“Kayo na?” tanong ni Thia kay Lourd ngunit hindi niya ito pinansin. Dinalaw siya ng magkasintahang Thia at Seoff. Nasa studio siya noon. Si Seoff ay lumabas lamang sandali dahil may kailangan itong tawagan.
“News really has its own wings.” He answered.
“Of course. That news should have wings. Kaibigan kami ‘no.” Sagot nito.
Tumayo siya mula sa stool at hinarap ang mixing console. Ginalaw ang equalizer na animo’y may magagawa iyon.
“Tawagin mo na nga boyfriend mo at umalis na kayo. Istorbo kayo, alam mo ‘yon?” Paiwas niyang utos dito ngunit pinagmasdan siya nito. At alam niyang hindi siya nito titigilan.
“Alright.” Pagsuko niya. Hinarap niya ito at sinabing, “Kami na, okay?”
Akmang iiwan na siya nito nang bumukas ang pinto ng studio at naroroon si Amanda. Wearing a printed black dress and a sexy smile.
“Amanda.” Walang emosyon niyang reaksyon.
“Hi.” Sabi nito sabay lapit sa kanya at walang babalang hinalikan siya nito.
He heard a gasp that he was sure it was Thia. He got stunned and surprise and his ego wanted to disagree. Isang malakas na buntong-hininga ang narinig niya dahilan upang itulak niya si Amanda.
“What are you doing here?” seryosong tanong niya sa babae at tinapunan ng tingin si Thia na nakataas ang kilay sa kanya.
“Binibisita ka.” Maarte nitong sagot. Niyakap siya nito sa baywang ngunit kaagad din niya iyong inalis. Saka passimpleng tumingin kay Thia.
“Excuse me.” Sabi ni Thia at padabog na lumabas ng studio. Sinundan niya ng tingin ito at naiiling na muling umupo sa stool. Si Dice naman na nasa harap ng consule ay walang salitang lumabas na rin ng studio.
“Mukhang hindi nila nagustuhan ang pagdating ko.” Saad ni Amanda.
“I guess. What brought you here?” sagot niya.
“Wala lang. Bakit masama bang bisitahin ka? Let’s eat out, treat ko.” sagot nito. She went to him and sits on his lap. Nakuha niya ang nais nitong mangyari.
“Amanda, I’m busy. We can eat some other time.” Pagtanggi niya. Hinahayaan lang niya ito sa ginagawa gaya ng paghaplos nito dibdib niya na ipinaloob pa ang kamay nito sa T-shirt niya.
“But I missed you, darling.” She said in begging tone then she again grab his face and kissed him. Amanda was really into ‘it’ mood. Kailangan na niya itong paalisin.
Narinig nila ang malakas na pagsara ng pinto. Nakita nila si Thia at hindi nasisiyahang nakatingin sa kanila. Tumigil sa paghalik si Amanda. Napilitan itong tumayo at halatang nainis sa nangyari. But he only ignored her and faced Thia.
“Lourd, pwede ba tayong mag-usap?” pigil ang galit na sabi nito. Malamang na sermon ang abot niya sa dalaga. Huwag na lang sanang makarating kay Cassie ang nakita nito. Perhaps he will choke to explain to her.
He sighed. “Amanda, please leave. I’m really not available now.”
Walang nagawa si Amanda kundi huminga ng malalim at tinungo ang pinto. Hindi tinitingnang binigyan ng daan ni Thia ito upang makalabas. Tiningnan pa nito nang masama bago ibalik ang tingin sa kanya.
“Ano ‘yon?” galit na tanong nito nang maiwan silang dalawa.
“Sa office tayo mag-usap.” Sagot niya at naunang lumabas ng studio.
“Kung gusto mong makipaglokohan lang sa relasyon, huwag kay Cassie.” Mariin nitong saad habang nakasunod sa kanya papasok ng opisina niya.
Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng opisina. “Wala na kami ni Amanda. Hindi ko alam na pupunta siya ngayon and she initiated the kiss.”
“Don’t fool me, Mister.” She said.
Napangiwi siya sa sinabi nito. Ito ang pinakamalapit sa kanya sa ‘Xquizit. Palibhasa’y artist din niya ito.
“Pwede ba? Stop acting like a mother to your friend.”
Tumayo ito at galit na hinarap siya, “Niloloko mo lang ba si Cassie?”
“Thia.” Pagsaway niya dito.
“Sagutin mo ang tanong ko, mahal mo ba si Cassie?” mariin nitong tanong.
Hindi nagawang sagutin ni Lourd ang tanong. Ang dahilan ay hindi niya alam. May sinasabing sagot ang isip niya ngunit may biglang gumugulo na bumabawi sa sasabihin niya.
“This is not going anywhere.” Bagkus ay sagot niya.
“Bakit hindi mo masagot ang tanong?” she snapped.
Nagbuntong-hininga siya, “Is your friend supposed to be loved? She is a player, I just joined her game.”
“Jerk.” Sagot nito at lumapat ang palad nito sa pisngi niya.
It hurt him but it hurt him more that he said those insulting words to Cassie. Para sa kanya ay totoo ang sinabi niya ngunit bakit tila sinuntok ang puso niya.
“Gusto mo lang bang maikama si Cassie kaya pinatulan mo ha?” Gigil na sabi nito sa kanya.
“Sa reputasyon ng kaibigan mo, hindi ka na dapat nagtatanong.” Sagot niya habang lumalapit sa mesa niya at nakahabol pa rin ito.
“Napakasama mo! Nakapamanhid mo!” sigaw nito sa kanya.
He backed face and said, “Stop it.”
Nakita niyang natigilan si Thia nang tinitigan niya ito. Her eyes passed through him towards the doors. Tila namutla ito dahil nakita niyang nanginginig ang labi nito.
Sinundan niya ang tingin nito at nilingon ang likuran niya. At gustong manghina ng mga tuhod niya nang makitang nakatayo sa nakabukas na pintuan si Cassie habang hawak ang doorknob. He had no idea how long Cassie had stayed there. What mattered to him was the shaking of his heart.
“Cassie.” Halos hindi lumabas sa labi ni Thia ang pangalan nito.
Cassie refrained her steps. Drawing an unclear emotion face at them but with questioning eyes. Gustong takbuhin ni Lourd ang dalaga ngunit ano ang sasabihin niya? Hindi siya sigurado kung narinig ba nito ang lahat ng napag-usapan nila.
‘Sira-ulo ka, Lourd. Babae ‘yan ng tatay mo!’ pagsusumigaw ng utak niya.
Tumikhim si Cassie. Tila humugot ito ng lakas at nagsalita, “Mukhang may away dito.”
She sounded calm. Hindi kaya narinig sila nito at nagkukunwari lang? She was smiling although he can feel her tension. Nakikita niya iyon sa panginginig ng kamay nito na hawak ang doorknob.
“Ah…si Lourd kasi.” Pilit ang ngiting sagot ni Thia.
Humugot ng hininga si Lourd nang hindi inaalis ang mga mata kay Cassie. Pakiramdam niya ay tatakbo ito anumang oras na malingat siya. Bigla ay nakaramdam siya ng takot at pagsisisi sa nangyayari. Any moment she can get mad at him and crash him. Gusto niyang suntukin ang sarili. Bakit ganoon pa rin ang nararamdaman niya? Sapat ang dahilan niya upang kamuhian ito. Bakit parang siya pa ang napahiya dito?
“I guess I have to leave you two.” Singit ni Thia at nagmamadaling lumabas.
Hindi kaagad kumilos si Cassie. Tiningnan siya muli nito. Nag-iwas siya ng tingin.
“Puro ‘ata unwanted ang mga bisita ko ngayon.” Patuya niyang saad.
“Saglit lang ‘to.” Sabi nito.
“Pakibilisan lang. Marami akong mas importanteng bagay na kailangang gawin kaysa makinig sa’yo.” Sabi niya na pilit inilalabas ang galit dito. Tuluyan nang nasira ang mood niya.
“Gusto kong malaman sana kung anong ibig sabihin ng ginawa mo noong isang araw sa restaurant.” Saad nito. Tiningnan niya ito. Taas-baba ang dibdib nito. Tila nahihirapan itong huminga.
Umismid siya. “Walang masama sa ginawa ko. That is my way of introducing a girlfriend to my father. Cool di’ba?”
“Tama na, Lourd. H-hindi ko gusto ko ang itinatakbo ng usapan natin. Gusto ko lang sabihin sa’yo na kung anumang iniisip mo ay mali.” Tugo nito.
“Then what is it?” lumakas na ang boses niya. “Bakit kayo magkakilala ng Papa? At bakit kayo magkasama sa restaurant na ‘yon?”
Kitang-kita ang paghugot nito ng hininga. Tila maiiyak pa ito. Kung wala itong ginawang masama, bakit hindi ito makatingin sa kanya?
“Corporate reason. Pero hindi na ‘yon mahalaga. Hindi naman ‘yon ang ipinunta ko dito. I want out, Lourd.”
Tigagal siyang lumingon dito. Hindi man siya nagulat sa sinabi nito, hindi pa rin niya naiwasang masaktan. Ego or pride marahil. Hindi niya alam. Binigla siya ni Cassie.
“Fine. Hindi ka malaking kawalan. Now. You can leave.” Aniya sa walang ganang tono.
Abot hanggang langit ang pagpigil sa sariling abuting ito at saktan. Parang ibang tao ang nasa harap niya. Hindi ito ang Cassie na kilala niya.
Hindi na ito tumugon. Lumayo ito at kinuha ang dala nitong handbag. Samantalang siya ay nakasunod lamang ng tanaw dito.
“Aalis na ako.” Sabi nito ngunit bago pa ito makalabas ay nagsalita siya.
“Spend a weekend with me.” He said without looking at her.
“Ano?” kunot-noong tanong ni Cassie.
“This weekend, sa Tagaytay. I will not accept no for an answer.” Noon niya ito tiningnan. He saw how Cassie’s face puzzled.
“I-I don’t think that’s a-” alam niyang naguluhan ito.
“Sasama ka sa’kin o hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” Seryoso niyang agap dito. Nag-iwas ito ng tingin saka pigil ang galit na lumabas ng opisina niya.
“Damn!” saka lang niya nailabas ang kaninang pinipigil na sigaw. He brushed his hair harshly. Para siyang sasabog nang mga oras na iyon.
Hindi pa niya naiisip ang maaaring mangyari sa kanila ni Cassie. Isa lang ang alam niya matapos ang pag-uusap na iyon, hindi niya mapapayagang mawala sa kanya basta-basta ang dalaga.
Isang pagkalalim na buntong-hininga ang ginawa ni Cassie nang makababa sa lobby ng building. She closed her eyes with her hand on her forehead. Muli siyang nagbuga ng hangin dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. She was surprised and shock. Hindi niya inaasahan na maririnig ang usapang nadatnan. Gusto niyang tanggihang paniwalaan ang lahat ng sinabi ni Lourd. Gusto niyang isipin na hindi nito ibig sabihin iyon. Tulad ng sinabi nito kanina sa kanya.
Ngunit bakit nito nabanggit ang salitang hindi siya dapat siniseryoso? Ganoon na ba kababa ang tingin nito sa kanya? Dahil lang sa nag-isip kaagad ito ng masama nang makita silang magkasama ng ama nito?
Nagpunta siya sa opisina nito upang makipagkalas kay Lourd. Iyon ang nabuo niyang desisyon matapos ang insidente sa restaurant. Hindi na nagiging maganda ang mga nangyayari. Anumang oras na malaman ni Lourd kung sino siya at magkaanu-ano talaga sila. Na isang malaking kahibangan ang nagkalapit sila sa isa’t-isa.
Hindi ikinatuwa ng kanyang ama ang inasal ni Lourd. Iyon daw ang unang pagkakataong nakita niyang ganoon ang anak. Kilala nitong palaging mahinahon at masayahin ito. Wala sa bokabularyo ni Lourd ang mag-eskandalo nang ganoon.
Ngunit ang insidente ring iyon ang naging dahilan upang malaman ng kanyang ama na may namamagitan sa kanila ni Lourd. Mangha itong tumitig sa kanya habang nagpapaliwag siya. Panay ang iling nito at buntong-hininga. Hanggang sa ikinagulat niya ang biglang sinabi nito…
“Broke up with him.” Sabi nito sa kanya.
“O-of course. ‘Yan po ang balak ko. Hindi lang ako makahanap ng tiyempo.” Tugon niya.
“Broke up with him but don’t tell him that you’re my daughter. Hayaan mo s’ya sa kung anong iniisip niya.”
“P-pero-”
“Trust me. Hindi ito ang tamang panahon para malaman niya ang tungkol sa’yo. Nakita kong kasama niya si Amanda. I have a hint that Amanda has something to do with. Hindi mapanghusga si Lourd. S’ya na marahil ang pinaka-open minded na anak na nakilala ko. Kaya nasorpresa ako sa ginawa n’ya. You must be really something to him.” Mahabang sabi nito.
“Pero ang alam ko po, wala na sila ni Amanda.” Aniya.
Nagkibit-balikat ito. “Hindi pa nakatali ang anak ko. Kaya pang gawin ni Amanda ang gusto niya. Sa simula pa lang na maging empleyado ko si Amanda ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. Kung hindi nga lamang kaibigan ko ang nagrekomenda sa kanya ay hindi naman s’ya mapupunta sa firm.”
‘Anak ko.’ Bakit iyon ang terminong ginamit nito at hindi, ‘Kuya mo o kapatid mo?’
“Bakit ganoon na lang ang duda n’yo kay Amanda?” nagugluhan niyang tanong. Hindi ba’t empleyado nito si Amanda? Oo nga’y may pagdududa ito. Pero bakit kailangang damay siya. Ano bang plano nito?
“Ikaw? Gusto mo ba s’yang maging kaibigan?” balik-tanong nito. Hindi siya nakatugon.
“Please, anak. Makisama ka muna. Alam ko ang gagawin ni Lourd sa oras na makipaghiwalay ka. At alam kong rin kung bakit n’ya gagawin ‘yon. I just want to give my son a little dose of his short judgment.” Himig-pakiusap nito.
“O-okay po.”
Ramdam na ramdam ni Cassie ang sakit ng dibdib niya. It was like she wanted to cry. Ngunit pinipigil niya ang sarili. Gustung-gusto na niyang isiwalat ang totoo dito dahil nasasaktan siya sa ginawa nito sa kanya. Hindi totoo ang akala nito.
“Mukha kang nalugi ah.” Anang isang tinig na nagpalingon sa kanya. Nasa tabi na pala niya si Amanda.
“Hi.” Pinilit niya ang sariling batiin ito.
“It seems like si Lourd ang pinoproblema mo.” Sabi nito.
“It’s none of your business.” Sagot niya at tinalikuran na ito upang lumabas ng building.
“Hindi ikaw ang magpapabago sa kanya.” Napahinto si Cassie nang marinig ang sinabi nito. Lumapit ito sa kanya.
“Hindi kayo magtatagal. Lourd is just lovable. Hindi lang niya matanggihan ang mga kagaya mo. But nothing’s more behind that.” Saad nito. She snorted.
“So?” namimilosopo niyang sagot.
“Pwede kayo ngayon pero hindi ako papayag na hindi siya babalik sa’kin. At isa pa, sigurado ako na hindi ka n’ya mahal. Alam kong alam mo ‘yan.” Mataray na sabi nito sa kanya.
“I don’t do cat fights, Amanda. Sa ibang kalye mo dalhin ang kahibangan mo. Wala na kayo. Move on.” Sagot niya sa pagtataray nito sabay talikod papalayo.