NAKAUPO si Blossom sa bench habang kinakalabit ang strings ng acoustic guitar niya.
Lumabas siya ng Polaris Academy at tinakasan si Xia na siguradong binabaligtad na ang Aurora Dormitory para lang makita siya. Actually, suwerte lang kung pa’no niya natakasan ang Knight niya.
May mga lasing na male students kasi na umakyat sa isa sa mga kuwarto sa second floor kaya nagkagulo at nagsigawan ang female students. Saktong paakyat siya no’n sa third floor kung nasaan ang room nila nang masalubong niya ang mga binata. Kasama niya si Xia no’n na dala ang basket na naglalaman ng bagong laba niyang mga damit.
`Yong isa sa tatlong male students, kinuha ang white sando na ginagamit niya sa ilalim ng uniform niya at tinakbo `yon habang inaamoy-amoy. Siyempre, nagalit si Xia at hinabol ang mga lalaki. Alam naman niyang maigaganti siya ng Knight niya kaya bumalik na lang siya sa kuwarto niya. Pero sumama ang pakiramdam niya nang makita niya si Cassy na nagtitiklop ng mga damit sa kama nito.
Kaya kinuha niya ang gitara niya at umalis siya ng dorm. Inabutan niya ng pera ang guard para palabasin siya at nangako siyang babalik pagkatapos ng isang oras. Sa paglalakad niya, nakarating siya sa park na isang block lang ang layo mula sa academy. Halos puro lovers ang nakatambay do’n kaya pumuwesto siya sa part ng park kung malayo mula sa kanya ang ibang mga tao.
“I’m sorry, Blossom…”
Natigilan si Blossom sa pagtugtog nang marinig ang boses ni Koji sa isipan niya. Para na naman siyang maiiyak nang maalala niya ang naging usapan nila ng binata kanina…
“Are you going to date me or not?” deretsang tanong niya. “If not, then let’s just end this.”
Bumuntong-hininga si Koji, halatang nahihirapan sa sunod na sasabihin. “Blossom, sinabi ko na sa’yo noon na hindi ko priority ang pakikipag-date. Alam mo naman ang sitwasyon namin ni Mommy. Saka nagtatrabaho na ko ngayon.”
“Alam ko. Alam ko rin na sinabi ko na hihintayin kong maging okay na kayo ni Tita Katya. Okay lang din naman sa’kin kahit hindi ako ang priority mo.” Saglit siyang huminto para ipunin ang lakas ng loob niya. Saka siya nagsalita bago pa magbago ang isip niya. “Pero I can’t wait any longer now. Koji, let’s make our relationship official.”
“Why the rush, Blossom?”
“If we start dating, everyone will know that you’re my man and no one in their right mind will hurt you again. I want to protect you, Koji.”
Kitang-kita niya ang pagkalito sa mukha ni Koji habang nakatingin ito sa kanya. Pero mayamaya lang, nawalan na ng emosyon ang mukha nito. Nang magsalita ito, cold na ang boses. “I’m sorry, Blossom. Hindi ko pa talaga kayang bigyan ng time ang pakikipag-date ngayon.”
“So tatapusin na lang natin `to?”
Tumango ang binata. “Mukhang `yon ang mas okay para sa’ting dalawa.”
“Para sa’yo lang, Koji,” mapait na sagot naman ni Blossom. “Now that you’ve decided to end this, don’t be nice to me again and just pretend that I don’t exist because that’s what I plan to do to you.”
Nag-walk out siya pero naramdaman niyang sinundan siya ni Koji kaya sinenyasan niya si Xia (na nag-aabang na sa labas ng music room) na pigilan ang binata. Akala niya ay magpupumilit ang binata na sundan pa rin siya. Pero umasa lang siya sa wala.
“You’re a coward, Koji,” bulong ni Blossom sa sarili. Masakit na ang mga mata, lalamunan, at puso niya sa pagpipigil umiyak. “Kung puwede lang ipa-convert sa hate ang love ko for you, ginawa ko na. I want to stop loving you now.”
Tinuloy na lang niya ang pagtugtog ng gitara para i-distract ang sarili. Pero hindi pa nagtatagal, may mga anino nang nagpadilim sa paligid niya. Nang mag-angat siya ng tingin, sumalubong sa kanya ang tatlong binata na mukhang high school students pa dahil sa suot na uniform.
At sa pagkakaalam niya, `yon ang ‘gangster school’ na nang-ha-harass sa mga Polarian.
Hindi naman niya suot ang uniform ng Polaris Academy. Naka-gray hoodie (na ‘hiniram’ niya kay Koji noon) at skinny jeans siya kaya nakakapagtaka na nilapitan siya ng mga ito.
“Hi, Miss!” nakangising bati sa kanya no’ng kalbong lalaki. “Mag-isa ka lang?”
“Oo, unless may nakikita ka na hindi ko nakikita,” masungit na sagot niya, saka niya binalik sa guitar case ang gitara niya habang nagtatawanan ang mga lalaki.
“Ganyan ang mga type kong babae– palaban!”
Umirap lang si Blossom at tumayo na habang nakasukbit ang guitar case sa balikat niya. Nilagpasan niya ang mga lalaki pero hindi pa siya nakakalayo, humarang na agad ang tatlo sa harap niya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. Tiningnan niya ng masama ang mga ito. “Let me through. I don’t have time for this.”
“Boss, baka taga-Polaris din `yan.”
“Oo nga, mukhang yayamanin din si Miss Byutipul, eh.”
Ngumisi ang kalbo na mukhang leader ng grupo, nakatitig sa mukha niya pababa sa katawan niya. Gano’n din ang ginagawa ng dalawa pang kasama nito. “Miss, `wag kang matakot. Gusto lang naming makipagkaibigan sa’yo.”
“Boss, ang bango niya!”
“At ang kinis pa!”
Nag-init ang mga pisngi ni Blossom sa pagkapahiya lalo na’t lantaran siyang binabastos ng mga lalaking `to. Umangat ang kamay niya at sinampal niya ang kalbo na nakatitig na sa chest area niya. “Bastos!”
Sa pagkagulat niya, biglang hinawakan no’ng kalbo ang pulsuhan niya habang masama ang tingin sa kanya. “Ikaw na nga `tong pinupuri, ikaw pa `tong nag-iinarte!”
“Magkaiba ang compliment sa pambabastos, you dumbass,” sagot niya habang pinipilit bawiin ang kamay niya pero ayaw `yong bitawan ng lalaki. “This is harassment! Let me go!”
“Mag-sorry ka muna sa pagsampal mo sa’kin!”
“I will never apologize to a chauvinistic pig like you!” Hinila niya ang kamay ng lalaking nakahawak ng mahigpit sa kanya pero ayaw pa rin siya nitong bitawan. “I said let me go–”
“Who do you think you’re touching, you scumbag?!”
Na-relieve si Blossom nang bitawan siya ng kalbo dahil sa bagong dating. Nang lingunin niya ang nagsalita, nagulat at napaatras siya nang makita ang halatang galit na si Roarke sa ere. Tumama ang paa nito sa dibdib no’ng bastos na lalaki at nag-iwan pa ng shoe print ang malakas na sipa nito.
Natumba sa damuhan ang pervert gangster.
Serves you right!
“Princess, you okay?” bulong sa kanya ni Roarke nang lumapit ito sa kanya, bakas sa mukha ang pag-aalala. Pero nawala agad sa kanya ang atensiyon nito nang magmura ang kalbo. “Step back.”
Tumango lang siya at humakbang paatras nang harapin ng kakambal niya ang tatlong lalaki.
Napangiwi na lang siya nang magsimula na ang murahan at ‘laban’ ng kapatid niya sa mga gangster. Madilim sa parteng `yon ng park at mapusyaw din ang lampposts sa paligid kaya hindi niya masundan ang bawat move ng prinsipe. Pero base sa pagsigaw nito at pagmumura sa French, halatang galit na galit ito dahil sa pambabastos sa kanya ng mga lalaki kaya may pakiramdam siya na solido at mabigat ang mga suntok at sipa na pinapakawalan ng kapatid niya.
“Ang kapal ng mukha niyo para bastusin ang kapatid ko!” galit na sigaw ni Roarke sa French habang pinapaulanan ng suntok sa mukha ang kalbo na hawak nito sa kuwelyo. Mukhang nabugbog na `yong gangster dahil hindi na makalaban. Nakatalikod mula sa kanya ang kapatid niya pero kahit hindi niya nakikita ang mukha nito, siguradong nakakatakot ang anyo nito ngayon. “What you did is very unforgivable!”
Aaminin ni Blossom na na-touch siya. Ngayon lang nagpakita ng ganitong care sa kanya ang kakambal niya. Pero mabilis din `yong napalitan ng pag-aalala nang makita niyang sabay na sumugod `yong dalawa pang gangster habang nakatalikod sa mga ito ang kapatid niya. “Kuya, watch out!”
Thankfully, mabilis nakaiwas si Roarke sa pag-atake no’ng dalawang gangster nang bitawan nito `yong kalbo para yumuko at umiwas sa suntok no’ng isang lalaki. Pagkatapos, tumalon paatras ang kakambal niya hanggang sa nasa tabi na niya ito.
`Yong tatlong gangster naman, nakatayo sa harap nila at masama ang tingin sa kanila– halatang gusto pa ring lumaban kahit nabugbog na ng prinsipe.
“Cassiopeia, just stay behind me,” bulong sa kanya ng kakambal niya habang naglalakad ito palapit sa mga gangster.
“Let’s just leave,” sabi naman niya, saka niya ito pinigilan sa braso. Meron na palang pasa ang kakambal niya sa gilid ng labi na hindi niya napansin kanina. Nang magsalita uli siya, French na ang gamit niya. “You’re hurt. We should go. Saka baka may makakilala sa’yo rito, Prince Roarke.”
Nilingon siya ng kakambal niya at halatang may sasabihin pero natigilan ito at lumagpas ang tingin sa kanya.
“Sir Roarke!”
“Miss Blossom!”
Nalingunan ni Blossom sina Creed at Xia na tumatakbo palapit sa kanila. Nang huminto ang dalawa at tumingin sa kanila, kitang-kita ang panlulumo ng mga ito nang makita ang pasa ni Roarke. Lalo na si Creed na parang na-shock.
“I’m fine,” mabilis na sabi naman ni Roarke kay Creed, sabay nguso sa tatlong gangster na kunot-noong pinapanood ang nangyayari. “Binastos nila si Blossom.”
Nanlaki ang mga mata ni Xia at ito naman ang mukhang na-shock.
“Take care of them,” utos ng prinsipe sa dalawang Knights. Nang muli itong nagsalita, French na ang gamit. “Siguraduhin niyong hindi na magpapakita ang mga `yan dito kahit kailan.”
Sabay na yumukod ang dalawang Knights sa prinsipe at French din ang ginamit sa pagsagot. “Yes, Your Highness.”
Wala nang nagawa si Blossom nang kunin ni Roarke mula sa kanya ang gitara niya, saka siya nito hinawakan siya sa braso at hinila palayo sa park hanggang sa makarating na sila sa entrance kung saan nag-aabang ang Rolls-Royce at isang Knight na yumukod agad sa kanila.
Ang prinsipe ang mismong nagbukas ng pinto ng backseat para sa kanya.
“Magkasama tayong babalik ng academy?” nanlalaki ang mga matang tanong niya sa kakambal. “Ayokong makita nilang magkasama tayo ng ganitong oras.”
“We’re going home together. Sa bahay ni Mommy muna tayo mag-stay. Bukas ng umaga na lang tayo bumalik sa school ng magkahiwalay.”
“Huh?”
Pinasok ng prinsipe ang gitara niya sa kotse, saka nito sinara ang pinto, pagkatapos ay sumandal ito sa kotse at humalukipkip habang binibigyan siya ng nanunuring tingin. “It’s Takishima, right? Ang lalaking `yon ang dahilan kung bakit tumakas ka kay Xia at umalis ng academy ng ganitong oras.”
Nag-pout siya at hindi niya napigilang ipagtanggol pa rin si Koji. “Hindi naman kasalanan ni Koji na tumakas ako para magpunta dito.”
Sumimangot ang kapatid niya, halatang hindi nagustuhan ang sagot niya. “What did he do?”
Napayuko siya para itago sa kakambal ang pag-iinit ng mga pisngi niya. “He rejected me.” Nangilid ang mga luha niya nang maalala ang pagkabigo niya. “Ayaw niya kong i-date.”
Matagal bago nagsalita ang prinsipe. “Gusto mong maglasing?”
Nag-angat siya ng tingin sa kapatid, nanlalaki ang mga mata. “Huh?”
“Let’s drink,” pag-aaya nito sa kanya. “Marami namang alak si Mommy sa bahay. Papayagan kitang umiyak at mag-rant sa’kin pero ngayong gabi lang. Bukas ng umaga, hindi ka na puwedeng umiyak at magpakalungkot ng dahil lang kay Koji kung ayaw mong kaladkarin kita pabalik sa Elestia.”
Nag-pout siya. “What does ‘kaladkarin’ even mean?”
“Drag you by force,” nanlalaking mga mata na sagot nito na ikinasimangot niya. Pero mabilis ding napalitan ng concern ang iritasyon ng prinsipe. “Princess Cassiopeia, you’re a princess. My twin sister. `Wag kang maghabol sa lalaking hindi ka kayang panindigan. You deserve so much better than this.”
Kung ibang pagkakataon lang siguro `yon, baka nainis na si Blossom. Pero kanina, habang pinagtatanggol siya ni Roarke, naramdaman niya kung gaano ito ka-concern sa kanya. Kaya himbis na bale-walain ang advice nito, na-appreciate niya `yon. Kahit na na-reject siya ng lalaking mahal niya ng gabing `yon, mukhang nagkalapit naman sila ng kakambal niya ngayon. To be honest, making up with her twin brother made her forget the pain and humiliation she felt for being turned down. “Mille merci.”
Tumaas ang kilay ni Roarke dahil sa sobra niyang pasasalamat dito, pero ngumiti rin ito. “De rien.” Medyo kumunot ang noo nito na parang may naalala. “Wait. Did you just call me ‘Kuya’ a while ago?”
“I didn’t,” pokerfaced na sagot niya kahit nag-iinit ang mga pisngi niya. Sa sobrang pag-aalala niya sa kapatid niya kanina, natawag niya itong ‘kuya.’ Pero ayaw niyang aminin `yon dahil nakakahiya. “Umuwi na nga tayo. Gusto ko nang magpakalasing.”
“Okay,” nakangising sabi ng prinsipe na muling binuksan ang pinto para sa kanya. “Makikinig sa’yo ang kuya mo habang nagpapakalasing ka.”
INAANTOK na si Roarke dala ng kalasingan pero hindi niya magawang pumikit dahil kaharap niya ang mommy niya ngayon habang nasa study sila. Nasa likod ito ng study habang nakatayo naman siya sa harap nito. Kahit gano’n ang estado niya, nakaramdam pa rin siya ng takot sa kanyang ina.
Katatapos lang nilang ‘mag-inuman’ ni Cassioepia sa pavilion nang dumating ang mommy nila. Tinulungan niya ang mommy niya na dalhin ang kapatid niya sa kuwarto, pagkatapos ay hinintay niya ito sa study gaya ng bilin nito. Mukhang binihisan muna nito ang kakambal niya.
Nang dumating ang mommy niya sa study, pinagpaliwanag siya nito. Sinabi niya na nag-report sa kanya si Xia at sinabing umalis ng academy si Cassiopeia kaya hinanap nila ang kakambal niya. Naisip niya na hanapin ito sa park dahil no’ng mga bata pa sila, nagpupunta ang kapatid niya sa mga open space na lugar para tumugtog ng gitara. Inamin din niya na tinakasan din niya ang mga Knight niya na natagalan dahil kinuha pa ang kotse niya. Pagkatapos, sinabi rin niya na pinagbantaan nina Xia at Creed ang mga high school gangster hanggang pumayag na ang mga ito na hindi na uli pupuntang park. That was the end of his report and his mother had been quiet for quite a while now.
“Mom, can I go to sleep now?” inaantok na tanong ni Roarke. “Na-explain ko naman na kung bakit magkasama kami ni Princess Cassiopeia, `di ba?”
Peor siyempre, hindi niya sinabi `yong parte na iniyakan ng kakambal niya si Koji Takishima. Ang alam lang ng mommy nila ay nag-“trip” lang silang magkapatid bilang advance celebration ng eighteen birthday nila three months from now. Kung naniwala ang kanilang ina o hindi, hindi nito pinahalata.
“Roarke, be extra careful,” seryosong sabi ng mommy niya habang mataman siyang pinagmamasdan. “`Wag kang magpapakita sa ibang tao na kasama mo si Cassiopeia ng kayong dalawa lang. Hindi puwedeng malaman ng kahit sino bukod sa pamilya natin at sa mga Knight niyo na magkapatid kayo. Hindi pa puwedeng ma-reveal ang identity ng kakambal mo.”
“I know that, Mom. Pero gusto mo namang magkasundo kami ni Princess Cassiopeia, `di ba? You even told us to spend time together.”
“I meant inside the house,” paliwanag nito. “Hindi ko sinabing magpakita kayo sa ibang tao.”
Sumimangot siya. “Why do we even have to hide that my sister is in this country? Alam naman ng lahat na may kakambal akong babae. Bakit kailangang magtago dito ni Princess Cassioepia?”
Sa totoo lang, naaawa na si Roarke sa kakambal niya. Kailangan nitong magpanggap na ibang tao at tawaging ‘Tita Margarette’ ang mommy nila kahit nasa isang bansa lang ang mga ito. Ang mas malala pa, napagkamalan pa itong anak sa labas ng daddy ni Chase dahilan para ‘ampunin’ daw ito ng mga Serranilla. Nainsulto siya para sa kapatid niya nang marinig niya ang tsismis na `yon sa Polaris.
Prinsipe ang daddy ni Cassiopeia sa Elestia. Kung sana, puwede lang i-reveal ng kakambal niya ang identity nito, hindi na sana nito kailangang magtago at tanggapin ang mga pang-iinsulto dito.
“We’re just protecting your sister, Roarke,” seryosong sagot naman ng kanyang ina. “Alam mo ba kung bakit kinilala pa rin kayo ng royal family bilang prinsipe at prinsesa kahit hindi ako Elestian?”
Tumango siya. “Nakipagsundo si Daddy sa dating hari ng Elestia na hindi siya makikipag-agawan sa trono. Sinuko niya ang pagiging heir to the throne niya para kilalanin kami ni Cassiopeia kahit na taga-ibang lahi ang mommy namin.”
“That’s true,” tumatango-tangong pagsang-ayon ng kanyang ina. “Pero may isa pang dahilan kung bakit pumayag ang royal family na bigyan kayo ng title. At `yon din ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa daddy mo at umuwi ako ng Pilipinas kasama si Cassioepia.”
Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Bigla rin siyang kinabahan kaya may pakiramdam siya na hindi niya magugustuhan ang sunod niyang maririnig. Pero nagtanong pa rin siya. “Ano naman ang dahilan na `yon, Mommy?”
“Your father sacrificed Cassioepia without my consent,” malamig at halatang puno ng hinanakit na sagot ng mommy niya. “Pinagkasundo ni Prince Reynold sa isang prinsipe ang kakambal mo para lang matanggap kayo ng royal family.”
“What?!” hindi makapaniwalang tanong ni Roarke. Ngayon niya lang `yon nalaman! “Princess Cassiopeia is already engaged to a prince? Sino ang prinsipeng `yon, Mommy?”
“You know him, son,” sagot ng kanyang ina. “And you hate that prince ever since you were kids.”