ROXY CITY SERIES 3 (THEN ALONG CASSIE CAME) Chapter 13

Sa Edsa Shangri-la ang usapan ng mag-asawang Fortes at ni Cassie. Tumawag siya sa bahay at sinabing mahuhuli siya ng uwi. Ipinaalam din niya na ang mag-asawa ang kasama niya. Hindi siya patatahimikin ng tawag ng lolo niya kapag nagkataon.

She made her entrance to the restaurant. The place shows elegant yet relaxing ambiance. Its setting was a classic English steak house. Ang mga dorset round table ay binagayan ng mga Cheswick folding chairs. Mangilan-ngilan pa lang ang tao noon.

Inilibot niya ang kanyang paningin habang pumapasok sa loob at sa di kalayuan ay nakita niya ang kanyang ama na naktungo sa cellphone nito at tila katatapos lang makipag-usap. Kaagad niya itong nilapitan.

“Hi po. I’m sorry I’m late.” Bati niya sabay hingi na rin ng paumahin.

“That’s fine. Hindi pa naman ako nagtatagal.” Sagot nito habang itinatago ang phone.

“W-Where’s T-tita?” Takang tanong niya.

“Nagkaroon ng emergency sa hospital. Siya nga ang kausap ko bago ka lumapit.”

“Oh.” Nanghihinayang niyang sabi.

He sounded calm but under it was a clan of sadness and anger. Hindi nakaligtas sa kanya iyon. It was enough to feel something not good. But whatever discomfort she felt, it remained on her learning that it shouldn’t be talked about.

“So, I guess it leaves to the two of us.” Sabi niya sa kabila ng pag-aalinlangang nararamdaman.

“I guess so.” He answered. “Let’s order, Gutom na ako.”

“Okay.” Lumingon siya upang tumawag ng waiter ngunit naunahan siya nito.

Dahil sa pagod ay light meal lang inorder ni Cassie. Gusto niyang pagdating sa bahay ay matutulog na lang siya. Ayaw na niyang makapag-isip ng kung anu-ano.

“Someday, I want to see your hands without that cloth.” Anito tukoy sa gloves na suot niya.

“I may wear this thing but it doesn’t mean…” the air brushed out to her. Paano ba niya ipapaliwanag na ayaw lang niya na laging pansinin ang mga palad? It always gave her insecurities and she felt so ugly seeing her scar.

“You know what I mean is more than that, hija. Kaya ko rin hiniling ang meeting na ito ay gusto kong ang asawa ko ang mag-counseling sa’yo. Nangyari lang na may kailangan siyang asikasuhin. You have to move on. At magagawa mo lang ‘yon kung uunahin mong alisin ang nakatakip sa palad mo.”

“This is supposed to be a dinner with you not a session.” Sagot niya na pilit itinatago ang umahong inis. Alam niyang hindi totoo ang sinabi nito. May pakiradaman siyang hindi gusto ng asawa nito ang makita siya. Ramdam niyang iyon. Hindi naman niya ito masisisi. Siya ang bunga ng pagtataksil ng kanyang ama dito at sa pamilya nito.

“I’m sorry.” He said in a small voice. “Mahal kita at gusto kong sumaya ka na. Ayoko nang makita kang laging may takot. Your nightmares are over.”

She extended her hand to reach his and tightly hold it. Ipinaaabot pasasalamat sa ilang taong pagsuporta at pagtulong nito sa kanya. Higit pa sa pagiging abogado ang ginampanan nito. Nagtagumpay naman ito. At ginagampanan naman nito ang pagiging ama sa kanya.

Muli silang nag-usap ng lolo’t lola niya at sinabi niyang gusto niyang bigyan ng pagkakataon ang sariling kilalanin ang tunay niyang ama. Karapatan niya iyon. Gusto niyang makaranas muli ng pagkakaroon ng magulang. Kahit isa lang. Hindi niya sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanya.

Hirap man ay pumayag na rin ang lolo niya. Mabuti na lang at sinuportahan siya ng kanyang lola. Pinasalamatan niya ang mga ito.

“Alam ko kaya nga ginagawa ko ang lahat.” Anas niya. She shook her head to dismiss her tears.

Sa kabilang dako ng restaurant at kasalukuyang paupo sina Amanda at Lourd sa pang-apatang mesa. At kakikitaan ng saya ang mukha ni Amanda. Hindi sinasadyang nagkita ang dalawa sa ‘shang’ dahil kinailangang dalhin ni Lourd ang naiwang kamera ni March sa sasakyan niya. Matagal na iyon sa kanya. Hindi lamang niya maibalik dahil ssa sobrang busy. At nagkataong malapit siya sa lugar kaya sinadya na niya. Palabas na siya nang tawagin siya ni Amanda. It was supposed to be simple exchanges of Hi and Hello when Amanda requested to dine. Pinagbigyan na lamang niya. Wala naman siyang nakikitang masama dahil may pinagsamahan naman sila.

Sa gitna nang masayang pagkukwento ni Amanda ay sumagi sa isip niya si Cassie. Hindi pa rin niya ito nakakausap o nakikita. Napapansin niyang tila iniiwasan siya nito. Ilang araw itong hindi pumasok sa Roxy. Ang sabi ng assistant niya sa Roxy na si Sandy ay nag-file daw ito ng leave dahil may kailangang asikasuhin. Tinanong niya ang mga kaibigan nito ngunit hindi daw alam ng mga ito. Imposible. May pakiramdam siyang itinatago ng mga ito ang dalaga sa kanya. Ngunit bakit? Anong nagawa niya upang i-hang siya nang ganoon ni Cassie? Akala niya ay maayos sila. Na nagkakaintidihan sila.

“Let’s order darling, I’m starving.” Palambing na saad ni Amanda at mabilis na nakatawag ng waiter.

“So, what’s up with you?” out of courtesy he asked. Pilit iwinawaglit sa isip si Cassie.

Amanda immediately smiled in a seductive way, trying to get his attention.

“I’m fine although I’m missing you everyday.” She said so feminine.

Ngumiti siya nang malamlam. Alam niya ang gustong mangyari ni Amanda. But his not going to tie his pants with this selfish woman again.

Pagkaabot ng menu ay inabala ni Lourd sarili sa pagpili.

“Anong gusto mo?” tanong niya kay Amanda habang nakatugo sa menu ngunit hindi niya narinig ang sagot nito dahilan upang maptunghay siya dito.

“Amanda.” Pukaw niya dito.

“Oh, no.” sabi nito na angat sa balikat niya ang tingin.

“What?” kunot-noong tanong niya.

“Hindi mo magugustuhan ito, Lourd.” Hindi siya sigurado kung pag-aalala o panunuya ang mababasa sa mukha ni Amanda. Sinundan niya ang tinitingnan nito. Hinanap niya ang maaaring tinutukoy nito nang makalingon siya.

“Sa dulo, sa mismong tapat mo.” Sabi sa kanya ni Amanda nang hindi niya makita ang hinahanap.

Hindi napigilan ni Lourd na mapigil ang hininga nang makita ang dalawang bulto sa dulong mesa.

Sa sulok na iyon ay naroon si Cassie kasama ang kanyang ama. Nakahawak ang kamay ng dalaga dito. Nakatingin sa isa’t isa. Nakatagilid ang mga ito sa kanya kaya hindi siya nakita ng mga ito.

“Sinasabi ko na nga ba eh. Duda na ‘ko sa babaing ‘yan. Hindi iilang beses na pumunta siya opisina ng papa mo.” Paliwanag ni Amanda.

Siya ay hindi maalis-alis ang mga mata na unti-unting tumatalim ang tingin. Umaahon ang galit sa kanya. Damn this woman to deceived him and damn his father to fool her mother. Kaya pala iniiwasan siya ni Cassie at kaya rin pala hindi nagkakasundo ang mga magulang niya.

“Shit.” Matalim niyang saad. Sensing the situation could quickly deteriorate into his rage against the malicious act shown on the other table, he decided that it was out diplomatic to confront them. He felt betrayed and deceived both by them.

“Minsan ko nang nakausap ang babaing ‘yan. Binalaan ko na siya na tigilan na ang papa mo but she was so brutal to say that she will not leave him. Una ko pa lang kita sa kanya ay wala na akong tiwala.” Si Amanda pa rin ang nagsasalita.

Hindi malaman ni Lourd kung saang sulok ng mundo napunta ang mga salita niya. Puno siya ng galit at ng napakaraming tanong na kailangan ng kasagutan. Hindi niya akalain na makakayang gawin iyon ng kanyang papa. His father who was a man of justice and wisdom. Prosecutor of the law but capable of breaking it. It hurts his veins that crawl through his heart.

Tuluyan nang nawalan ng gana si Lourd. Hindi na niya ipinatawag ang waiter upang umorder.

“I’m sorry, Lourd.” nakikisimpatiya na sabi ni Amanda. “Huwag mo na lang silang pansinin, kumain na lang tayo.”

“Nawalan na ‘ko ng gana.” Mahina ngunit may galit na saad niya.

“But darling, hindi naman sila ang ipinunta natin dito. Let’s-”

“Then eat if you want. Maiwan ka kung gusto mo.” He snapped. His eyes were furious at kung magpupumilit si Amanda ay baka dito mabaling nag galit ni Lourd.

“Fine. Lumipat na lang tayo ng lugar.” Saad nito. Hindi niya ito pinansin. He doesn’t want to lose his patience.

“Napakagaling ng papa para maitago niya sa’min ang kalokohang ito.” Puno ng akusasyong sabi ni Lourd.

Si Amanda ay tahimik lang na nakamasid sa dating kasintahan. Gusto niyang pagsisihan ang mga sinabi niya kanina. Hindi dahil nag-aalala siya kundi naiinis siya na naudlot ang plano niya. She wanted to win him back. Sa lahat ng kanyang naging boyfriends ay ito ang pinakaguso niya. Si ang pinakamayan, pinakagwapo at pinakabata. Balak na niyang hiwalayan ang may asawang si Glenn dahil sawa na siya sa pagiging kerida. At least with Lourd, she can be a legal wife. Una niyang binalak na akitin ang papa nito ngunit sadyang mahal nito ang asawa at ang pamilya nito. Kaya nang minsang makita niya ang anak nito ay hindi na niya ito pinakawalan.

But Lourd was even tougher. He was kind and gentle but very reserved. At dahil lang hindi pagkakaintindihan ay bigla na lang itong nakipaghiwalay sa kanya. Then she decided to get even. At gagamtin niya ang babaing kasama ng papa nito para magkasira ang mag-ama at mapunta sa kanya ulit si Lourd.

Hindi siya sigurado kung may relasyon nga ang mga ito. Wala rin sa mga files niya na kasong hawak ng boss niya ang tungkol sa babae kaya alam niyang personal itong kilala ng ama ni Lourd. Hindi siya papayag na maging masaya si Lourd sa piling ng iba. Pati na ang ama nito. Makukuha niya ang paghihiganting matagal na niyang pinlano. Nasira ang buhay niya nang dahil kay Judge Romero Fortes. Matutupad ang ipinangako niya sa kanyang ama. Sisirain niya ang pamilya Fortes.

Muling nilingon ni Lourd ang mesa upang lalo lamang magalit. Kitang-kita niya kung paano tumawa si Cassie na tila binibiro ng papa niya. He felt that in some ways, it was a true smile. And an alien destruction filled a circular bite to his heart responsible for the angry cursing and shouting of his mind and thoughts.

Mabilis siyang nag-isip. Kailangang siya ang manalo sa sitwasyong iyon. Hindi niya hahayaang maging masaya ang mga ito. Mabilis siyang tumayo at huminga nang malalim saka lumapit sa mesa ng mga ito. Hindi na niyang pinansin ang pagtawag ni Amanda sa kanya.

“Hi, ‘Pa!” animo’y tuwang-tuwa niyang bati nang makalapit. “Oh, hello, Cassie. I never expect to see you here.”

Pareho niyang nakitaan ang gulat ang mga ito. Halatang hindi inaasahan ng mga itong makita siya. Well, dapat ay mas tagong lugar nagtagpo ang mga ito. He can be anywhere. Isang kahibangan ang inasal ng mga ito na animo’y walang ginagawang kasalanan kaya nagagawa pang lumantad.

‘Baka naman wala nga.’ Biglang suot ng salitang mula sa tagong bahagi ng isip niya. But he saw what he saw.

“L-Lourd.” Halos walang tinig na lumabas iyon sa labi ni Cassie. Umangat ang gilid ng kanyang labi. Kung hindi lang maganda ang make-up nito ay kitang-kita ang pamumutla nito.

“Surprise? Bakit akala mo mapagtataguan mo pa ‘ko?” Hindi niya napigilan ang sarkasmo sa tinig niya. Nilingon niya ang kanyang ama.

“‘Pa, ang Mama?” aniya at naupo sa bakanteng upuan sa pagitan ng mga ito.

“May kausap pa s’yang pasyenta.” Sagot nito sa reserved na paraan.

“Really? Sayang. Nag-dinner na sana tayo together. Oh by the way, alam mo bang kilala ko s’ya?” aniya sabay turo sa dalaga. Hindi kaagad nakaimik ang kanyang ama.

“Yeah. I know. Nagtatrahdaho s’ya sa Roxy.” Tugon nito.

“Lourd.” Si Cassie.

“Shut up.” He hissed. Nagulat ito.

“She’s not just some dancer in my club, ‘Pa. Girlfriend ko s’ya.” Sabi niya sa kanya ama ngunit kay Cassie nakatingin. Kitang-kita niyang gulantang sa maganda nitong mukha. He snorted.

Tumikhim ang kanyang ama. Napalingon siya dito. Tila hindi rin nito alam kung paano pakikitunguhan ang sitwasyon.

“Hindi ka naniniwala? Fine. I’ll prove it.” Sabi niya at bago pa makahuma ang kahit sino ay mabilis niya inabot ang batok ng dalaga ang mariin itong hinalikan sa labi. Naramdaman niya ang pagtulak nito.

Marahas siyang tumayo matapos ang halik na iyon. Nakatayo na rin ang kanyang ama. Tumingin siya dito nang marahas. Galit na rin ito. He disgusted him. Mukha nagselos pa ito.

“This would be the last time na makikita ko kayong magkasama.” Giit niya at matalim na tiningna ang kanyang ama. “Sana’y hindi ito ang problema ng Mama.”

Sinubukan siyang hawakan ni Cassie ngunit winaksi niya ang kamay nito. Nakita niya ang namuong luha dito. Saka iniwan ang eksenang iyon. Hinila pa niya si Amanda na nasa likuran pala nila.

Marahas na isinara ni Lourd ang pinto ng kanyang opisina. Pagkuwa’y nagpalakad-lakad sa loob niyon. Gaping as hard as he could to control his breath. Now he understood why Cassie refused his calls. Hindi na rin siya magtataka kung bakit nasabi ni Amber na matinik ito sa mga lalaki. A total flirt, now a kept woman. And he could have her. She even responded to his kisses. They were so passionate to each other. Ngunit sa kamlas-malasan ay ang kanyang ama ang nabitag nito.

Sa sandaling iyon ay gusto niyang sirain lahat ng mahawakan. Ngunit siya rin ang masisisi sa bandang huli. Why of all the people ay ang ama pa niya. It was the greatest shame of his life.

Mariin siyang humalik saka tumingala. Malakas siyang nagbuntong-hininga. Umaasang kahit papaano ay mababawasan ang sakit na mararamdaman niya.

Nilakad niya ang malapad niyang wooden mahogany executive table at dinampot ang intercom. Idinayal ang local ng guardhouse.

“Hello.” Sagot ng guard.

“Patrol the building. Huwag mo na akong hintaying bumaba. Dito na ako matutulog.” Maawtoridad niyang saad.

“Opo sir.” Sagot nito at ibinaba na niya ang telepono.

Paupo siya ng swivel chair nang tumunog ang cellphone niya. He reached it and checked the screen. Amanda’s name registered. Ngunit pinagmasdan lang niya ito. Ayawa niya itong kausap. Kaninang paglabas ng restaurant ay nagpaalam na siya at sinabing wala na siyang ganang kumain. Nagpumilit ito ngunit mariin niya itong tinanggihan.

He canceled the call and turned off the phone.

Sumandal siya sa upuan. Inikot ng tingin ang sariling opisina. Sa kabila ng paglago ng sariling pundar ay siya namang pagdating ng personal na problema. Muli siyang pumikit at huminga nang malalim. Hindi niya alam kung kaya pa niyang kausapin ang ama. His mother was a wonderful and the kindest mother of all. Hindi ito nagkulang.

Ngunit ang galit na nararamdaman para sa ama ay nahahaluan ng kirot. Kung humahanap din lang si Cassie ng gugustuhin, bakit hindi na lang sa kanya. He was more than wiling. Iniisip pa lang niya na ito ang ginusto ni Cassie ay tila pinipiraso ang dibdib niya.

Damn! That really distorted him. This was all wrong. All wrong.

“You owe me big time, Mara Cassandra.” He whispered wearily.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.