“Bakit hindi mo sundin ang Auntie mo?” tanong ng kaibigan ni Thia na si Amber. Kasalukuyan silang nasa loob ng artists’ lounge sa Roxy City.
“Para mapahiya?” ma-emosyon niyang sagot.
“Si tito Edison ba iniisip mo o ang ex mo?” Ani Cassie habang inaayos ang lace yellow fingerless gloves nito. Hindi niya ito pinansin.
Roxy City Luxury Superclub. Ito ang nagkanlong kay Thia sa loob ng halos tatlong taon. Nasa kolehiyo pa lang siya nang maging member ng ‘Xquizit. Ang naturang club ay itinuturing na pinakamalaki at pinakasikat na club sa kamaynilaan. Nasa Taguig City ito. Pag-aari ito ni Roxanne Roswell at ng sikat recording company na
LinkMusic Inc na pag-aari naman nina Lourd Fortes at ni Jared de Veyra na isang city councilor.
Dinarayo ng high class partygoers, socialites, celebrities o kahit ng mga pulitikong tao. Highly operated na maituturing ang Roxy City dahil sa laki nito. Dahil isa rin itong coffee shop sa araw na laging puno ng mga patrons. Masasarap daw kasi ang mga kapeng isi-serve sa Roxy.
Nahahati sa tatlong sections ang club. Ang Partyhouse, Stageplay at ang Private Roxy. Nasa ikalawang palapag ang Private Roxy kung saan naroon ang mga VIP lounges at rooms.
At katabing-katabi ng mismong club ang ‘Lou Room’d’ na isang European country manor inspired na maaaring pagpahingahan ng mga members. May tatlumpung kwarto ito na may kanya kanyang theme. Well-furnished at modern ang designed kahit country ang tema. Ang co-owner ng Roxy City na si Lourd Fortes ang nakaisip na magpatayo nonon dahil karamihan sa mga kaibigan ng binata na pawang member ng club ay hindi na makauwi sa kanila-kanilang mga bahay sa sobrang pag-eenjoy o sa sobrang kalasingan. Dagdag pribilehiyo na din daw iyon sa mga loyal at exclusive members.
Bukod sa magarbong club at mahusay na serbisyo ng club ay ang ‘Xquizit ang dinarayo sa Roxy City kung saan isa sa miyembro si Thia. ‘Xquizit consists of five young talented women who work as dance artist in the club. Lahat sila ay magagaling at may passion sa pagsasayaw. They devoted their time and effort to dance. At para maisakatuparan ang passion nila ay kinanlong sila ng Roxy City.
“Matanong nga kita, Thia.” Ani Amber. Tiningnan niya nang masama ang kaibigan.
“Don’t start, Amber. Kung ayaw mong sabihin ko sa mommy mo-”
“Hey! Hindi ako ang issue dito.” Kunwa’y pagtatanggol nito sa sarili.
Kaninang umaga ay ang Auntie Lorie niya, kapatid ng namayapang niyang ina, mismo ang gumising sa kanya para lang sabihin na kailangan na niyang magtrabaho sa kumpanya nila, ang AM Global Corporation.
Kasama ang lolo niya sa tuhod na si Dr. Eugenio Adriatico katuwang si Don Sean Iñigo Munez ay itinayo ang kumpanya na distillery matapos magtrabaho ng mga ito sa Middle East. Sinimulan ng mga ito na i-improve ang kalidad ng paggawa ng lambanog. Namayagpag sa merkado ang formula na mismong mga ito ang gumawa at doon nagsimula ang paglago ng kumpanya. Bumilang na ng maraming taon ang operasyon kaya naisalin na ito sa bawat henerasyon ng pamilya Adriatico at Munez. Mabilis ang naging paglago niyon at kalaunan ay nanganak ng iba’t-ibang business ventures at naging isang makaling conglomerate company. Ang kanyang ama ang kasalukuyang chairman at ang nag-iisang apo ng Don Munez na si Seoff ang kasalukuyang vise-president for operation.
Kung tutuusin ay dapat na magtrabaho siya sa sarili nilang kumpanya. Bente-tres anyos na siya at matagal na niyang natapos ang kursong Business Management ngunit hindi pa niya nararanasang magtrabaho doon. Dahil iba ang gusto niyang gawin.
Anastacia or used to be called ‘Thia’ by her families and friends grew up with playing music in her ears. Tatlong taong pa lang siya nang matutong tumugtog ng piano at magsimulang umawit. Ang sabi ni Auntie Lorie ay namana niya ang hilig sa musika sa kanyang ina na si Virna Didez na dating mang-aawit. Ngunit ilang buwan pa lang siya noon nang mamatay ito dahil sa isang car accident.
Pero kahit na anong gawin niyang pagpupursigi para matupad ang pangarap ay napipigilan dahil tutol na tutol ang daddy niya. Her father said that her dream will only ruin her life. Mas gusto nito na pag-aralan niya kung paano tumatakbo ang kumpanya at tulungan si Seoff sa pamamahala noon.
“And girls…” Sabi niya nang muling ibalik ang tingin sa salamin. Cleo went beside her. Ang dalawa ay nanatili sa mga pwesto ng mga ito.
“Bumalik na si Kristin. And she is…I’m not sure, dating Seoff.” She immediately paused to wait for their reaction.
Si Kristin ay ang pinsan niya sa ina na kasing edad niya. Hindi siya naging malapit dito. Hindi niya alam kung bakit ngunit kahit anong gawing pilit niya na ilapit ang sarili dito ay naroon pa rin na parang may hindi siya maintindihan sa pagkatao nito. O marahil sadyang mabigat ang loob niya dahil naging mas malapit ito sa kanyang ama kaysa siya. Nagdagdagan pa nang papuntahin ng kanyang ama si Kristin sa ibang bansa upang mag-aral. Sinagot nito ang lahat ng gastusin. Noon ay nasa Maynila na siya.
Iyon na rin ang nagtulak sa kanya upang tuluyang layuan ang ama.
At mukhang dadagdag pa sa problema niya ang pagbalik ng pinsan niya dahil madalas na kasama ito ng kanyang ‘not officially ex-boyfriend’ para sa kanya dahil hindi naman sila talagang naghiwalay. Sadya nga lamang pinaghiwalay sila ng isang pangyayari na lubha siyang nasaktan.
“See?” Ani Cassie. “See what I mean?”
“That gave you more reason para sumunod kay Auntie Lorie.” Ani Cleo.
“Ano?” halos lukot na ang mukha niya sa sobrang inis.
“Mahal mo pa ba ‘tong si Seoff?” tanong ni Cassie habang kampanteng nakasandal sa upuan. Nagbaba lamang siya ng tingin.
“Well, action speaks louder than words.” Komento bigla ni Cleo. Hindi siya nakasagot. May ilang sandali ding walang nagsalita sa kanilang apat. Marahil naramdaman na ng mga ito ang totoong nagpapabigat sa damdamin niya.
Isang taong naging kasintahan ni Thia si Seoff for security reason. Inaanak ito ng kanyang ama at dahil sa pagiging magkaibigan ang kanilang pamilya ay hindi na ikinagulat na sila ang dapat magkakatuluyan. Hindi dumaan sa normal na ligawan ang kanilang relasyon. He just asked her for a date and the next thing she knew, he was her boyfriend.
Ang relasyon nila ng binata ang tanging bagay na sinunod niya sa maraming kagustuhan ng kanyang ama. Dahil ang katotohanan ay matagal na siyang may lihim na pagtingin sa kinakapatid. Bakit naman hindi?
Si Sean Iñigo Munez IV na marahil ang pangarap ng bawat babae na mahalin at magmahal sa kanila. Serious but gorgeous. Idagdag pa ang magaganda at malalalim nitong mga mata, mabibilang sa daliri ang hindi maglalaan ng pansin sa binata. O mas tamang sabihing walang hindi. He was a bachelor, a young bright businessman at the age of thirty-two. And a responsible child. Hindi na yata masasala ang gahibla nitong kamalian na tanging siya lamang ang nakakaalam. But she still fell in love head over heels with him. Hindi nga lamang niya naamin sa binata. Napipigilan siya ng kanilang totoong sitwasyon at ang masakit na katotohanang hindi siya mahal nito.
He used to be fine being a boyfriend. Paminsan-minsan kapag may bakante sa schedule nito ay lumalabas sila. Palagi silang magkasama sa lahat ng pagtitipon dahil dapat ay sila ang parating nakikita ng lahat. He used to send her flower sometimes. Na hindi naman niya sigurado kung alam nito dahil mukhang ang secretary lang nito ang nagpadeliver. Pero okay lang sa kanya ang lahat. Hindi naman kasi normal ang relasyon nila.
Ngunit nagbago si Seoff nang lalo itong tumaas ang posisyon. Nag-venture na rin kasi ito ng sariling kumpanya sa ilalim ng AMG. Ang pagiging workaholic nito ay dumoble. Ang dating paminsan-minsan na oras para sa kanya ay nawala na. Hanggang sa dumating ang gabing nagpabago sa kanilang buhay na dahilan din upang masaktan nila ang isa’t-isa. They made love. But it never became a gift. And she was hurt, until now.
“Why do you keep on loving him? Hindi naman niya kayang ibalik ang pagmamahal mo.” Ani Amber.
“Keep moving forward. Kung maaari nga lang ay huwag mo nang lingunin ang nakaraan.” Si Cassie sa kakatwang himig.
“Bakit hindi na lang ninyo sabihin sa’kin kung paano ko siya makakalimutan?” confusedly she asked.
“Pero hindi mo pwedeng balewalain ang kagustuhan ng daddy mo.” Saad ni Cassie.
“Alam ko.” Puno ng hinanakit at panghihinayang niyang tugon.
“Oh, shoot! Hindi mo na itutuloy ang kontrata mo kay Lourd?” gulat at biglang naalala na bulas ni Amber.
“Dilemma nga di’ba?” si Cleo. Nagbuntong-hininga siya at napagaya ang tatlo. Lumapit si Amber sa kanya.
“Pag-isipan mong mabuti.” Ani Cleo at lumabas na. Niyakap naman siya ni Cassie saka sumunod kay Cleo palabas.
“Sa tingin ko, malaki talaga ang problema mo.” Amber said smiling and shaking her head.
“Iba ang gusto ko.” Tanging sagot niya.
“Okay. Sabihin na lang natin na dumadating talaga sa’tin na kailangan na nating gumawa ng desisyon. Mahal mo ang daddy mo di’ba?” muli, hindi siya tumugon.
“Wala kang ibang option kundi makipagkasundo sa kanya at kay Seoff para sa kumpanya n’yo. Huwag mong kakalimutan na family legacy n’yo ang AMG. Kung wala ‘yon, sa tingin ko mawawalan na rin ng identity ang daddy mo. Pag-isipan mo.” mahabang sabi nito at niyakap siya. Saka magkasunod silang lumabas ng lounge.
Maraming tao noong gabing iyon. She slowly walked towards the stage and seen the scene. All the other girls are writhing around on the bar, being ogled by men and the crowd of mean are very rowdy. This was not the first time that she saw the kind of crowd. Matagal na rin siya sa lugar na iyon. And they got used to this sort of environment and they know it was not difficult to fit with the other girls’ behavior. Tulad ng madalas sabihin sa kanila ni Roxanne. ‘Xquizit represents sexy, empowered strong women. Some people might see them as trashy. Ngunit hindi nila kailangang patunayan iyon. Hindi nila kasalanan kung ‘hot’ ang tingin ng kalalakihan sa kanila dahilan upang kainggitan sila ilang kababaihan. Kung minsa’y kainisan pa.
They have attitude. Kailangan iyon sa trabaho nila. Confidence. But it doesn’t mean being bratty. It was just all being feisty, cool and being such a force of dance. They have brains, intellectual ones.
Natigil ang maingay na tugtog at nagsalita ang resident DJ na si Eben Jay.
“Great evening, party people!” sigaw nito sa mic. Nagsigawan ang mga tao bilang tugon dito.
“I know you want more so…let’s get it on!” muling sigaw nito. At muling nag-ingay ang lahat. Saka umalingawngaw ang isang party song ni Lady Gaga at lumiwanag ang buong club hudyat ng pagtatanghal nila.
Lalong di magkamayaw ang sigawan lalo ng mga kalalakihan sa loob ng bar. It seemed like they was the reason of these people why they went to Roxy.
Kasama si Geri na humabol sa first set nila ay kanya kanya na silang galaw. They started to move and groove with the music. They sway their hips and do some sexy moves. At bawat indak at galaw ng mga katawan nila ay ang pawang apoy sa bawat kalalakihang naroon. They give them one hip hop move.
Puno na sila ng pawis but they just keep on going. Mas nag-eenjoy sila kapag nakakaramdam na sila ng pawis sa katawan. They exchanged places on the stage at nagkakangitian pa sila kapag nagkakatingin.
And the music went to finished. They made their final pose and they received thousands of hands clapping and praising them. It felt good for Thia. Ito ang lalong nagbibigay sa kanya ng linaw na ito ang gusto niyang tahaking propesyon. She wanted to perform for people. Write music and sing it loud.
Nagbow silang lima at may iniabot na mic kay Amber.
“Thank you and please watch out for our next set.” Humihingal pa nitong saad sa crowd. Muling nagpatugtog ng house music si Eben. At nagpuntahan sa dance floor ang karamihan. Sila naman tinungo na ang backstage.
Bumalik si Thia sa artists’ lounge. Nasa malalim siyang pag-iisip ng pumasok si Cleo.
“Girl, may naghahanap sa’yo.” Sabi nito habang nakadungaw lang ito sa pinto. Nagtaka siya. Sino naman ang maghahanap sa kanya?
“Sino?” tanong niya.
“Kinakapatid mo daw s’ya. Mukhang naka-get over na ang ex mo. Kakausapin mo ba s’ya?” nag-aalangan nitong tugon sabay buntong-hininga.
Hindi kaagad nakakilos si Thia.
‘Kinakapatid? Gano’n na lang ba ang tingin niya sa’kin? Kinakapatid lang?’
Parang ayaw niyang harapin ito. But she has to. Hindi rin siya titigilan nito. Kaya kinakabahan man ay lumabas siya upang harapin ito.
Nagbuga siya ng hangin. Nilingon niya si Cleo para lamang makita na magkakasama na ang mga ito at nakatingin sa kanya. Panay nakangisi ang mga ito. Amber even gave her thumbs up. Napailang na lang siya.
Paglingon niya ay nakita niya ang taong sa lahat ng pagkakataon ay nagpapakaba sa kanya. In just one stare, her heart beats so fast. Pakiramdam niya ay susumpungin siya ng asthma kahit wala siya noon. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil ni hindi niya naigalaw ang mga paa.
Nakita siya ng taong naghahanap sa kanya. Hindi ito ngumiti na sa pakiwari’y hindi siya gustong makita nito. Nasaktan siya. Bakit? Dahil mahal pa rin niya ito.
Mukhang napuna ni Seoff na hindi siya lalapit o mas tamang sabihing hindi siya makalapit dahil sa panginginig kaya ito na ang lumapit sa kanya.
Nakasuot ito ng business suit nito. Malamang na galing ito sa opisina. Parati na lang ito mukhang executive ng isang higanteng kumpanya. And with that style was the deep eyes na sa mga oras na iyon ay seryosong nakatingin sa kanya.
“Kailangan nating mag-usap.” Saad nito sa mababang tono. Walang kasamang emosyon saka tumalikod. Napapikit si Thia. Tila nasaktan bigla ang puso niya.