ROXY CITY BOOK 6 ( (WHAT FOREVER ASKS) Chapter 2

CHAPTER ONE

Jeuan had thought of being uninvited. Sa kaarawan ni Roxanne Roswell. Sa party para sa kanyang ina. Libre ang entrance noong gabing iyon sa Roxy City, pinakasikat na superclub sa bansa na naka-stationed sa Taguig City, para sa mga kababaihan pati na ang lady’s drinks. Iyon ang kagustuhan ng kanyang ina. Nais daw nitong iparamdam ang substance ng kakabihan sa gabi ng kaarawan nito.

His mother just reached fifty years old. Ngunit kung pagmamasdan ang kanyang ina ay tila wala pang kwarenta. She looked very young for her age. Kung sila nga ang pagtatabihin ay maaaring isiping kasintahan niya ito. Palibhsa’y maaga siyang naging anak nito sa edad na dalawampu. Sa panahong tingkad na tingkad ang karera nito bilang supermodel sa New York.

Maagang namulat sa buhay may asawa ang kanyang ina. Nagpakasal ito sa kanyang ama na si Dymitri Roswell nang magdalang-tao ito. Lulamlam ang karera nito dahil sinubukan nitong pumasok sa pagnenegosyo at tulungan ang kanyang ama.

Ang Gio Roswell, isang malaking jewelry store sa Milan, ay pag-aari ng mga Roswell. Ang lolo ng kanyang ama ang nakadiskudre ng natatanging bato kung saan ginamit nito sa paggawa ng alahas at doon na nag-umpisa ang paglago ng kayamanan ng mga Roswell. Minana ng kanyang ama ang kumpanya na lalo pa nitong napalaki nang pasukin nito ang paggawa ng bag, sapatos at accessories. Napasok nito ang high fashion industry sa Europa at kasalukuyan ay isa ang tinitingalang brand ng apparel sa buong mundo.

Ngunit sa kabila ng pagyabong ng kumpanya ay siya namang paglago rin ng tensyon sa pagsasama ng kanyang mga magulang. Isang pagsubok ang dumating sa kanilang pamilya nang magkaroon ng unwanted affair ang kanyang ama sa isang modelo. Naging malaking eskandalo iyon sa business at fashion world dahilan upang maapektuhan ang kanyang ina. But his mother

did everything she can as a wife and a mother to protect the family. Ngunit sadyang mas malakas ang hatak ng tukso sa kanyang ama kaya nauwi sa hiwalayan ang mga ito. He was ten years old at that time.

Nanatili sila sa Milan sa kabila ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Ibinenta ng kanyang ina ang shares nito sa Gio Roswell at sinubukang bumalik sa pagmomodelo. Ayaw kasing umasa ng kanyang ina sa perang ibinibigay ng kanyang ama. Subalit hindi naging madali para dito ang pagbabalik dahil na rin sa edad nito. May ilang nagtiwala muli sa kanyang ina. Subalit hindi na tulad noong nag-umpisa ito.

Iyon na ang naging hudyat upang magbago ang kanyang ina. Depression started to escalate to his mother’s life. Nagsimula itong maging alcoholic. Naging malungkutin at kung minsan ay mainitin na rin ang ulo. She went to her point of emptiness. At kahit na nasa murang edad pa lamang ay naintindihan na niya ang sitwasyon nilang mag-ina. His family was wrecked. Sadness filled their home. Napabayaan na siya ng kanyang ina.

Halos dalawang taong pinaglabanan ng kanyang ina ang depresyon nito. Sa tulong ng ilang kaibigan nito ay sinubukan nitong magpakunsulta sa doktor upang magcounseling. Naroong dinalaw siya ng kanyang ama habang nasa session ang kanyang ina. They talked. Humingi ito ng tawad sa kanya. Nangako na sa kabila ng sinapit ng pagsasama ng mga ito ay hindi ito magkukulang bilang kanyang ama. He heard his sincerity. But he never felt it. Marahil dahil matibay na ang nabuong hinanakit sa kanya.

Sa kasalukuyang ay nakikipaglaban sa cancer ang kanyang ama. Tinawagan siya ng kanyang mga kapatid at ibinalita ang kalagayan nito. Hiniling ng mga ito kung maaari siyang umuwi upang makita ito. Ngunit hindi siya nangako. Though his mother went to see him.

Binanggit nito sa kanyang pupunta ito sa Italy at sinubukan siyang yayayain. But again, he said nothing. Kaya mag-isa itong umalis patungo sa kanyang ama.

“Jeuan!” nagawi ang tingin niya sa tumawag sa kanya at tuluyan nang naistorbo ang pagmumuni-muni niya. Lumapit si Lourd sa kanya.

Nasa VIP suite ng club. Kasama nila ang producer at boss niyang si Lourd Fortes. Naroon ang mga kaibigan niyang sina Mike, Marlon at Jershian na bagong kasal sa miyembro ng ‘Xquizit na si Geri. It was a big surprise for them. Hindi naman kasi nabalitang nagliligawan ang mga ito.

Kumpleto ang ‘Xquizit. Pati ang sikat na tattoo artist na si Calvin Esguerra na malapit nilang kaibigan at ang asawa nitong pastry chef na si Jubelle. Si Calvin ang gumawa ng lahat ng tattoo ng mga kaibigan niyang sina Mike, Marlon at Jershian.

“Akala ko hindi ka pupunta. Hi, Luah.” Sabi nito sabay lipad ng tingin sa tabi niya. “Hello.” Tugon ng magandang dalaga sa tabi niya. Si Luah Ezequivel, isang Fil-Mexican

actress. His current fling.

“Alam mong pupunta ako.” Aniya sa kaibigan.

“Yeah. It’s your mother’s birthday. Dapat lang present ka.” Sabad naman ni Luah.

Nagkatinginan sila ni Lourd sabay napangiti. Ganoon talaga ang magiging reaksyon nito dahil wala naman itong alam tungkol sa relasyon nilang mag-ina.

Umuwi sila ng kanyang ina ng Pilipinas nang sa tingin nito ay maayos na ito at wala na ring masayang buhay na naghihintay sa kanila. Nagpahiwatig ng legal na pakikipaghiwalay ang kanyang ina sa kanyang ngunit hindi tumugon ang kanyang ama. Sinabi nito na ang kanyang ina ang pinakasalan nito at ang tanging pinakasalan. Paraan daw iyon ng kanyang ama upang pagbayaran ang kasalanan nito.

Umuwi silang baon niya ang sama ng loob sa kanyang mga magulang. Mabigat ang loob at puno ng hinanakit. Naiintindihan niya ang kanyang ina ngunit galit din siya dito sa kabilang banda. Napabayaan siya nito. Nasaktan siya. Nasaktan siya dahil hindi siya naging sapat para sa kanyang ina upang maging mas matapang na harapin ang problema. Instead, she became selfish. Na kung tutuusin ay hindi lamang naman ito ang apektado sa mga nangyari.

“Of course.” Sabi na lang niya upang hindi na ito magkahalata.

Ngumiti ito saka pumulupot sa kanya. Hinayaan niya ito. Luah was sweet and very pretty. Sexy pa. Masaya itong kasama at kakwentuhan. Hindi rin ito ‘utak-bahaw’ ika nga ng ilang kalalakihan sa mga nakaka-date ng mga ito. In fact, Luah was into writing. Bukod sa pag- arte ay isa rin itong freelance romance writer.

“Do’n muna ‘ko.” Saad ni Lourd saka tinapik ang balikat niya.

Sinundan niya ng tingin ang paglayo nito at nagawi ang mga mata niya sa entrance ng suite. Nakita niyang pumasok si Amber. Kasama nito sina Cleo at Geri. Kaagad na gumala ang paningin nito at huli na para sa kanya na bawiin ang mga mata dahil dumako na ito sa gawi niya. Natama ang paningin nila.

Lin Ambrose Sih Chua. Amber para sa mga kaibigan at kakilala. Isa sa miyembro ng ‘Xquizit. Ang sumisikat ng modern dance troupe. Main artist ng Roxy City. Ngunit hindi lang ang pagiging ‘Xquizit nito nagpakilala dito sa society. Nag-iisang anak na babae si Amber ng namayapang si Huat Wong Chua, household name ng business industry ng bansa at kilalang notorious pagdating sa negosyo. May reputasyon si Huat na tinatakot nito ang lahat ng nagiging kumpitensya sa negosyo. Na ngayon ay minana ng panganay nitong anak na Andrei. Ang ina naman ni Esther Sih Chua. Kilalang socialite.

It was just seconds. Tila tumigil ang mga mundo nila at napako na lang sa tingin ng isa’t- isa. No words had been spoken. Tila ang mga mata ang may salita. At kasabay ng tila pagdidikit ng tiningan nila ay ang isang kudlit na bilis sa pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag. Ngunit sa tuwing makikita niya ang dalaga ay ganoon ang pakiramdam niya. His heart always skipped a beat every moment he sees her. Tulad noong una niya itong makita.

Ito na rin ang unang nag-iwas ng mata kasabay ng pagpukol sa kanya nang masamang tingin. The she walked elegantly. She was wearing an all-white outfit. High-waist short, a bikini top under a Versace blazer. Hindi ito nakasuot ng heels this time. Pair of silver flat shoes made her walks comfortable to look at.

Kilala na niya si Amber since high school. Pareho silang sa WIA nag-aral. He was s transferee. Sa Italy na dapat niya tatapusin ang pag-aaral ngunit kinailangan nang umuwi ng kanyang ina sa Pilipinas magbubukas na ang business venture nito, ang Roxy City.

Ahead siya ng limang taon kay Amber. Ang kuya nitong si Andrei ang naging kaklase niya. At tulad din ni Amber, kung minsan ay lumalabas ang pagiging snob ng kapatid nito. Hindi sila naging malapit ni Andrei. Iba ang circle of friends nila. At sa hindi niya maintindihang dahilan ay tila mabigat na ang loob sa kanya ni Amber.

Isang bahagi niya ang nais lumapit dito at kausapin ito. He always has that feeling of attraction for her. Subalit sa tuwing susungitan siya nito ay naiirita na rin siya. Para tuloy silang mag aso’t pusa na palaging nag-aaway sa maliit na bagay.

Nang makita niyang lumapit ito sa mga kaibigan nito at nakipag-kwentuhan ay inalis na niya ang tingin dito. Naramdaman na rin kasi niya ang mga kamay ni Luah sa kanyang pisngi.

“Parang ang lalim ng iniisip mo.” sabi nito. Ngumiti siya. “Iniisip lang kita.”

Lumapad ang ngiti nito. “Katabi mo naman ako. Pwede mo namang sabihin na lang ang kung anumang nasa isip mo.”

“You’re beautiful.” Aniya.

Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi. He liked it. Nag-iwas ito ng tingin tanda ng pagkailang. Napatawa siya.

“Thank you.” Halos pabulong nitong tugon sabay halik sa pisngi niya. Umangat naman ang braso niya upang akbayan ito.

“Yes!”

Halos lahat ay nabigla kabila na siya nang marinig ang malakas na sigaw ni Amber matapos ang ilang sandali. Kunot ang noo siyang napalingon dito. Nakatayo ito tila galit nag alit.

“I’m getting married and I cannot do anything to stop it!” sigaw pa nito.

Nagulat ang lahat. Nagkatinginan sila ni Luah. Amber was mad and maybe upset. Kapansin-pansin iyon sa reaksyon nito. Tila may problema ito. Umahon ang pag-aalala sa kanya. Ngunit anong sinasabi nito?

“And that conceited talented beast?” sabi pa nito at pinagduduro siya na taka rin nakatingin dito. “Hindi ko magugustuhan ang lalaking ‘yan. Ever!”

Nakita niyang hinawakan ito ni Geri ngunit nagpapumiglas ito sabay padabog na lumabas ng suite.

‘I am getting married.’ Iyon ang tumatak sa kanya sa mga sinabi ni Amber. Is that for real? Kanino? Kailan? Bakit ganoon ang nangyari? At bakit parang hindi naman ito masaya na magpapakasal na ito?

Nanibago siya sa ikinilos ni Amber. Iyon ang unang pagkakataong nakita niyang ganoon ang dalaga. Madalas uminit ang ulo nito ngunit kanina ay iba ang nakita niya. Tila seryoso ang sinabi nito. Mas sanay siya sa pagsusungit nito kaysa ganoon tila may pinagdadaanan ito.

Nang makita niyang lumabas rin si Geri upang sundan si Amber ay hindi na niya itinuloy ang balak na kausapin ito. Bukod pa sa hindi na siya kakausapin nito.

“Amber!” tawag sa kanya ni Geri habang papalapit siya sa kanyang sports car. Mabilis niyang pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi niya. Saka niya nilingon ang kaibigan.

“I’m going home. Pakisabi na lang kay Rox.” Sabi niya nang makalapit si Geri.

“Ano ‘yon?” tanong nito na kunot na kunot ang noo. Nakita niyang papalapit na rin sina Cassie. Lihim siyang napangiwi.

“What happened?” tanong ni Cassie.

“I’m sorry, Girls. I made a scene.” sabi niya sa mga kaibigan. “Amber, ano ba ‘yon?” Si Geri ulit.

She sighed. Pinindot niya ang alarm ng kotse niya. Saka umiling. “Wala ‘yon. Don’t take it seriously.”

“Amber-”

“I really have to go. Ah hiya is calling.” Agap niya ay hindi na hinintay na nakapagsalita pa ang mga kaibigan niya. Mabilis siya lumulan sa kanyang kotse. Alam niyang nagtaka ang mga kaibigan niya ngunit kung wala naman siyang sasabihin ay iisipin lang ng mga ito na sinumpong lang siya.

“Ah hiya, why?” aniya nang sagutin ang tawag ng kuya Andrei niya. She was wearing a bluetooth earphone siya. Tinanong pa rin niya ang kapatid niya kahit na alam na niya kung bakit siya tinawagan ang kapatid niya. Nakaramdam siya ng inis.

“Hiro is looking for you.” Sabi ni Andrei.

She rolled her eyes. Annoyance blasted to her like a bullet. Kaya nga sira ang araw niya ay dahil sa lalaking iyon. Maghapon na nga niyang iniiwasan si Hiro.

“Bakit daw?” patay-malisya niyang tanong. Narinig niya ang marahas na pagbuntong- hininga nito.

“Hwei sin kha kinneh, Siyo beh. Dumating si Hiro dito sa bahay at kausap s’ya ngayon ni

Mama.” Sabi ni Andrei na ibig sabihin ay magmadali siya.

“Ah hiya. A-” hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nawala na ito sa linya. Pikon niyang tiningnan ang kanyang Iphone. Pati sa kanyang kapatid ay nainis na rin siya. Bakit ba niya kailangan pa niyang magmadali porke naroon si Hiro?

Pinaharurot niya ang kanyang kotse. Hindi siya muna uuwi. Mamumuti ang mga mata ng tao sa bahay nila sa kahihintay sa kanya. Lalo na si Hiro. She wanted to be alone. Out of coverage and cannot be reached. Dahil pakiramdam niya ay dumating na ang araw na kinasusuklaman niya. Ang araw na tatapos sa masasayang araw niya. Sa pagiging malaya niya.

Hindi niya napigilang muling mamuo ng luha nang maisip ang kasalukuyan niyang sitwasyon. Ang sitwasyong malaki ang binago sa buhay niya lalo na sa pananaw niya sa pag- ibig.

His father, Huat Wong Chua, a notorious business man made a promise some years ago. Kasama siya sa pangakong iyon. Isang makapangyarihang tao ang kanyang ama. At kahit na

limang taon na itong pumanaw ay buhay na buhay pa rin sa kanya ang naging pangako ng kanyang ama.

It was on her fourteenth birthday when her father made her future. Malapit na kaibigan at business partner ng mga Sih Chua ang mga Guidotti-Kurasawa. Matalik na kaibigan ng kanyang ama si Saite Kurasawa, isang hapones na may-ari ng pinakamalaking car manufacturing sa buong Asya. Sa Hong Kong nagkakilala ang kanyang ama at si Saite. Doon din nakilala ni Saite si Laarni Guidotti na napangasawa nito.

Maraming pinagdaanan sa Hong Kong ang magkakaibigan. Hindi lingid sa kanilang magkakapatid pati kay Hiro, nag-iisang anak nina Saite at Laarni, ang pagsubok na nilampasan ng magkakaibigan upang magtagumpay sa banyagang bansa. Her father was a Chinese, Laarni being a Filipina and Saite a Japanese. They survived the harsh world of poverty and slaughtered lives in Hong Kong. Kung saan-saan napadpad ang magkakaibigan at kung anu-ano ang naging trabaho. They even entered the industry illegal doings.

Tinatamasa nila ang tagumpay dahil nagtagumpay ang mga magulang nila. They live a very extravagant and rich life. They were even famous amongst their society. Kahit kailan ay hindi naranasang maghirap ni Amber. Nagagawa at nakukuha niya ang lahat ng gustuhin niya. Iyon ang nakalakihan niyang buhay. Kahit pilit niyang mabuhay nang low profile ay hindi pa rin maiwasang gamitin niya ang yaman at kapangyarihan ng kanyang pamilya.

But those perks of being on her shoes come with a curse. Yes. Curse. Sumpa ang turing niya sa pagkatao niya dahil nagawang kontrolin ng kanyang ama ang pinakamahalagang bahagi ng buhay niya. Ang karapatang pumili ng taong mamahalin. Dahil ipinagkasundo siya ng kanyang ama kay Hiro Kurasawa may sampung taon na nakakaraan.

Kaya kahit na anong gawin niya ay nakatali na siya sa isang kasunduan. Hindi maaaring baliin ninuman ang pangakong iyon ng kanyang ama. Hindi ordinaryong pamilya ang kinabibilangan niya. That’s what made her weary. Nasasaktan siya. Hindi niya gustong magpakasal. Lalo na kay Hiro. Lalo lamang siyang masasadlak sa kapalaran ng pamilya niya. Napaluha siya. Hindi niya magawang suwayin ang utos ng kanyang ama. Dahil sa oras na suwayin niya ang kasundaang iyon ay buhay niya ang ibabayad niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.