The stage was set with lightning and visual effects like the smoke and complete with the live band. People were screaming and shouting as they groove and sing along with her. Nasisiyahan si Thia na umiikot-ikot sa stage habang naririnig ang mga sigawan ng audience niya.
Isang mini-concert ang in-organize nina Lourd para sa kanya. At ginanap iyon sa Roxy City. Magpapahinga na muna siya sa pagiging ‘Xquizit at siseryosohin ang pagtatrbaho sa AMG. Gusto talaga niyang tulungan ang kanyang ama sa pamamahala sa kumpanya. Mas magiging masaya siya kung kasama siyang malalampasan nito ang suliranin na kinakaharap. Paraan din iyon upang lalo silang magkaroon ng panahong bawiin ang ilang taong malayo sila sa isa’t-isa. Tulas ng naisip na niya, her dream can wait.
“I’ll be what?!” sigaw niya sa mga naroroon at sumagot naman ang mga ito.
Natapos na ang kanta at tumigil na rin ang banda. Malakas na sigawan ang humalili doon. Nag-bow siya at mabilis tumakbo sa backstage.
“Hi.” Nakangiti ngunit humihingal na salubong niya kay Auntie Lorie.
Nagmamadali si Thia na magpalit ng damit. Katulong ang wardrobe consultant na hawak ang damit niya para sa last part at ang dalawang make-up artist.
“Nakita mo na ba siya, Auntie?” nagmamadali ngunit bakas ang inis sa boses ni Thia habang inaayos ang kanyang gown.
“Hindi pa.” sagot ng ginang. Bumahid ang pinaghalong galit at lungkot sa mukha nito.
“Smile.” nakangising singit ni Jeri, ang gay stylist at mapansing seryoso siya.
“Paano ako ngingiti? Sinugurado sa’kin ni Lourd na darating siya.” nangingilid ang luhang sabi niya.
Kanina ay sinabi sa kanya ni Lourd na darating si Seoff. Hindi man siya nagpakita ng excitement ay umaasa siya na totoo ang sinabi nito. Pagod na pagod na siya. Ilang araw na niya itong hindi nakikita. Lagi itong maagang umalis ng opisina. Laging may engagements sa labas. Kaya hindi sila magtagpo sa opisina. Naiinis na siya. All she wanted was to see Seoff dahil sa pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait kapag hindi pa ito nakausap.
“Okay. Malay mo narito naman siya talaga. Hindi lang siya nagpapakita. Baka mamaya ka niya lalapitan.” pag-aalo ng ginang sa kanya.
“Yeah right.” ngitngit ni Thia at padabog na lumakad.
Hanggang matapos ang event ay walang Seoff na nakita ang kahit na sino sa kanila. Pati si Lourd ay hindi alam ang isasagot sa kanya dahil ang alam nito ay pupunta si Seoff.
Niyakap siya ng daddy sa backstage na kahit medyo nanghihina ay kakikitaan ng saya. Na sa unang pagkakataon ay nakita ang totoo niyang ginagawa sa superclub.
“I’m a little bit disturbed sa pinanood ko dahil masyadong modern pero nagustuhan ko.” lambing nito sa kanya.
“Thanks, Dad.” nakangiti niyang tugon. Ngayon lang nila nababawi ang napakahabang panahon na hindi nila naiparamadam ang pagmamahal sa isa’t-isa.
“Anak, kung ito talaga ang gusto mo-”
“Dad.” Agap niya. “Napag-usapan na natin ‘to di’ba? Gusto ko ang gagawin ko. Mahal ko na rin naman ang mga tao natin. Gusto kong mapahalaan ang AMG. Don’t worry, please. I know what I am doing.”
Nagbubuntong-hininga itong tumango. Ngumiti siya at muli itong nayakap. Si Kristin ang kasunod nito. Pati na rin si Margarita. And everybody was there for her. She felt so overwhelmed. Pero parang kulang pa rin.
Nagpaalam siya upang pumunta sa artist lounge. Kailan niya kasing magbihis dahil may isang initimate dinner na inihanda si Kristin.
Nagulat si Thia nang buksan niya ang pinto. Tumambad sa kanya ang buong kwarto na puno ng bulaklak. Halos matakpan na ang lahat ng gamit na naroon. Mabango din ang buong paligid. Bumilis ang tibok ng puso niya. May ideya na siya kung sinong may pakana noon ngunit may alinlangan pa rin sa puso niya. Ayaw niyang umasa.
Ngunit wala ito. Nanlumong bigla si Thia. Ano bang gustong mangyari ni Seoff? Galit ba ito? Ano bang kailangan niyang gawin? She doesn’t know how to face life without him. She can’t wait forever, she must do something. Mabilis siyang kumilos upang magbihis. Kailangan na talaga niyang kausapin si Seoff. Pikon na pikon na siya sa ginagawa nito sa kanya.
Pagdating sa parking lot ay kinuha niya kaagad kay Auntie Lorie ang susi ng kotse niya.
“Saan ka pupunta?” tanong nito habang inaabot ang susi.
“Auntie, kailangan ko talaga siyang makita.” sabi niya nang iabot ang bulaklak dito. Sumakay na siya ng kotse.
Nakakaintindi pa itong kumaway sa kanya nang paalis na siya dahil tiningn nito ang nakasulat sa card.
Nakakailang ulit nang pindot sa doorbell si Thia ay wala pa ring sumasagot sa unit ni Seoff. Hindi niya alam kung nasaan ang binata kaya nagpasya siyang sa unit nito magpunta.
Desperadong napasandal si Thia sa pinto. Tinatawagan niya ito pero hindi rin sumasagot. Hindi na niya alam ang gagawin. Pagod na siya at gusto na niya matulog pero gusto niyang makita si Seoff.
“Seoff, nasaan ka na ba?” magkahalong inis at awa sa sariling sabi ni Thia.
Wala na siyang magagawa kundi hintayin ang binata.
Sa sobrang pagod ay dumulas ang katawan ni Thia sa pinto at napaupo. Ngayon ay nakalupagi na siya sa sahig with her feet stretched. Her high heel is really giving her little cramps. Sa ganoong posisyon na lang niya hihintayin si Seoff. Hindi na niya kanyang tumayo. She closed her eyes and hymn some notes. Aaliwin na muna niya ang sarili habang naghihintay.
“My heart belongs to you, so what could I do to make you feel I'm down with,” Thia was singing acapella her favorite Faith Evans song. Napapikit siya.
“Each and every day, I try to make some sense of this. What you mean to me, I know
it could be serious…Each and every night, I dream…about just holding you…Loving you like this, what is a girl supposed to do…”
“I love you,…ahmp.” biglang napamulat si Thia nang may humalik sa kanya. She reached the chest of the stranger to push him away pero bigla siyang niyakap nito. Pamilyar ang halik na iyon.
Tinitigan niya ang mukha nito nang matapos ang halik nito. Tracing and memorizing its every detail with her eyes.
Bahagya itong lumayo sa kanya. Nakalupagi na rin ito sa sahig. Magkatabi sila na nakaupo sa pinto.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong sa kanya ni Seoff.
“Bakit ayaw mo akong kausapin?” ganting tanong niya.
“May kailangan ba tayong pag-usapan? Trace it back, ikaw ang lumayo at tumakbo.” sagot nito.
“Bakit hindi ka nagpakita kanina?” inis na tanong niya.
“I can’t.”
“Bakit?”
“Just because…just because I’m mad.”
“So, galit ka sa’kin.” gulat at amused na tanong niya sa binata.
“Galit ako dahil iniwan mo ako.” May hinanakit na sabi nito.
“Hindi kita maintindihan.” She was puzzled.
“The night when you left me after we made love.” nakatungong sagot nito.
“Seoff.” tawag nito sa kanya. He sounded like he was being so confused all this time.
“I felt so guilty dahil pakiramdam ko sinasamantala kita noon. You were so angry and what you need is someone with you pero anong ginawa ko, I brought you to my bed. Hindi ko pinigilan ang sarili ko. Tulad din noong una. Nang nagising ako, wala ka na. Nagalit ako dahil ang sinabi ko ay mag-uusap tayo pero umalis ka. I called your house pero ang sabi ni Auntie ay wala ka. Nag-alala ako sa’yo, alam mo ba ‘yon? Why do you keep running away? Am I not worth it?” sabi at tanong nito sa pigil na damdamin.
“Magulo ang isip ko noon. But I’m telling you, what happened that night was most wonderful and glorious moment of my life. Pero hindi pa alam ni Daddy ang tungkol sa miscarriage. Ang gulu-gulo ng isip ko no’n eh. Alam mo naman na wala akong matatakbuhan bukod sa mga kaibigan ko. Sinabi mo ba kay Dad?” kinakabahang tanong niya.
“No.” bahagya itong umiling. “Pero hindi ako nag-aalala kung malaman man niya. Just like him and my father, hindi ako tumatakbo sa responsibilidad.”
“At ako, duwag. Dahil hindi ko magawang pagsilibihan ang kumpanya. And I lost our baby…” malungkot niyang sabi dito sabay bunghalit ng iyak. Mabilis na lumingon si Seoff sa kanya.
“Hinanap mo lang ang sarili mo.” mariin nitong tugon.
“Please Seoff, huwag mong iparamdam sa’kin na parang iniwan kita. Ikaw ang umiwas sa’kin. Without any words, iniwasan mo na lang ako pagkatapos ng lahat.” umiiyak na siya.
“I’m sorry.” He said softly and grabbed her.
She hesitantly removed herself from him. Humarap siya dito habang nakasandal ang ulunan sa pader. She was dead tired.
“I’m tired. Pwede bang tapusin na natin ‘to?” namamaos ang boses na sabi niya dito.
“Okay. Anong gusto mo?”
“Mahal mo ba ako?” she asked.
“Bakit sa tingin mo ba ay hindi?” maya-maya’y tanong nito.
“Pwede bang sagutin mo na lang ang tanong!” she said in frustration. “I’m dead tired. Ilang araw na akong sunud-sunod ang trabaho. And in the middle of my work, palagi kang nasa isip ko. Kaya pwede ba sabihin mo na lang kung mahal mo ako o hindi. At kung hindi ay hindi na ako magpapakita sa’yo.”
“Subukan mo lang at malalaman mo kung paano ko baligtarin ang mundo mahanap ka lang.” light anger and possessiveness mixed in his voice.
“Then, sabihin mong mahal mo ako.” utos niya.
“Mahal mo ba ako?”
“Ever since.” mabilis niyang sagot.
“Bakit mo tinanggihan nang alukin kita ng kasal?” he asked.
“Dahil mali ang pagtatanong mo. It is as if you’re proposing business.” Nakataas ang kilay na sagot niya.
Matagal siyang tinitigan ni Seoff at nakangiting tumingala.
“It is all about you, Thia. From the very start, it is always you.” Maya-maya ay sabi nito.
Thia look at him. She saw his handsome face full of emotion. It lingers with pain, anger, confusion and…love. And she is not sure if it is for her.
Inabot niya ito. Umupo siya at pumaibabaw siya sa kandungan nito. Para siyang sanggol na tila gusto ng pagkalinga nito. She raised her hand and wrapped it to his nape.
“Anong ibig mong sabihin?” bulong niya at malambing na hinalikan ang leeg nito.
She heard him breath harshly. Nagdiwang ang puso niya nang maramdaman niyang may epekto ang ginagawa niya sa binata. Pakiramdam niya ay siya lang ang may kakayahang gumawa noon sa binata.
Sa hindi niya malamang dahilan ay muli siyang napaiyak. Dala siguro ng pagod at bugso ng damdamin. Why she can’t contain her feelings for him. Hinalikan nito ang noo niya.
“Shhh.” He uttered. “Akala ko noong una, pinagbibigyan ko lang ang mga magulang natin dahil gusto nila na tayo ang magkatuluyan. Pagkatapos, sabi ko, okay ka naman as a girlfriend. I can get rid of you kung kailan ko gugustuhin. At pwede ko nang sabihin na hindi talaga tayo pwede. Pero mali ako.”
She hastily dried her eyes and look at him. To her surprise, he looked at her with tenderness.
“Bakit?” she asked in anticipation.
“Hindi ko alam.” He said.
Nainis si Thia sa naging sagot nito. Mabilis siyang tumayo. Pinilit na hindi mabuwal dahil masakit na ang paa niya.
“You keep on saying sweet nothings to me na parang ako ang pinakamahalagang babae para sa’yo, you crave for my kiss, we already spent a wonderful moment together pero hindi mo naman masabi kung mahal mo nga ako o hindi, ‘puñeta’ naman Seoff, niloloko mo ba ako?” mangiyak-ngiyak niyang sabi dito.
“Nagmamadali?” patamad nitong tanong sa kanya. Mababakas ang ngiti. Nakaupo pa rin ito kaya nakatingala ito sa kanya.
“Nagmamadali?! I said I’m tired! Gusto kong malaman kung mahal mo ako dahil mahal na mahal kita!” taas-baba na ang dibdib niya sa sobrang inis niya. Kung iniinis lang siya nito ay nagtagumpay na ito.
Huminga ng malalim si Seoff. Tumayo ito at lumapit sa kanya.
“Inaamin ko, inis ako sa’yo noong una because you don’t fit to my standards but Thia you are the only one who drive me crazy. Hindi ko na matandaan kung kailan kita minahal, siguro noong nakita kita sa building ng AMG, hindi ko alam. O siguro noong unang gabi na nagkasama tayo. Noong sabihin sa’kin ni Ninong na hanapin ka at subukang makipag-balikan sa’yo, sinusubukan ko na noon na magkaroon ng relasyon kay Kristin. I will admit it. Pero hindi ko siya natutunang mahalin. We dated. But nothing really happened. Alam ko na ngayon kung bakit. Dahil hawak mo ang puso ko sa buong panahong magkalayo tayo. Isinama mo sa paglayo mo.
“When you get pregnant I planned to marry you, actually. But we lost the baby. Lalong gumulo ang sitwasyon. Then you left. ‘Tapos nalaman kong kilala ka ni Lourd. Hindi ko na s’ya tinigilan. Sinabi ko ang totoo sa buhay-buhay mo para makumbinsi ko s’ya. At wala akong pakialam kahit na hindi madali para sa kanya na ibalik ka sa’kin dahil magaling kang artist. Basta kailangan kitang ibalik sa daddy mo…sa’kin.” sagot nito sa kanya.
“I’m sorry. Buong akala ko ako lang nasasaktan sa mga nangyari. Matagal na kitang mahal. Umaasa ako noon na tingnan mo ‘ko na parang pagtingin ko sa’yo. I’m scared to tell you how I feel because you might say no. Na hindi ako ang babaing mahal mo. No one else can hurt me like this. Dahil sobra kitang mahal.” she declared. Muli na naman siyang umiyak.
“Thia…natatakot ako na masaktan ka na naman. Ayoko nang maramdaman mo ulit na nag-iisa ka. I want to make you happy. I love you.” malapit na malapit na ito sa kanya ngunit hindi siya hinahawakan.
“I love you, Seoff.” bulong niya while crying. Marahan niyang hinawakan ang itaas ng mata nito.
“I love those deep eyes.” she whispered and kissed it. Noon lang siya naging masaya. Pakiramdam niya ay dininig na ng langit ang matagal na niyang hiling.
“I’m in love with you, Anastacia Adriatico. Please marry me not because of that damn company but because I want to spend my life with you. I love you so damn much.” Sabi nito kasabay ng paglahad sa harap niya ng isang singsing.
“Sa wakas, sinabi mo rin. Oo, pumapayag ako.” Maligayang-maligaya niyang tugon habang maluha-luhang nakatingin sa singsing.
“I love you so much. Stop chasing and be my forever.” Sabi nito habang isinusuot ang singsing sa kanya.
Hinapit siya nito sa baywang and started to kiss her everywhere his lips landed.
“Ikaw lang ang forever ko, Sean Iñigo Munez IV. ‘Yan ang pangako ng puso ko.” bulong niya and his lips went to hers. Thia felt this kiss belongs to her forever and no war for their hearts anymore.
***Wakas***
ROXY CITY SERIES 1&ROXY CITY SERIES 3 ay inilabas na sa Novelnow, maaari mong ipagpatuloy ang pagbabasa