ROXY CITY SERIES 1 (MARRY A SONG) Chapter 10

Excited na sinimulan ni Kathryn ang araw. Nasa studio siya ng LinkMusic para sa recording ng entry nila sa song festival. Maaga siyang dumating doon para sa sound check.

“Good morning.” Narinig niyang bati ni Epi, ang sound engineer. Nilingon niya ito at nginitian saka ipinapatuloy ang pagtitimpla sa harap console habang nasa isang tainga ang headphone.

Maya-maya ay nakita na niya si Lourd sa labas ng studio at pabalik-balik na sa opisina nito. Alam niyang anumang oras ay papasok na ito para makibalita.

“Nakita mo ‘yong demo d’yan sa gilid?” ani Epi at tiningnan niya ang itinuro nito. “Tinapos namin ‘yan kahapon.”

“Ah, okay.” Aniya at tumalikod habang hawak ang demo. Lumapit siya sa kanyang bag at kinuha ang kanyang cellphone upang silipin kung nagreply na si Jared. May usapan kasi sila nito.

It was her father’s birthday. Isa iyon sa dahilan kung masaya at excited siya. Hindi na ginusto ng kanyang ama na magkaroon ng magarbong party. Isang simpleng party na lang ang ginanap sa Waveclouds. At sila naman ay may dinner kinagabihan kasama ng kanyang ina. At ni Jared.

Sinabi na niya sa mga magulang niya ang tungkol sa kanila. At lubhang ikinagulat ng mga ito iyon. Lalo na ng kanyang ama. Kilalang tao si Jared at ang pamilya nito at hindi akalain ng mga ito na makikilala niya si Jared at magiging nobyo pa. Kaya hiniling ng kanyang ama na makilala nang personal ang binata. Hindi dahil sa sikat ito ngunit dahil nais nitong malaman kung anong klaseng tao ang nagpatibok sa puso niya.

She laughed when father said that statement. Excited ang tinig ang nito ngunit, sabi nga ng kanyang ina, nag-aalala ito sa totoo dahil sa wakas ay may ipapakilala siyang nobyo dito. That his only princess had turned into a lady. May ibang tao nang pumasok sa buhay niya.

“Hey, early bird. Aga mo ah. Natulog ka ba?” anang tinig ni Lourd at nangingiting nilingon niya ito. May hawak itong itim na mug at sigurado siyang brewed coffee ang laman noon. Pampagising. Tatlong oras pa lang mula nang huli silang magkita nito. Umaga na kasi natapos ang gig nila sa isang event sa Ortigas.

“Oo naman.” Tugon niya. “I always find time to sleep.”

Umangat lang kilay nito bilabng tugon. Ito ang mukhang walang tulog. Lourd was working hard. Masyado nitong mahal ang label dahil para dito ay ang LinkMusic ang identity nito matapos ang karera nito sa banda. Kaya malaki ang respeto niya dito dahil kahit na bata pa ay nagawa nitong palaguin ang record company nito.

“Let’s start.” Anito at ginalaw-galaw ang ulo nito. Saka inilapag ang dalang mug. Siya naman ay hinuling sulyap ang cellphone niya bago iyon ibalik sa kanyang bag.

“Sasagot din ‘yon. He’s busy as you are. Magpa-miss ka naman ng konte.” Pabiro nitong sabi na parang sigurado itong naghihintay siya sa text ng nobyo niya.

“Yeah right.” Aniya.

Tumawa ito. “Sabihin mo sa’kin ‘yan kung hindi totoo ang hinala kong miss na miss mo ang pinsan ko.”

“Ano ba? Tumigil ka nga. May dinner kasi mamaya sa bahay kasi birthday ni Papa. He’s invited.” Kunwa’y pikon niyang saway dito. Lalong lumakas ang tawa nito.

“Damn, there’s a family thing going on now. Goodluck naman ‘pag nalasing n’ya si tito Harold.” Sabi nito. She laughed.

“You bet.” Natatawa niyang sagot dito.

Humigop ito muli ng kape at nakita niya itong sumandal patalikod sa console. “But seriously, I’m happy for you.”

Napalingon siya dito saka mahinang napatawa ngunit hindi siya tumugon.

“Kung anuman ‘yong meron kayo ngayon, panghawakan mo sana. Just keep holding on. Jared is not the world of simple and private.” Anito sa seryosong tinig.

“Seryoso na ba ‘yan?”

He chuckled then shook his head. “Bahala ka kung seseryusohin mo. Alam mo na ang ibig kong sabihin. Pumasok ka na nga.”

Kumilos na ito at hinarap ng console. Iniabot nito ang papel na may lyrics ng kanta niya at ipinagtulakan pa siya nito papasok ng booth.

Hangang gumabi ay walang natanggap na text o tawag si Kathryn mula kay Jared. Natapos na’t lahat ang session nila ay tahimik ang cellphone niya. Nag-umpisa na siyang mabalisa. Alas-siyete ang usapan nila ng mga magulang niya kaya dapat ay dumating na ito.

“Wala pa rin?” tanong ni Lourd na nakamasid sa kanya habang pabalik-balik siya hawak ang cellphone niya. Sinubukan niyang tawagan ito ngunit hindi sumagot.

“Wala eh. ‘Di talaga nag-rireply.” Aniya at nagbuntong-hininga. Ano kayang nangyari dito?

“Kuhanin ko lang ang susi ko. Ako nang maghahatid sa’yo.” Suhestiyon nito.

“Hindi na. Dito ang usapan namin eh. Hindi n’ya alam ang papunta sa bahay.” Sabi niya.

“Kat, maraming paraan si Jared para malaman kung saan ka nakatira. Halika na. Hintayin mo na lang ako sa lobby.” Sabi nito at lumabas na ito. Wala siyang nagawa kundi kuhanin ang bag niya sumunod dito.

Nauna na siyang tumungo sa lobby at naratnan niya roon sina Epi kasama ang ilang tauhan ng Link at kasalukuyang nagpapahinga. Bukas ang malaking LED tv at nanonood ang mga ito.

Napasulyap siya sa screen kasunod noon ay natigilan siya nang makitang isang breaking news ang ipinapakita doon.

“Jared?” takang-taka at biglang kinabahan niyang sambit nang makita ang pigura ng binata na kasalukuyang napapalibutan ng mga reporters. Naglalakad ito habang nagsasalita na tila nagpapaliwanag. Kasabay nito sa kaliwa nito ang ama nito at sa tibi nito ay si Juliet. At sa kanan ng binate ay isang magandang babae at lalo kumunot ang noo niya. Nakapulupot ang braso nito sa braso ni Jared!

‘Sino ang pangahas na babaing ‘to?’

“Senador de Veyra is very much willing to answer all allegations being thrown into him. Wala s’yang kinalaman sa scam na sinasabi ni Mr. Conrad. His team will investigate this case at magbibigay kami ng report first thing in the morning in a presscon. Sa ngayon ay kailangan pahinga ni Senator. Thank you.” Mahabang paliwanag nito sa gitna ng nagkikislapang ilaw ng kamera.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman. Binasa niya ang dumadaang caption sa baba ng screen:

‘Sen. Emilio de Veyra, sangkot sa million peso scam sa senado. Atty. Charlene Benitez, iimbestigahan ang kaso.’

“Kat?” ani Lourd na nakalapit na sa kanya. “Bakit?”

Hindi niya ito tinugon at nanatiling nakatitig sa tv screen. Nilingon ni Lourd ang screen at nakita ang nakita niya.

“What?” hindi makapaniwalang bulas nito.

“K-kailangan ko s’yang puntahan.” Tila bigla siyang nagising at nagmamadaling lumakad.

“Kat, wait!” Pigil sa kanya ni Lourd. “Hindi ka basta pwedeng pumunta do’n. Ang daming media at nagkakagulo pa. Besides, hindi pa natin alam ang totoong nangyari. Kausapin mo muna si Jared.”

“Pero kailangan n’ya ‘ko.” She insisted.

“Oo nga pero kapag nakita ka n’ya at baka s’ya pa ang magpa-alis sa’yo. This is serious, Kathryn. Hindi tayo pwedeng sumugod do’n. Isa pa, wala ka namang kinalaman do’n. Dadagdagan mo lang ang alalahanin ni Jared. Hintayin mo na lang na magka-usap kayo. Ang dapat mong gawin ay umuwi ka at ipaliwanag sa parents mo kung bakit hindi s’ya makakarating.” Saad ni Lourd.

Bagsak ang balikat na natigilan si Kathryn. Parang gustong bumagsak ng luha niya. Hindi pa man nakakarecover si Jared sa pagkasakit ng lolo niya ay dumagdag naman ang isa pang problema nito. Nag-aalala siya. Gusto niyang damayan ito.

“Come on, ihahatid na kita.” Ani Lourd.

“Hindi na. Magta-taxi na lang ako. Pagod ka na rin.” Pagtanggi niya at wala na itong nagawa nang talikuran niya ito.

Matamlay na umibis ng taxi si Kathryn nang makarating ito sa bahay nila. Sinubukan pa rin niyang tawagan si Jared ngunit si Juliet ang sumagot. Abala daw si Jared at walang oras na makipag-usap. Hindi raw nito kayang sumagot sa kahit na anong tawag. Kahit personal calls.

Nalungkot siya at nanibugho ngunit pinilit na lang niyang intindihin. Tatawagan naman siguro siya ng binata kapag nagka-oras ito.

“Papa, Mama.” Tawag niya nang makapasok siya ng bahay. Wala ang mga ito sa sala upang salubungin siya. Tama si Lourd. Kailangan niyang ipaliwanag sa magulang niya ang nangyari upang hindi mag-isip ng hindi maganda ang mga ito kay Jared.

Tinungo niya ang dining area ngunit wala doon ang mga ito. Naka-set na ang mesa. Napa-iling siya. Paniguradong naghintay na ang mga ito.

Iniwan niya ang dining area at umakyat. Nagtataka siya kung saan nagpunta ang mga magulang niya.

“Nasa’n sila?”

Narating niya ang silid ng kanyang ama. Nakasara iyon. Lumakad siya patungo sa pinto ngunit nagtaka siyang nakaramdam siya ng kaba. At habang papalapit ay may naririnig siyang tinig.

She reached the door and touched the knob to open it just to be horrified. She saw how her mother swayed over her father bared and moaning. Nagulantang siyang makitang magkasama ang mga ito doon at ginagawa ang hindi dapat.

“Holy shit!” bulalas niya at biglang nanginig ang kanyang buong katawan. Kaagad siyang tumalikod at mabilis na lumayo.

“Kat!” narinig niya ng tinig ng kanyang ina ngunit hindi niya iyon pinansin. Kaagad siyang bumaba at tinungo ang kusina. Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang isang pitsel ng tubig mula doon ay uminom siya.

“Kat, anak.” Kaagad na nakasunod ang kanyang ina. Nakabalot ito ng kumot.

Hindi nililingon niya itong nilampasan at akmang lalabas ng bahay nang abutin nito ang braso niya.

“Don’t you dare touch me!” nagngingitngit at tila diring-diri niyang piksi. Hindi niya ito tinitingnan at mula naman sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita ang kanyang ama.

She turned her back. Mabilis na namuo ang luha niya. Hindi niya kayang tanggapin ang nakita niya.

“Kat, anak. Please makinig ka muna.” Nanginginig ang tinig na sabi ng kanyang ina. Hindi siya sumunod bagkus kinuha niya ang bag niya at nagmamadaling lumakad sa pinto ngunit muli siyang pinigilan.

“This is not what you think-”

“At anong ibig sabihin ng nakita ko?!” galit na galit niyang agap dito. Nakitang luhaan ang kanyan ina. Taas-baba ang dibdib niya sa sobrang emosyon.

“We can explain-”

“Oh, damn it! Anong kailangang ipaliwanag do’n? I saw you having sex with my father. And for God’s sake you’re a married woman! ‘Wag n’yong sabihin sa’kin na niloko kayo ng asawa n’yo kaya may dahilan kayo na patulan ang tatay ko. Daig-”

Isang mabigat ng palad ang nagpatigil sa kanya.

“Don’t you dare talk to me like that. Huwag mong kalilimutan na ako pa rin ang ina mo at-”

“At ano? Ipipilit n’yo sa’kin na tama ang ginagawa n’yo ni Papa? Hindi rin kayo naiba sa asawa n’yo.” Lumuluha na niyang sagot.

Her mother sighed heavily. Noon lumapit sa kanila ang kanyang ama. Nag-iwas siya ng tingin sa mga ito. Kaya pala madalas nakakaramdam siya ng kakaiba sa ikinikilos ng mga ito. Kaya pala may lambingan siyang napapansin sa mga ito. It was because something was happening.

“Kat, anak. P-Patawarin mo kami. Mali ang ginawa namin ng mama mo. Pero, anak…” anang kanyang ama at sinubukan siyang abutin. Hinawakan nito ang balikat ngunit ayaw pa rin niya itong tingnan. She felt disgusted.

“At anong sasabihin n’yo kay Sasha? Ang buong akala n’ya ay matino ang relasyon n’yo. Na mabuti kayong tao. ‘Tapos ano? Malalaman n’ya na binalikan n’yo ang ex n’yo.” nakaiwas pa rin ang tingin niyang tanong dito. Hindi niya ito naringgan ng tugon saka naramdaman ang pagkalas ng kamay nito.

“Watch your mouth, Katharina. Hindi kita tinuruang maging bastos.” May bahid galit nitong saad.

She snorted. “Dapat inisip n’yo ‘yan bago kayo nagsama sa kwartong ‘yon.”

“I said watch your mouth or else…”

“Or else what? Sasaktan n’yo ‘ko?” putol niya dito.

“Harold, please. ‘Wag kang ganyan sa anak mo.” umiiyak na saway ng kanyang ina. Tinapunan niya ito ng tingin.

“I’m so disappointed.”

Pumikit ang kanyang ama saka nagbuntong-hininga. Nakita niya ang paghihirap sa kalooban nito.

“Hayaan mo kaming ayusin ang gusot na ‘to. H-Hindi madaling sabihin kay Sasha. But we promise, Anak. We’re going to fix it. ‘Wag lang sanang magalit ka sa’min. This is more than the malicious thing on your mind, right now. Hindi ko hihilingin na maging okay ka kaagad ngayon. Pero, please, wag mo sanang bitawan ang natitirang respeto at pagmamahal mo sa’min ng Mommy mo. We love you more than anything. Please, anak.”

She saw how her father formed tears in his eyes. Noon siya lubusang napaluha. Hindi na niya maintindihan kung paano sasalubungin ang akala niyang maganda at masayang okasyon na iyon. It was her father’s birthday. Bakit ganoon magbiro ang tadhana?

“Lalabas muna ‘ko.” Agap niya at lumayo dito.

“Kathryn.” Tawag nito at mabigat ang loob siyang lumingon.

“Happy birthday, Dad. I’m sorry hindi na makakarating ang bisita ko. He’s out of my reach.” Lumuluha niyang sabi at lakad-takbong umalis doon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.