“Kristin.” Tawag ni Thia dito. She turned gracefully then she smiled when she saw her behind.
“Thia. Akala ko talagang wala ka nang balak kausapin ako.” Nakangiting sabi nito. Ang ganda talaga nito kahit anong suot.
Thia felt something she was not aware that she can’t define. Pero sigurado siyang hindi galit o inis iyon. Something like, fondness but she was not sure.
“Can we talk?” kimi niyang tanong. Much has been said for the war. Maybe it’s time to pull down the flag.
“Do you have time? Nag-usap na ba kayo ni Dad?” tanong nito at tumango siya. Nagtungo sila sa cafeteria ng hospital.
“Thia, I want to apologize for what happened before, sa party ng daddy. Hindi ko sinasadya. Ang alam ko noon ay hindi ka na makakarating. I…I thought…I’m really sorry.” saad nito at unti-unti na umiyak ito.
“What if you were in my shoe? Ikaw ang sinisi ni daddy dahil hindi niya nakasama ang babaeng minahal niya. Na naiinggit ka sa pinsan mo dahil lahat na lang nasa kanya, tapos malalaman mo na kapatid mo pala siya. Nasasaktan ka sa tuwing makikita mong kasama niya ang taong mahal na mahal mo. How do you deal with that?” Hindi niya napigilan ang sarili.
“Kaya nga tayo narito. Gusto kong isumbat mo sa akin lahat-lahat. Kung galit ka sabihin mo at tatanggapin ko. Kung iyon lang ang paraan para mawala na rin ang galit mo kay daddy. He can’t bare anything now.
“His cancer is making him weak. Siya ang nagsabi sa amin ni Seoff na gumawa ng paraan para mapabalik ka sa AMG. He will be very happy kung magagawa natin ito. Thia, don’t be so hard on us. Kahit si mommy ay nagsisisi sa nangyari. But can we just move on and be a happy family?” taos nitong sabi.
“Kailan mo pa nalaman na anak ng daddy?” she asked. Sumandal si Kristin sa silya at nagbuntong-hininga.
“After we got home from New York, mommy decided to settle here. Wala nang dahilan para manatili pa kami doon. Out of kindness, dinalaw ko si daddy dito sa building. I know Thia, mahirap paniwalaan pero mas minahal ko pa ang daddy natin kaysa sa kinilala kong ama. Mabait si daddy Herny pero iba talaga si Dad.
“Bigla na lang akong pinagbawalan ni mommy na huwag na akong magkikipagkita kay daddy. Hindi ko siya maintindihan. I asked her, at ang sinabi lang niya ay ayaw niyang magkaproblema sa’yo.” she started to explain.
“Anong kinalaman ko doon?” naguguluhan niyang tanong. Aminado siyang noon pa man ay hindi na siya malapit kay Kristin at sa mommy nito.
“Ang idinahilan niya sa’kin noon, ayaw niya na lalong sumama ang loob mo sa’min dahil masyado na akong nagiging malapit kay daddy. Alam naman natin na hindi na maganda ang relasyon ninyo noon pa di’ba?”
Thia sighed on what she heard. Definitely hurt on the fact.
“When I finished my degree, daddy offered me a job here at AMG. Of course, mommy became hysteric. Pero wala siyang nagawa at itinuloy ko pa rin. I was already a month on training when accidentally I saw daddy’s birth mark on his arm. Nagtaka ako dahil meron din ako. I indulged to know something dahil ginugulo nito ang isip ko. I asked mommy about it, baka sakali lang na may malaman ako. And…she said that she wants to talk to daddy, then after that, nalaman ko na ang lahat.” Mahaba nitong paliwanag.
“Okay lang sa’yo ang lahat?” she asked.
Kristin smiled that made her very pretty indeed. “Ever since, ginusto ko nang magkaroon ng kapatid.”
Hindi na napigilan ni Thia ang sarili at muli na namang siyang napaiyak. Lumapit si Kristin sa kanya. Hindi na nila alintana ang mga tao sa paligid.
“Thia.” mahinang tawag nito trying to caught her face.
“Mahal mo ba si Seoff?” sabi niya sa gitna ng pag-iyak. Napangiti ito at tumabi sa kanya upang yakapin siya.
“Brotherly, yes.” sagot niya habang yakap siya.
“Kristin, nakita ko kayong magkayakap sa garden. Anong ibig sabihin no’n?” she confessed. Niluwagan nito ang yakap sa kanya.
“At inisip mo na may relasyon kami?” she asked gently.
“Parang gano’n na nga.”
She heard her laugh. “Silly. Umiiyak ako no’n. Sinabi ko no’n kay Dad na sasabihin ko na sa’yo ang tungkol sa’kin pero pinigilan n’ya ako. ‘Wag daw akong magmadali. Nag-alala ako. Natakot ako na baka hindi mo matanggap. I called Seoff. Ang sama-sama kasi ng loob ko no’n.” sabi nito at humarap sa kanya.
“All this time, he knew about the secret. Hindi talaga s’ya nag-aalala sa mararamdaman ko.” Himutok niya sa kapatid.
“‘Yan ang akala mo. He was always worried about you everyday.” Sago nito.
“Mahal ka n’ya.” Rebelasyon nito. Tiningnan niya ito. Nais niyang paniwalaan ito at magdiwang ngunit mahirap naman kung aasa na naman siya. Ilang ulit na siyang nabigo pagdating tungkol sa kanila ni Seoff.
Few moments they remained silent. Nobody wanted to talk. Pinahid nito ang luha niya dahilan upang mailang at matawa siya. She reminded her of Cleo. So caring. Tumawa na rin ito at para silang mga baliw na tumawa na lang ng tumawa.
“Seoff?”
“Yes.” patamad na sinagot ni Seoff ang intercom.
“Gusto kang makausap ni Lourd. Narito siya sa labas.” sagot ng assistant na si Alfred, ang loyal guy assistant ng Papa niya. Ito na muna ang tutulong sa kanya habang wala pang nakikitang kapalit si Thia.
“Okay.” sagot niya at tumayo. Nakapamulsang tinitigan ang artwork sa dingding na bigay ng kaibigan niyan artist na si Calvin Esguerra.
Narinig niyang bumukas at sumara ang pinto. Alam niyang si Lourd ang pumasok. Tiningnan niya ito ngunit muli ring ibinalik ang tingin sa artwork.
“I’m waiting.” sabi ni Lourd mula sa likod niya.
At bago pa makagawa ng kahit ano si Lourd ay inundayan na niya ito ng isang suntok. Sumadsad ito sa sahig at kung wala ang couch ay baka napasama ang bagsak nito.
“Ang sakit naman yata no’n Seoff.” nakangiwing sabi nito habang hawak ang dumudugong bibig.
Dinukwang niya ang drawer at kinuha first aid kit. Inihagis niya ito kay Lourd.
“Gamutin mo sarili mo.” at sinalo nito iyon. Umupo ito sa couch at sinimulang gamutin ang sarili.
“I’m really sorry. I know hindi ako dapat nanghimasok sa inyo. Masyado kasing nasaktan si Thia. It was not easy for her, you know.” sabi nito habang dahan-dahang nilalapatan ng gamot ang sugat.
Nakasandal si Seoff sa harap ng mesa niya at nakapamulsa. Pinagmamasdan niya ang nasaktang kaibigan.
Masasabi niya na si Lourd Fortes ay lakas niya sa maraming bagay. He had been the best bestfriend one could ever have. Matagal na ang pagkakaibigan nila at kahit hindi sila madalas magkita dahil parehong abala sa buhay ay hindi siya nito binigo kahit kailan. Kahit naman ang pagtatago nito kay Thia ay hindi naman talaga kasalanan. Kaibigan din nito sa Thia kaya natural lang protektahan nito ang dalaga. He would do the same if were in Lourd’s shoes.
“Dumadami na ang kasalanan mo. Hindi ka ba nagkagusto sa kanya? Naisip ko na ‘yon kaso lang naisip ko na takot kang mabugbog ka hindi natuloy sa ligawan ang pagkakaibigan n’yo.” sabi niya.
“Magkaibigan lang kami. Pero aminin na natin, Seoff. Magkapareho tayo ng taste pagdating sa babae. Thia is sexy…” hindi na natapos ni Lourd ang sasabihin dahil nakita nito ang matalim niyang tingin.
“Ano? Totoo naman ang sinasabi ko.”
“Shut up.” sagot niya.
“Aminin mo, noon pa man gusto mo na siya. Hindi mo lang siya matagalan dahil siya lang babaing hindi basta sumusunod sa’yo. Siya nga lang babaing hindi naghabol nang iwanan mo di’ba? ” naiiling na sagot nito kasunod ng pagngiwi. Napangiti na rin siya dahil nag-uumpisa nang mamaga at mamula ang sinuntok niya rito.
“Bakit hindi mo na lang siya puntahan? Mahal n’yo naman ang isa’t-isa.” sabi nito.
“It is not that easy. Tinanggihan na niya akong pakasalan.” sagot niya.
“Because you made the wrong proposal. Hindi ka kasi marunong.” pang-iinis nito sa kanya.
“You know what…” patuloy nito. “Ano pa bang pumipigil sa’yo? If it’s me your thinking, Seoff wala kaming relasyon. Hindi nga ako nagkaroon ng chance mai-date ‘yon. Hindi siya para sa’kin dahil hindi n’ya ako tiningnan tulad ng pagtingin niya sa’yo. Don’t waste time, dude. Hindi imposibleng lumayo siya sa’yo dahil anytime pwede niyang tanggapin ang career overseas, as in over-seas.” napangiwi ulit ito at hinimas ang panga.
“At sino namang may sabi sa’yo na papayagan ko siya.” He said in furious.
“Sinasabi mo ‘yan pero wala ka namang ginagawa. You’ve done enough to win her heart. You just need to say the magic words.” Saad nito at muling napangiwi.
Natawa na lang siya sa itsura nito, “Bumawi ka na lang sa susunod.”
“Ano pa bang ipinagmumukmok mo?” He asked again instead.
“Nasasaktan lang siya sa’kin.” He said.
“Ano bang sinasabi mo?” litong tanong nito panay pa rin ang himas sa panga.
He sighed, “I cannot make her happy. Alam ko kung gaano niya kamahal ang ginagawa niya. Nagawa niyang talikuran ang responsibilidad sa kumpanya dahil sa pangarap niya. I can’t cut her wings.”
“Hindi niya talaga isusuko ang pangarap niya para sa’yo. Iyon siya. And if you know her, maiintindihan mo ang sinasabi ko.” Seryosong sagot nito.
“Kaya palalayain ko siya.” He said hurtfully.
“At ang akala mo naman iyan ang pinakamagandang gawin? Seoff, you love her already. Inumpisahan mo na rin lang na ipaglaban siya, ituloy mo na hanggang dulo. And I assure you…she can love you both. You and her dream. Wala siyang ibang minahal kundi ikaw. At sa gagawin mo, sasaktan mo na naman siya kung sakali. ” panenermon nito sa kanya.
“Masyadong kumplikado. Lalo kaming hindi magkasundo nang magkita kami ulit. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin namin mapatawad ang isa’t-isa.” Tanging nasabi niya.
“Anong ibig mong sabihin?”
Nagbuntong-hininga siya. “We lost our supposed to be our first child a year ago. Magulo eh, no’ng nalaman kong nagbunga ang nangyari sa’min I thought of marrying her. But just two weeks later, nakunan s’ya. Noon ko rin nalaman na nagsasayaw pala s’ya. Nagalit ako kaya hindi ko s’ya kinausap. Nag-isip ako. Pero nang puntahan ko s’ya para makipag-ayos wala na s’ya. Ayaw rin namang sabihin sa’kin ni Auntie Lorie kung nasaan s’ya. Alam kong ando’n lang s’ya. Ayaw lang n’ya akong kausapin. It hurts me, you know.”
Ilang saglit na hindi nakakibo si Lourd. Marahil hindi nagbanggit si Thia sa mga ito tungkol sa nangyari sa kanila. Ganoon din naman siya. Masakit para sa kanya ang lahat kaya hindi siya kumportable sa ikwento iyon kahit kanino.
“Ayusin n’yo ‘to, Seoff. Hindi pa huli ang lahat.” Anito matapos ang ilang sandali.
Umiling siya. “I think that’s not a good option.”
Mapikok-pikon na hinagod ni Lourd ang buhok nito patalikod. He even exagerately laughed.
“Naman! Sean Iñigo Munez IV. Daig mo pa ang nag-iinarteng spoiled brat. What happened a year ago was over. Ngayon n’yo kailangan ang isa’t-isa. At anong gusto mo? You want her to stop working and be a plain submissive wife? Huwag kang selfish, Seoff.”
“Masisisi mo ba ako kung ganoon ko siya kamahal?” inis iyang sagot.
“Well, bahala ka.” Tumayo na ito manaka-naka pa rin hinahawakan ang panga nito.
“Hinihintay ka niya. At miss na miss ka na niya, Seoff. At alam kong ganoon ka rin. Baka nga mas matindi pa.” sabi nito at lumakad na palabas ng opisina niya.
Huminga ng malalim si Seoff at tiningala ang kisame. How he missed Thia. Kung siya lang ang masusunod ay pinuntahan na niya ito at kinausap pero nag-aalala siya kung kakausapin siya nito.
Bumalik siya sa mesa niya at binuksan ang drawer. Maya-maya’y hawak na niya ang isang maliit na kahon na kulay itim. Saka binuksan iyon at tumambad ang isang diamond ring.
“Anong gagawin ko?” tanong ni Seoff sarili. Thia is the first woman that drove him crazy. Galit siya dito pero mahal na mahal naman niya. He must be really out of his mind.