ROXY CITY SERIES 1 (MARRY A SONG) Chapter 2

Dumating sina Kathryn at ang kaibigan niyang Cleo sa Roxy City bago magtanghalian. Tinawagan siya ng kaibigan dahil nagpatawag emergency meeting ang club owner. Ang kasamahan at kaibigan nilang sina Cassie at Amber ay papunta na rin.

Ang Roxy City Luxury Superclub ay isang prestihiyoso, multistory, high-capacity high-profile bar at club, na joint venture ni Roxanne Roswell at ng LinkMusic, Inc. Pag-aari ni Lourd Fortes ang naturang label at kaibigan din niya ito. Nasa pusod ito ng The Fort Bonifacio Global City sa Taguig at itinuturing na pinakamalaki at pinakasikat na superclub sa bansa.

Nag-ooperate buong araw ang Roxy. Bukas ito bilang coffee-and-cake spot at tea house sa araw. It was a great place to drop by for lunch or a glass of wine. But later in the evening, it sparks to life with the state of the art lacer lightings and bumping sounds. May mga DJs para sa music mixings gabi-gabi. It has a smooth but large space for dance floor, a well-designed stage for live performances, all dark colors, jet blacks and chocolate browns, with a sharp, modern aesthetic.

Open for members only and partygoers’ ang konsepto ng Roxy’s. Nahahati sa tatlong areas ito: Ang Partyhouse kung saan ginaganap ang mga live performances, special launching at events, dining reservation at mga private functions. Ang Stageplay na nagsisilbing main club na kayang mag-accommodate sa higit limang daang katao. Naroon din ang malaking dance floor at ang DJ booth. Ang parteng iyon ang bukas para sa publiko; ang huli ay ang Private Roxy sa ikalawang palapag kung saan naroon ang VIP lounge na may VIP suites. One of the rooms was a fully private room which has a private balcony overlooking the main club, the other one was even more private and even has its own entrance to enter the club without having to go through the normal club entrance. It has a glass window to look into the main room and full

karaoke equipment.

Bartender si Kathryn sa Roxy City. Ang kanyang agent na si Lourd Fortes ang nagturo sa kanya kung paano mag-bartending at ito na rin ang nagdala sa kanya doon upang magtrabaho. Doon niya nakilala sina Cleo, Cassie at Amber at pawang naging kaibigan. Ang tatlo niyang kaibigan ay ang sikat na dance artist ng Roxy City, ang Xquizit.

“Hi, si Rox?” bati sabay tanong ni Cleo sa isang tauhan doon.

“Nasa taas.” Maiksing sagot dito.

Lumingon si Cleo sa kanya. “Tara.”

Tinungo gilid sa may lounge at may pinindot si Cleo. Gumalaw ang liqoir shelf at tumambad ang isang hagdan. Iyon ang daan patungo private office ni Roxanne at pili lamang ang mga taong may access doon.

“Hey!” malakas na agaw atensyon ni Cleo sa nakaupong na nakaharap sa glass window. Kumilos ang upuan at humarap sa kanila si Roxanne.

Tumayo ito kaya nalantad ang mahahaba nitong legs. She was wearing black dress. Hanggang taas ng tuhod. Seryoso ito ngunit naroon pa rin ang kakaibang ganda.

Roxanne Argarin-Roswell was a supermodel back in 1990s. Nanalo ito noon sa pamosong New York Supermodel Festival at namayagpag ang karera sa modeling.

“Anong problema?” kaagad niyang tanong nang makaupo siya sa gamosang sofa. Tumingin sa kanya si Roxanne na kaagad ding binawi.

“I have to leave.” Sabi nito na pareho nilang ikinagulat ni Cleo.

“Bakit?” takang-takang tanong ni Cleo. “Saan ka pupunta?”

Nagbuntong-hininga ito at sumandal sa harap ng malaki nitong mahogany table. Biglang-bigla ang ibinalita nito. Masyado itong hands-on sa operation ng negosyo nito kaya lubha nilang ipinagtaka ang desisyon nito.

“Paris. Kailangan kong puntahan si Dymitri.” Anito na tukoy ay ang dati nitong asawang Briton.

“Bakit?” tanong niya.

“He’s dying.” Kulang sa emosyon nitong tugon. Matagal nang hiwalay ang mga ito at hindi maganda ang paghihiwalay ng mga ito. Naging unfaithful husband si Dymitri.

“Alam na bi ni Euan?” tanong ni Cleo. Napalingon siya sa kaibigan. Si Euan ay ang nag-iisang anak ni Roxanne at Dymitri. Ngunit hindi rin maganda ang relasyon nito at ni Roxanne.

Umiling ito. “I don’t know how to say it. Ang mga kapatid na lang niya kay Dymitri ang magsasabi. I’m sure they will tell the news. Mamaya nang hapon ang alis ko. Kaya ko kayo ipinatawag.”

Nagkatinginan na lang sila ni Cleo kasunod ng pagbuntong-hininga niya. Isang malaking event ang nakatakdang ganapin sa club sa susunod na buwan. Fully booked din ang Private Roxy. Bukod pa sa sunud-sunod na party na naka-book sa Stageplay.

“Hi.” Anang tinig mula sa may hagdan at nakita nilang papalapit sina Cassie at Amber. Kaagad silang nagpalitan ng beso.

“What’s the emergency?” maarteng tanong ni Amber.

“Aalis si Rox papuntang Paris. Kailangan n’yang puntahan si Dymitri. He’s dying.” Detalyado niyang tugon na ikinaangat ng kilay ng mga ito.

“Kailangang detalyado agad?” ani Cleo.

Roxanne half-smiled. “Kayo na muna ang bahala dito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako do’n. Kinausap ko na rin si Lourd para tulungan kayo. I will con-”

Natigilan silang lahat nang may narinig silang ingay. Sabay-sabay silang napatingin sa nakasarang pinto. Private room iyon na nagsisilbing guest room ni Roxanne.

“May tao?” Si Cassie.

“Meron. Si Jared.” Tugon ni Roxanne. Pare-pareho silang kumunot ang noo. Hindi pamilyar sa kanila ang pangalan nito.

“Pinsan ni Lourd. Si Jared de Veyra.” Saad nito.

“Jared as in grandson of Senator de Veyra and son of Chef Joseph?” Paniniguro ni Amber.

Tumango si Amber impit na tumili si Amber. She was not surprised. Si Jared de Veyra ay ang sikat na city councilor na apo ng sikat ding senador na si Emilio de Veyra. They know him by his popularity. Bago kasi ito naging public servant ay naging print ad model muna ito. At hindi na mabilang kung ilang beses kumalat ang mukha at katawan nito sa naglalakihang billboard sa Edsa.

“Nalasing ba s’ya last night?” si Cleo.

“Too drunk. Kaya dito inihabilin ni Lourd. ” Tugon ni Roxanne saka muling bumalik sa upuan nito.

“Wow, sana ‘andito tayo kagabi, Kat.” Ani Amber at napatawa siya. Napailing na lang siya.

“Shut up, Amber. Nakalaan ka na kay Euan.” Si Cassie.

Umingos ito. “Really? ‘Yong mayabang na ‘yon? Bastos pa.”

“Di’ba ‘yon naman gusto mo. Maginoo pero medyo bastos.” Panunukso niya. Si Amber at Euan na marahil ang pinakamahirap pagsamahin sa isang lugar. Hindi nila maintindihan kung bakit tila isinumpa ng mga ito ang isa’t-isa sa mga past life ng mga ito.

“Eww!” tumitirik ang mga matang sabi ni Amber at nagkatawanan sila pati na rin si Roxanne.

“Are you sure, you okay, Rox?” nag-aalalang tanong ni Amber sabay lapit dito. Hinawakan nito ang balikat ng boss nila.

“Of course, I’m fine.” Disimulado nitong tugon. Ngunit hindi naman maikakaila ang lungkot sa mga mata nito. Sigurado silang ang mag-ama nito ang nasa isip nito. Lalo na si Euan.

“Ikaw na ang bahala kay Euan, Amber.” Tila nagbibilin na sabi nito sa kaibigan n’ya. Kitang-kita naman nila kung paano humaba ang nguso ni Amber. Amber was very vocal. Hindi ito nagdadalawang-isip na sabihin kay Roxanne na hindi nito gusto ang anak ng huli. Na hindi naman ikinagalit ni Roxanne. Para dito ay naglalambingan lang ang mga ito.

“Hindi ba s’ya susunod sa’yo do’n? Mas tahimik ang mundo ko kung wala s’ya eh.” Sabi ni Amber.

“Hindi ko alam. Gustuhin ko mang pumunta sa kanya pero alam mo naman…” tugon nito.

“Be safe, okay?” puno ng concern niyang sabi dito.

Ngumiti ito at niyakap ni Amber. Sumunod naman sila at kanya-kanya silang lapit sa mga ito at nag-group hug sila. Para na rin ina ang turing nila dito. Sadyang malulungkot sila sa pag-alis lalo na’t ramdam nilang may mabigat pa itong problema bukod sa sinabi nito. Ayaw lamang nilang magtanong. Kilala nila si Roxanne. Hindi ito magsasalita hangga’t kaya pa nito.

“Balik ka agad.” Si Cassie.

“I will. May isa pa akong problema.” Sabi nito.

“Ano?” si Cleo.

“Walang magre-receive ng dumating na alak. Naka-leave si Tanya kasi manganganak na. Nakabakasyon naman si Rose.” Sabi nito na tukoy ang mga office staff nito. Ganoon na lang ang ikot ng kanyang mga mata dahil alam niyang sa kanyang nakatingin ang lahat ng naroon.

“May usapan kami ni Lourd ngayong after lunch. And I will be busy these coming days. Hinihingan ako ng mga bagong samples ni Lourd para sa song festival.” Mahaba niyang sabi sa mga ito.

“Office experience.” Nagpapa-cute pang sabi ni Cassie.

“Aba, bakit? May flower shop ka. I’m not the only one who has this ‘office’ experience. You’re not my dad, so please.” Aniya sa mga ito ngunit sabay-sabay na nagtalikuran ang mga ito. At kanya-kanya nang paalam kay Roxanne.

“Hoy, bumalik kayo dito. Ayos kayo ah! Kaibigan ba talaga kayo?” sabi niya ngunit nakababa na ang tatlo. Pikon siyang nagbuga ng hangin.

“Tayo na lang ang naiwan.” Ani Roxanne.

“Bakit ang bait mo sa kanila, Rox?” asar-talo niyang tanong dito.

“Dahil mabait ka rin sa kanila.” Anito at tumayo. Kinuha nito ang handbag nito at tila aalis na rin. “I hate doing this to you pero kailangan ko nang umalis. Ikaw na’ng bahala.”

“What the…” aburido niyang bulas sabay kampay ng mga kamay. Wala na siyang nagawa dahil nakababa na si Roxanne.

Nang maiwan siya ay nilibot niya ang malawak na opisina. May tatlong executive table at isang conference table malapit sa papasok sa studio ni Lourd. Sa sobrang lawak ay may kahalo na itong bahay. Sa bandang kaliwa ay ang sala at sa kanang bahagi ay ang bedroom kung saan naroon ang isang sofa bed. Sa gilid ay ang dining table na nagsisilbing kusina nito. Hanggang sa mapadpad ang tingin niya sa nakasarang pinto. Saka nagbuntong-hininga at hinarap ang nagkalat na files.

Hindi na namalayan ni Kathryn ang oras. Sa dami ng files na inayos niya ay nakatulog na siya sa sofa.

Tumayo siya at hinanap ang pinanggagalingan ng tugtog. Lumapit siya sa salaming dingding at nakita ang malawak na dance floor. Ibig sabihin ay gabi na. Nakita niyang kasalukuyang nagtatanghal si Cassie. Full house ang club. At marahil nakaalis na rin si Roxanne.

Huwebes noong araw na iyon kaya Ladies’ Night. She sighed. Sana’y mapagtulungan nilang magkakaibigan ang pamamahal ng club.

“Pasado ba?” narinig iyon ni Kathryn at napatili siya sa sobrang gulat. Kaagad siyang lumingon sa pinanggalingan noon at tutop ang bibig sa nakita.

Hindi kalayuan sa kanya ay nakatayo si Jared at sa nakakagulat na hitsura nito ay nakatapis lang ito ng tuwalya. Sa kanang kamay ay isa pang tuwalya na ipinipunas naman sa ulo nito.

“Magaling s’ya.” Dagdag pa nito na hindi napapansin ang gulat niyang reaksyon. Lalo pa siya naalarma nang walang pakundangan itong lumapit at pinagmasdan ang baba.

Kathryn quickly felt awkward. Hindi niya masabi kung dahil sa halos wala na itong suot o sa nalalanghap nito ang amoy nitong bagong paligo. She also wondered if where he came from. Hindi niya namalayang gumamit ito ng restroom upang maligo.

Bigla itong lumingon sa kanya at napakurap siya. Nag-iwas siya ng tingin. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Alam niyang dapat siyang magsalita ngunit nauumid siya.

“So, you work here?” tanong nito.

“A-ahm, oo.” Hindi tumitingin niyang sagot. He only snorted.

“Dancer din?” tanong nito sa kanya.

“Bartender. At hindi biro ang trabaho namin dito. Kailangan may respeto, sir.” She said almost mocking. Nairita siya sa klase ng pagsasabi nito.

“Damn, bakit ba ako dito dinala ni Lourd?” Sabi nito na tila hindi naman siya ang kausap. Mabigat itong nagbuga ng hangin at lumayo. Sinundan niya ito ng tingin.

Her eyes were stunned. Hindi niya maaaring ikaila na maganda ang pangangatawan nito. Sa taas nitong tingin niya ay ilang pulgada na lang ay abot ng six feet ang taas nito. Na akma sa lapad ng likod nito. His muscles were toned in place. Kung naadik man ito sa gym ay dapat hangaan iyon. Mas maputing kayumanggi ang kulay nito na tama lang para isang lalake. At ang buhok nito, bagay kahit tila hindi na nalalapatan ng gunting sa haba na umabot na hanggang batok.

Pasalpak itong umupo sa sofa patalikod sa kanya. Nakita niyang nagsindi ito ng sigarilyo na hindi alam na mayroon pala sa center table. Panay ang buga nito ng usok. Nakasandal ito sa sofa na tila wala siya roon. Ni hindi man lang nag-abalang magbihis.

“Si Lourd?” narinig niyang tanong nito na nagpatigil sa kanya. Anong ibig sabihin nito?

“Hindi ko alam.” Malamig niyang tugon. Lumingon ito nang bahagya.

“Can I use your phone? Hindi ko kasi alam kung nasaan ang sa’kin. Mukhang kinuha ng pinsan ko.” Mabigat na saad nito.

Dahan-dahan siyang lumakad papalapit dito. “Ganyan ka ba talaga kayabang makipag-usap. I’m sorry, Mr. de Veyra pero hindi ko po gusto ang inaasal n’yo. Gamitin n’yo na lang ang landline. Wala akong load.”

“What?” pagalit nitong tanong. Tuluyan itong tumingin sa kanya. His eyes were burning. Salubong ang mga kilay nito. Bakas sa tinging iyon na hindi nito nagustuhan ang itinanong niya. Pasimple siyang umatras. Kinabahan siyang bigla.

“What mo mukha mo.” She said. He snorted.

“Wala kang karapatang magsalitaan ako nang ganyan.” Sabi nito at tila aburidong sinuklay ng daliri ang buhok. “Fine. Kung ayaw mo magpahiram. Pakitawagan na lang ang pinsan ko para sunduin ako dito.”

Muli itong sumandal sa sofa at humithit ng sigarilyo. Lalo siyang nairita. Isang malaking kalokohan pala ang alam nilang pagkatao nito. Huwad pa lang ito sa tuwing haharap sa publiko. It was major turn-off for her.

“Hindi n’yo ako sekretarya para utusan. Ako ‘tong dapat-”

“The hell I care with you!” biglang sigaw nito at galit na tumayo. Mabilis itong lumapit sa kanya. Still with only his towel on. At dahil sa namuong takot ay lumayo siya paatras ngunit patuloy pa rin ito sa paglapit.

She got trapped. Naramdaman na lang niya ang paglapat ng kanyang likod sa konkreto. Dapat ay iiwas siya ngunit napiligilan nito nang itinukod nito ang isang kamay sa pader. Bumaling naman siya sa kabila ngunit ganoon din ang ginagawa nito. Muli niyang sinubukang tumakas ngunit hinagilap nito ang magkabila niyang braso. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. She looked at him straight. Kahit na takot na takot siya. And she never realized that he would be this harsh.

“Don’t talk to me like that ever again!” Nagngitngit nitong sabi. Siya ay halos idikit na ang sarili sa pader. Kung maaari nga lang ay tumagos na siya doon.

Mabilis na nanginig ang kanyang buong katawan dahil sa takot sa binata. His wearing almost nothing and his muscles was hard. Mahigpit ang hawak nito sa braso niya at bahagyang nananakit. Hanggang ang takot na iyon ay nauwi sa pamumuo ng luha. Ngunit pinilit niyang pigilan ang pagpatak niyon. Na kaagad namang napuna ng binata.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha at dahan-dahan siyang binitawan. Noon lang siya tila nakahinga at tila naubos ang kanyang hininga kaya padulas siya umupo sa sahig. Hindi na niya namalayan ang paglayo ni Jared.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.