Royal Secret/Royal Engagement Duology Chapter 15

NAGTATAKA si Cassy kung bakit pinagtitinginan siya ng mga schoolmate niya.

Pero kahit hindi niya alam kung bakit, sigurado siyang na-involve na naman siya sa kung anong gulo. `Yon nga lang, wala siyang ideya kung ano `yon.

Mukhang one week lang ang itinagal ng pananahimik ng bullies, ha?

Pagdating niya sa classroom, nagulat siya nang makita si Astra– kaklase niya at scholar din na gaya niya– na nakaupo sa mesa nito habang basang-basa. Katatapos lang ng 10 o’clock break time nila na tumatagal ng thirty minutes kaya nakakagulat na ganito ang naabutan niya pagbalik ng klase!

Isang tingin pa lang sa nagtatawanan nilang mga kaklase, alam na niya agad na napag-trip-an si Astra. Pero gusto pa rin niyang malaman ang buong nangyari.

“Astra, anong nangyari sa’yo?” nag-aalalang tanong ni Cassy nang makalapit siya rito. Napansin niyang nanginginig ito sa lamig. Basang-basa kasi ito at malakas pa ang aircon sa classroom. “Bakit basang-basa ka?”

Nag-angat ng tingin sa kanya si Astra– halatang galit. “Kinulong ako nila Brenda at Eloise sa CR kasama ng ibang girls na hindi ko naman kilala. Pinaliguan nila ako gamit ang water hose. Kasalanan mo `to, Cassy! Masyao ka kasing nagmamagaling porke kaibigan mo si Prince Roarke!”

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Usually naman, tahimik at reserved lang si Astra kaya nga hindi sila naging close. Nakakapagtaka ang outburst nito ngayon. “Hindi ko ma-gets.”

“Nag-declare ka ng war sa mga VVIP at VIP dito no’ng tumapak ka sa cafeteria,” naiinis na sagot nito. “Malakas ang loob mo kasi close ka sa prinsipe saka kay Blossom Serranilla. Pero pa’no naman `yong mga katulad ko na walang bigating kakampi? `Yong mga ayaw kumalaban sa caste system?” Iminuwestra nito ang sarili at nang muling magsalita, basag na ang boses nito. “Ng dahil sa’yo, nadamay kami! Ang sabi nila Brenda, ikaw raw ang sisihin ko sa nangyaring `to sa’kin. Sa’min na mga nadadamay na dito. Ngayong hindi ka na daw nila puwedeng hawakan dahil kay Prince Roarke at Blossom, lahat daw ng nasa Class C, malalagot sa kanila kahit walang ginagawa against them!”

Nasapo niya ang noo habang nakapatong sa baywang ang isang kamay. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng guilt. Pero alam niyang wala siyang magagawa kung mag-isa lang siya. “Astra, kailangan mo silang labanan.”

Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. “Nababaliw ka na ba?”

Ipinatong niya ang mga kamay sa mesa, saka siya dumukwang para magpantay ang eye level nila. Binigyan niya ito ng seryosong tingin. “Astra, hindi mo kailangan ng kaibigang prinsipe o Serranilla para labanan sila. Kailangan mo lang ipaglaban ang karapatan mo. `Yon ang ginawa ko. Tinulungan lang ako nila Roarke at Blossom kasi alam nilang gusto ko ring tulungan ang sarili ko.” Iminuwestra niya ang iba nilang kaklase. Hindi naman lahat ay tumatawa. Marami pa rin ang mukhang concerned pero natatakot lang makialam. “Blossom used to be on the neutral side, remember? Pero nang makita niya siguro na lumalaban na kami, nag-decide siyang tumulong. Hindi naman lahat ng Polarian eh agree sa caste system na ginawa nila Chase. Marami din ang may ayaw no’n pero natatakot lang silang lumaban. Pero kung mas marami tayong lalaban sa sistema at kung magtutulung-tulungan lang tayo, masisira na ang sistema. We just need to work together. Astra, you have to do this for yourself.”

Nanatiling tahimik at mangiyak-ngiyak si Astra pero nakita niya sa mga mata nito na unti-unti na itong nakukumbinsi sa mga sinasabi niya.

“Alam kong gusto mong maka-graduate ng tahimik,” pagpapatuloy niya sa mas gentle na boses. “`Yon din ang gusto ko kaya nga nagpaka-Errand Girl ako. Akala ko kasi, okay lang na isakripisyo ko ang self-respect ko para lang hindi ako pag-initan ng mga bully.” Umiling-iling siya. “Pero nagkamali ako, Astra. May taong nagpa-realize sa’kin na hindi ako puwedeng umalis sa Polaris ng maliit ang tingin sa’kin ng mga schoolmate natin. Dahil sa labas ng academy na `to, malaki ang chance na makita uli natin sila. Sa university, sa future workplace natin. Gusto mo ba na pagdating ng araw na `yon, maalala ka nila as a ‘Commoner’ na hindi kayang ipaglaban ang sarili? Papayag ka ba na hanggang sa labas ng school na `to, ma-bully ka pa rin nila?”

Lumakas ang iyak ni Astra pero umiling naman ito.

Nakahinga ng maluwag si Cassy dahil nagawa niyang iparating ang message niya sa kapwa niya ‘Commoner.’ Tumingin siya sa mga kaklase niya na biglang natahimik. Napansin niya na marami sa mga ito, may simpatya sa mga mata na para bang tinamaan sa speech niya kanina.

It’s not too late to break the system… kaya pa.

Mabubuhayan na sana siya ng loob hanggang sa marinig niya ang slow-clap na `yon at malingunan niya sina Brenda at Eloise na nakatayo sa tabi ng doorframe at parehong nakahalukipkip.

“Nakaka-touch naman ang speech mo, Cassy,” nakangiting sabi ni Brenda. “Are you starting a revolution or what?”

Tumayo ng deretso si Cassy at matapang na humarap. “Ginagawa ko lang `yong bagay na matagal ko na dapat ginawa– ang ipaglaban ang sarili ko at ang ibang tao sa mga bully na gaya niyo.”

“You should worry about yourself, Errand Girl,” natatawang sabi naman ni Eloise, pagkatapos ay hinarap nito sa kanya ang hawak nitong phone kung saan nakabukas ang tab ng Polaris Academy Website. “Have you read this article about you?”

Kumunot ang noo niya pero himbis na magtanong, nilabas na lang niya ang phone niya. May free wifi sa buong Polaris Academy para sa mga gaya niyang walang sariling data connection kaya nabuksan niya ang internet para makapunta sa website ng school nila.

Nasa ‘Trending List’ ang article tungkol sa kanya na headline pa lang, hindi na maganda. Ang mas nakakagulat pa, kaka-post lang ng article isang oras pa lang ang lumilipas.

Cassy Hart: The Gangster In The House

Hindi pa niya nababasa ang buong article pero sa video pa lang na naka-attach do’n, nanghina na siya. Clip `yon no’ng sinipa niya si Chase sa mukha. Ang dami ring negative comments tungkol sa kanya ang nadaanan ng mga mata niya sa commention section.

Lagot na!

“Miss Cassy Hart.”

Napaderesto ng tayo si Cassy Hart at napatingin sa direksyon na pinagmulan ng boses ng kanilang homeroom teacher. Nakita niya ito sa pagitan nila nina Brenda at Eloise na umusad para magbigay-daan sa guro. Bigla siyang kinabahan nang makita kung gaano kaseryoso ang babae. “M-Miss Crisostomo…”

“Come with me,” malamig na sabi ni Miss Crisostomo. “The principal wants to see you.”

SINUBUKANG lagpasan ni Koji si Chase pero tinulak lang siya ng lalaki pabalik sa common area ng Borealis. Tiningnan niya ito ng masama. “Ano bang problema mo? Malapit nang matapos ang vacant kaya kailangan na nating bumalik sa klase. Kung wala kang pakialam kahit ma-late ka sa class mo, ako meron. So please get out of my way.”

“You’re not going back to your class, Koji Takishima,” nakangising sabi ni Chase. “In fact, hindi ako sigurado kung makakapag-stay ka pa sa Polaris Academy pagkatapos ng araw na `to.”

Naikuyom niya ang mga kamay sa pagpipigil.

Nakakainis man pero ngayon niya lang na-realize na nagpahuli siya sa trap ni Chase. Tinext kasi siya nito at sinabing kailangan nilang magkita sa Borealis Dormitory para pag-usapan ang nangyari daw kay Blossom kagabo. Siyempre, nag-alala siya kaya nakipagkita siya sa lalaki.

Pero pagdating niya sa dorm, napansin agad niya na silang dalawa lang ni Chase ang nando’n. Nakakapagtaka `yon dahil hindi naman ito madalas na makikitang mag-isa lang. Saka malakas ang pakiramdam niya na may mali sa nangyayari kaya nagdesisyon siyang umalis na lang. `Yon nga lang, ayaw na siyang palabasin ng lalaki.

“Alam mo bang naglasing si Blossom no’ng isang linggo?” nakangising tanong ni Chase mayamaya. “I’m pretty sure you’re the reason she let herself get drunk.”

Kumunot ang noo ni Koji sa pinaghalong pagtataka at gulat. Alam niyang nasaktan niya si Blossom pero hindi niya alam na umabot ito sa punto na nagpakalasing pa ito. Nag-aalala siya pero may karapatan pa ba siyang kausapin ang dalaga pagkatapos niya itong saktan?

“You stay away from her, Koji Takishima,” pagpapatuloy ng lalaki. “A fag like you don’t deserve my sister. Leave her alone and just suck Yuki…” Ngumisi ito. “Oh, I’m sorry. I mean stick to Yuki.”

Kung normal na pagkakataon lang `yon, baka pinalagpas na lang ni Koji ang pang-iinsulto ni Chase dahil halata namang pino-provoke lang siya nito. Pero mainit ang ulo niya ngayon.

Unang-una, hindi siya mapakali dahil nasaktan niya si Blossom. Pangalawa, na-mi-miss na niya si Blossom dahil isang linggo na itong hindi nagpaparamdam o nagpapakita sa kanya. Hindi na siya nito sinusundo sa dorm niya tuwing umaga o kaya ay sinasabayang mag-lunch. At pangatlo, naiinis siya sa sarili niya dahil sa desisyong pinagsisisihan na niya. Pero ang malaking problema, hindi siya makalapit kay Blossom dahil kung babawiin niya ang desisyon niya, baka maguluhan lang ito. Dahil sa mga nararamdaman niyang ito ngayon, pakiramdam niya ay nasa edge siya nitong nakaraang mga araw.

He could really use a punching bag right now.

“Take that back,” iritadong utos ni Koji kay Chase na halatang nabigla sa sinabi niya dahil tumaas ang kilay nito. “I’m not gay and you know that, Chase Serranilla.”

“That’s not what I’ve heard,” natatawang sagot ni Chase. “Ang sabi ng mga student sa katabi niyong room, no’ng wala pa raw si Roarke, they used to hear strange noises from your room at night. May ginagawa ba kayong himala na naputol lang dahil sa prinsipe?” Naglakad ito palapit sa kanya, pagkatapos ay nakapamulsang nagbaba ng tingin sa kanya. “And oh, yeah. My offer is still up, Koji. Wala namang gumagamit ng attic na supposedly ay room ni Roarke. Ako naman ang Dorm Leader kaya puwede ko kayong ilipat do’n ni Yuki. Baka kasi miss na miss niyo na ang isa’t isa.”

Ngumisi lang siya, sabay sapak sa mukha ng lalaki.

Binuhos niya sa suntok na `yon ang lahat ng kinimkim niyang galit at pagkapikon sa ilang taon nitong pang-a-asar sa kanya kaya hindi nakakagulat na tumumba agad ito sa sahig habang nakahawak sa dumudugo nitong ilong. Ang sarap sa pakiramdam na makaganti na siya sa wakas.

He would pay for the consequence later but for now, he needed an outlet for his outburst.

“Matagal na kong pikon na pikon sa’yo, eh,” galit na paglilitanya niya habang lumalapit kay Chase na na-shock yata sa dami ng dugo sa kamay nito kaya hindi na nakakilos. He straddled the other guy’s hips, pulled him up by the collar, then beat the living daylights out of him. “I’m. Not. Gay!” He accentuated each word by a solid punches on the bastard’s face. “Kaya itigil mo na rin ang pagpapahiya at pambabastos sa’kin sa harap ni Blossom!”

Napansin niyang hindi lumalaban si Chase pero hindi na niya mapigilan ang sarili sa pagbugbog dito sa dami ng atraso nito sa kanya at sa best friend niyang si Yuki. Nagdilim na ang paningin niya at naubos ang pasensiya niya dahil hindi maayos ang pakiramdam niya nitong nakalipas na isang linggo. Plus, the bastard deserved a hard beating from him.

Sa matinding galit na nararamdaman niya ngayon, wala na siyang ibang makita o marinig dahil nakatuon ang atensiyon niya sa pagbugbog kay Chase. Hindi niya sigurado kung imahinasyon niya lang ba ang naririnig niyang ingay sa labas at ang pagtawag ng kung sino sa pangalan niya. Ang iniintindi niya lang ng mga sandaling `yon ay ang galit na pinakawalan niya sa unang pagkakataon.

He wasn’t a violent person but Chase made it easy for him to become one.

“At wala kang karapatang i-bully ang mga lalaking iba ang sexual orientation kesa sa’yo kaya tigilan mo na rin si Yuki! Hindi porke bakla siya eh puwede mo nang isipin na may ginagawa kaming malaswa dahil lang magkasama kami sa kuwarto! Sorry kung hindi ako homophobic na gaya mo, ha? Pasensiya ka na rin kung may mga taong tulad ko na hindi takot makipagkaibigan sa mga gay na tulad ni Yuki! So stop spreading malicious rumors about our friendship! You hear me?!”

“Koji Takishima!”

Mabilis na huminto sa ere ang kamao ni Koji nang naging malinaw ang boses ni Blossom sa pandinig niya. Sapat na ang pagtawag sa kanya ng dalaga para bigla siyang kumalma. `Yong matinding galit na nararamdaman niya kanina, nawala na kaya bumalik agad siya sa sarili.

Nang lingunin niya si Blossom, nakita niyang nakatayo ito malapit sa kanya. Masaya siyang makita ito pero mabilis ding nawala ang saya na `yon nang makita ang takot sa mga mata ng dalaga habang nakatingin sa kanya.

“Koji, stop,” pakiusap pa sa kanya ni Blossom sa basag na boses. “You’re scaring me.”

Kumunot ang noo niya sa pagtataka hanggang sa mapatingin siya sa kamao niya na may dugo na. Nang tingnan niya si Chase, nagulat siya nang makitang duguan na ang mukha nito at halos nakapikit na rin ang isang mata.

Shit.

“What did you do?” parang naiinis na tanong ni Blossom, saka siya nito tinulak palayo kay Chase dahilan para mapaupo siya sa sahig. Pagkatapos ay lumuhod ang dalaga sa tabi ng adoptive brother nito na marahan nitong inangat ang ulo para ihiga sa kandungan nito. Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito habang maingat na nakapatong ang isang kamay sa pisngi ng lalaki. “Chase…”

Alam ni Koji na dapat siyang ma-guilty sa ginawa niya kay Chase. Pero ng mga sandaling `yon, mas nangibabaw ang selos niya. Sa pagkakaalam niya, hindi naman okay ang relasyon ni Blossom sa adoptive brother nito kaya bakit mas concerned ito sa lalaki kesa sa kanya? Well, wala naman siyang injury pero hindi ba muna tatanungin ng dalaga kung bakit niya `yon nagawa sa kapatid nito?

Blossom… bakit si Chase?

“Mr. Takishima!”

Natauhan si Koji nang marinig ang galit na boses na `yon. Nalingunan niya ang homeroom adviser nilang si Mr. Rosales– ang matandang teacher na mukhang militar dahil sa istrikto nitong anyo. Ngayon pa lang, kinakabahan na siya. “Yes, sir?”

“Follow me,” utos ni Mr. Rosales bago siya tinalikuran pero patuloy pa rin ang pagsasalita nito. “Principal Veneracion told me to bring you to his office.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.