Ginising ng marahang haplos ng hangin si Cassie. Iminulat ang mga mata at nasilip ang nakabukas na bintana. At napansin niyang mataas na ang araw.
Bumangon at inunat ang sarili kasabay ng isang hikab. Nanatiling nakaupo si Cassie sa kama at pinagmasdan ang sariling silid. Underwater inspired ang kwarto niya. Aqua green ang buong kwarto ngunit asul na lahat ng gamit. Mula sa bedsheet hanggang sa kurtina. Lumanghap siya ng hangin bago tumayo. Kinuha ang robe at ibinalot sa sarili.
Pumasok siya banyo upang maligo at pagkatapos ay bumaba suot ang sports short at itim na blouse at tulad ng nakasanayan, isang black fingerless cotton gloves upang mag-almusal. Ngunit imbes na sa kusina tumungo ay lumabas siya sa hardin.
Naroroon ang kanyang lola na nakagardener gloves at may hawak na pruner. Ginugupit nito ang ilang bahagi ng halaman.
“Good Morning, Granma!” masayang bati niya sa matanda. Lumapit siya dito sa humalik sa pisngi.
“Morning.” sagot nito na tinanggap ang paghalik niya.
“Si Granpa?” tanong at umupo sa wooden bench malapit dito.
“Nasa taas at nagbibihis. Paalis siya pauwi ng Bukidnon.” sagot nito habang patuloy na nagpuputol ng halaman. Hilig ng mag-asawa ng paghahalaman.
Natapos ng BS Agriculture ang lola niya. Ang lolo naman niya na kahit isang retiradong propesor ay mahilig din sa halaman.
Flower business ang pinagkakaabalahan ng pamilya ni Cassie. Ito ang bumubuhay sa kanila sa loob ng dalawampu’t limang taon. Ang Nature Farm ay nagsimula pa sa Bukidnon. Naroon ang pitong ektaryang farm na nag-aalaga ng may isang daang variety ng bulaklak. They were competitive wholesaler and retailer of flowers and foliage. May ilang branch na ito sa Metro Manila. Siya ang namamahala sa Alabang at Makati.
Tubong Bukidnon ang pamilya ni Cassie. Naroroon ang malaking property ng kanyang pamilya. Bukod sa flower farm ay naroon din ang ekta-ektaryang taninam ng pinya na dinadala sa malaking plantation ng gumagawa ng inumin. Agriculture was their main wealth. Hindi man sila ang pinakamayamag pamilya sa bansa, masasabi naman na makaling bahagi ang negosyo nila ng ekonomiya ng bansa.
Kahit paano ay maalwan ang buhay ni Mara Cassandra. Kaya nagagawa pa niya ang isa pang trabaho na gustung-gusto niya, ang pagiging ‘Xquizit. Isang sikat na dance troupe ng sikat na superclub sa bansa na Roxy City Superclub. Isa itong joint venture ng dating sikat na modelo na Roxanne Roswell at ng LinkMusic Inc. na pag-aari ni Lourd Kristof Fortes, sikat na producer sa music industry sa bansa.
Passion ni Cassie ang pagsasayaw. Apat na taon siya nang i-enroll ng kanyang ina sa isang ballet class na doon na nagsimula ang hilig niya sa pagsasayaw. Hanggang mag-high school ay member siya dance club ng ekswelahan. Naging miyembro din siya ng theater club. Nang magkolehiyo ay nakilala niya sa Amber Chua na mahilig din sa pagsasayaw. Naging malapit sila sa isa’t-isa. Naging hang-out nila ang Roxy City at nakilala ang may-ari noon na si Roxanne. Nakarating sa kanila na plano nitong magbuo ng isang dance troupe kung saan myembro ang magagaling na dance artist na pamumunuan ng magaling na choreographer na si Cleo Rubio. Na-engganyo sila ni Amber kaya nang kausapin sila ni Roxanne ay pumayag silang mag-audition. Sa kasalukuyan ay tatlong na taon na ang ‘Xquizit.
“Bakit biglaan naman yata?” tanong niya. Nakasandal siya sa bench at paminsan-minsan ay naghihikab. Kahit nakapaligo na ay inaantok pa rin siya. Ngumiti ang matanda at hinarap siya.
“Namimiss na daw niya ang mga pinsan mo doon. At saka gusto niyang kausapin ang Uncle Ruben mo dahil balak naming magtayo ng bagong branch.” paliwanag nito. Muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
“Gusto mo bang dito ko na lang ipadala ang almusal mo?” narinig niyang tanong ng lola niya.
“Okay.” Ngumiti siya at muling pinasigla ang sarili.
Tinawag nito ang isang katiwala at inutusang maglabas ng almusal para sa kanya. Siya naman ay pinanood ang matanda habang masiglang pinapaganda ang hardin. Araw-araw na nitong routine ang galawin ang hardin. Kung gusto itong makausap ng kahit sino ay doon lang ito dapat puntahan.
Mula sa loob ay lumabas ang katiwala na may dala nang pagkain. Isang tray na may lamang isang plato ng fried rice at tocino na paborito niyang almusal at isang tasa ng barakong kape straight from Batangas. May kasama pa iyong isang tray ng sariwang prutas. She loves eating heavy in the morning.
“Thanks.” Nakangiti niyang sabi sa katiwala. Tumugon ito ng ngiti at bumalik na sa loob ng bahay.
“Granma, halika. Kain tayo.” Yaya niya dito habang umaayos ng upo sa bakal na garden set nila.
“Tapos na kami ng lolo mo.” sagot naman nito. Nagsisimula na siyang kumain nang makita ang lolo niya na papalapit sa kanila. Tumayo siya upang salubungin ito.
“Hi, old gorgeous!” bati niya sabay yakap dito. Tumawa ito at pinisil ang tungki ng kanyang ilong.
“I am gorgeous but not old.” tugon nito at iniwan siya. Lumapit ito sa asawa.
“Pakiayos naman, darling.” malambing na sabi nito sa lola niya na tinutukoy ay ang manggas ng printed na polo nito na hindi maayos ang pagkakatupi. Tinanggal ng lola niya ang gloves at hinarap ito. Nasa mid sixties na ang mga ito ngunit masigla pa rin.
Muli siyang bumalik sa upo upang ituloy ang pag-aalmusal. Natatawa siyang pinagmasdan ang dalawang matanda.
“Hindi ka na naman nakatulog nang maayos kagabi.” sabi ng lolo niya. Hindi ito nakatingin sa kanya dahil nakatungo ito sa itinutuping manggas ng lola niya.
Hindi kaagad nakasagot si Cassie dahil bigla niyang naalala ang panaginip na para sa kanya ay bangungot.
“Siguro ay dapat na dalhin ka ulit sa doktor mo. Matagal ka nang hindi naiistorbo sa pagtulog. Baka mamaya niyan ay gabi-gabi na naman iyan at maapektuhan na naman ang kalusugan mo.” dagdag pa nito.
“I’m fine.” sagot niya. Ayaw na niyang bumalik sa doktor. Hangga’t maari ay ayaw na niyang pag-usapan ang lahat kahit ang isipin iyon.
“Pero hija-”
“Alfon, darling.” agap ng lola niya sabay hawak sa pisngi nito upang iharap dito.
“Pabayaan mo na muna ang apo mo. Siya ang may katawan at alam niya kung kailan niya kailangan ng doktor.” sabi nito at tumingin sa kanya.
“Finish your food.” Sabi nito sa kanya. Binalingan nito ang asawa.
“You better leave now. Mahaba-haba pa ang byahe ninyo nina Arnel.” Sabi nito saka nangbubuntong-hingang sumulyap sa kanya.
“Aalis na ako.” Sabi ng lolo niya. Nagmano siya. Doon ito dumaan sa makipot na pathway sa gilid ng hardin na patungo sa carport kung saan naroon ang pick-up na gagamitin ng mga ito. Hindi kalakihan ang dala ng mga itong sasakyan dahil ang bulaklak ay isususnod na lang ng delivery ng farm. Sinabayan ito ng lola niya upang ihatid.
Hindi na bumalik ang gana ni Cassie sa pagkain. Tinawag na lamang niya ang katiwala at ipinapasok ang pagkain.
Naisip niya ang kalagayan niya. Hanggang kailan siya magpapakatatag dahil sa nakaraan niya? Hanggang kailan siya ngingiti upang maitago ang lungkot sa kanyang pagkatao?
Kapag nasa labas ng bahay ay ibang Cassandra ang ipinapakita niya. She always sees to it that they can see sunshine from her. Walang makikitang bakas ng madilim niyang kahapon. Laging masaya at nakatawa. Hindi iniinda ang nakatagong problema. She even played a tease and a ‘playgirl’ as what they say. Kung sinumang matipuhang lalaki ay hindi maaaring hindi makikilala. But she was only having fun. She doesn’t go overboard. At alam iyon ng mga kaibigan niya. Lalo na ni Amber. And she was thankful she had them.
She never met her real father. Sampung taong gulang siya nang aksidente niyang marinig ang pagtatalo ng mga magulang niya at binanggit ng kanyang ama na hindi siya nito mahal dahil hindi naman daw siya anak nito. Na pinakasalan lamang daw nito ang kanyang ina dahil sa pera nito. Na isang mababang uri ang kanyang ina dahil pumatol ito sa isang pamilyadong lalaki. Ikinagulat niya iyon. Hindi na siya masyadong bata upang hindi maintindihan ang mga salitang sinabi nito. Ngunit hindi rin naman niya magawang sumbatan ang kanyang ama dahil takot siya dito.
Bumalik siya sa kwarto niya upang magbihis. Kailangan niyang lumabas. Pakiramdam niya ay napakasikip ng bahay para sa kanya. Bibisitahin na lang muna niya ang shop. Hindi naman niya maabala ang mga kaibigan. Sigurado siyang tulog pa si Amber dahil kauuwi lang nito galing sa Roxy. Si Cleo naman ay nasa Tagaytay o baka nga nilalamay nito ang drawings nito. Freelance animator din kasi ito. Si Thia ay nasa Isabela dahil sa biglaang pagkasakit ng ama nito na si Edison Adriatico, ang chairman ng multi-million company na AM Global Corporation. Isa pa iyon sa inisip nilang magkakaibigan. May posibilidad na umalis si Thia sa grupo dahil kailangang nitong saluhin ang responsibilidad ng isang Adriatico. Si Geri naman ay laging missing in action dahil sa iba’t-ibang raket nito. Kahit si Kathryn na hindi man myembro ng ‘Xquizit na naging kaibigan na rin nila ay abala rin. Lady bartender ito sa Roxy at artist ni Lourd sa LinkMusic.
Nangingiti siyang habang napailing. Naisip niya na ganoon na lang ang passion nila sa pagsasayaw, ang pagmamahal nila sa Roxy City at ang tibay ng pagkakaibigan nila. Naroon pa rin sila para sa isa’t-isa kahit may kanya-kanyang buhay.
Malaki ang utang na loob niya sa mga ito. Ang mga kaibigan niya ang isa sa dahilan niya kung bakit niya nalampasan ang bangungot ng kanyang buhay. Hindi madaling lampasan ang uri ng pananakit na dinanas niya mula sa kinilalang ama. Sila ng kanyang ina. Ang nakakalungkot nga lamang at wala na ang kanyang ina. Na hindi nito napagtagumpayan ang hirap nila may labingdalawang taon na ang nakakaraan. But she moved on. Kahit masakit na mawalan ng isang ina, naging matapang siya.
She was wearing a jeans and a yellow capsleeves scoopneck tee with print details of Like No Other Bitch a pair of flat sandals on her feet. Pababa si Cassie dala ang kanyang shopper handbag nang may napansin siya na kulang. Pinakiramdaman niya ang sarili. Saka mabilis na bumalik sa kwarto niya.
Binuksan niya ang drawer ng kanyang wardrobe kung saan naroon ang iba’t-ibang kulay at klase ng fingerless gloves. May lace, cotton, leather at kung anu-ano pa. Bawat isa ay may binabagayan sa lahat ng klase ng damit na isuot niya. Dinukwang niya ang isang pares at mabilis na isinara ang drawer. She was in the middle of putting her gloves when she suddenly stopped. Pinagmasdan ang sariling palad at napaupo sa kama. Paano na lang kung isang araw ay bigla na lang mawala ang lahat ng gloves na kinulekta niya? Paano pa niya itatago ang nakaraan?
She sighed. She was thinking too much again. Mukhang kailangan talaga niyang lumabas ng bahay. And she was starting to get scared for herself.
Nakasalubong niya sa paglabas ang kanyang lola Eliza at nakita niya ang pagtataka nang makitang paalis siya.
“Saan ka pupunta?” tanong nito. Nasa entrance hall na siya noon at ito naman ay papasok.
“Pupunta lang po ako sa shop.” Sagot niya.
“O, siya sige. Just go home early.” Bilin na lang nito sa kanya. Inabot niya ang kamay nito at dinala sa noo at tuluyan nang lumabas ng bahay.
Sumakay siya ng kotse niya at nagdrive palabas ng subdivision. Nasa kalsada na siya at nagmamaneho nang maisip na humimpil sa gilid ng daan. She went on thinking again. Ayaw talaga siyang patahimikin ng nakaraang gabi. Paano kung bumalik ang masamang nakaraan niya? Paano kung isa sa araw na iyon ay mabalitaan na lang nilang lumaya ang kanyang ama at balikan siya. Hindi. Hindi maaaring mangyari iyon.
Nagbuntong-hininga siya at muling binuhay ang makina. Diniinan niya ang selinyador. Umingay ang sasakyan. Muli siyang nagbuga ng hangin. Parang gusto niyang magalit. Nais niyang mawala ang takot niya. Wala nang dahilan iyon. Tapos na ang lahat. Ngunit bakit parang nariyan pa rin ang bangungot at tila sinusundan siya?