CHAPTER SEVEN
Amber guessed right. Nasa bahay na nila ang kotse niya at naroon ang pamilyar na sasakyan sa kanya. Alam niyang nasa loob si Hiro at malamang ay kausap ng kapatid niya o ng kanyang ina. Napabuga siya ng hangin. Bumalik na siya sa realidad ng buhay niya.
“You have a big house.” Narinig niyang sabi ni Jeuan sa tabi niya. Nasa loob pa siya ng kotse nito.
“It was Mama’s idea. May nagustuhan kasi s’yang bahay sa Bel-Air. Kaya pinilit n’yang bumili ng malaking property para masunod ang plano.” Sagot niya habang nakatingin sa kotse siyang nakaparada sa tabing kalsada.
“Mukhang naisumbong ka na ni Kurasawa.” Sabi ni Jeuan.
She blew a nasal breath. “It’s not sumbong technically. Ginagawa lang n’ya dahil bestfriend s’ya ni Ah hiya at kaibigan s’ya ng pamilya. You know. Those brotherly duties.”
He snorted. “However you say it. Epal pa rin s’ya para sa’kin.”
Napangiti siya kasunod ay umiling. “That’s him. Para s’yang si Ah hiya. Dominant. They always wanted everything on their hands.”
“Well, you have to prove them wrong.” He said throwing a stare on her. Tinitigan din niya ito.
Muli siyang nagbuntong-hininga. Naisip niyang masyado nang matagal na magkasama sila ni Jeuan. Ibig sabihin ay nasusuway na niya ang ipingako niya sa kanyang sarili. She was enjoying every seconds being with him. Nakalimutan niyang hindi maaaring madamay si Jeuan sa gulo ng buhay niya. Her insanity about changing her future must stop. Dahil kung hindi pa matatapos iyon ay lalo lamang itong mapapamahal sa kanya. At darating ang araw na hindi na niya kayang pigilan ang puso niyang mahalin at ipaglaban ito.
“Kailangan ko nang pumasok. Gabi na.” Aniya upang gisingin ang sarli. Tingnan pa lang mukha nito ay tila matutunaw na siya. Nagpasalamat nga siya at magaling siyang magtago at magpanggap.
“Sige. Pero sure ka ba na okay ka na?” sabi nito. His concern was melting her heart.
Ramdam na ramdam niya ang pagpapahalaga nito sa kanya. ‘Stop it, Jeuan. Lalo ka lang mapapamahal sa’kin.’ “Oo naman.” Sagot niya. “Friends?”
Tiningnan ni Jeuan ang nakalahad niyang kamay. Saka umangat ang mata nito sa kanya.
His bristled with unexplainable emotion.
“Friends.” Anito sabay tanggap sa kamay niya.
“I’m sorry if I’ve been mean to you.” Taos sa puso niyang sabi. Ngumiti ito. “Forget about it. Just don’t do it again.”
Napabuka ang bibig niya upang magprotesta sa sinabi nito ngunit naunahan iyon ng pagtawa. Napapailing siyang sumandal sa upuan.
“It’s your fault din naman eh. Kung hindi mo-”
“Hep.” Agap nito sa kanya at idinikit ang hintuturo nito sa kanyang labi. “Sabi ko kalimutan na natin ‘yon. But I promise I will make up to you. Ngayon pa na…magkaibigan na tayo.”
Kumilos ang kamay nito at biglang hinaplos ang pisngi niya. Kailangan niyang umilag ngunit huli na dahil naunahan na siya ng kakaibang sensasyong kumalat bigla sa katawan niya. At dahil sa ginawa nito ay tila nanginit ang pisngi niya.
“A-About that-”
“Let’s meet again, Amber.” Alam niyang sinadya nitong hindi siya patapusin. Hindi pa rin nito inaalis ang kamay sa pisngi niya.
“Palagi naman tayong nagkikita.” Sagot niya at dahan-dahang inalis ang kamay nito. She liked the feeling in his presence. Ngunit hindi pa man niya nailalayo ang kamay nito ay kinuha naman nito ang kamay niya at dinala sa labi nito.
Impit ang ginawa niyang pagsinghap. Totoong ikinagulat niya ang ginawa nito. He must really stop. Lito lamangang hatid noon sa kanya. She was really falling into him. Dahil iyon sa mga ipinapakita ni Jeuan. Parang mas kumportable pa siyang lagi silang nagtatalo.
“Alam mo ang ibig kong sabihin.” Saad nito.
Another spill of spark travelled into her heart. Hindi mahirap intindihin ang sinabi nito. How she wished she could say yes. Ngunit bagyo sa buhay nila ang dala kung palalawigin pa niya ang lahat.
“Ikakasal na ‘ko. Let’s not put things in worse, okay? Hindi matutuwa si Hiro kapag nalaman n’yang…I mean, I’m not for mingling anymore. Tapos na ‘ko sa stage na ‘yon. Tinapos na ni Hiro.” Mabigat man sa loob ay kailangan niyang sabihin iyon. Abot hanggang langit ang pagpipigil niya sa sariling aminin dito ang totoo niyang nararamdaman.
“Wala akong pakialam sa Hiro na ‘yan. Gagawin ko ang gusto-” “Jeuan-”
“I will insist kahit na umayaw ka pa. Nothing will stop me from coming for you. Kailangang mapigilan ang kasal na ‘yan.” Buo ang tinig nitong agap. “Pumasok ka na. Baka umiiyak na si Kurasawa kasi wala ka pa.”
“Don’t make decision for me.” Umaahon ang irita niyang sabi.
He smirked. “It is not for that intention. Alam natin pareho kung ano ang totoo at ‘yon ay ang hindi mo mahal ang Hiro na ‘yan.”
Halos sabay silang nagbuntong-hininga at nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa. Hindi niya maintindihan si Jeuan. Mali ba ang ginawa niyang pagsasabi dito ng tungkol sa pagpapakasal niya? Sana naman ay hindi.
Nang wala na siyang maisip na sasabihin dito ay nagpasya siyang buksan na lang ang pinto upang bumaba na. Ngunit muli siyang pinigil ni Jeuan.
“I hope you will fight for your forever.” Anito at tumingin sa kanya. “Hindi si Kurasawa ang forever mo.”
“And what do that forever of mine ask from me? Kalabanin ang pamilya ko at magsimula ng gulo? Magiging makasarili ako kung hindi ko pakakasalan si Hiro. And if gotten worse? We all gonna die.”
Inalis niya ang kamay ni Jeuan sa kanya at mabilis na bumaba ng kotse. At mabigat ang mga hakbang na pumasok sa malawak nilang garahe. Pinilit niyang hindi na lingunin si Jeuan. Dahil alam niyang hindi siya magdadalawang isip na sumakay muli sa kotse nito kung puso ang paiiralin niya.
Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang pagharurot tanda ng pag- alis nito. Parang gusto na naman niyang maiyak. Para na rin niyang itinaboy ang pangako ng kaligayahan niya.
Hindi siya sa main gate nagpahatid kay Jeuan kundi sa mas maliit na gate. Naroon ang turf tennis court. Si Atom ang madalas gumagamit ng court na iyon. Inakyat niya ang mahabang exterior staircase. Nilingon niya ang infinity pool bago pumasok sa living room.
She was never surprised. Naroon nakaupo kulay balat na sofa ay ang mommy niya at si Hiro. Natigil ang pag-uusap ng mga ito nang mapansin siya. Si Anderi naman ay naroong nakatayo hindi kalayuan sa mga ito. May hawak itong baso na alam niyang ang laman ay brandy. It was his favorite drink. Nilingon siya nito. Katabi naman nito ay si Uncle o si Atty. Wilfredo Agustin. Ang abogado ng pamilya Sih Chua. Kaibigan din ito ng mga magulang nila ni Hiro.
Uncle ang nakasanayan nilang itawag dito dahil sa pagiging bubbly nito. May kaliitan ito at malusog ang pangangatawan. Masayahin din na kung minsan ay hindi na paniniwalaang abogado ito. But his bubbliness was only at front. Isang norotiuos na defense attorney si Agustin at hindi na mabilang na kaso ang naipanalo nito.
“Where’s Atom?” tanong niya upang mapagtakpan ang kabang biglang bumalot sa kanya. Both Andrei and Hiro flew a stern look to her. Hindi tuloy niya alam kung kanino ipupukol ang mga mata.
“Ma…” pilit ang ngiti niyang bati sabay lapit dito. Tumayo naman ito at humalik sa pisngi niya.
“Nasa practice pa si Atom. Where have you been? Bigla ka daw nawala sa shoot.” Anito.
Ngumiti siya. “Ahm…tumawag kasi si Cassie. Nagyayang gumala. H-hindi ko na dinala ‘yong kotse ko kasi nagpasundo na lang ako. I don’t want to drive.”
Tumango ito at ngumiti ngunit alam niyang puno ito ng pag-aalala. Nasa bahay nila si
Uncle.
“Siyo beh…” anito sa kakatwang tinig at lumipad ang mata nito pagilid. Sinundan niya ang iginawi ng mata nito. Sa wooden center table na nakakalat ang ilang larawan. Nilapitan niya iyon at nakitang niyang siya iyon at si Jeuan.
Lahat ay snapshot. May ilang larawan din ng kasama niya ang mga kaibigan niya. Inisa- isa niya ang mga iyon hanggang sa tumambad sa kanya ang larawan nila ni Jeuan noon kasal nina Geri at Jershian. Sumiklab ang pinaghalong kaba at galit sa kanya. Hinarap niya si Hiro.
“You beast!” galit niyang sabi kay Hiro na kampante pa ring nakaupol.
“Siyo beh…” anang kanyang ina na humawak sa braso niya.
“Sinasabi ko na nga ba at ikaw ang nagpapasunod sa’kin eh.” Pagngingitngit niya sa harap ni Hiro. “Now I know why you hired the band for that promotion of yours.”
“Amber.”
Galit niyang nilingon si Andrei. “I told you about this. Pero hinayaan mo lang.” “Ah…Amber.” Sabad ni Attorney Agustin. “Ako ang may dala sa mga pictures.
Ahm…ang House mismo nagpa- surveillance sa’yo.” “What?”
“Yes.” Si Andrei. “We need to talk you and those pictures.”
Lumapit si Andrei sa kanya. Kinuha nito mula sa kanya ang hawak niya. Iyon ang picture noong kasal ni Geri. It was when Jeuan kissed her.
“What’s the meaning of this? I thought Austin was the last. Sino naman ‘to?” Umikot ang mga mata. “Don’t tell me hindi mo s’ya kilala.”
Hindi ito kaagad nakatugon. Hindi ang Llev Jeuan Roswell ang pangalang hindi makikilala lalo na sa business world. Aminin ng mga ito o hindi, hindi man aktibo si Jeuan sa pagnenegosyo ay ito naman ang nag-iisang magmamana ng bilyong halaga ng Gio Roswell. Ito lang kasi ang lehitimong anak ni Dymitri Roswell. At idagdag pa na naging kaklase ito ni Andrei.
“Wag mo ‘kong pilosopohin.”
“Ah hiya.” Anang kanyang ina. Sabay nilang nilingon ito. “Ma, let me handle this.” Ani Andrei.
Hindi na kumibo ang kanilang ina ngunit alam niyang nahihirapan din ito. Magmula nang mawala ang kanilang ama ay ipinaubaya na nito kay Andrei ang pagiging padre de familia bilang panganay na anak.
“Please, don’t fight.” Puno ng pag-aalala nitong sabi.
“Of course we will not.” Ani Andrei at nagawa pang halikan ang noo ng kanilang ina. Nag-iwas siya ng tingin dahil parang hinihiwa ang puso niya sa nakita. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ni Andrei sa kanilang ina.
“Magpapahinga na ‘ko. Kayo nang bahala. Attorney?” Anang kanyang ina. Tumango naman si Attorney Agustin. Saka ito tumalikod at iniwan sila.
Nang makaayat ang kanilang ina ay tinalikuran niya si Andrei at lumabas patungo sa poolside deck. Alam niyang sinundan siya nito.
“You have to stop getting close to Roswell. Delikado ang ginagawa mo.” Anang tinig niya Andrei. Hinarap niya ito at nakita niyang nasa likuran nito si Attorney.
“Amber, hija. Alam mong kailangang masunod ang kasunduan. Hindi papayag ang House na hindi isa sa atin ang mapangasawa mo o ng kahit sino sa’tin. At mahigpit ang mga binitiwang salita ng iyong ama sa first council. Sinabi n’yang-”
“Don’t remind me that, Attorney. Hindi ko nakakalimutan ang bawat salitang nasa oath.
Binasa ko ‘yon. Damn with that oath.” Agap niya.
Nagpalakad-lakad siya sa gilid ng pool. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Kilala na ng House si Jeuan. At sigurado siyang pinaimbestigahan na rin ito. At kung magpapatauloy pa ay manganganib ang buhay ni Jeuan. At hindi niya mapapayagan iyon.
“Ah hiya, when will we stop?” hindi nakatingin niyang tanong sa kapatid. Nakatungo siya sa tinitingnan ang sariling repleksyon sa tubig ng pool.
“Uulitin ko na naman ba ang sinabi ko sa’yo. All you have to do is marry Hiro. Hindi ko ‘to ipinipilit sa’yo dahil sa ito ang gusto ko. We need to fulfill something. Hindi lang isang tao ang pinangakuan ni Papa kundi isang samahan. Ang samahang nagbigay ng lahay ng tinatamasa nating lahat ngayon.”
Hinawakan ni Andrei ang balikat niya at iniharap siya dito. “We could all die in any seconds now. Alam kong alam na alam mo ‘yan.”
“Use your power towards the House.” Aniya sabay piglas mula dito. “Hindi ba’t sina Papa ang nagpalakas sa lahat ng operations. Si Papa ang may pinakamataas na numero sa kanilang lahat. That oath can be dissolve through you. Present an appeal. Ask them to vote. Alam kong maraming susunod sa’yo kung sasabihin mong hindi dapat matuloy ang kasal. Ikaw na ang representative ni Papa.”
There was desperation in her voice. Aaminin niyang kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa kanila dahil nakialam na ang samahang kinabibilangan ng pamilya nila.
“Pero si Hiro si Saite Kurasawa sa House.” Mabilis nitong tugon.
Natigilan siya. Saka napabaling ang kanyang tingin. Naroon na pala sa tabi ni Attorney Agustin si Hiro at tiim na nakatingin sa kanya. She cannot deny his stare. But one thing was for sure. He was unhappy.
“I want to talk to her, Andrei. Alone.” Saad ni Hiro na sa kanya nakatingin. Nagpalitan sila ni Andrei ng tingin. Nagbuntong-hininga ito saka tumingin kay attorney Agustin.
Tahimik na lumakad sina Andrei at attorney. Nang magkatapat sina Andrei at Hiro ay nagkatinginan ang mga ito. She saw the apologetic eyes from her brother. Nakaramdam siya awa
dito kahit paano. Alam niyang tulad ng kanyang ina at nahihirapan din ito sa ginagawa niyang pagmamatigas.
Nakaramdam ng pakailang si Amber nang maiwan sila ni Hiro. Tinalikuran niya ito dahil ayaw niyang makita ang naghuhusga nitong mga mata.
“I will not do that to you. Sana’y nagtiwala ka sa’kin.” “You cann’t blame me.” She said.
Naramdaman niya ang paglapit nito. Hanggang sa tumabi ito sa kanya. She never bothered to move. Nanatiling nasa tubig ang tingin niya.
“Anong gusto mong makuha sa ipinaglalaban mo? Do you really understand our situation? Our kind of family?”
Hindi na niya napigil ang sarili. She groaned out of frustration. Paulit-ulit lang ang naririnig niyang salita.
“I know exactly what you’re saying! Kasama ako sa pamilyang binabanggit mo! Sa Hong Kong ako ipinanganak for God’s sake, Hiro. Nakita ko kung paano nagsimula ang House. Every details, every operation. And damn that House of yours that exposed me to every violence I could encounter! At ngayon, gusto akong ipakasal ng House na ‘yan sa lalaking hindi ko mahal!”
Huli na upang pagsisihan niya ang huling sinabi niya. Naisiwalat na niya kay Hiro ang totoo niyang damdamin na ilang taon niyang kinimkim sa kanyang sarili. Ngunit ang pagsiwalat ding iyon ang naghatid ng nasalamin niyang sakit sa mukha ni Hiro. Pasimple siyang napalunok. She went overboard to him.
“Papatayin ka ng House, Amber. Kung hindi man ay sa’kin ka nila ipapapatay. At kung hindi pa sila makuntento sa pagkalaban mo sa pangakong ama mo mismo ang gumawa ay ang
buong pamilya mo tatapusin nila! This is blood collateral, Amber. Buhay ang puhunan ng kayamanan natin! Naiintindihan mo ba ako? Kami!”
Mabilis na namuo ang luha niya. Sa buong panahon ng pagkakakilala niya ay Hiro ay noon lamang siya sinigawan nito. And he was really upset. Kitang-kita iyon dahil sa tila pamumula ng mga mata nito. Marahil nasaktan ito sa sinabi niya. Ngunit nagsabi lamang naman siya ng totoo niyang nararamadaman.
“Then kill me now.” Nag-uumpisa nang lumuha niyang sagot.
“Mas gugustuhin mo pang mamatay kaysa magpakasal sa’kin, Amber? Is that what you mean? You really think marrying me would end your life, huh?” tila nasaktan nitong sabi sa kanya. Hindi maitatanggi ang hapdi sa tinig.
Tuluyan na siyang napaluha kahit na anong pilit pagpigil dito. She hated when people see her tears. Pakiramdam niya ay napakahina niya. Mabilis niyang pinahid ang mga luha niya. Ayaw niyang isipin ni Hiro na hindi niya kayang panindigan ang damdamin niya.
“Si Jeuan Roswell ba?” walang kangiti-ngiti nitong tanong.
Noon sumabog ang kaba sa kanya. Kilala niya ang ganoong tingin ni Hiro pati na ang tinig nito. Para na rin niyang inilagay sa panganib ang buhay ni Jeuan.
“N-no.” panay iling niyang tugon. “S’ya ba?”
“No!” ganti niyang sigaw.
Tumaas-baba ang dibdib nito sa paghinga. Saka siya tinapunan ng masamang tingin at walang lingon-likod na iniwan siya. Biglang nanginig ang tuhod niya. Jeuan was in danger.