Royal Secret/Royal Engagement Duology Chapter 2

“I NEVER thought I’d say this but I’ve missed the Philippines. Well, not the heat and definitely not the traffic jam, but the people and the food here. I bet you miss them, too,” nakangiting sabi ni Blossom sa best friend niyang si Nikita na kausap niya sa phone habang nasa backseat siya ng isang white Sedan. “Like, hello? Wala namang Jollibee d’yan, beshie. Please… uwi ka na.”

Natawa ni Nikita sa kabilang linya. Magkahiwalay sila ng vacation trip dahil sa Paris ito nagbakasyon habang nasa Japan naman siya. Nagawa nitong i-extend ang summer vacation kahit mag-i-start na ang pasukan dahil bukod sa naka-leave of absence ito, ang pamilya din nito ang owner ng Polaris Academy. Ngayon pa lang tuloy, miss na niya ang best friend niya. “Blossom, I know you really miss me. Miss na miss na rin naman kita so as soon as the fashion show is over, uuwi na ko. And don’t be plastic nga. You miss Koji Takishima and not the Philippines. Don’t me, besh.”

Siya naman ang napabungisngis. “Yeah, I miss my Koji Takishima so much.”

“I knew it,” natatawang sagot naman nito. “Anyway, since I’m already here in France, should I visit Elestia to meet your twin brother dearest? His Highness is dubbed as the ‘most handsome’ teen prince in the world. I’d like to personally see if he’s really worth the hype.”

Nag-pout siya dahil sa teasing voice ng best friend niya. Alam nito na ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang kakambal niya pero dahil sobrang close sila, hindi ito natatakot sa kanya. “You should stop having a crush on my brother, Nikita. He’s not as great as you think he is. Plus, he’s not good-looking kaya,” naiinis na sabi niya, saka niya pinutol ang tawag. Humalukipkip siya at nakasimangot na tumingin sa labas ng bintana. “Xia, malapit na ba tayo sa North Star Café?” naiinip na tanong niya sa driver-slash-bodyguard niya. “I can’t wait to see Koji after a month of being apart.”

“Yes, Your Highness,” pormal na sagot ni Xia, pokerfaced lang. “We’ll be there in five minutes.”

Tumahimik na lang siya at sumandal sa backseat. Para hindi siya mainip, pinag-aralan na lang niya ang ‘bantay’ niya na nasa early thirties na kaya parang older sister na ang turing niya rito kahit medyo stiff ito. Kasama na niya ito simula no’ng dumating siya sa Pilipinas six years ago pero ilang beses pa lang niya itong nakikitang ngumiti dahil madalas, expressionless ito. Pero hindi na `yon nakakapagtaka dahil kilala ang mga Elestian sa pagiging seryoso at formal.

Si Xia, hindi ordinaryong ‘bodyguard.’ Sa Elestia– ang bansang pinaghaharian ng royal family na pinagmulan niya– ay isa itong Knight. Kabilang pa ito sa grupo ng Elite Knights na naka-assign sa pagprotekta sa members ng immediate and extended royal family. Pero sa totoo lang, hindi halatang Knight ito. Kahit lagi itong nakasuot ng black suit na required attire nito bilang Knight-slash-bodyguard, nagmumukha pa rin itong fashion model. Parating naka-high ponytail ang long and black hair nito at lip gloss lang din ang gamit na cosmetics pero kahit sinong lalaki, mapapa-double look sa ganda nito. Still, deadly ang babae pagdating sa pakikipaglaban kaya ipinagkakatiwala niya rito ang buhay niya.

“May problema ba, Princess Cassiopeia?” tanong ni Xia sa curious na boses. Tinatawag siya nito sa totoo niyang pangalan kapag walang ibang tao sa paligid. “Kanina ka pa kasi nakatingin sa’kin.”

Napangiti si Blossom. “Ang galing mo nang mag-Filipino, Xia. No’ng dumating tayo rito, English at French lang ang alam mong language, eh.” Nasa boarder ng France ang kaharian ng Elestia kaya French ang mother tongue ng bansa. Second language naman ang English kaya madali para sa mga foreigner o mga tourist na marunong mag-Ingles ang bumisita sa Elestia. “Congratulations!”

Nakita niya sa salamin na namula ang mukha ng babae, halatang nahihiya. Tumikhim pa nga ito bago nagsalita. “Salamat sa compliment, Mahal na Prinsesa. Hindi ako magiging fluent sa Filipino language kung hindi dahil sa’yo.”

Ngumiti lang uli siya. Filipina ang mommy niya kaya kahit no’ng nasa Elestia pa siya, marunong na siyang magsalita at umintindi ng Filipino. Mas lalo `yong nag-improve no’ng nandito na siya sa Pilipinas. May formal lesson naman sa Filipino language si Xia at ang iba pang staff na nagbabantay sa kanya pero siyempre, nakakatulong din ang pakikipag-usap sa mga native speaker ng lengguwahe.

“Are you sure you’re okay, Your Highness?” tanong ng Knight. Sa pagkakataong `yon, may pag-aalala na sa boses. “Para kasing nag-iisip ka ng malalim kanina.”

“I was just wondering why you’re still here with me,” honest na niyang sagot dahil alam naman niyang wala siyang maitatago sa babae. “Nabigyan ka na ng chance before na bumalik sa Elestia at ma-promote sa mas mataas na position. But you chose to stay and guard a faceless princess like me. In a third-world country, no less. Mas maraming opportunities sa’yo sa Elestia, eh. Sinasayang mo lang ang career mo sa pagbabantay sa’kin.”

“Don’t say that, Your Highness,” maingat na saway nito sa kanya. Nakasimangot pa ito, halatang hindi nagustuhan ang mga sinabi niya. “It’s an honor to protect and serve you, Princess Cassiopeia. Saka tinatago ka ng royal family dito sa Pilipinas para na rin sa proteksyon mo. Darating din `yon ng time na maibabalik na ang identity mo bilang isang prinsesa ng Elestia.”

Siya at ang kakambal niyang lalaki, parte lang ng extended royal family. Sa totoo lang, muntik pa nga silang hindi kilalanin bilang prinsipe at prinsesa ng Elestia dahil Filipina at ‘commoner’ ang kanilang ina. Pero sa pagsisikap ng kanilang ama, nakumbinsi nito ang dating hari na tanggapin silang magkapatid at bigyan ng titulo at posisyon sa monarchy.

“I’m not worried about losing my identity,” pabulong na kontra naman niya. “I just miss my family.”

Si Prince Reynold St. Clair ang daddy niya. Bunsong kapatid ito ng dating hari ng Elestia (na ama ni King Royale at ni Prince Ross) at ni Romano, ang pansamantalang nag-take over noon sa pagiging hari pagkatapos maganap ang pagpatay sa dating hari at reyna ng bansa. Ibinintang noon sa dating Crown Prince na si Royale ang krimen kaya si Prince Ross ang naging Crown Prince. Pero no’ng isang taon lang, naayos na ang problema. Napatunayang inosente si Prince Royale at nakulong naman si Romano na mastermind pala ng pagpatay sa former king and queen para maagaw sa magkapatid na prinsipe ang trono. Kusa namang sinuko ni Prince Ross ang pagiging Crown Prince at ngayon nga, si King Royale na ang hari ng Elestia at kasama nitong namumuno ang asawa nitong si Queen Rosario.

Anyway, bago pa mangyari ang lahat ng `yon, matagal nang itinakwil ng royal family ang daddy niya dahil no’ng binata pa lang ito, wala na talaga itong interes sa pagiging hari. `Yon ang dahilan kung bakit hindi nasasama noon ang pangalan ng kanyang ama sa family tree ng royal family.

Gusto kasi ng daddy niya na maging malaya kaya nagpunta ito ng Pilipinas no’ng bachelor pa ito. Nakilala nito ang mommy niyang si Margarette Serranilla na anak ng isang entertainment mogul sa bansa at nagpakasal ang mga ito. Siya at ang twin brother niya ang naging fruit ng short-lived marriage na `yon. Maiksi lang dahil pagkatapos lang ng thirteen years, naghiwalay na ang mga magulang niya.

Naiwan sa Elestia ang daddy niya kasama ang twin brother niya pagkatapos ng hiwalayan na `yon. Dahil sa kapatid niyang prinsipe, tinanggap uli ng royal family ang kanyang ama. No’ng time na `yon, buhay pa ang lolo at lola niya. Pumayag ang kanyang ama sa kondisyon ng mga magulang nito na isuko ang karapatan sa trono kapalit ng pagbibigay sa kanilang magkapatid ng title ng pagiging prinsipe at prinsesa. Kaya nang namatay ang dating hari’t reyna ng Elestia at nawala si Prince Royale, si Romano ang naging pansamantalang hari at nanatili lang na ordinaryong prinsipe ang daddy niyang si Reynold St. Clair na wala ring pakialam sa politika ng bansa.

Hindi niya personal na na-witness ang lahat ng `yon dahil twelve years old lang siya nang umuwi siya ng Pilipinas kasama ang mommy niya pagkatapos maghiwalay ng mga magulang niya. At dahil gustong itago ng kanyang ina ang anak nitong prinsesa, naging press release nito na iniwan nito ang mga anak sa Elestia. Heir kasi ang mommy niya sa pinakamalaking TV network at movie production sa bansa kaya interesado ang local media sa buhay nito. Idagdag pa na prinsipe ang napangasawa ng kanyang ina kaya naman sumikat ito sa bansa at naging public figure na rin.

Dito sa Pilipinas, magkahiwalay sila ng bahay ng mommy niya at ibang pangalan din ang gamit niya. Bilang Blossom Serranilla, ang alam ng mga taong nakakakilala sa kanya, adopted daughter lang siya ni Martin Serranilla– ang bunsong kapatid ng mommy niya– at ng asawa nitong si Mira. Sa madaling salita, ang akala ng marami ay tita niya lang ang kanyang totoong ina.

Sa Elestia naman, ang alam ng mga tao ro’n ay ‘sakitin’ ang prinsesa ni Prince Reynold kaya hindi ito humaharap sa publiko. Kakaunti lang din ang nakakaalam na nasa Pilipinas siya.

She was a princess-in-hiding and her existence in this country was a ‘royal secret.’

“One year ago na no’ng last time kaming nagkasama-sama,” naka-pout na rant ni Blossom. “Kung hindi pa na-kidnap si Prince Ross ng mga terorista, hindi pa kami mabubuo ng family ko.”

No’ng isang taon kasi, pina-kidnap ni Romano ang noon ay Crown Prince na si Ross para angkinin ang trono. Pero salamat sa insidenteng `yon, nagkita uli si Ross at Prince Royale at magkasamang pinatunayan ng mga pinsan niya na si Romano ang mastermind sa pagpatay sa lolo’t lola niya.

Saka nagpapasalamat din siya dahil no’ng time na `yon, natakot ang mommy at daddy niya para sa safety niya dahil nasa Pilipinas din siya nang nangyari ang kidnapan sa Palawan. Kaya pasekreto silang nagpunta ng mommy niya sa New York. Nagpunta rin do’n ang daddy at kapatid niya para i-meet sila. Nagkaro’n sila ng family vacation pero hindi niya masabing masaya `yon dahil puro away lang ang ginawa ng mga magulang niya. Ang kapatid naman niya, iniwan siya sa hotel para gumala.

Pagkatapos kumalat ang balita na na-rescue na si Prince Ross at nahuli na ang mga terorista, saka lang sila bumalik ng mommy niya sa Pilipinas at tinuloy ang pagpapanggap bilang mag-tita.

“Why do I have to hide anyway?” nagtatakang tanong ni Blossom. “Bakit ako lang ang in-exile dito sa Pilipinas at naiwan sa Elestia ang twin brother ko?”

“I’m so sorry, Your Highness,” apologetic na sagot ni Xia. “I’m just a Knight assigned to keep you safe. Wala akong alam sa internal affair ng royal family. Hindi ko rin maintindihan kung bakit pinaghiwalay kayo ni Prince Roarke dahil sa pagkakaalam ko, walang threat kay Prince Reynaldo. Alam naman ng lahat na wala siyang interes sa trono. Isa pa, tahimik na ang Elestia simula nang mag-give way si Prince Ross para maging hari si King Royale.”

Napabuntong-hininga na lang siya. Matagal na niyang nararamdaman na may malaking dahilan ang mga magulang niya para itago siya sa mundo. Pero siguro, wala siyang ibang magagawa kundi ang maghintay hanggang sa time na magsabi na sa kanya ang mommy at daddy niya.

“And Your Highness…?” parang nag-aalangan na sabi ng Knight. Ilang segundo rin itong huminto na parang nag-iisip bago nagpatuloy. “You weren’t exiled. Wherever you are, you will always be our precious Princess Cassiopeia St. Clair and we– your loyal servants– are ready to die to protect you.”

Napangiti agad siya. Siyempre, na-touch siya sa loyalty ng Knight niya. Sa totoo lang, pamilya na ang tingin niya rito at hindi lang simpleng bodyguard. “Thank you, Xia. Pero sana, hindi tayo umabot sa point na kailangang may masaktan o mamatay para lang sa’kin.”

Tumango lang ang babae at binigyan siya ng tipid na ngiti. Pagkatapos ay pinarada na nito ang kotse sa tapat ng café. “We’re here, Your Highness,” pormal na uli na announcement nito, saka ito mabilis na bumaba ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto.

“Thank you,” sabi niya rito nang bumaba siya ng Sedan bitbit ang isang maliit na paperbag, pagkatapos ay nakangiting tumingala siya sa signage ng North Star Café. “I’m back, Koji.”

NAGLAKAD na si Blossom papasok ng paborito niyang coffee shop. Cozy kasi ang ambiance do’n. Bukod sa mga kahoy na mesa, meron ding white couches at love chair sa private spaces ng café. Pero ang pinakamagandang parte do’n ay ang dingding at kisame dahil sa naggagandahang mural niyon.

Galaxy, nebula, at starry night sky. `Yon ang makikitang nakapinta sa paligid kaya nakaka-relax mag-hang out sa North Star Café. Mas maganda ro’n kapag gabi at nag-dim na ang mga ilaw dahil nagmumukhang kumikinang ang nakapintang stars sa mga dingding at kisame.

Ramdam niyang nakasunod lang sa kanya si Xia at sapat naman ang distansiya sa pagitan nila para marinig nito ang sinasabi niya. “I want to have private time with Koji, Xia.”

“Of course, Miss,” magalang na sagot ni Xia at ‘Miss’ ang tawag nito sa kanya himbis na ‘Your Highness’ o ‘Mahal na Prinsesa’ dahil may ibang tao na sa paligid nila ngayon.

Naramdaman niyang huminto na sa pagsunod sa kanya ang Knight. Sigurado siyang o-order ito ng kape at pupuwesto sa mesa kung saan siya nito mababantayang mabuti. Kahit na medyo malayo siya rito, sigurado siyang hindi nito aalisin ang tingin sa kanya. Routine na nila `yon kaya kabisado na niya.

Napangiti agad siya nang makita si Koji na kababalik lang sa counter habang may bitbit na walang lamang tray. Kakaunti lang naman ang mga customer kaya siguradong hindi ito busy.

“Koji!” masiglang bati ni Blossom sa binata na tumingin agad sa kanya. Huminto siya sa tapat nito at tumingala rito dahil six feet ang height nito at 5’7” lang siya. Well, mas matangkad siya sa average Filipina height dahil sa dugong Elestian niya. Pero mas matangkad pa rin sa kanya si Koji na may Japanese blood naman mula sa father side nito. “I’ve missed you.”

“Ah,” walang emosyong komento ni Koji habang nakatingin pababa sa kanya. Parati naman itong walang facial expression bukod sa boredom o pagkaantok. Pero grateful pa rin siya dahil ang ibang babae nga, ni hindi tinitingnan ng binata. “You’re back.”

Nag-pout siya sa kawalan nito ng excitement na makita siya pero pasimple naman niyang tinitigan ang uniform ng lalaki. Nitong summer vacation lang ito nagsimulang magtrabaho sa North Star Café at nagbakasyon naman siya sa Japan no’n kaya ngayon niya lang ito nakitang nakasuot ng gano’n.

Koji was tall and lanky but his server uniform suited him just fine. Puting long-sleeved polo `yon na nakatiklop sa mga siko nito na may black vest pa sa ibabaw, at ang pang-ibaba naman nito ay itim na slacks na may pulang apron na nakatali sa baywang nito.

His beautiful dark slanted eyes, black hair that fell just above his thick eyebrows, pointed nose, high cheekbones, naturally reddish lips that was emphasized because of his fair skin, and his good posture made him look like an aristocrat despite the server uniform he wore.

“How do you manage to still look like a runway model even when you’re holding a tray?” naka-pout pa rin na reklamo ni Blossom habang pasimpleng tinutusok-tusok ng daliri ang forearm nito. It really looked sexy when guys folded their sleeves to show their forearms just like what Koji did. “Sinong nagbigay sa’yo ng permission na maging ganyan ka-hot habang nasa Japan ako?” Tumingin siya sa paligid at nainis siya nang mapansing nakatingin sa binata ang mga female customer ng café at halatang kinikilig pa ang mga bruha! Para i-secure ang position niya sa buhay ni Koji at ipakita na rin `yon sa mga fangirl nito, yumakap siya sa braso nito at tumingala rito habang nagpapaawa ng mukha. “Na-miss talaga kita, Koji. Puwede ka bang mag-break muna para masolo naman kita? Nakakatakot ang tingin sa’yo ng fangirls mo, eh. Parang aagawin ka nila sa’kin.”

“I’m not yours, Blossom,” walang hesitation na deklara ng binata habang inaalis ang kamay niya sa braso nito. Buti na lang, mahina itong magsalita kaya hindi narinig ng fangirls nito. “Mamaya pa ang break time ko kaya hindi pa ko puwedeng magpahinga.”

Nag-pout uli siya. Kahit kelan talaga, ang cold ng treatment nito sa kanya. Ang mas nakakainis pa, hindi niya ito masisi kahit nasasaktan siya kasi siya lang naman itong na-fall at naghahabol. Ang pangit pakinggan ng ‘naghahabol’ pero `yon naman talaga ang ginagawa niya kaya hindi niya i-de-deny.

But she’d rather call it ‘making her own fairy tale come true.’ Masyado nang outdated ang concept na kailangang hintayin ng babae sa pagkilos ng lalaki. Modern time na at hindi na rin nagsusuot ng tiara ang mga prinsesa ngayon kaya para sa kanya, okay lang din na siya ang gumawa ng first move.

Ngumiti ng matamis si Blossom nang may maisip siyang ‘brilliant idea.’ “Where’s your manager? I want to talk to him right now.”

Kumunot ang noo ni Koji na parang nagtataka pero bago pa ito makapagsalita, naunahan na ito ng kung sino.

“Hi, Blossom!” masayang bati sa kanya ni Yuki na tumayo sa tabi ni Koji. Mas maliit ito compared kay Koji pero mas matangkad pa rin sa kanya kaya nakayuko rin ito habang kausap siya. “Welcome back. Na-miss kita. How’s Japan?”

Napatitig lang siya kay Yuki dahil kahit lalaki ito, nakakasilaw pa rin ang ‘ganda’ nito.

Yuki was a beautiful man– and yes, he was gay and proud of it. Maputi at makinis na balat, singkit at gentle na mga mata, matangos na ilong, at maamong mukha. Hanggang balikat ang halatang malambot at madulas na ash blond hair nito na nakatali sa low ponytail pero may nakabagsak na ilang makapal na hibla sa magkabilang side ng pisngi nito na nag-fe-frame sa mukha nito.

Gaya ni Koji, nakasuot din si Yuki ng server uniform. Pero alam niyang si Yuki ang anak ng owner ng North Star Café at ito rin ang nagpapatakbo sa branch na `yon. Siguro, ‘nagtrabaho’ lang ito bilang summer job. Parehong may Japanese blood ang dalawa pero hindi naman related. Sa pagkakaalam niya, simula kindergarten ay mag-best friend na ang mga ito.

“Are you okay?” natatawang tanong ni Yuki na pumitik pa sa harap niya. Pitik sa mahinhin na paraan dahil mas finesse pa itong kumilos kesa sa kanya. “Natulala ka yata d’yan, ha?”

Ngumiti si Blossom nang maalala na kailangan niya ito. “Yuki, puwede bang i-cover mo muna ang shift ni Koji? Super na-miss ko kasi siya kaya gusto ko siyang masolo kahit fifteen minutes lang.”

Mabilis namang tumango si Yuki. “Sure. Take him away.”

“Yuki,” saway ni Koji dito habang kunot-noong nakatingin sa best friend nito.

Humalukipkip naman si Yuki at binigyan ng istriktong tingin si Koji. “Nag-overtime ka kagabi since marami tayong customer no’n. `Tapos ang aga-aga pa kanina, nandito ka na agad. You deserve a break, Koji. Alam ko namang na-miss mo rin si Blossom kaya sige na, spend time with her.”

Napangiti si Blossom dahil kahit sumimangot si Koji, hindi naman nito tinanggi ang ‘declaration’ ni Yuki na na-miss siya ng binata. Nakagat niya tuloy ang lower lip niya para hindi siya mapatili sa kilig.

He missed me, too!

“Plus, I’m the boss here,” dagdag ni Yuki sa playful pero medyo authoritative na boses. “Take a break and that’s an order.”

Bumuntong-hininga si Koji at tumango. “Yes, Sir,” sagot nito, saka maingat na nilapag sa counter ang tray bago siya nilingon. “Look for a vacant table for us, Blossom. Susunod ako. Igagawa lang muna kita ng favorite mong frappuccino.”

“Okay,” excited na sagot niya. Nang umalis si Koji para pumunta sa likod ng counter, kumapit naman siya sa braso ni Yuki at inakay ito papunta sa isa sa mga private space ng café. When she was sure they were out of Koji’s earshot, she voiced her concern. “Yuki, nag-o-overwork ba si Koji?”

Bumuga ng hangin si Yuki at tumango. “After his eighteenth birthday last month, nag-apply agad siya rito sa café as a server. Wala namang problema dahil summer vacation pa natin pero baka mahirapan siya sa pasukan natin next week. Since half-day lang naman ang pasok nating senior students, mag-i-start ang work niya ng 1PM. May one hour lang siyang pahinga bago magtrabaho rito.”

Napasinghap siya sa pag-aalala. Akala niya, summer job lang `yon. “Mag-wo-work pa rin siya rito kahit may pasok na? What time does his shift end?”

“Nine PM. Pero dahil sila na rin ang magsasara ng café, siguradong matatagalan pa siya bago makauwi sa dorm.”

“Pero may curfew tayo sa Polaris Academy,” nag-aalalang sabi niya na ang ni-re-refer ay ang private school kung saan sila nag-a-aral. “By ten PM, dapat nasa dorm na siya. Baka mapagalitan siya or worse, ma-punish pa. And scholar siya. What if maapektuhan ng work ang studies niya?”

“I’m worried about him just like you, Blossom. But we have to trust Koji. Kaya naman siguro niyang i-balance ang work at studies.”

“But he’ll be very tired…”

Huminto si Yuki sa paglalakad nang marating na nila ang private space sa pinaka-corner ng café. Humarap sa kanya ang lalaki at hinawakan siya sa mga balikat. Napansin niyang medyo seryoso ito. “Blossom, alam natin na ginagawa `to ni Koji kasi nakasanla ngayon ang titulo ng bahay nila. Gusto niya `yong mabawi at mabayaran ang mga utang nila kaya kahit nag-wo-worry ako sa kanya, hindi ko siya mapigilan. He needs our support right now.”

Napabuntong-hininga na lang siya at tumango. Tama naman kasi si Yuki. Hindi nila puwedeng pigilan si Koji na tulungan ang pamilya nito. “Okay. Hindi na ko mag-ko-comment.”

“Thank you,” relieved na sabi nito, saka nito pinisil ang mga balikat niya bago siya binitawan. Pagkatapos ay ngumiti ito. “Blossom, you have to stay cheerful for Koji. He may not show it, but you’re his happy pill. Best friend ko siya kaya alam kong na-relieve siya no’ng nakita ka niya kanina.”

She giggled. Pinaghugis puso niya ang mga kamay niya para ipakita rito na na-a-appreciate niya ang pagiging supportive nito sa ‘panliligaw’ niya kay Koji. “Arigatou gozaimasu, Yuki-kun.”

Tinawanan lang `yon ng binata, pagkatapos ay tinapik siya nito sa balikat bago ito umalis.

Umupo naman si Blossom sa white love chair sa table for two na napili niya. Napangiti siya nang makita ang decoration sa gitna ng rounded table– penholder na may design ng solar system sa katawan niyon. May laman din `yong cute pens na may malalaking star na decoration sa tip. “Kawaii.”

“One month ka lang sa Japan, marunong ka nang mag-Nihonggo?”

Nag-angat siya ng tingin at napangiti nang makitang dumating na si Koji na may bitbit na dalawang tall cup ng frappuccino. Umupo ito sa katapat niyang love chair, pagkatapos ay pinatong sa mesa ang mga cup. `Yong isa, siyempre, inusad nito palapit sa kanya. “May alam naman talaga akong Japanese terms.” Pinatong niya ang mga kamay sa mesa, saka siya sa dumukwang. “Aishiteru, Koji.”

Poker-faced lang si Koji habang nakatingin sa kanya, pagkatapos ay kinuha nito ang cup at tahimik na sumipsip sa straw ng frappuccino nito. Halatang wala itong balak mag-comment sa sinabi niya para siguro hindi siya masaktan. Obvious din na wala pa ring effect dito ang heartfelt confession niya.

“That was my 69th confession and you still have no reaction,” naka-pout na reklamo niya, pagkatapos ay umayos na siya ng upo. Sanay na siya kaya hindi na niya dinidibdib ang kawalan ng reaction ni Koji sa mga confession niya. “Anyway, I missed your birthday because we spent our summer vacation in Japan.” Pinatong niya sa mesa ang dala niyang paperbag, saka niya `yon inusad palapit sa binata. “But I didn’t forget to get you a gift.” Pinaningkitan niya ito ng mga mata bago pa ito makapag-react. “Nag-promise ka na tatanggapin mo ang gift ko sa’yo kapag birthday mo, saka kapag Christmas at Valentine’s Day. Kaya hindi mo puwedeng tanggihan `yan, okay?”

Binaba nito ang cup sa mesa, pagkatapos ay wala pa ring facial expression na kinuha ang paperbag. Tiningnan siya nito na parang humihingi ng permission sa kanya. Nang tumango siya, binuksan nito ag paperbag at kinuha ang nasa loob niyon.

Napangiti siya nang makita niya ang biglang pag-aliwalas ng mukha ng binata kahit hindi ito ngumiti. Pero dahil kilalang-kilala na niya ito, alam niyang masaya ito habang hawak ang bagong volume ng Bleach manga na birthday gift niya para rito.

He was an otaku after all.

“It’s written in Nihonggo,” sabi ni Blossom. “Marunong ka pa namang magbasa niyan, `di ba?”

“Oo,” simpleng sagot nito, saka ito nag-angat ng tingin sa kanya. His face obviously lit up from excitement. “Thank you, Blossom.”

“I love you, too.”

Again, walang reaksyon si Koji. Tahimik at maingat lang nitong binalik sa paperbag ang Bleach manga. Pagkatapos ay may dinukot ito mula sa bulsa nito. “Here.”

Nakangiting nilahad naman ni Blossom ang mga kamay. He then dropped a guitar pick on her palms. “Oh,” excited na sabi niya, saka niya kinuha ang guitar pick at inangat `yon sa mukha niya para matitigan niyang mabuti. Puti ang kulay niyon at may disenyo ng bulaklak na Yellow Bell. Natuwa siya kasi alam niyang ito mismo ang nag-paint niyon. Inasahan na niya `yon dahil sa tuwing binibigyan niya ito ng regalo, binibigyan naman siya nito ng personalized guitar pick. “This is so cute. Thank you, Koji!”

Kinuha lang uli nito ang frappuccino, saka ito tahimik na sumipsip sa straw.

Pinatong naman ni Blossom ang mga siko sa mesa para mangalumbaba. Mas komportable kasing titigan si Koji sa gano’ng posisyon. Kapag ganitong natititigan niya ang lalaki, lalo niyang nararamdaman kung ga’no niya ito kagusto. Her heart always beat erratically when he was near. “Koji, I’m serious with what I feel for you. Wala akong pakialam kahit ‘Dethroned Prince’ ang tawag nila sa’yo. I believe in you and I know you’ll overcome this trial with success.”

Natigilan sa pagsipsip sa straw ang binata, pagkatapos ay bumaba ang tingin nito sa mesa.

Alam niyang naiintindihan nito ang sinasabi niya. ‘Dethroned Prince’ ang tawag kay Koji dahil dating mayaman ang pamilya nito. Japanese ang daddy nitong si Engr. Kenshin Takishima na nagmamay-ari ng isang malaking construction firm sa Japan. Pero na-bankrupt ang kompanya at nagpakamatay si Kenshin Takishima nang tuluyan nang nagsara ang firm. Wala ring naiwang mana kina Koji at sa mommy nito dahil baon sa utang ang Hapon at naibenta na rin ang mga property bago ito nagpakamatay. Ang naiwan nitong pera, pinambayad lang sa utang sa bangko.

Dating singer sa Japan ang mommy ni Koji bago nagpakasal sa daddy ng binata. Pero dahil hindi nakapagtapos ng college, nahirapang maghanap ng trabaho ang ginang simula nang namatay ang asawa. Pero sa ngayon, okay na ang sitwasyon ng mag-ina. Kumakanta ang mommy nito sa mga bar at sa ibang mga okasyon gaya ng kasal o birthday party. Regular back-up singer din si Mrs. Katya Takishima sa isang Sunday variety show sa TV network na pag-aari naman ng mommy niya.

Oo, siya ang nakiusap sa mommy niya na bigyan ng trabaho si Mrs. Takishima. Nagalit si Koji no’ng nalaman nito na ang ginawa niya. Pero napatawad naman siya ng binata no’ng nag-sorry siya. `Yon nga lang, pinag-promise siya nito na hindi na uli siya mangingialam sa family problem nito. Kaya kahit gusto niya itong pahiramin ng pera para matubos ang titulo ng bahay nito, hindi niya magawa.

“One day, you’ll build your own empire,” nakangiting pagpapatuloy ni Blossom dahil alam niya ang tungkol sa pangarap ni Koji na maging engineer gaya ng daddy nito at magtayo ng sariling construction firm. “I’ll be here for you until you become a king, Koji.”

Hindi sumagot si Koji.

But when he put down his cup, she saw him smile and that was enough ‘reaction’ for her.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.