ROXY CITY SERIES 3 (THEN ALONG CASSIE CAME) Chapter 17

Kinabukasan ay namasyal sina Cassie. Lalo silang pinaglapit ng nangyari kagabi. At hindi pinagsisisihan ni Cassie iyon. She woke up with a smile. Malaya na ang puso niya. Malaya na niyang mahalin si Lourd. Nang buong-buo.

Yes. She loves Lourd. Very much. Hindi na iyon kayang itanggi ng puso niya. Handa siyang mahalin ito kahit na anong mangyari. Kahit pa ibigay niya ang lahat-lahat sa binata. Umaasa siyang magiging maayos ang lahat pagbalik nila sa Maynila. Sasabihin niya ang lahat sa kanyang ama pati na sa lolo’t lola niya.

“Anong gusto mong gawin?” napukaw ng tinig ni Lourd ang pag-iisip ni Cassie. Hindi na niya namalayan ang paglapit nito.

Miyembro ng isang luxury country club si Lourd. At bukod pala sa billiards ay mahilig din ito sa golf. And again, she doesn’t play his sport. Napangiwi siya. Marami pala silang pagkakaiba ng binata.

“Maggo-golf ka ba? Panoorin na lang kita.” Sabi niya. Napangiti ito at mula sa likuran ay niyakap siya nito. Kagaad na nag-iba ang pakiramdaman niya. Kahit na yata simpleng hawak lang nito sa kamay niya ay maapektuhan na siya.

He kissed her nape lightly. Parang nakuryente ng kung ano si Cassie. “Ikaw na lang ang magsabi kung anong gusto mong gawin. You’re my guest remember?”

‘I only wanted in your arms.’ Sigaw ng puso niya. Ngunit hindi naman iyon lumabas sa bibig niya.

“Cable car tayo.” Bagkus ay sagot niya.

“Okay.” sabi nito. Kumalas ito sa kanya at magkahawak-kamay silang naglakad. Hindi tuloy niya napigilang tumawa. Tumigil ito sa paglalakad. Then she looked at him. Playing on her face was a sweet smile.

At bigla na lamang niyang hinila ito at hinalikan sa labi. He stoned his step as she leaked his lips on a swift. Mabilis na pumulupot ang mga braso niya sa leeg nito at patiad na inabot ito. Hindi na alintana na nasa labas sila at maaaraing may makakita sa kanila.

“Para saan ‘yon?” napapantastikohang tanong nito. Still holding her and gently rubbing her back.

“Wala. Gusto ko lang gawin.” Sagot niya habang nilalaro ng mga daliri niya ang buhok nito.

Lourd chuckled and kissed her neck this time, “I always like it when you’re near me.”

Wala sa sariling napapikit si Cassie habang yakap siya ng binata. Gusto niyang isipin na totoo ang sinabi nito ngunit ginugulo pa rin siya ng imahe na hindi pa nito alam ang totoo sa pagkatao niya. Paano kung hindi nito matanggap iyon?

“Ako din.” Instead she said to hide the hurt. Bahagya siya nitong binitawan at hinawakan ang kanyang kamay. Sa ganoon sila muling naglakad at parehong tahimik.

Hindi na nagulat ngunit nainis si Lourd nang makita si Amanda na papalapit sa kanya. Palibhasa’y empleyado ng kanyang ama ito kaya nagkaroon ito ng pribelehiyo na makapasok sa naturang club. Katatapos lamang nilang mananghalian at hindi niya akalain na makikita ito doon.

“Hi.” Simpleng bati niya. Nilampasan niya ito nang akmang yayakap ito sa kanya. Nasa restroom lamang si Cassie at anumang oras ay darating ito at hindi nito maaaring makita si Amanda.

“Akala ko hindi ka na sanay na mag-unwind. Anong nakain mo at nagbakasyon ka?” Sabi nito habang nakasunod sa kanya.

“I always have time for fun. Akala mo lang wala.” Pilit itinatago ang pagkairita niyang sagot dito.

“Mag-usap muna tayo. I missed you.” Sabi nito na pilit siyang hinahawakan.

“May kasama ako.” Sagot niya. Umangat ang isang kilay nito.

“Oh. Pero sinabi mo na magkaibigan pa rin naman tayo. So, pwede pa tayong-”

“Amanda, listen.” Agap niya at noon ay hinarap ito. “Yes we are friends. But just friends. Nothing more. I’m sorry. Hindi ko maaaring pagbigyan ang gusto mo. Hindi ka pwedeng basta na lang darating. Hindi mo na pwede gawin ang ginawa mo kanina. Malinaw ba sa’yo?”

“At saan ka pupunta? Sa bagong flavor of the month mo?” galit nang tanong nito. Salubong ang kilay niyang hinarap ito.

“Ano?”

She smirked. She crossed her arms in front of her chest. “Akala mo hindi ko alam na nilalandi ka ng dancer mo sa club. Oh my! Lourd, bakit siya? Ano bang mayroon ang babaing ‘yan na wala ako? She’s just using you.”

Puno ng pag-aakusa ang mga salita ni Amanda. Puno rin ng galit ang mga mata nito. At hindi niya maintidihan kung bakit ganoon na lang galit nito kay Cassie. Wala na itong pakialam kung sino mang gustuhin niya. He knows what he was doing. Lalong alam niya ang gagawin pagdating kay Cassie.

“Salamat sa pag-aalala mo pero sa tingin ko ay hindi ka na dapat nakikialam. Don’t forget that we are over, Amanda. What other things concerning me is not your business.” Sagot niya at tinalikuran na ito ngunit pinigil siya nito.

“Ano bang ginawa niya sa’yo para ipagtanggol mo siya nang ganyan? Kagaya rin lang siya ng ibang babae. Nakalimutan mo na ba?” pahayag nito na iiling-iling pa na animo’y nanghihinayang.

“She’s cheap. I pity you.” Dugtong pa nito.

Matalim ang naging tingin niya dito. Ang kaninang inis ay nauwi sa awa dahil sa inaasal nito. She could be searching for respect and love around. Nakikita niyang tila nawawala si Amanda. A desperate that looking for something. Kaya sa ibang tao nito ibinabaling ang tila galit sa sarili. He hated it. Para tuloy gusto niyang pagsisihan na naging kasintahah niya ito. Ngayon tuloy ay hindi siya patahimikin nito.

“It’s none of your business. Excuse me.” Sabi niya na hindi pinansin ang pang-iinsulto nito. Muli siyang tumalikod. Sasalubungin na lang niya si Cassie.

“It’s not over.” Sabi nito at natigil ang paglayo niya. He saw how eyes glittered with fierce. “Pagsisisihan mo ito. Sinisiguro ko sa’yo na hindi ka magiging masaya. Sige, hahayaan kitang magpakabaliw sa kanya. Pero sa’kin ka rin babagsak Lourd Kristof.”

Nauubos ang pasensyang nilapitan niya ito. “I’m telling you this, Amanda. Don’t you ever try to hurt her. Hindi ko maipapangakong magiging mabuti ako.”

“Hindi pa tayo tapos. Hindi ka magiging masaya sa piling ng iba. Ipinapangako ko ‘yan. You owe me big time for hurting me.” Nanlilisik ang mga matang pahayag nito.

“Wala akong ginawa sa’yo. Naging totoo lang ako sa sarili ko. At uulitin ko, huwag ka nang manggulo. Or else you’ll be sorry.” May bagbabanta niyang sagot.

“Tingnan natin.” Lalong nagalit nitong sabi at padabog na lumayo. Pinanood niya ang paglayong iyon na nagbubuga ng hangin.

“Ang lalim yata ng iniisip mo.” Napukaw ang isip niya nang marinig ang tinig ni Cassie.

Ngumiti siya at kaagad na niyakap ito sa baywang. “Iniisip lang kita.”

She smiled teasingly. “Talaga? Anong tungkol sa’kin ang iniisip mo?”

He smiled widely. Saka niya inilapit ang labi niya sa may tainga nito. May sinabi siyang hindi dapat naririnig ng mga naroon at hindi nito napigilan ang mapatili. Mabuti na lang at mabilis nitong natutop ang sariling bibig. He laughed.

Sa sobrang tuwa niya sa reaksyon nito at niyakap niya ito. Tila napapahiya naman si Cassie kaya itinago nito ang mukha sa dibdib niya. He really laughed then. Hindi niya akalain na kahit pilya ito ay hindi ito sanay sa ganoong usapan. Even though they shared a steamy night together. She was still fine and proper. That made him overwhelmed and proud.

Nagtatawanan pa rin sila habang lumabas ng restaurant habang magkayakap. Palakad na muli sila upang sumakay sa golf cart nang mapansin niya si Amanda na nasa gilid ng damuhang pathway at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kanila. Pasimple niyang iniikot si Cassie upang hindi nito makita si Amanda. Ayaw niyang mag-isip ng masama ang dalaga. Ayaw niyang masira ang magandang araw nila dahil lamang kay Amanda.

“Pagod ka na ba?” tanong ni Lourd kay Cassie. Noon ay papasok na siya na ng cottage at natigil siya upang harapin ito.

“Hindi pa naman.” Nag-iisip niyang tugon. Alas-kwatro pa lang ng hapon at kahit na marami silang ginawa buong araw ay hindi naman siya nakakaramdam ng pagod. Lalo na’t kasama niya ang binata.

“May pinupuntahan ako dito kapag nakabakasyon. Gusto sana kitang isama.” Sabi nito. Kumibot ang mga labi niya.

“Sige, okay lang. Sino bang pupuntahan natin?” sagot niya. Ngumiti ito.

“Si Father Ruel. Spiritual adviser ng family namin. Narito kasi ang chapel niya. Medyo matagal ko na siyang hindi nakakausap.” Tugon nito. Tatangu-tango siya dito. Naalala niya bigla si Pastor Benjamin na naging spiritual support din niya noon kasabay ng counseling niya.

“I’ll just go freshen up.” Saad niya. Tumango ito.

“Hihintayin kita sa villa. You can change if you want.” Saad nito at nakangiting umalis.

Nang maisara ang pinto ay hindi na siya nag-aksaya ng oras ay nagbihis na. Mabilis niyang binuksan ang dala niyang bag at naghanap ng maisusuot. Hanggang makita niya ang isang asul na asul na sheer dress. Nakangiti niya iyong inangat.

Mabilis siyang nakapagbihis. Nasa harap na siya ng salamin nang mapansin ang sarili. She spotted a different kind of glow. Iba ang kislap ng kanyang mga mata. Hindi maikakaila ang pagiging masaya niya. It was like she was looking at a woman not just a lady. Yes. She used to be lady. At binago lahat ni Lourd sa kanya kagabi. And that change was magnificent. Masaya siya roon.

Nagawi ang tingin niya sa kanyang mga kamay. Wala pa iyong gloves. Lantad na lantad ang pilat niya. Natitigilan siya. Wala pang alam si Lourd tungkol sa nakaraan niya.

Umangat ang ulo niya kalaunan. Nasa isip ang nabuong desisyon. Sasabihin na niya kay ang lahat. May tiwala siya dito. Matatanggap siya nito. At kung ano man ang mangyari sa araw na iyon aty sisiguruhin niyang si Lourd ang tanging nasa puso niya.

Malaki ngunit tahimik ang foundation na pinuntahan nila Lourd. Katabi ito ng simbahan at doon sila unang nagpunta. Sandali silang nanalangin at habang mahinang nag-uusap ay noon dumating ang Father Ruel na sinasabi ni Lourd. He man was a good aura. Hindi katakatakang maging pari ito. He was like a light for words. Masarap itong kausap.

Nag-aampon ang institusyon ng mga kabataan na wala nang pamilya. May mga nakatira din doon na mga babae at lalaki na minsan nang napariwara ang buhay. The institution shelters them by the help of donations. At isa na ang pamilya ni Lourd sa tumutulong doon. Nabanggit pa nga ni Lourd na parang gusto nitong mag-ampon ng isang bata mula sa institusyon. Ngunit sinabi ni Father Ruel na marami pang legal na usapin ang kailangang pagdaanan. At wala pang sapat na oras ang binata para doon. She liked the idea. Dahil hind rin naman siya nalalayo sa kapalaran ng mga naroroon. Lahat sila ay biktima ang karahasan. Siya nga lamang ay may lolo’t-lola pang nag-aaruga sa kanya.

“Mag-ikot ikot lang ako.” Paalam niya kina Lourd.

“Balik ka kaagad.” Pabulong pa na bilin ng binata sa kanya. That whispered lingered into her ears that gave her shivers. Hindi iyon nakaligtas kay Father Ruel kaya ngumiti ito. Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin.

“I will.” Nasabi na lang niya at iniwan na ang mga ito.

Naglakad-lakad siya. Nagsisilbi na ring reatreat house ang likod na bahagi ng lugar kaya parang isang tagong hardin ang lugar. Alagang-alaga ang mga halaman at may mga benches upang pagpahingahan. Dineretso niya ang gilid ng gusali pababa at sa pagliko niya ay sumalubong sa kanya ang playground ng mga bata. Napangiti siya nang makita ang naglalarong bata doon. May mga nakabantay na madre at attendant sa mga ito.

The place was playful yet solemn. Tanging mga tawa ng mga bata ang maririnig at ang ingay na nililikha ng mga swings at seesaw. Doon na muna siya tumambay. Naupo siya sa isa sa mga batong benches at pinanood ang mga bata.

She envies them. How she wished she experienced a colorful childhood. Ni hindi niya naranasang makarating sa amusement park. Masyadong marahas ang kabataan niya.

Hindi na niya namalayan na nagtagal na siya roon. Nang maisip na baka hinahanap na siya ni Lourd ay tumayo na siya at nagpasyang balikan ito. Marahil tapos na itong makipag-usap kay father Ruel.

Pakanta-kanta pa siya habang naglalakad pabalik sa main lobby kung saan iniwan sina Lourd. Ngunit natigilan siya nang nasa bungad siya at makita si Lourd at si Amanda.

Natulos siya sa kanyang kinatatayuan nang makitang magkadikit ang mga labi ng mga ito. At tila hindi alintana ng mga ito kung may ibang tao roon.

Pakiramdam ni Cassie ay biglang nanikip ang dibdib niya kasabay ng tila pagsakit ng ulo niya. Anong ginagawa ni Amanda sa lugar na iyon? Bakit nito kasama si Lourd at kahalikan pa? Are they still together? Ngunit bakit pa siya isinama ni Lourd sa bakasyon iyon kung may relasyon pa ito at si Amanda? Tama ba ang kanyang lolo na gagawing pananakit ni Lourd sa kanya? Was she not enough? Was she not worth it?

Nakita niyang kumilos ang mga ito upang tila ang maghiwalay at naisip niya na baka makita siya kaya mabilis siyang nagtago. Sumandal sa pader ng lobby sa labas. Natutop niya ang sariling bibig dahil napaiyak na siya. Noon niya tinakpan ng sariling palad ang mukha. She was really crying because she was hurt. Paanong nagawa ito ni Lourd sa kanya? Bakit siya? At bakit kay Amanda pa?

“Miss, okay ka lang?” anang isang tinig na nagpagulat sa kanya. Luhaan niya itong nilingon.

“Miss? May problema ba?” muli nitong tanong. Umiling siya saka tumingin palayo.

“Halika sa loob.” Anyaya nito ngunit mariin siyang tumanggi.

Hindi na niya ito sinagot at mabilis na lumayo sa lugar na iyon. Narinig pa niya ang pagtawag sa kanya ngunit hindi na niya nilingon iyon. Narinig niya muli ang patawag. Binilisan niya ang paglalakad. Para siyang nasa kawalan. Biglang naglaho ang maganda at masayang tanawin at napalitan iyon ng madilim na kapaligiran. Everything beautiful with him had just lost.

Ang mabilis na lakad niya ay napalitan ng pagtakbo sa kagustuhang makalayo sa lugar na iyon.

Hindi alam ni Cassie kung paano siya nakabalik ng ranch house. Naupo siya sa sofa at mariing pumikit. Pagod na pagod siya. Kanina ay walang humpay ang pag-iyak niya. Mabuti na lang at malapit lang ang foundation sa ranch house kaya natandaan niya ang daan pabalik sa bahay.

Naisip niya si Lourd. Sigurado siyang nag-aalala ito sa kanya at lubhang magtataka sa bigla niyang pagkawala. Na binawi rin niya dahil naisip niya na kasama nito si Amanda. And they were enjoying each other’s company. Napaluha siyang muli. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap na gagawin iyon ng binata sa kanya. Ano ang nagawa niyang kasalanan kay Lourd? Marahil ginagantihan siya nito. Dahil nasa isip nito na may relasyon siya sa ama nito. Lalo siyang napaluha. Kung alam lang sana ni Lourd ang totoo.

Huminga siya nang malalim habang nakapikit. Bakit kailangan niyang pagdaanan ang ganito? Bakit pinahintulutan pa ng kapalaran na makilala niya si Lourd at mahalin ito? She was willing then. Handa niyang kalabanin ang takot niya para lamang sa binata. Pagkatapos ay ganoon lamang ang makikita niya. She was deceived. She felt she was betrayed. At sa huling tao pang iisipin niyang gagawin iyon sa kanya.

“Tama ako. Iiwan ka rin niya.” Anang isang tinig at napasigaw siya sa gulat. Luhaan niyang hinanap ang pinanggalingan noon. Nakita niya ang isang bulto na nakapamaywang na nakatayo sa hindi kalayuan. Si Amanda!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.