PROLOGUE
Tahimik na naupo si Amber sa batong bench sa may oval ng eskwelahan. Inilapag niya ang kanyang bag sa kanyang tabi sabay buntong-hininga. Saka pinagmasadan ang ilang naglalaro ng football sa oval.
It was her first day as a freshman in WIA. Witherspoon International Academy or WIA was a private, non-profit, non-sectarian school that caters students from elementary to highs school. It was governed by a fifteen-member Board of Trustees elected from and by the parents of enrolled students and by sustaining members. Halos nubenta porsiyento ng faculty sa naturang eskwelahan ay galing sa ibang bansa kabilang ang US, UK at New Zealand. Ngunit mayroon din namang mga Pilipino. The student body was an international mixture. At ang mga tulad niyang Chinese-Filipino ang umuukupa ng limang pursiyento ng populasyon ng mga mag-aaral doon.
Hindi niya alam kung swerte nga bang naroon siya sa eskwelahang dahil lamang sa ang kanyang ama ang bise-presidente ng executive committee.
“Smile naman d’yan, Siyo beh.” Anang kanyang kuya Andrei nang bigla itong tumabi sa
kanya.
Siyo beh ang tawag sa bunsong kapatid sa Chinese traditions. Cantonese ang nauna nilang natutunang Chinese dialect ngunit sa Pilipinas ay Hokkien ang mas ginagamit. Ah hiya naman sa panganay na lalaki. Kaya iyon ang tawag niya kay Andrei.
Matanda ng limang taon si Andrei sa kanya. Panganay ito sa kanilang tatlong magkakapatid. Sumunod ang kuya Atom niya na matanda naman ng dalawang taon sa kanya.
“Go away.” Kulang na kulang sa sigla niyang sagot. Muli niyang tinungo ang netbook niya na kabibili pa lang ng kanyang ina bilang regalo sa kanya.
“Don’t think about it, okay? Hindi naman seryoso ‘yon.” Sabi ni Andrei na inismiran niya. Nagbuga siya ng hangin at itinupi ang netbook. Saka tumayo dala ang bag niya.
Wala siyang panahong pakinggan ang pangungumbinsi ng kuya niya ayuan ang kanilang ama. Their father never learned the art of being unserious. Bawat salitang lumalabas sa labi nito ay batas sa buhay nila.
“Siyo beh, pag-usapan natin ‘to. We can talk to Papa if you want.” Sabi pa ng kapatid niya habang lumalayo siya.
Hindi niya pinansin ang pagtawag ng kapatid niya bagkus kinuha niyang kanyang headset at isinalpak sa kanyang tainga. Nagtuluy-tuloy siya patungo sa hallway habang nakababa ang mga mata. Hawak sa kaliwang kamay niya ang kanyang netbook. Ayaw niyang may makapansin ng pamumuo ng kanyang luha. Walang ideya si Andrei o kahit sino sa kanyang pamilya sa kanyang nararamdaman. Pakiramdaman niya ay tinanggal na ng kanyang ama ang karapatan niyang maging masaya.
“Oh, shit-” inis niyang bulas nang bigla na lang may sumagi sa tagiliran niya dahilan upang mabitawan niya ang kanyang netbook niya sabay napaupo siya.
Kaagad niyang nilingon ang kanyang netbook at ganoon na lang ang panlulumo niya kasabay ng namuong galit dahil nagkalasug-lasog iyon.
“I’m sorry, I was in a hurry.” Anang mababang tinig. Her nerves went on a boiling point.
Kaya nanlilisik ang mga matang nilingon niya kung sino mang nasa harap niya.
“You idiot! Akala-” pagsigaw sana niya ngunit kaagad din siyang na naumid nang mabungaran ang nakatunghay sa kanya.
Amber’s bitter world suddenly went on slow motion. Nakita na niya marahil ang mukhang magpapabago sa definition niya ang kagwapuhan. His eyes were almost emerald green.
Alam niyang banyaga ito kahit na itim ang buhok nito. Hindi naman kaputian ang mukha nito. It was like cream or beige? Makinis din ang mukha nito. At may ilan freckles pa siyang nakita sa may taas ng chick bone nito.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Amber. Lumakas din iyon. It was the strange yet exciting feeling. Was it love at first sight?
‘What? No!’ anang isip niya. The guy was a stranger. Attractive nga siguro ito ngunit hindi pa rin niya ito kilala kaya hindi niya dapat nararamdaman ang ganoon dito. Hindi niya dapat pinagbibigyan ang ganoon pakiramdam sa kanyang sarili. She was never ment to fall in love.
“Oh, crap. I think I broke it.” Saad ng lalaki habang pinupulot ang netbook niya. Narinig niya ito ngunit tila ayaw kumalas ng mga mata niya sa titig sa lalaki. Noon ito lumingon sa kanya. Kumunot ang noo nito marahil napansin ang pagtitig niya.
“Miss?” Anito habang iniaabot ang sira na niyang netbook. “I’m really sorry about this.I can accompany you to-”
Kumurap si Amber upang gisingin ang sarili. Kailangan niyang burahin ang lalaking ito sa isip niya.
“Amber!” narinig niya ang tinig ng kanyang kuya Andrei. Iyon ang naging hudyat niya upang iahon ang sarili. Inagaw niya mula dito ang kanyang netbook at tumayo. Tumayo na rin ito.
“I’m Jeu-” hindi na nito natapos kung anumang sasabihin nito dahil malakas na sampal ang isinagot niya dito. She made sure it was a one hell of a slap.
Gusto sana niyang pagsisihan ang nagawa. She was not the violent type. Ngunit iyon lamang ang paraang naisip niya upang bumalik sa reyalidad.
Kitang-kita niya ang pag-igting ng muscles nito sa mukha at ang pamumula ng pisngi nito. Alam niyang nagulat ito ngunit mas nakita niya ang namuong galit dito. Kinabahan siya.
“Amber.” Anang kuya niya nang makalapit ito. “What’s happening here?”
“N-nothing.” Aniya at nagmamadaling hinila ang kapatid palayo sa lalaki. Wala nang nagawa si Andrei kundi magpahila sa kanya kahit na takang-taka ito.
She can really felt her knees trembling. Hindi naman niya alintana ang nasira niyang gadget. Kabang-kaba siya dahil sa unang pagkakataon ay nagkaganoon siya sa harap ng isang tao. At sa hindi pa niya kilala.
May kung anong nagtulak sa kanyang lingunin ito at ganoon na lang ang pagsikdo muli ng puso niya nang makita niyang nakatingin pa rin ito sa kanya. And that stare tattooed to her and terrified her heart.