang bawat yaman ko ay may pinaglalaanan.”
Noon ito lumingon sa kanya. Hindi niya nagawang matagalan ang titig na iyon.
“But that doesn’t mean cutting my wings. I need my own life, Lolo. Pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi ko kayo pinahahalagahan.” Tugon niya.
Pagkasabi noon ay mabigat ang loob na lumabas siya ng study. Without knowing the hurt he left in the room.