ROXY CITY SERIES 3 (THEN ALONG CASSIE CAME) Chapter 3

Hapong ibinagsak ni Lourd ang katawan sa ibabaw ni Amanda. Habul-habol niya ang hininga at bumilang ng ilang segundo bago gumalaw. Saka inihiga ang sarili sa tabi nito. Si Amanda ay mabilis na yumakap sa kanya at nanatiling nasa kisame ang kanyang mga mata. He just had sex with her and it satisfied his lust. But nothing deeper than that.

“Darling, is there any problem?” tanong ni Amanda. Manaka-nakang hinahalikan nito ang kanyang leeg.

Hindi niya ito sinagot dahil wala naman siyang alam na pwedeng sabihin. At wala siya sa mood upang makipag-usap. Gusto lang niya ay matulog. Maaga pa kung tutuusin dahil alas otso pa lang gabi ngunit dalawang araw na siyang agaw lang ang tulog dahil sa mga engagements ng mga artists ng label kabilang na si Kathryn na siyang sikat na pop/rock artist. Isama pa ang major concert ng ‘Skiptloosemonk’ na siyang pinakasikat na rock band sa bansa.

Wala siyang reklamo kung toxic ang trabaho sa label niya. Mahal niya ang kumpanya niya. Naiinis lang siya dahil tila sabay-sabay na nagsusulputan ng sakit ng ulo niya. Isa na doon ang kanyang ama.

Galing siya kanina sa opisina nito sa Pasig upang kuhanin ang updated contract ng kanyang mga artists at i-discuss ang legal aspects ng label niya. Ngunit ang pakikipagrelasyon niya kay Amanda ang ibinungad nito.

Judge Romero Fortes Jr., a dictator who practice his own definition of justice. Kahit sa kanilang magkakapatid ay ginagamit nito ang pagiging hukom sa pagdidesisyon. His family owns a law firm and he combines his court power to business. Ang Fortes-Diomidez Associates ay isa sa joint business ng pamilya niya. Ang mga Fortes sa bahagi ng kanyang ama at Diomidez sa bahagi ng kanyang ina. Ngunit hindi niya gusto ang magbasa ng batas at imanipula ito. He wanted the other face, Art and Music.

Kahit kailan ay hindi sila nag-away ng kanyang ama. Lumaki siya sa estrikto ngunit mapagmahal na pamilya. Isang psychologist ang kanyang ina. Apat silang magkakapatid at nag-iisa siyang lalaki. Pangalawa siya. Siya ang inasahan na susunod sa yapak ng pagiging hukom ngunit hind iyon nagkatotoo. Si Andrea, panganay niyang kapatid ang naging abogado at kasalukuyang namamayagpag ang karera sa court and legal industry.

Sinuportahan ng kanyang pamilya ang career niya mula sa pagiging vocalist sa rock band hanggang sa pagiging producer niya. Inalagaan siya ng kanyang mga magulang at minahal nang buong-buo. Kaya paano niya tatanggihan ang kanyang ama na nagsabing hiwalayan na niya si Amanda? He wondered why? Na kung iisipin ay sa mismong firm nila nagtatrabao si Amanda. Nang tanungin naman niya ito ay hindi naman ito sumagot nang maayos.

“Bakit sobrang workaholic mo? Wala ka nang time sa’kin.” Naghihimutok nitong saad sa malambing na paraan.

Hindi siya muling tinugon dahil kung tutuusin ay dapat naiintindihan siya nito bilang girlfriend niya. Alam dapat nito na buhay niya ang ginagawa niya.

He was running a fast growing record label for six years, ang LinkMusic Inc. Sa tulong ng pinsang si Jared de Veyra at ng magulang ay sinimulan niya ang pagiging producer. Ngunit bago iyon, isa siya sa founding member ng sikat na banda na sumikat noong mid-nineties hanggang early 2000s. Matagal na namayagpag ang karera niya sa naturang banda. Sa katunayan ay ito nagpasikat sa kanya kasama ng mga kantang isinulat niya. Kinailangan lamang nilang ma-disband nang biglaang mamatay ang kanilang bahista sa isang car accident kasama ng asawa nito. They thought of forming a reformed band but it was never been the same. Kaya nagdesisyon ang lahat na magkanya-kanya na lang.

And just like any other music man, he cannot stop playing as long as he can hear music. Kaya kahit hindi na active sa pagtugtog, siya naman ngayon ang sought-after album producer ng mga gustong sumikat at makilalang artist. Kahit ang mga legendary na sa music industry ay kinukuha ang serbisyo niya. At ang joint venture niya kay Roxanne Roswell na Roxy City Superlub na siya namang dinarayo ng maraming partygoers ay pinagpaplanuhan nang mag-branch out.

Bumangon si Lourd at umupo sa gilid ng kama. He removed his rubber and threw it in the trash bin. Saka nagsindi ng sigarilyo at mabilis na hinithit iyon. Itinukod niya ang siko sa tuhod at hinagod ng kamay ang buhok. Si Amanda ay sumunod at yumakap sa likod niya. Patuloy ito sa paghalik.

“Amanda, pagod ako.” Pilit naglalambing niyang sabi upang pigilan ito sa ginagawa. Sukat sa narinig ay padabog itong tumayo mula sa kama at binalot ng kumot ang hubad na katawan.

“Bakit hindi mo na lang sabihin na talagang wala ka nang panahon sa akin!?” nagpupuyos na sabi nito.

“Alam mo na marami akong ginagawa sa Label.” Mahinahon niyang sagot. Pinipigilan niya sarili na makipag-away dito. Wala siyang lakas upang makipagsigawan.

“Ang sabihin mo wala ka talagang panahon sa’kin! I just can’t be your bedmate! Bastard!” sigaw nito sa kanya.

Dala ng pagod at sa huling sinabi nito ay bumangon ang inis niya. Bigla niyang nahagip ang leeg ni Amanda. Sa isang iglap ay tila papel ito na naidikit niya ito sa dingding. Hindi pansin ang kanyang kahubadan. Ang hawak niyang sigarilyong nakasindi ay nalaglag sa sahig.

“Say that word again and I will break your neck.” Mariing sabi niya dito.

“N-na-sasaktan a-ako.” Hirap na sabi ni Amanda. Pigil nito ang kamay niya na nasa leeg nito.

Binitawan niya ito at mabilis na bumawi ng hangin si Amanda. Napaluhod ito at umubo. Nakaramdam ng pagsisisi si Lourd. Ikinagulat niya ang inasal niya.

“I’m so sorry. Pagod lang ako. I’m sorry.” Panay ang iling niyang sabi dito. Akma niya itong aaluin nang iwaksi nito ang kamay niya.

“Y-ou bastard.” Ganting sabi nito sa gitna ng pag-ubo. Mabigat ang naging buntong-hininga niya. He had enough. Hindi na niya kayang sakyan ang ugali ni Amanda. Ito na rin ang nagbigay ng dahilan sa kanya upang masunod ang kanyang ama. Amanda was no good for him.

Tinalikuran niya ito. Pinulot ang mga nagkalat na damit at mabilis na nagbihis. Nakita niya si Amanda na umupo sa kama. Nakatingin lamang ito sa kanya.

“We better call it off, Amanda.” Sabi niya. Nakatayo siya sa kabilang gilid ng kama. Mula sa side table ay kinuha niya ang susi ng kotse niya.

“Anong ibig mong sabihin?” Takang tanong nito. Napansin niya ang pamumula ng leeg nito dahil sa higpit ng paghawak niya kanina. He felt a little guilty.

“I’m breaking up with you. I’m sorry.” He said looking straight to her.

“N-no.” gulat at mangiyak-ngiyak na sabi nito. Tinakbo nito ang pagitan nila at mabilis na yumakap sa kanya.

“I’m sorry, nabigla lang ako. Darling, please stay…pag-usapan natin ‘to.” Pagmamakaawa nito. Tinanggal niya ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya.

“It’s not going anywhere. Sa una pa lang ay ayaw mo na sa uri ng trabaho ko. I love my job because it is my life. Kung hindi mo kayang tanggapin na bahagi ng pagkatao ko ang label, better yet stay out of my life.” Sabi niya at binitawan ang kamay nito.

“No. Hindi totoo ‘yan. Missed lang kasi kita.” Salungat nito.

“Hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-awayan natin ang oras ko sa opisina. Lagi mong pinagseselosan ang hindi dapat. And I’m sick and tired of all of your nagging.” He was so straight to her. Umiyak si Amanda at ikinulong ang mukha sa mga palad.

“I’m sorry but I am not the right one for you.” He was mongering a soft emotion to comfort her. Kahit paano ay may pinagsamahan sila nito. But he cannot appease to his feeling anymore.

“But still, we can be friends.” Sabi ni Amanda sa gitna ng pag-iyak.

“Of course.” He agreed. Hinawakan niya ito sa balikat upang tanda ng pamamaalam. She smiled and he smiled back. Saka humakbang palabas na ng unit nito.

“Thanks for everything, Amanda.” Huling sabi niya at tuluyan nang umalis. Hindi na niya napansin ang masamang tinging ipinukol sa kanya ni Amanda.

Pagsakay sa kanyang sasakyan ay hindi agad binuhay ni Lourd ang makina. Nanatili siya sa harap ng manibela. Sinasala ang nangyari kani-kanila lang.

Never in his life that he almost hit a woman. Marami siyang kalokohan sa buhay ngunit ang manakit ng babae ang kahuli-hulihang gagawin niya. Literal man o hindi. He was even got his reputation of being charitable in terms of women. Masyado siyang mapagbigay at galante. Madaling kausap at magaling maglambing. Kaya nga ang kantyaw sa kanyang sa Roxy City ay ‘Mr. Charity.’ Masyadong mapagkanlong sa mga babae kaya hindi nawawalan ng karelasyon.

He only smiled on that thought. Seryoso siya kapag ‘in a relationship.’ Sadyang lang talagang parang public toilet ang status niya madalas. Always occupied at pinipilahan pa.

He was losing his patience nowadays. Iyon ang napapansin niya. Madaling mag-init ang ulo at kaunting problema ay naiinis na. Minsan nga ay sumigaw na siya sa studio. Bakit nga ba?

Pinipilit niya kasing isinisiksik sa puso’t isipan na hindi siya mahal ni Kathryn at hanggang kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Dahil si Jared ang mahal nito. Kaya kailangan niyang kalimutan ang anumang nararadaman para kay Kathryn and move forward with his life.

Mabuting tao sina Jared at Kathryn. And Jared was a brother to him. Kaya kung kinakailangang gumamit siya ng babae at isubsob ang sarili sa trabaho ay gagawin niya mawala lang ang nararamdaman para sa dalaga. Na sa tingin niya ay isang kahungkagan.

Wala sa loob na naitukod niya ang mga kamay sa manibela at inilapat ang noo doon. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling ngumiti. Ang pakiramdam na buhay at malayang nagmamahal na pawang walang problema. He has to do something.

Kaagad na nakita ni Cassie si Lourd nang dumating ito sa Roxy City. Nakangiti ito kaagad na humarap sa mga partygoers at members na naroon. Kaagad itong nilapitan ng mga kababaihan at tila nasiyahan naman ito. Umismid siya sabay iling. Talagang hobby na nito ang pagiging flirt.

“Amoy selos.” Narinig niya ang tinig ni Amber kaya umiling siya. Tumabi ito sa kanya at pinagmasdan din ang binata habang masayang nakikipaglampungan. Nasa second level sila ng club at mula doon ay tanaw na tanaw nila ang lahat ng nangyayari sa baba.

“I’m sure hindi mo pa alam ang balita kaya ka nagkakaganyan.” Sabi pa nito na nagpalingon sa kanya. Amber was such a looker. Stand out ang chinita features nito dahil isang chinese-filipina ito.

“Balita?” kunot-noo niyang tanong.

“Lourd is single now. Wala na sila ni Amanda.” Sabi nito sabay lagok ng dala nitong scotch. Wala silang performance nang gabing iyon dahil Techno night at ang mga house music ang papatugtugin. Ang resident DJ nilang si Eben Jay ang bahala sa mga partygoers.

“Ows? Joke ba ‘yan?” hindi naniniwalang niyang saad. Napatawa siya. Sa lahat ng naging girlfriend ni Lourd ay si Amanda na marahil ang pinaka-demanding. Hindi nga nila ito kasundo dahil kahit sila ay pinagseselosan nito kahit hindi naman sila talangang close kay Lourd. Lalo na siya. Kaya mahirap para sa kanyang paniwalaang wala na ang mga ito.

“O, mukhang aakyat ang prince mo. Tanungin mo.” Anito at nakitang kumilos si Lourd.

Mabilis na nakaakyat si Lourd. Malapad ang ngiti nito sa kanila habang lumalapit.

He has goatee but it never lessen the good features of him. Lalo pa ngang lumakas ang appeal nito. He almost resembled Brandon Boyd of Incubus but a little fatter yet fitter. Pero may anggolo talaga na nakakahawig nito si Jared de Veyra. Marahil dahil pinsan nito ang sikat na city councilor.

‘Gosh, smile lang kinilig na ‘ko.’ Anang isip ni Cassie ngunit hindi naman kayang isatinig.

“Hi, girls!” bati nito.

“Hey, handsome.” Si Amber ang unang bumati habang nakikipag-beso dito. “Mag-isa ka ‘ata. Nasa’n ang bodyguard mo?”

Takang napatingin siya kay Amber. Nakasulyap ito sa kanya ngunit kaagad ding tumingin kay Lourd.

“Oh, hi.” Bahagya pa siyang napapitlag nang abutin siya ni Lourd at makipag-beso. Parang kidlat na dumaan sa kanya ang sensasyon. She just blew a breath to erase it.

“Bodyguard?” anito habang nakatingin kay Amber. Umangat ang kilay ni Amber habang nakatingin dito at tila naman naintindihan nito ang ibig sabihin.

“Ah…well, I think she will not be around for now on. Wala na kami.” Napaka-casual nitong tugon.

Napasinghal siya habang nakatawa. “Poor woman. Ang laki ng mawawala sa kanya. Grabe.”

Inakbayan niya si Lourd at idinikit pa ito sa kanya. “See? Itong machong ‘to. Pinakawalan pa n’ya. Di’ba, Amber?”

“Cassie, honey.” Ani Lourd sa kanya.

‘Honey? Wow! Sarap pakinggan. Mangarap ka Cassandra.’ Akma niyang aalisin ang kamay nang pigilan siya nito. Hiwakawan nito ang kamay niyang nakaakbay dito.

“Nasasaktan talaga ako kapag ginaganyan mo ‘ko. It was like I am not capable of love. Sarcastic ka lagi. Why?” Anito na titig na titig sa kanya. Gustong matunaw ni Cassie nang mga oras na iyon. Heto na naman si Lourd. He was being sweet again.

‘Back off, Lourd. Baka mahalikan kita!’ pagsusumigaw niya.

“Selos lang ‘yan.” Ani Amber. Mabilis siyang napalingon dito saka nagpumiglas.

“Never. He’s such a flirt. Wala akong mapapala sa lalaking ‘yan. Sakit-ulo lang ‘yan.” Mariin niyang sabi sabay sulyap dito. Nakangiti lang ito at iiling-iling.

“Careful. Baka kainin mo ang sinabi mo.” sabi nito at inirapan lang niya. Tumalikod siya at lumakad palayo. Sumunod si Amber sa kanya.

“Ang plastic mo, girl. Hindi ka ba nahihirapan?” Anito habang bumababa sila. Tinawanan niya ito. Kahit siya ay aminadong hirap na hirap na pigilin ang sarili kapag kaharap si Lourd. Ngunit kahit kailan ay wala siyang inamin. Kahit na kay Amber na itinuturing niyang pinakamalapit na kaibigan.

“Naniniwala ka talagang gusto ko s’ya, ‘no?” Aniyang nanunubok.

Amber laughed loudly. May nakasalubong silang usher at kumuha si Amber ng isang baso. Ganoon din ang ginawa niya. It was their privilege. Bilang member ng ‘Xquizit ay libre sila sa lahat ng iinumin nila. VIP member ang turing sa kanila at hindi empleyado. Ganoon ang patakaran ni Roxanne tutal sila ang madalas na dinarayo ng mga tao. Lalo ng mga exclusive members.

“Come on, Cassandra. Wala akong kwentang kaibigan kung hindi ko mapapansin ang mga tingin mo sa kanya. Pati ba naman sa’kin maglilihim ka?” sabi nito.

Umiling siya. Noon ay nasa entrada na siya ng Stageplay. “Of course not. Masyado lang vague ang imagination mo. Try mo i-narrow down.”

Ito naman ang umiling. “Bring it. Tingnan natin kung hanggang kailan mo ma-resist ang charm ni Mr. Charity. Ingat ka. Masyadong mapagbigay ‘yan.”

Nagkibit lang siya ng balikat tanda ng hindi niya sineseryoso ang sinabi nito.

“Hindi ka ba sasama?” tanong niya at umiling ito. Lumapad ang ngiti niya. May special performance kasi ang Skiptloosemonk noong gabing iyon sa Stageplay. Ito ang section sa club kung saan ginaganap ang mga special events. Naroon ang malaking stage.

“Ayaw mo s’yang makita? Ikaw pa naman ang number one fan ni Jeuan.” Nang-aasar niyang sabi dito.

Amber rolled eyes. “FYI Ms. Dillan, hindi natuloy ang Skiptloosemonk tonight. Hindi sila ang tutugtog d’yan.”

Malakas siyang tumawa. “Updated? Eh ba’t ayaw mong sumama sa’kin?”

“Do’n na lang ako kay Kathryn. Na-miss ko na kasi ‘yong babaing ‘yon. Minsan na lang tumao sa Cat Bar.” Sagot niya. Tumalikod na ito at siya naman ay tumuloy sa Stageplay. Nakita niyang nasa stage na ang in-house band ng Roxy. Lumapit siya sa mga ito.

“Kumusta?” bati niya sa mga ito. Tumingin sa kanya ang lead guitarist na si Andy. Kunot na kunot ang noo nito.

“Problema?”

Imismid ito. “Badtrip. Wala na naman si Venice.”

“Ano? Pambihira talaga, o. Sige, hugutin ko si Kat. Baka papayag.” panay ang iling niyang saad. Madalas na absent ang vocalist ng mga ito dahil pasaway. Tumango si Andy bilang pagsang-ayon sa kanya.

Tinalikuran niya ito ngunit natigilan siya nang bumangga siya sa isang bulto. Hindi niya na-control ang balanse niya kaya napaatras siya. Mabuti na lang at nasalo siya ng nabangga niya.

“Got you, honey.” Sabi ni Lourd ngunit sadyang hindi na niya nakaya ang sarili kaya pati ito ay natumba na rin.

Pumaibabaw siya dito nang matumba sila sa sahig at ganoon na lang ang gulat niya dahil naramdaman na lang niyang naglapat ang mga labi nila.

‘Oh, no!’

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.