“Tama na ang paglalaro mo, Thia.” anang tinig ni Seoff. Hindi siya nililingon nito ngunit ramdam na ramdam niya ang galit nito. Nasa rooftop sila ng Lou Room’d. Nakita pa sila ni Lourd na paakyat at kahit wala itong sabihin ay alam niyang ito ang nagsabi kay Seoff na puntahan siya.
Nanatiling siyang tahimik. Hindi niya kayang makipag-away dito. Bukod sa pagod siya ay nanghihina ang kanyang tuhod dulot ng presenya nito. And she was lost of words.
“I hope these things that I will say will make something out of you.” Patuloy nito at hinarap siya.
“Sabihin mo na lang.” Tila nanghihina niyang saad. Naupo siya sa fabric chair dahil pakiramdam niya ay tutumba siya.
Seoff sighed and raised his head. Lumapit ito sa kanya at ngayon ay nasa harap na niya ito.
“Can I sit beside you? Marami akong ginawa sa office, baka hindi ko na kayanin kung nakatayo pa akong makikipag-sap sa’yo.” Nakiki-usap na saad nito.
Umusod siya ay hinayaan niya itong maupo sa tabi niya. She smelled his scent. She felt shiver through her spine. Ganoon pa rin katindi ang epekto nito sa kanya.
“I’ve talk to your father this morning. Gusto n’yang umuwi ka sa Isabela.” panimula nito.
“S’ya ba talaga ang may sabi n’yan?” walang pangunutyang tanong niya.
“Yes.” Sagot nito at nilingon siya. She snorted though hurt.
“Really?” now she’s sarcastic.
Matalim na tingin ang natanggap niya mula dito. “You still don’t change.”
“Mahirap magbago.”
Nagulat siya nang tumawa ito. “I know.”
Seoff’s smile took Thia’s breath away. One moment, she wanted to touch him and hold him so tight. Ngunit isang kahibangan kung gagawin niya iyon.
“Anong bang sasabihin mo?” aniya upang mabawasan ang tensyon niya. Muli itong tumingin sa kanya ngunit muli ring umiwas.
“Wala pa bang sinasabi sa’yo si Auntie?” imbes ay tanong nito sa kanya. Hindi na nakatiis si Thia. Tumayo siya at galit na nagsalita.
“Like what? Na pikon na pikon na sa’kin si Dad? At ano? Pipilitin n’ya akong magtrabaho sa distillery? Bakit? Dahil walang kwenta ang ginagawa ko?” humihingal na saad niya.
“Thia, you father is getting worse. He is sick.”
Tila na nabingi si Thia sa narinig.
“W-what?” gulat at nangangatal na tanong niya.
“Gastric cancer.” sabi ni Seoff na hindi pinansin ang pagkabigla niya. Nakaupo pa rin ito at nakatungo. Hinihilot nito ang sariling batok. Hindi kaila ang pagod.
“Hindi lang niya sinabi sa’yo ang totoo pero matagal na ang sakit niya. Indirect but significant cause. Hindi niya pinapansin noon ang nararamdaman n’ya dahil abala siya sa trabaho. Your father is too workaholic. But it gotten worse.” Paliwanag nito.
“B-but his too young. Bakit ganoon ang nangyari?” sabi ni Thia sa nanginginig na tinig. Alam niyang kahit na anong oras ay iiyak na siya.
“Walang pinipiling edad ang sakit, Thia.” He said and stood up. Lumapit muli ito sa railings at tumanaw sa malayo.
“At dahil sa kalagayan n’ya nanganganib ang chairmanship n’ya sa kumpanya. Naghahanap na ng bagong chairman ang board. Naaapektuhan na ang operations.” Patuloy nito.
“Huh?” lalong nalilitong saad niya. Ngunit sa nakita niyang ekspresyon ni Seoff ay nahuhulaan na niya ang ibig ipakahulugan nito. Sari-saring emosyon ang sabay-sabay na bumogso sa kanya. And on that, she cried.
“Hindi na confident ang board sa kanya. Pati ang mga clients natin nagtatanong na. In fact, one of our big clients pulled out.” Nagbuntng-hininga ito at tumingin sa kanya. “Naiintindihan mo ‘ko, di’ba?”
Thia remained standing listening and crying. Naririnig at naiintindihan niya ang sinasabi ng binata ngunit mas sumasaklob sa kanya ang katotohanang malala pala ang sakit ng daddy niya.
“Kapag nangyari ang gusto nila, tuluyan nang mawawala ang shares ninyo. At alam kong hindi papayag ang daddy mo. We have to do something.” He said in tiring voice.
Nagpatuloy lang siya ng pag-iyak. She thought that learning the tragic truth was heart breaking.
“I could run the operation. Pero hindi ako dapat mag-isa. Partnership ng pamilya natin ‘to. Kailangang may pumalit sa daddy mo. At dapat ikaw ‘yon.” Si Seoff pa rin ang nagsasalita.
“B-bakit ngayon mo lang…sinabi ang t-tungkol sa sakit n’ya?” She asked in the middle of her weep.
“Dahil iyon ang gusto niya.” He said to console her.
“Gusto niya!” She was now angry. Lumapit siya sa binata na parang dito niya ibinubuhos ang lahat. “Pero paano ang gusto ko? Hindi maganda ang relasyon namin…oo! Totoo ‘yon. Pero sana…naisip n’yo ang mararamdaman ko. Wala ba talaga akong halaga sa kanya? I love him for God sake!”
“Thia…”
She walked towards the railings and held it too tight. “Kung sinabi lang niya…sana…sana…” tuluyan nang naputol ang lahat ng kanyang sasabihin dahil nilunod na ng pag-iyak ang mga salita niya. She was loudly weeping. At humihingal na rin siya na tila nahihirapang huminga. Her hurt wanted to blow any moment. Kung alam lang sana niya, hindi niya masasaktan nang ganoon ang kanyang ama.
Seoff went to her back. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya na nakahawak sa railings. And Thia rested her head on his chest. Giving her weight to him and still crying.
“It’s alright, sweetheart.” He whispered softly to her. Unti-unting bumitiw si Thia at kinuha niya ang mga kamay at niyakap niya ito. Mahigpit na yakap. He buried his face to her hair and kissed it gently.
“S-Seoff…bakit? Bakit si Dad?” sambit niya na punung-puno pa rin ng luha.
“Please, Thia. Kaya nga ako ‘andito. Para pagtulungan natin. Don’t be too hard on yourself. Kailangan mong magpakatatag.” He whispered in begging tone. Lalo nitong hinipitan ang yakap nito na parang takot na takot na mawala siya.
Hindi na alam ni Thia kung sinong sisisihin. Maraming taon na hindi maayos ang relasyon niya sa kanyang ama. Madalas silang magkasakitan. Marami nang nangyari at hindi na rin niya alam kung ano ang mararamdaman. Mahal niya ang kanyang ama. Hindi man niya naipakita iyon dahil na rin sa ito mismo ang naglayo ng loob nito sa kanya.
All she wanted to do was cry. Paano na ngayon ang kumpanya? Sa nangyayari ay talagang kailangan na siya. Tila lalo siyang nanghina. Hanggang sa mamalayan na lang niyang binuhat siya nito.
“I’m always here.” He whispered to her and she wrapped her arm to him. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Nakahiga si Thia sa kama at nakabalot ng comforter. Pugto ang mga mata dahil sa halos isang oras na pag-iyak. Masakit na ang ulo niya at pati ang mga mata.
Nilingon niya si Seoff na tahimik na nakupo sa single sofa at nakatingin sa kanya. Bumangon siya at paupong sumandal sa headboard ng kama.
“What now, Seoff?” She asked still in broken voice.
“Are you asking about your father or the company?” Instead he asked.
“Both.” She said and blew a breath. Lumapit ito sa kanya at umupo sa gilid ng kama.
Hinawakan nito ang kamay niya at hinagkan ang likod ng palad. Napapikit si Thia. Hindi niya naiwasan na makaramdam ng kakaibang init. Init na tila proteksyon at gamot sa lahat ng sakit na nararamdaman niya noong oras na iyon. She still loves him. Walang nagbago sa kanya. Mula noon hanggang ngayon.
“Nagpapagaling ngayon ang daddy mo. He’s not that well…but his fighting.” Gustong muling mapaiyak ni Thia ngunit napigilan iyon ng paghigpit ng hawak ng binata sa kamay niya.
“In terms of workforce. Don’t worry. Kristin is doing her best. Nagtatrabaho siya para makahawak siya ng mataas na posisiyon. Your father still owns the 30 percent of the shares. Dugo at pawis ang puhunan ng daddy mo para maitaguyod ang lahat. Kung hindi lang siya nagkasakit, hindi niya bibitawan ang pamamahala. At gusto kong manatili iyon sa gano’n.”
“So, you rule the company.” Sabi niya na walang halong pangungutya.
“Well…mostly likely. But it is not easy, Thia. Ayokong mag-isa sa taas. I need someone to help me.” saad nito na umiiling pa.
“And’yan naman si Kristin.” Puno ng hinanakit niyang saad.
“Yeah. But-” Pagsang-ayon naman nito.
“I’m useless.” Walang babalang lumabas iyon sa bibig niya dala ng pagseselos at insecurity. She withdrew her hands from and looked down.
“Hindi ko kayang magtrabaho sa kumpanya. Hindi ako marunong humawak ng mga tao. I can live with them but I cannot lead them.” Paghihimutok niya.
“I’m not saying that you have to do office work. Kung hindi mo gusto, walang pipilit sa’yo. Iyon ang malaking pagkakamali ng daddy mo. Pinilit ka niyang itulad sa kanya. But you’re the opposite. Mas gusto mo ang music, so be it.” Nakakaunawang sagot nito.
“How can I help?” Sinserong niyang tanong. Nagpapasalamat siya at naiintindihan na siya nito. Ngunit mas nais niyang ayusin ang problema ng pamilya niya. Her dream can wait.
“There’s an option. Pinag-usapan na namin ito ng daddy mo at…” he trailed off. “Pumayag naman siya. This is to protect the shares. Naisip lang niya na...baka hindi mo magustuhan. Kahit ako ayoko rin sana-”
“Seoff.” She napped. “Ang dami mong sinasabi.”
“Magpasakal tayo.” Sabi nito. And Thia almost drop her jaw in shock.
Sakay ng abuhing Jaguar ay binabaybay ni Thia ang daan patungo sa building ng AMG sa Mandaluyong. Tahimik niyang pinadadaanan ng tingin ang mga gusaling nagpapaligsahan ng taas.
Pupunta siya doon hindi upang puntahan si Seoff kundi upang gawin ang dapat ginagawa ng anak ni Edison Adriatico. Ang manahin ang nararapat na lugar niya sa kumpanya.
Lubha niyang ikinagulat ang sinabi ni Seoff sa kanya. How she wished she could marry him but not to his reasons. Hindi pera ang magiging dahilan niya upang magpakasal. Kaya tinanggihan niya ito. Sinabi niyang hindi solusyon ang pagpapakasal nila.
Nasasaktan siya sa nangyayari sa kanila ni Seoff. Mahal niya ito. Sigurado siya doon. Kaya nga nagawa niyang ibigay ang lahat dito. Even herself. Subalit ang pangyayari rin iyon ang dahilan kung bakit nila nilayuan ang isa’t-isa. Pagkatapos ay bigla nitong sasabihing kailangan nilang magpakasal para lamang protektahan ang kayamanan nila. That’s absurd. Patunay lamang iyon na walang siyang halaga sa binata.
Hindi ikinatuwa ni Seoff ang pagtanggi niya. Ipinilit nito na iyon ang pinakamaganda nilang option. Hindi niya maintindihan kung anong damdamin ang tila nabasa niya sa mga mata nito nang sabihin niyang ayaw niya. It must be sadness or joy. Hindi niya alam. Isa lamang ang alam niya. Ego lamang nito iyon dahil hindi ito sanay na tinatanggihan.
At dahil din sa ginawa niya ay nanumbalik ang dating turing nito sa kanya. He became cold eventually. Nawala ang lahat ng sweetness nito at galit na umalis ng Lou Room’d. She cried. Muli siyang nasaktan nito. Bakit ba kasi hindi na lang nito sabihing mahal siya nito at wala nang problema? Pakakasalan niya ito kahit na anong oras.
She then decided to take the job. Gagawin niya iyon para sa kanyang ama. Upang makabawi siya sa lahat ng pagkukulang niya dito bilang anak. And nothing more.
Humantong ang sasakyan niya sa building. Tumambad sa kanya ang eight-story building. Ang building na ito ang Corporate headquarters ng kumpanya. Doon ginaganap ang annual meetings ng BOD at mga stockholders. Pati na ang malakihang launch ng mga bagong produkto ng AMG.
Sa likod naman noon ay ang warehouse para sa alak na nanggagaling ng planta sa Isabela. She was never been there in fact. May kalayuan sa Hacienda Adriatico ang planta. Kaya hindi niya lubos na naiintindihan ang proseso ng pagagawa ng produkto nila.
Halos panabay silang bumaba ng driver. Ayaw niyang ipagbukas pa siya nito. She was not that special anyway.
“Good Morning, Ma’am.” bati ng guwardya sa kanya. Nagulat man ay hindi niya iyon ipinahalata. Ang akala niya ay hindi siya kilala nito. Ngumiti siya dito.
Pumasok siya sa loob ng building at bawat makasalubong niya ay bumabati sa kanya. Tango at ngiti na lamang nagawa ni Thia. Sa katunayan ay hindi siya sanay sa ganoong environment. Magmula sa utility hanggang sa receptionist ay hindi maaaring hindi ngumiti sa kanya.
Habang papalapit sa elevator ay sabay din na bumukas iyon at napatigil ang kanyang paghakbang dahil lumabas mula doon si Seoff.
Ganoon na lamang ang pagsikdo ng tibok ng puso niya sa sobrang kaba. One moment, the familiar heat went to her making her trembled.
Hindi na ito nagulat nang makita siya. He was dropped jaw gorgeous in his black three-piece business suit. May hawak itong folder na nakatiklop na tila binabasa pa nito bago siya nakita.
“So, Miss Anastacia Adriatico is here, the heiress of this place.” Nakangising saad nito habang papalapit sa kanya. She chuckled instead to dismay him.
“Of course. I have every right. I’m the other half of this company.” She said slightly gazed.
Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-igting ng mga ngipin nito kahit nakasara ang bibig nito. All his muscles in his face moved.
“That’s means I’m the other half. Maaaring ibig sabihin no’n…asawa. Bakit mo ‘ko tinanggihan kung gano’n? I’m-”
“Narito ako para magtrabaho. ‘Yon ang ibig kong sabihin.” Putol niya sa sasabihin nito.
“You’re competing with me then. The chairmanship is soon to be vacant.” he said. Naniningkit ang mga matang lumapit siya at nagngingit na sinalubong ang tingin nito.
“Buhay pa ang daddy ko, Seoff. Be careful with your words.” She uttered with a hiss and intentionally brushed her breath to his face. Hindi niya alam kung ano o sino ang nag-utos kanya noon pero nakita niyang nagbago ang ekspresyon nito and his Adam’s apple moved.
“It’s too early to be seductive. Isa pa, he will be replace by you. Ikaw na ang representative ng Adriatico mula ngayon. Ang daddy mo na mismo ang nagsabi na bababa na s’ya sakaling makita kita. At wala akong sinabing masama. I have great respect to your father.” he whispered with mocking eyes.
Tila napahiya si Thia sa sinabi ng binata. Parang umakyat lahat ng dugo niya sa ulo dahil naramdaman niya ang pamumula ng mukha niya.
“Fine! Pero hindi kita gustong halikan!” Inis na saad niya.
He chuckled to her surprise, “What? I didn’t say that. Oh, you’re blushing. Well don’t, pagbibigyan naman kita, eh.” Saad nito at nagulat siya nang bumaba ang labi nito sa kanya.
Her eyes widened as her lips touches the softness of his. Kumalat ang nakakaliting pakiramdam hanggang kanyang talampakan. Nagririgudon ang puso niya sa pagtibok but she likes the feeling. At napapikit na lamang siya nang gumalaw ang labi nito na tila pinipilit na tumugon siya. Teasing her to respond. His lips tasted like honey that she can licked the whole day. She was supposed to open and welcome his kiss when they heard someone cleared a throat.
Mabilis niya itong itinulak at tila napapahiyang pinunasan ang bibig. Bahagya pang humabol si Seoff nang ilayo niya ang sarili dito.
Lumingon siya at nakita ang gulat na gulat na mga empleyado sa lobby.
“M-ma’am, sir.” Tawag ng isa sa kanila. Kahit ito ay hindi rin alam ang sasabihin dahil sa nasaksihan.
Si Seoff ay bale-walang nagpamulsa at muli siyang hinarap siya.
“Welcome to the corporate world, sweetheart.” At tinapunan lang nito ng tingin ang nagsalita at lumakad na papalayo sa kanya. Leaving her a mocking smile, triumph on his side.
‘Sweetheart’. It would be the sweetest word she ever heard but coming from him, it hurts terribly because it is the other way around.
Walang nagawa si Thia kundi ang haraping mag-isa ang mga naroon na hanggang ngayon ay gulat pa rin. Kinakain ng hiya at ilang niyang tinungo ang elevator.