ROXY CITY BOOK 6 ( (WHAT FOREVER ASKS) Chapter 9

CHAPTER EIGHT

Isang desisyon ang kailangang gawin ni Amber. Kailangan na niyang tanggapin ang kapalaran niya. At si Hiro ang kapalaran na iyon.

Ipinatawag ng council ng House sina Andrei at ang kanyang ina kaya kasalukuyang nasa Singapore ang mga ito. Alam na niya ang ibig sabihin noon. Ibibigay na nila ang warning para sa kanya.

Ang House ay isang underground organization na kinabilangan ng kanilang mga magulang noong dekada sitenta. Sa China ipinanganak ang kanyang ama at nang umedad ng dalampu ay napadpad sa Hong Kong dahil sa kahirapan. Doon nito nakilala sina Saite Kurasawa at Laarni Guidotti at doon na nagsimula ang pagkakaibigan ng mga ito.

Kung anu-anong trabaho ang pinasukan ng mga ito para lamang mabuhay sa Hong Kong. Ngunit palibahasa’y pare-parehong dayuhan sa Hong Kong, hindi naging madali ang pagtatrato sa mga ito ng mga tao doon. Umabot na sa puntong hindi sila kumakain nang husto dahil sa walang trabaho.

Dahil sa paghihirap na dinanas at kagustuhang mabago ang buhay nila, napilitan ang magkakaibigan na pumasok sa black market ng halos lahat ng klase ng transaction. Noong una ay pahapyaw lamang lamang ngunit nang makita ng naging amo nila ang galing nila ay doon na nagsimula ang pagbuo sa isang organisasyon. Ang House. The House that was allegedly engaged in a variety of crimes from extortion and money laundering to trafficking and prostitution. They also were involved in smuggling and counterfeiting goods.

Kahit kailan ay hindi naranasan ni Amber na mapalahok sa anumang naging operasyon ng House. Silang magkakapatid ay pinalaking maayos at marangal ng kanilang mga magulang. Pinag-aral at hindi hinayaang mabuhay sa hirap. Labing-isang taong gulang na siya noon nang

dalhin silang magkakapatid sa Pilipinas. Noon ay nag-uumpisa nang lumago ang mga negosyong itinayo ng kanyang ama kasama ng matalik nitong kaibigan na si Saite.

Sa kasalukuyan ay aktibo pa rin ang samahan ngunit wala na ang over-all control sa operative sa kanila. Subalit nanatili sa matataas na posisyon sina Andrie at ang kanyang ina, si Hiro at ang ina nito bilang mukha ng kanyang ama at ni Saite. Hindi rin directly involved ang kahit na sino sa kanila sa mga krimen na madalas na ibintang sa House na hindi rin naman napatunayan kahit kailan. Iyon ang madalas sabihin ng kanyang ama sa kanila noong nabubuhay pa ito. Na walang katotohanan ang pagkabit sa House ng masamang imahe nito.

“Amber?” tila nagising siya napakalalim ng pag-iisip nang marinig ang tumawag sa kanya. Mula sa pagkakasandal sa hood na sports car niya lumingon siya upang hanapin ang may- ari ng tinig.

“H-hi, Uncle.” Tugon niya nang makita si Attorney Agustin. Kunot ang noo nito nang lumapit sa kanya.

“You look beautiful. May date ka?” saad nito.

Napangiti siya ngunit naroong kinabahan siya. Hindi nito dapat malaman kung bakit siya naroon sa parking area ng isang tagong fine dining restaurant. Nakasuot siya ng asul na skinny jumpsuit at metallic pumps sa kanyang paa. Her hair was laid down with a curl.

“Ahm, may kakausapin lang po ako.” Tugon niya.

Tumawa ito. “Hija, don’t be afraid. Alam mo namang kakampi ako ng pamilya mo. You can tell me everything.”

She smiled reluctantly. “I-I don’t understand.”

Umangat ang kilay nito. “Galing na ‘ko sa loob. Nakasalubong ko si Jeuan Roswell nang palabas na ‘ko. May usapan ba kayo?”

Hindi kaagad nakahuma si Amber. Totoong may usapan sila ni Jeuan. He asked her for a date. Nais niyang tumanggi. Gusto niyang sabihin dito na walang patutunguhan ang nais nitong mangyari na lalo pa silang magkakilala. But she cannot say it on the phone or through text. Kaya pumayag siya sa date na hiningi nito. Ngunit hindi naman niya inaasahan na makikita siya ni Attorney Agustin.

“Amber, don’t worry. This is off the record. Personal meeting ang ipinunta ko dito.

Nangyari lang na nakita ko si Jeuan at nakita rin kita.”

Napabuntong-hininga siya. Napahigpit din ang hawak niya sa dala niyang pouch. Naisip niyang magsinungaling. Ngunit hindi iyon magiging kapani-paniwala.

“M-Mag-uusap lang po kami.” Sagot niya.

Tumangu-tango ito. “Sa maniwala ka sa hindi, Hija. Naiintidihan ko ang nararamdaman mo. Kung ako lang ang tatangunin ay gusto ko ring maging masaya ka. Naiintindihan ko kung hindi mo mahal si Hiro at ayaw mong magpakasal sa kanya. Naiintindihan ko rin kung may mahal kang iba. Kung mahal mo s’ya.”

Nanatiling walang kibo si Amber. Hindi niya alam kung anong sasabihin. She never expected that word from him. Walang siyang maisip na paraan para paniwalaan ang sinabi nito. Kung totoong naroon ang sinseridad sa mga salita nito.

“Just a strong reminder. Hindi madali ang haharapin n’yo kung paninindigan mo ‘yan. I know you know the consequences. Pipigilan kayo ni Hiro. At alam mo kung bakit n’ya gagawin ‘yon. Intindihin mo rin sana s’ya. Pati na ang kapatid mo.”

“W-wala naman pong kailangang panindigan. Hindi po kami ni Jeuan. It’s just a talk.” Tugon niya.

Ngumiti ito. “Okay. I’m just here if you need me. I’ll go ahead.”

Gumanti siya ng ngiti. “Sige po. And…thank you.”

Hindi na ito tumugon at tumalikod na. Naiwan siyang tinatanaw ang paglayo nito. Saka nagbuntong-hininga at nagpasyang pumasok sa loob.

Kaagad niyang nagustuhan ang entrance dahil sa dripping vines ng mga puno. Sa kaliwa naman sa may pinto ay isang manmade pond na may Koi. The place was like a work of art. It added charm to the ambiance. Dating bahay na na-convert sa restaurant ang Balay Anessa. Isang Filipino cuisine restaurant na may tema na makalumang pamumuhay o barrio living.

Kaagad na hinanap ng kanyang mga mata si Jeuan. Palibhasa’y bahay ang structure, may kaliitan ang unang palapag. Kaya madali niyang nakita si Jeuan. Nilakad niya ang kahoy na sahig papalapit dito.

“Hi.” Anito nang makatayo. She smiled. “Hi.”

Hindi niya alam kung paanong ngiti ang gagawin niya. She wished she hidden her shaking self well. Hindi niya mawari kung paano patatahimikin ang puso niya sa pagri-regudon sa dibdib niya. He looked smart in his dark blue green long sleeve. Nakaipon ang manggas hanggang sa forearm nito. It was tucked in his cream trouser. He still has his untrimmed hair but it was gorgeously wrapped around his beautiful face.

Kumilos ito at ipinaghila siya ng upuan. Pilit namang itinatago ang pagkailang siyang naupo. Naupo ito sa tapat niya.

“You look radiant.” Pagpuri nito sa kanya na kaagad na nagdulot ng init sa kanyang

mukha.

She knew she blushed. Sanay naman siya sa compliment. Hindi na nga niya alam kung ilang beses na siyang napuri nang ganoon. Ngunit tila birhen siya sa paghanga nang si Jeuan ang nagsabi sa kanya.

“Thank you.” Tugon niya sa tila nahihiyang tinig. He smiled. “Let’s eat?”

“Okay.” Aniya pagkatapos ng isang tango.

Tinawag nito ang waiter at iniabot ang menu sa kanila. Nagkaroon siya ng pagkakataong bumuga ng hininga dahil naging abala ito sa pagpili ng o-order-in niya.

Mabilis naman silang nakapili at ibinalik ang menu sa waiter. Muli siyang tiningnan ng binata. Pasimple siyang bumuntong-hininga.

“Nagduda ako na baka hindi ka dumating. You were unsure when we last talk.” Sabi nito. Ngumiti siya. “Traffic.”

Tumango ito kasunod noon ang paglapit ng usher dala ang mga order nila. Muling naputol ang usapan.

“Kumusta ka na?” tanong nito nang magsimula silang kumain. “I’m good.” Tugon niya. “Ikaw?”

Nagkibit-balikat ito. “A bit busy. Malapit na kasi ang launch ng bagong album namin. Haggard na nga si boss Lourd eh. I was supposed to go to Roxy. May listening party kasi para sa first single namin. Pinilit ko lang matuloy tayo.”

Napigil ang akma niyang pagsubo sa bapiraso niyang smoked duck breast. “S-sana ni-

resched na lang natin.”

Umiling. “I wanted to see you. I can’t wait any longer.”

Gustong suminghap niya Amber dahil sa narinig ngunit hindi niya magawa. Anong ibig ipakahulugan ni Jeuan sa mga sinabi nito?

Hindi na siya tumugon at kunwa’y inabala ang sarili sa pagkain. She was supposed to tell him to stop. Na hindi na maaaring masundan ang pagkikitang iyon. Na walang patutunguhan ang kung anumang namamagitan sa kanila. Ngunit hindi niya magawa.

“You seemed not accessorized tonight.” Sabi nito.

“What?” pagtataka niya saka napansin nakatingin ito sa parteng may dibdib niya. Tinungo niya ang sarili sabay napahawak sa leeg niya. It was bare. Hindi na kasi siya nag- abalang magsuot ng alahas para doon. It may overdo the outfit.

“I have something for you.” Sabi nito at mula sa gilid nito ay itinulak ang isang asul na kahita. Tila nasa apat na pulgada ang lapad noon.

“A gift?” nagtatanong niyan saad sabay hinawakan ang kahon. “What for? Wala namang okasyon.”

“Open it.” Malayong tugon nito.

Tiningnan niya muli ang kahon. Mabilis niyang napansin ang logo ng Gio Roswell.

Kaagad na siyang nagkahinala kung ano ang laman noon. Nagpasya siyang buksan.

Paghanga kaagad ang naramdaman ni Amber nang makita ang isang kwintas. A gorgeous pear shaped cherry Amber stone that was surrounded by round brilliant diamonds set in platinum. May kahabaan iyon at may enclosure na silver sterling. She knew right away that the jewel was expensive. Isipin pang Gio Roswell iyon.

“I...this is…is an amber stone.” hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin.

“I was a bit late nang ipasa ko ang design. Mabuti na lang napakIusapan ko sila. And the shipping was fast.” Sabi nito sa kanya habang nakangiti.

“W-wait. You designed this? Kelan? I mean…how?”

Tumawa ito. “You forgot that I’m a jeweler. Kalahati ng alahas ng Gio ay ako ang gumawa. Bata pa lang ako ay nagpapasa ng ‘ko ng mga designs. Si Dad ang nag-influence sa’kin na gawin ‘yon. Nakita n’ya kasi minsan na nag-do-drawing ako ng alahas. He said namana ‘ko ang trait na ‘yon kay Gramps. That used to be my contribution on the company.”

Ikinagulat niya ang nalaman. Walang nakakaalam na ito pala ang nasa likod ng tagumpay ng Gio Roswell. Ito pala ang gumawa ng lahat ng alahas ng kumpanya nito. At sa murang edad pa. Lubos niyang ikinalugat iyon kasabay ng pagkapahiya sa sarili. She thought of so many negative things about him. Binulag niya ang sarili na wala itong silbi. Na walang pangarap sa buhay. She even called him a disappointment.

“W-wow…” puno ng mangha niyang saad. “This is expensive, Jeuan. It’s too much. I don’t think-”

“Don’t worry, it’s priceless.” Agap nito.

Hindi siya kaagad nakatugon. “I-I’m sorry. I don’t get it.”

“It’s priceless kasi wala pa s’ya sa kahit na anong collection ng Gio. It was my newest design. Ipinaayos ko na ang trademark and patent n’yan para maging official Gio necklace. Pati na ang pangalan n’yan.” Sabi nito.

“I’m sure magiging bestseller ‘to just like your other designs.” Komento niya habang tinitingnan ang kwintas. Hindi talaga niya mapigilang mamangha sa ganda noon.

“I don’t think so.” Tugon nito. Nagtaka siya. “Why?”

“Hindi ko s’ya ipapabenta. It will be included in the rare collection but nothing more.

Tataas ang value n’yan pero walang makakabili.”

Lalo siyang naguluhan. “Okay. I’m really lost here.”

Lumakas ang tawa nito. “It was an exclusive design for only one person.”

“And who’s that person?” naiintriga niyang tanong. Pinipilahan at pinag-aagawan ang alahas ng Gio Roswell.

“Ikaw.”

“A-ako?” hindi makapaniwala niyang sambit.

His stare was penetrating. Titig na titig ito sa kanya. And his light green eyes were delighting her heart.

“Ikaw ang nasa isip ko no’ng ini-sketch ko ang kwintas. I’m not fond of stone. Matagal na rin na hindi ako gumagawa. Pero dahil sa’yo, bumalik ang hilig ko sa pag-di-design. And that in particular is my favorite one. Dahil para sa’kin ay ikaw ang kwintas na ‘yan.”

“Jeuan…”

“Let me?” anito at tumayo. Kinuha nito ang kwintas at pumuwesto sa kanyang likod upang ikabit iyon.

Hawak ang pendant ay nanginginig ang kamy ni Amber. It was the closeness. She shivered when his skin was gently rubbing in her nape. Ramdam na ramdam niya ang init ng kamay nito

“There.” Anito at muling bumalik sa upuan. Hinawakan nito ang kamay niya. Parang kuryente na dumaloy ang hindi maipaliwanag na sensasyon sa kanya.

“It looked great on you.” Sabi nito. “Thank you.”

She was really becoming uncomfortable. Unti-unting lumalantad sa kanyang harapan ang isang katotohanan. They have something going on. Na likod ng inis at away nila na tumagal ng

ilang taon ay ang pagtatangi. Naitago lamang iyon ng kanyang ipinapakitang kunwa’y pagdisgusto dito. Ngunit ang totoo ay may atraksyon sa pagitan nila.

Hindi na alam ni Amber kung ano ang dapat maramdama nang mga oras na iyon.

Kailanga na niyang sabihin ang sadya niya. Kailangan na niyang sabihin dito ang totoo.

‘What truth, Amber? That you’re in love with him through all this years? Itinatago mo lang.’ pagkastigo ng isang bahagi ng isip niya. Ngunit mabilis niyang ipinilig ang ulo.

“I will not accept your thank you.” Sabi nito. Napatingin siya dito habang hawak pa rin ang pendant ng kwintas.

“Ano?”

“Nagustuhan mo ba?” instead he asked.

Tumango siya. Kahit naman yata kahit sinong babae ay magugustuhan ang kahit na anong alahas. Lalo na at isang Gio Roswell iyon.

“Good. I will ask you a favor as your thank you to me.” Sabi nito.

Kumunot ang noo niya. Mukhang kontrolado ni Jeuan ang date na iyon. Wala na siyang nagawa o sinabi kundi umiling, tumango at magtanong. Why Jeuan was so powerful over her? It was if as if she was hypnotized.

Nagbuntong-hininga siya. “Sana lang ay hindi imposible ang hihilingin mo. Kaya kong ibalik ang kwintas mo kahit bayaran ko pa.”

Tumawa ito. And the smile could change her for a lifetime. Nag-iwas siya ng tingin upang nito mapansin ang kilig niyang naramdaman.

“Madali lang hihilingin ko.” “Ano nga ‘yon?”

“Don’t marry him.” Mabilis nitong sagot.

Hindi na siya nagulat sa sinabi nito ngunit ikinagulat niya ang intensidad sa tinig nito.

Muli niya itong tiningnan at ganoon na lang ang kaseryosohan sa mukha nito. “At bakit naman kita susundin?” she had to fight her feeling.

“Dahil ayoko.”

She smirked on that thought. “You’re crazy.”

“Yeah. Both of us.” Anito. “Dahil ilang taon na tayong nag-iiwasan. Matagal na nating itinanggi sa isa’t-isa ang totoong mayroon tayo. We keep complaining on each other pero ang totoo gusto mo ‘ko at gano’n din ako sa’yo. I always miss-”

“Stop it!” nataranta niyang agap dito sabay tayo. “Hindi totoo ang sinasabi mo.”

“Why still deny it? Hanggang kailan mo ‘ko iiwasan para lang sa Kurasawa na ‘yan?” may galit na nitong saad sabay tumayo na rin.

“I don’t deny anything. In fact, kaya ako nakipagkita sa’yo ay para sabihing tigilan mo na ‘ko. Hindi ko-”

“No. Sa’yo ‘yan. Walang ibang magmamay-ari n’yan kundi ikaw.” Agap nito nang akmang tatanggalin niya ang kwintas.

“Thank you. But I’m sorry. I have to go.” Nakaiwas na ang mga mata niyang sabi sabay kuha sa kanyang pouch saka tumalikod.

Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay hinila na siya nito paharap dito. Wala na siyang nagawa nang hagipin nito ang batok niya sabay lapat ng labi nito sa kanyang labi. And she was a little too late to push him away. Kusa nang bumigay ang puso at tinugon ang mapanuksong halik nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.