ROXY CITY SERIES 1 (MARRY A SONG) Chapter 11

Hindi alam ni Kathryn kung paano lalapitan si Jared. Sinubukan niya itong tawagan sa cellphone ngunit si Julie muli ang sumagot. Ipinilit nitong hindi pa maaaring kausapin si Jared ngunit iginiit niyang kailangan niya itong makausap. She was really upset. At tanging ito lamang ang gusto niyang makausap.

Marahil naramdaman ni Juliet ang bigat na nararamdaman niya kaya sinabi nitong may press conference si Jared sa Makati. Kaya nagpunta siya doon.

Marami nang tao nang dumating siya. Puno na ng media ang restaurant. Nakapasok siya ngunit sa bungad lamang. Nakita naman niya si Juliet. Katabi nito ang isang magandang babaing nakita niya noong isang araw. Sa gitna naman ng lahat ng naroroon ay si Jared na nakaupo sa nagsasalita. Nasa harap nito ang isang kumpol ng mga mic.

Jared looked tired. Panay ang punas nito ng pawis sa mukha gamit ang panyo. Tila walang magawa ang aircon ng restaurant. He talked firmly, straight to the point. Malumanay ngunit nasa mga salita nito ang pinipigil na damdamin.

She can felt what Jared was feeling. Parang piniga ang puso niya dahil sa pinagdadaanan nito. Parang gusto niya itong hilahin palayo sa lugar na iyon. It was not easy being in his shoes. Hindi madaling pumagitna sa lahat ng nangyayari dito at ipagtanggol ang isang nahuhusgahan. It was a fight for him.

Nagbaba siya ng ulo. Tila lalong bumigat ang pakiramdam niya. Paano niya aasahan si Jared na samahan siya sa pinagdadaanan niya kung ito mismo ay may pinagdadaanan din. She wished he could warm her heart. But it seemed it was him who needed warmth. It was as if he was out there in the cold. Ngunit wala siyang magawa kundi ang panoorin ito.

Naagaw ang atensyon niya nang nag-ingay ang lahat. Tumayo na si Jared at nilapitan ito ng babae. Ito naman ang nagsalita ngunit sandali lamang iyon. She then saw how the woman hugged Jared. Tila kay higpit niyon. Parang sinuntok nang kung ano ang dibdib niya. Wala sa sariling napaatras siya. Hindi niya gusto ang nakita. Siya ang dapat na naroon upang samahan ang binata. Siya ang dapat kayakap nito. Why on earth she was there just staring that hurtful scene? Mabilis na namuo ang luha niya ngunit pinigil niyang lumantad iyon.

Lumipad ang tingin niya kay Juliet. Nakatingin ito sa kanya saka kumilos at tila lalapit sa kanya. At ilang hakbang lang ay nasa harap na niya ito.

“Gusto mo s’yang makausap?” tanong nito. Naramdaman niya na alam na nito ang tungkol sa kanila ni Jared. At wala siyang nakikitang pagtutol sa mga mata nito.

“Pwede ba?” balik-tanong niya.

“I’ll try.”

“Hindi na.” agap niya saka muling nilingon ang kinaroroonan nito. “Mukhang hindi naman n’ya ako kailangan.”

“Kathryn, sinabi n’ya sa’kin kahapon na may usapan kayo. He canceled engagements for that. Pero ito nga ang nangyari. Hindi ka n’ya magawang tawagan. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko naman masabi na tumawag ka. I’m sure lalo s’yang maguguluhan. You need to stay still.” Mahabang paliwanag nito.

“Anong kinalaman n’ya sa mga nangyayari?” tanong niya patungkol sa babaine nasa tabi ni Jared. Lumingon si Juliet na nakuha ang sagot sa tanong niya.

“Kinakapatid siya ni Jared. Abogado ng mga de Veyra. Si Charlene Benitez.” Tugon nito.

Mabigat ang loob siyang nagbuntong-hininga. She can feel her barely breathing. Muli niyang nilingon si Juliet.

“Sa tingin mo ba okay lang na makita n’ya ‘ko?” nag-aalangan niyang tanong.

“I know he wanted to. Pero hindi rin kayo makakapag-usap. Paalis na rin kami. At isa pa, kung makikita ng media na magkasama kayo mas maraming tanong. Sa tingin ko, sa ngayon, sapat na munang makita mo s’ya. Ako na’ng bahala. Pipilitin kong matawagan ka n’ya.” Anito.

Sasagot pa sana siya nang biglang may tumapat na ilaw sa kanila. Sabay silang napalingon ni Juliet.

“Hi, I’m Marlene Teh from EZT 5. Naniniwala po ba kayo na nagnakaw ang senador?” tanong nito at kaagad na itinapat ang hawak nito mic sa kanya. Natigilan siya at napalingon kay Juliet. Wala rin itong masabi sa kanya.

“H-hindi ko po alam.” Sagot niya kawalan ng maisip. Tila nakatawag pansin ang ginawa nitong paglapit nito sa kanya kaya sumunod ang iba pang naroroon.

“I-clarify ko lang po, ma’am, ano? Hindi ba’t kayo ang napapabalitang girlfriend ni Councilor Jared de Veyra? Nakilala mo na ba si Sen. Emil de Veyra?”

“A-ah-”

“Go.” Pabulong na sabi ni Juliet. Bahagya pa siya nitong itinulak. Tumalikod siya at humakbang palayo ngunit sinundan siya ng media. Panay ang tanong ng mga ito.

“W-wala pa akong maisasagot sa mga tanong n’yo.” Nalilito niyang sabi habang papalabas siya ng restaurant kasabay ng mga ito.

Mabilis siyang naglakad habang nakaiwas sa mga ito at nang makakita ng taxi ay kaagad niyang pinara iyon. Tila hangin siyang sumakay doon.

“Global City po. Sa Roxy City.” Aniya sa driver at mabilis ito sumibad palayo.

“Pare, I think you and your partner need to part ways.”

“Lourd?” saad ni Kathryn. Napatigil siya sa pagsasayaw. Ang kasaway niyang hindi niya kilala ay napatigil at napatingin kay Lourd.

“Excuse me.” singit ng kasayaw niya. Dumapo ang kamay nito sa dibdib ni Lourd. At hindi iyon nagustuhan ng huli. Tinabig nito ang kamay ng mayabang na lalaki at nakaramdam ng away si Kathryn. Nagtimbangan ng tingin ang dalawa at alam niya na kahit anong oras ay magkakagulo.

“Don’t you two dare do stupid things here.” awat niya na namagitan sa dalawa. Nakakatawag na sila ng pansin.

“Then, stay away from him.” sabi ni Lourd at hinila na siya palayo sa dance floor. Muntik pa siyang mabuwal dahil sa pagkahilo. Nakakailang shot na rin kasi siya ng vodka. Sinalubong sila nina Amber.

“Ano bang nangyayari sa’yo?” tanong sa kanya ni Cassie.

Tumagos ang paningin ni Kathryn sa likod ni Cleo at nakita si Jared. Gustong niyang takbuhin ang binata. Hindi niya inaasahan ang biglang pagdating nito. And she misses him badly. Ang buong akala niya ay lilipas ang araw na iyon na hindi siya nito pupuntahan. Muling namuo ang mga luha. Parang pinipiga ang puso niya habang tinitingnan ito.

“Jared!” Sigaw ni Lourd.

Sa pagsigaw na iyon ay naalala niya ang hindi nito pagtupad sa usapan nila. Kung sana ay dumating ito sa oras ay hindi siya mahuhuli ng pag-uwi at hindi sana niya nakita ang hindi dapat makita. Idagdag pa ang senaryong nakita niya kanina. Na may ibang babaing dumadamay dito. Kaya bago pa makahuma ang lahat ay mabilis na tumakbo siya. Tinumbok niya ang backdoor ng bar.

“Kathryn!” tawag sa kanya ni Lourd ngunit hindi niya ito pinansin.

Sa labas ay humahangos na tumatakbo si Kathryn. Narating niya ang likod ng bar ngunit naabutan siya ni Jared.

“Where do you think you’re going?” nahawakan kaagad ni Jared ang braso niya.

“Bitawan ko ‘ko!” pagpupumiglas niya. “I said let me go. Nasasaktan ako!” galit na niyang ulit dito.

Binatawan siya ni Jared. Kita na rin dito ang galit. Kaya kaagad din siya nag-iwas ng tingin.

“Bakit hindi ka lumapit sa’kin kanina? Alam kong dumating ka.” Saad nito ngunit hindi siya tumugon.

“Hindi na ‘ko kailangan do’n. Hindi na nga dapat ako pumunta.” Malamig niyang tugon.

“Kat, I’m so sorry hindi ako nakarating kagabi. Biglaan kasi. Nawalan na ‘ko ng-”

“Okay na.” agap niya. “Napanood ko na sa tv at nasabi na sa’kin ni Juliet.”

“Kat, I missed you.” Anito habang lumalapit sa kanya. He reached her hand and pulled her into him. Mahigpit siya nitong niyakap.

Napapikit na lang si Kathryn nang maramdaman ang braso nito na bumalot sa kanya. Kaagad na gaan ang hatid noon sa kanya. Hindi na niya napigilang tugunin ang yakap nito.

“I’m sorry about the media. Hindi ko gustong harras-in ka nila.” Anito habang yakap siya. Napamulat siya ng mata.

“I think we better cool it off.” Sabi niya.

“Ano?” tanong nito at bahagyang lumayo sa kanya. Hawak pa rin ang mga balikat niya at kunot ang noo na tumingin ito sa kanya.

“Mas okay na’ng gano’n.” halos hindi iyon lumabas sa labi niya. Lalo lamang lumalim ang guhit sa noo nito.

“I don’t get it.”

Inalis niya ang kamay niyo sa balikat niya. Saka mabigat ang paang humakbang paatras. Akmang aabutin muli siya ng binata nang umiwas siya.

“Hindi naman magwo-work Jared, eh. Ang daming nangyayari sa buhay-buhay natin. Sa tingin ko-”

“Are you telling me that we should stop seeing each other? ‘Yon ba ‘yon? In short, nakikipag-break ka.”

Mabilis siyang humugot ng hininga. “It’s better that way.”

“How better? Hindi lang ako nakarating kagabi. I just have to attend to this first. Alam mo naman ang totoo. Pero narito na ‘ko. Nagpaliwanag na ‘ko di’ba?” tila gulung-gulo nito saad. He seemed annoyed.

“Hindi mo naiintindihan-”

“Anong hindi ko naiintindihan? Sa una pa lang, alam mo na kung ano ako. Kung saang pamilya ako galing. Kung anong buhay meron ako. I…I need you. Please-”

“Jared, may mga problema din ako! May mga komplikasyon din sa buhay ko. Oo, hindi ako sikat o prominenteng gaya mo. Pero may pinagdadaanan din ako. At kailangan din kita.” She said in forming tears.

“Then tell me.”

“Paano? Kung sasabihin ko ba gagaan ang pakiramdam mo? Makakatulong ba ‘yon sa’yo? Paano mo ‘ko pakikinggan kung ikaw mismo gulung-gulo? Jared, hindi ako ‘yong taong kailangan ng serbisyo mo. Hindi ko kailangan ng pampagamot. Hindi ako mapapalayas sa tinitirhan ko. Hindi ako beneficiary ng programa mo. Girlfriend mo ‘ko. Ikaw ang kailangan ko.” Umiiyak niyang tugon.

“It this about my career?”

Umiling siya. “Hindi. Mali lang talaga lahat. Ang daming nangyayari nang sabay-sabay. Kung palaging ganito-”

“I told you to hold on.” Giit nito.

Lubusan na siyang napaluha. Mahirap para sa kanyang itaboy ito palayo sa buhay niya. Nasasaktan siyang makita ang hapdi sa mga mata nito.

“Hindi pala gano’n kadali. Mahirap. Sa tuwing gusto kitang makausap kailangan ko pang dumaan sa sekretarya mo.” aniya.

“Eh, ‘di magkaroon tayo ng sariling line. I could buy phones for us. ‘Yong tayong dalawa lang ang gagamit.” Kaagad na tugon nito.

“Hindi tayo pwedeng basta magkita. Hindi kita basta malapitan. Lalo na kung may media.”

He sighed. “Pwede kong i-arrange ‘yon. Kung gusto mo araw-araw pa.”

Lalo siyang napaiyak sabay iling. “Madaling sabihin ‘yan. Pa’no kung gusto kitang yakapin. Gusto kong maging sweet sa’yo. Kung gusto kong iparamdam sa’yo ang pagmamahal ko sa paraang gusto ko. Pa’no ‘yon kung laging may nakadikit sa’yo?”

“Kat, please. We could make this happen.” Pagsusumamo nito. Nag-iwas siya ng tingin saka humakbang papasok muli ng bar. Ngunit dahil sa nasa may pinto ito ay kailangan niyang lampasan ito.

“Hindi mo pwedeng gawin ‘to, Kat.” Anito hawak ang braso niya.

She sighed. “May nangyayari ngayon sa parents ko. Hindi sila kasal at may asawa na ang mommy ko. Kailangang tumira sa’min ni Mommy dahil nahuli n’yang may iba ang asawa n’ya. At ngayon, parang nagkakabalikan sila ni Papa. But my father has a girlfriend now. Anong masasabi mo?”

“Kat…”

Nag-ipon siya ng lakas at luhaang tumingin dito. “Jared, magkaiba ang mundong ginagalawan natin kaya magkaiba din ang problema natin. Pero pareho lang tayong kailangan ng bawat pamilya natin. God knows, how much I wanted to be with you. Para may kasama sa pagharap sa pinagdadaanan mo. Pero hindi gano’n kadali. Pareho lang nating burden ang isa’t-isa. Marami kang mas importanteng bagay na dapat asikasuhin kaysa palaging alalahanin kung pupuntahan mo ako. Ayokong maging pabigat-”

“Hindi ka pabigat.” Agap nito.

“Yon ang akala mo, natin.” Aniya.

“Kat-”

“Umuwi ka na. Kailangan ka nila.” mabigat ang mga salitang sabi niya saka inalis ang kamay nito at mabilis na pumasok muli sa bar.

Dumeretso si Kathryn sa artists’ lounge at doon ibinuhos ang pag-iyak. Hindi niya matagalan ang tingnan si Jared. Masasaktan lamang siyang lalo. Parang kinakain ng kung ano ang puso niya. Masakit na masakit iyon. Parang gusto niyang bumalik sa binata at bawiin ang mga sinabi niya. Na hindi iyon totoo at mahal niya ito. Ngunit iyon ang naiisip niyang tamang gawin.

Naramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Hindi na niya kailangang lingunin iyon dahil alam niyang susunod at susunod ang mga ito doon sa kanya. Kaagad siyang tinabihan ni Cleo at tiningnan siya mula sa salamin.

“You look afoul.” Anito.

“Wala na kami.” Aniya na sa salamin din nakatingin.

“Bakit nagdesisyon ka nang ganyan?” Si Cassie na nasa likuran niya. Alam niyang nakaupo ito sa couch na naroon.

“Wala namang nangyayari.” Tugon niya saka narinig ang pag-ungol ni Amber.

“Wala pang nangyayari. ‘Yon ang tamang term. You’re on for what? Like, a month? ‘Tapos eto na? Break agad. Come on, Kathryn. Hindi ka pa nangangalahati tumitigil ka na.” himig sermon nito.

She sighed heavily. “Akala ko kaya ko.”

“Ang akala mo hindi mo kaya.” Agap ni Cleo.

“Sakit mo ‘yan eh.” Si Amber. “You don’t want to take risks, Kat. Kahit saang bagay naman. Palagi kang safe. Sometimes, you’re just waiting things to happen. Ayaw mong subukan.”

“Takot s’ya gano’n?” Si Cassie kay Amber.

“Stupid ‘kamo.” Mabilis na sagot nito.

Napangiwi siya. “Hindi n’yo ako naiintindihan.”

“Really?” Si Amber ulit. “Parang namang mahirap kang intindihin. Ganito lang ‘yan. Mahal mo si Jared, mahal ka n’ya. Pero pumasok ang conflict at nahirapan ka. So, you escaped.”

“Amber.” Ani Cleo.

“I’m just stating a fact, Cleo. Walang mali sa pagiging precautious. Pero sa love walang precautions. You just take it and love it or you leave it and regret it. Pwedeng hindi kayo okay ngayon then eventually it will bloom or vise versa. It’s only a matter of holding on.” Mahabang sabi ni Amber.

“Mas okay nang ganito.”

“Yeah, right.” Bagot na sabi ni Amber at lumabas ng kwarto. Nakita naman niyang tumayo si Cassie. Hinawakan naman ni Cleo ang balikat niya.

“Iiwan ka muna namin para mag-isip.” Anito at lumabas na rin kasama ni Cassie.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.