Royal Secret/Royal Engagement Duology Chapter 22

“I’M SO SORRY, Princess Cassiopeia,” bulong ni Roarke habang marahang hinahaplos ang pisngi ng natutulog na kakambal. Nakahiga ito hospital bed habang siya naman, nakaupo sa wooden stool sa gilid ng kama. Nasa sweet suite sila ng isa sa pinakamalalaking ospital sa Pilipinas. “Because we’re hiding your identity as a princess, your safety has been jeopardized. Kung exposed sa lahat kung sino ka talaga, eh di sana nabigyan ka rin ng full protection gaya ng protection na meron ako ngayon.”

Lowkey lang ang pagbabantay kay Cassiopeia kaya si Xia lang ang Knight na nagbabantay dito. Binabantayan din naman ng mga Knight niya ang prinsesa pero sa oras ng emergency gaya ng paglindol na nangyari, siya ang priority ng security team niya at hindi ang kakambal niya.

Naalala tuloy niya na gano’n din ang nangyari no’ng mga bata pa sila. Ten years old sila no’ng nagkaro’n ng magnitude 7.2 earthquake sa Elestia. Nakulong sila ni Cassiopeia sa kuwarto nila dahil sa pagguho ng dingding. Nasa lumang wing kasi sila ng palasyo noon. Siya ang unang nilabas ng mga rescuer nang biglang magkaro’n ng aftershock at may bumagsak na mga debris. Naiwan ang kakambal niya ng ilang minuto dahilan kaya nagkaro’n ito ng trauma sa lindol.

Ayon sa doktor na tumingin kay Cassiopeia kanina, na-shock ang kakambal niya kaya bigla itong nawalan ng malay.

“From now on, I’ll make sure to keep you safe,” pangako ni Roarke kay Cassiopeia, saka siya dumukwang para bigyan ito ng magaang na halik sa noo bago siya tumayo. “Lalabas lang muna ko, Princess Cassioepia. Pero babalik din agad ako.” Tumingin siya pinto ng private room, saka niya in-on ang bluetooth earpiece sa tainga niya. “Xia, come in.”

Ilang segundo lang, bumukas ang pinto at pumasok si Xia na may benda sa ulo. Yumukod sa harap niya ang Knight. Napansin niyang hindi ito makatingin ng deretso sa kanya na para bang hiyang-hiya ito at naiintindihan naman niya kung bakit.

“Hindi mo kasalanan kung naaksidente ka kanina kaya hindi mo naprotektahan ang prinsesa,” magaang na sabi niya sa Knight dahil nabasa naman na niya ang report kung bakit wala ito sa tabi ni Cassiopeia nang nangyari ang paglindol. “Inutusan ka ni Princess Cassiopeia na bumili ng snacks sa labas ng academy habang hinihintay niya si Koji sa music room. No’ng lumindol, natumba `yong matandang babae na nagtitinda ng milkshake na binibili mo para sa prinsesa kaya pumasok ka sa loob at tinulungan siya. Pero bumagsak `yong store shelf at nabagsakan ka. Tama ba ang pagkakaalala ko sa report mo kung bakit hindi mo kasama ang prinsesa nang lumindol kanina?”

Mas lalong yumuko ang ulo ng babae. “Yes, Your Highness. I’m terribly sorry for what happened. Maiintindihan ko kung tatanggalin niyo ako bilang Knight ni Princess Cassiopeia.”

“`Yon ba ang gusto mong mangyari?”

Umiling ang Knight. “Hindi, Mahal na Prinsipe. Alam kong malaki ang naging pagkakamali ko ngayon at nagdala ako ng kahihiyan sa Knighthood dahil hindi ko naprotektahan ang prinsesa. Pero gusto kong bumawi hindi lang para sa dangal ko bilang Knight. I want to continue protecting Princess Cassiopeia because she’s family to me. I know I’m being presumptuous but I see the princess as my little sister that I want to always keep safe.”

Sapat na kay Roarke ang narinig niyang sincerity ng Knight para muling ipagkatiwala rito ang buhay at safety ni Cassiopeia. “My sister definitely feels the same, I can tell. Pinagkakatiwala ko sa’yo ang proteksyon ni Princess Cassiopeia, Xia. Sana lang, hindi na maulit ang nangyari kanina.”

Pinatong ni Xia ang kamay sa dibdib nito at muling yumukod sa kanya. “Salamat sa tiwala, Prince Roarke. Hindi na mauulit ang nangyari kanina.”

Tumango lang siya bilang sagot. “Bantayan mo muna ang prinsesa at tawagan mo ko kapag nagising na siya. May kakausapin lang muna ako. I’ll be back soon.”

“Yes, Your Highness.”

Lumabas na siya ng kuwarto. May dalawang Knight na nagbabantay sa labas bukod kay Creed na mabilis sumunod sa kanya nang naglakad siya sa pasilyo. “How’s Cassy?” tanong niya habang nakapamulsa. “Okay na ba siya?”

“The young lady is safe, Prince Roarke,” halatang hindi masayang sagot ni Creed kaya kahit nasa likuran niya ito, sigurado siyang nakasimangot ito. Nang nagpatuloy ito, French na ang gamit nitong language. “Gaya ng utos niyo, siniguro kong magpapa-CT scan siya at lahat ng test na kailangang gawin para masigurong wala siyang internal injury. Dumating na rin ang homeroom adviser niya kaya iniwan ko na sila sa private room na binilin mong pagdalhan ko sa kanya. Ayon sa teacher niya, ihahatid daw nito si Miss Cassy Hart sa bahay para ipaliwanag sa parents niya ang nangyari.”

“Bakit masama ang loob mo?” nakataas ang kilay na tanong niya sa Knight sa French language. Nang bahagya niya itong lingunin, natawa siya nang makitang mahaba ang nguso nito na parang batang nagmamaktol. “Nagagalit ka ba dahil pinagbantay kita kay Cassy na hindi naman royalty?”

“Hindi sa gano’n, Mahal na Prinsipe,” magalang na tanggi naman nito. “Trabaho ko ang protektahan ka at hindi ang ibang tao– royalty man o hindi. Kung may nangyaring masama sa’yo habang wala ako sa tabi mo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ito ang sinumpaan kong tungkulin bilang Knight kaya hindi ako makapaniwalang pinabantayan mo sa’kin ang isang… schoolmate. Pasensiya na sa sasabihin ko pero sa academy na `yon, bukod kay Princess Cassiopeia, ang buhay mo lang ang pinakamahalaga sa’kin, Kamahalan.”

Naiintindihan naman ni Roarke ang sentiment ni Creed. Huminto siya sa paglalakad sa gitna ng hallway at humarap sa Knight niya na halatang biglang napahinto sa paglalakad at dumeretso ng tayo. Wala namang tao sa paligid nila dahil puro private room ang nasa floor na `yon. Kung may mapapadaan mang nurse o doktor o pasiyente, maliit ang chance na maiintindihan sila ng mga ito dahil French ang gamit nila sa pag-uusap. “Creed, ang pagprotekta mo kay Cassy Hart ay parang pagprotekta na rin sa’kin.”

Kumunot ang noo ni Creed, halatang naguguluhan sa mga sinabi niya. “Hindi ko maintindihan, Mahal na Prinsipe.”

“Si Cassy Hart ang prinsesa ko,” deretso at seryosong deklara niya na nagpalaki sa mga mata ng Knight niya. “Naiintindihan mo naman siguro kung ano ang gusto kong sabihin, `di ba?”

Pinatong ng Knight ang kamay sa dibdib nito at yumukod sa kanya nang mas mababa kesa sa normal. Ibig sabihin, doble ang pagseseryoso nito sa sinasabi niya dahil mabigat naman talaga ang kahulugan ng deklarasyon niya. “Naiintindihan ko, Mahal na Prinsipe. Simula sa mga oras na `to, ituturing ko na si Miss Cassy Hart bilang ang prinsesa ni Prince Roarke. Sisiguraduhin kong ipapaalam ko rin ito sa lahat ng Knights na nasa ilalim ng pamumuno ko sa bansang ito.”

“That’s good to hear,” nakangiting sagot niya, saka niya tinalikuran ang Knight niya at pinagpatuloy na ang paglalakad. Mabilis naman itong sumunod sa kanya. “Nasa’n si Koji Takishima?”

“Nasa private room sa dulo ng hallway, Mahal na Prinsipe,” sagot nito sa French.

Huminto siya sa harap ng kuwarto na sinasabi ng Knight niya at hinayaan itong buksan ang pinto para sa kanya kahit may mga kamay naman siya. Gusto kasi ni Creed na pinagsisilbihan siya kahit sa ganitong kaliit na bagay lang kaya hinahayaan na niya.

Pagpasok niya sa private room, nakita agad niya si Koji na nakatayo lang habang nakatingin sa labas ng salaming bintana. Nakatalikod ito sa kanya no’ng una pero nang naramdaman ang presensiya niya, humarap ito sa kanya. Gaya ng madalas, blangko ang mukha nito.

“Just wait for me outside, Creed,” utos ni Roarke sa Knight niya na magalang lang na yumukod at tahimik nang lumabas ng kuwarto. Naglakad naman siya papunta sa kama at umupo ro’n. Sumandal pa siya sa headboard habang naka-stretch ang mga binti sa harap niya, saka siya humalukipkip at tumingin kay Koji. “Sorry, my legs need to rest really badly. Please excuse my rudeness.”

“That’s fine,” sagot ni Koji sa walang emosyon na boses. Naglakad naman ito palapit at hinila ang silya sa gilid ng kama at umupo ito ro’n, paharap sa kanya. He crossed his legs and put his hands on top of his knees. “How’s Blossom…” Saglit itong natigilan. “I mean Princess Cassiopeia.”

“Don’t worry– the princess is okay,” sagot niya sa seryosong boses. “Na-shock siya sa nangyaring paglindol dahil sa trauma niya pero ang sabi naman ng doktor, kalmado na si Princess Cassiopeia. Nagising na rin ang kapatid ko kanina at mukha namang okay na nga siya pero nakatulog uli siya dahil sa pagod. As of now, kasama niya ang Knight niyang si Xia.”

“Knight,” pabulong na pag-uulit ni Koji. “Matagal ko nang nararamdaman na weird na may ‘personal assistant’ si Blossom sa academy pero inisip ko na lang na kagaya lang `yon ng ibang estudyante na may bodyguard sa loob ng school.” Bahagyang kumunot ang noo nito. “Sino-sino ang may alam na siya si Princess Cassiopeia?”

“The Serranillas, of course,” sagot niya habang iniisip kung sino-sino pa nga ba ang nakakaalam sa totoong identity ng kakambal niya. “The princess’ staff, my whole security team… and you.”

“Walang may alam na school official about her real identity?”

Umiling siya. “Simula nang dumating ang prinsesa dito sa Pilipinas, pinakilala na siya as Chase’s adoptive sister. May dahilan kung bakit hindi puwedeng ipaalam sa lahat ang tungkol sa identity niya. But that’s a royal secret I can’t tell you.”

Tumango lang ito pero binigyan siya nito ng nagtatakang tingin. “Bakit in-expose mo sa’kin ang identity ni Blossom? Nag-panic ka lang ba kaya bigla mong nasabing kapatid mo siya?”

Muli, umiling siya. “Sinadya kong ipaalam sa’yo na kakambal ko si Princess Cassiopeia. Gusto kong malaman mo na isa siyang prinsesa para doblehin mo ang pagprotekta sa kanya.”

Mas lalong kumunot ang noo ng lalaki. “Kung magsalita ka, parang may masamang mangyayari kay Blossom kaya gusto mong doblehin ko ang pagprotekta sa kanya. Is she in danger?”

Is my sister in danger?

`Yon din ang tanong ni Roarke sa sarili. Naalala niya ang pinag-usapan nila ng mommy niya no’ng nakaraan tungkol sa ‘fiance’ ni Cassiopeia na isa ring prinsipe mula sa Elestia. Bakit sa lahat ng lalaki, ang worst enemy pa niya ang napili ng kanilang ama para sa kakambal niya? “Koji Takishima.”

“Yes, Prince Roarke?”

“Hindi mo ba talaga kayang panindigan ang feelings mo para sa twin sister ko?”

Natahimik si Koji at bumaba ang tingin sa mga kamay nito. Nang nagsalita ito, puno ng pag-aalinlangan ang boses. “I’m scared, Roarke. Lalo na ngayong nalaman kong isa pala siyang prinsesa. Mas lalo akong hindi bumagay sa kanya.”

“Alam mong walang pakialam si Princess Cassioepia sa social status mo.”

“Hindi lang naman `yon ang pinag-aalala ko,” matapat na sabi nito, saka ito nag-angat ng tingin sa kanya. Kitang-kita ang takot at pagkalito sa mga mata nito. “She doesn’t deserve a coward like me.”

Nakipagtitigan si Roarke kay Koji. Sa totoo lang, naiinis na siya sa pagiging duwag at walang paninindigan ng lalaking `to. Pero alam niyang wala siyang karapatang husgahan ito dahil hindi naman niya naiintindihan ang sitwasyon nito. Ni minsan sa buhay niya, hindi siya naghirap o na-insecure sa social status niya. Oo, na-bully din naman siya no’ng bata siya dahil sa pagiging ‘half-breed’ niya pero hindi niyon maaalis ang katotohanang isa pa rin siyang prinsipe na kinikilala ng royal family.

Siguro nga, mahirap para kay Koji ang panindigan ang feelings nito para sa isang babae na bukod sa mataas ang posisyon sa lipunan ay ipinanganak pang prinsesa.

Hindi rin niya maikumpara ang sitwasyon ni Koji sa naging sitwasyon noon ng mga magulang niya dahil ang mommy niyang si Margarette Serranilla, pinanganak na anak-mayaman at kahit hindi ito nagpakasal kay Prince Reynold ay mananatiling mataas ang posisyon nito sa high society. Samantalang si Koji, kahit dito sa Pilipinas ay hindi maituturing na may mataas na social ranking.

Alam niyang mali na i-classify si Koji sa gano’ng paraan dahil galit nga siya sa caste system ng Polaris Academy. Pero ang social ranking sa labas ng school, hindi lang basta sistema na madaling sirain. Isa `yong katotohanan at permanente nang ‘batas’ ng society.

“Prince Roarke…”

“Excuse me,” sabi ni Roarke kay Koji nang marinig niya ang boses ni Creed sa bluetooth earpiece sa tainga niya. Tumango lang ang lalaki at nag-iwas ng tingin para bigyan siya ng privacy. Tumayo naman siya at lumapit sa bintana. Makikita pala ro’n ang malawak na space sa harap ng ospital kung saan may mga pasiyente na mukhang namamasyal sa parang mini-park do’n. “Creed, what’s up?” Nang muli siyang nagsalita, French na ang ginamit niya. “Gising na ba ang kakambal ko?”

“Hindi pa, Kamahalan,” sagot ni Creed gamit din ang French, may pag-aalinlangan sa boses. “Nandito si Miss Margarette Serranilla ngayon at gusto ka raw niyang makausap.”

Kumunot ang noo ni Roarke sa pagtataka. Nasa ospital ang mommy niya pero siya ang gusto nitong makausap himbis na kumustahin si Cassiopeia. “Okay, tell Mom I’m coming to her.”

NANG IMULAT ni Blossom ang mga mata, ang nag-aalalang mukha ni Roarke ang sumalubong sa kanya. Sa kabila ng antok at pagod na nararamdaman niya, na-touch pa rin siya sa katotohanang nandito ang kakambal niya sa tabi niya. Kung ito ang una niyang nakita sa paggising niya, siguradong hindi ito umalis sa tabi niya. “Kuya…”

Biglang ngumiti si Roarke na bihira lang mangyari. “That’s the second time you called me ‘kuya.’ Malapit na kong masanay.”

Ngumiti lang siya, pero mabilis din `yong nawala nang maalala niya ang huling nangyari. Nagising naman siya kanina pero pinapakalma pa niya ang sarili no’n kaya hindi niya masyadong naisip ang ibang tao. Pero ngayong kalmado na siya, naalala na niyang may pamilya at mga kaibigan siya na posibleng nasaktan sa nangyaring paglindol. “Prince Roarke, is everyone safe?” Alam niya na sa sinabi niyang ‘everyone’ ay alam ng prinsipe na ang tinutukoy niya ay ang mga taong malapit sa kanya. “How about Koji? Okay lang ba siya?”

Sumimangot ang prinsipe. “Special mention talaga `yong lalaking nag-reject sa’yo?”

Natawa siya ng mahina. Hindi na sing sakit noon ang nararamdaman niya ngayong tinanggap na niya ang desisyon ni Koji. Pero hindi ibig sabihin ay mawawala agad ang feelings niya para rito. “I still care for him, Prince Roarke. Naiintindihan ko na ngayon ang reason niya kaya hindi na masama ang loob ko sa pag-reject niya sa’kin. But that doesn’t mean I’ll stop liking him.”

Bumuga lang ng hangin ang prinsipe, pagkatapos ay marahan nitong hinaplos ang noo niya. “Koji Takishima is safe, just like everyone you care about.” Saglit itong natigilan. “Well, some of them got minor injuries. Nagkaro’n ng mild head injury sina Xia at Cassy pero okay na sila ngayon. Nagkaro’n naman ng fracture sa binti si Chase pero hindi naman masama ang kondisyon niya kaya `wag kang mag-alala. Nandito rin sila sa ospital na `to and I made sure they got the best assistance here.”

Tumango-tango siya. Siyempre, nag-aalala siya sa mga kaibigan niya pero in-assure naman siya ng kapatid niya na okay na ang mga ito. “Ang lakas ng lindol kanina.”

“Oo, kaya nga nag-alala ako sa’yo. How are you feeling now?”

“Better than before,” matapat na sagot niya. Kumunot ang noo niya nang may maalala siya. “Prince Roarke, my lenses fell off after I stumbled on the floor when the ground started to shake hard. Baka nakita ni Koji ang totoong color ng mga mata ko.”

“Hindi naman niya na-mention `yon. Baka hindi rin niya napansin dahil sa paglindol kaya `wag mo nang isipin `yon. Saka kahit naman nakita niya ang mga mata mo, it doesn’t mean na ma-i-connect na niya tayo bilang magkapatid.”

Tama naman ang prinsipe kaya hindi na niya `yon inisip. “Okay ka lang, Prince Roarke?”

“Oo naman. Mukha ba kong hindi okay?”

“Nasaktan kasi si Cassy. I’m sure nag-worry ka.”

“Nag-alala ako kay Cassy pero mas nag-alala ako sa’yo kasi hindi kita kasama no’ng time na lumindol.” Dumaan ang guilt sa mga mata ng prinsipe. “I’m sorry I wasn’t there to protect you, Princess Cassiopeia. Feeling ko, naulit na naman `yong nangyari no’ng mga bata pa tayo.”

Natahimik siya dahil naaalala pa rin niya `yon.

`Yong time na mas inunang ilabas ng kuwarto si Roarke nang nagkaro’n ng aftershock. Nagbagsakan ang mga debri pero hindi naman siya tinamaan. `Yon nga lang, mas lalo siyang nakulong sa kuwarto kaya inabot pa ng ilang minuto bago siya nailabas mula sa pagkaka-trap.

Ang mas masakit pa, narinig niyang utos ng daddy nila na unang ilabas ang kakambal niya.

“Your safety has always been more important than mine and that’s not your fault, Prince Roarke,” sabi ni Blossom sa attempt na i-console ang kakambal niya pero lalo yatang nanlumo ang mukha nito. Hindi tuloy niya napigilang haplusin ang pisngi nito para i-comfort ito. Hindi pinapayagan ang gano’ng klase ng pagpapakita ng affection sa mga miyembro ng royal family ng Elestia dahil sign of weakness daw `yon. Pero nasa Pilipinas naman sila at may dugong Filipino sila. “Matagal ko nang natanggap `yon kaya `wag ka nang ma-guilty.”

Bumuntong-hininga ang prinsipe at pinatong ang kamay nito sa kamay niyang nasa pisngi nito. “To me, your safety is more important than mine. Always, Princess Cassiopeia.”

“And that’s enough for me, Prince Roarke,” nakangiti at sincere na sabi niya. Masyado na silang nagiging cheesy kaya pinisil niya ang pisngi ng kakambal niya na ikinareklamo nito. Binitawan na niya ito bago pa sila pasukin ng mga Knight nito dahil sa lakas ng ‘ouch’ nito. “Anyway, nagkaro’n ba ng major damage ang Polaris? Ang lakas kasi ng earthquake, eh.”

“Thankfully, wala namang major damage ang school. Oh, they’re giving us a week long vacation. Aayusin lang `yong mga facilities na nagkaro’n ng minor damages.” Saglit itong tumigil. “And yeah, nag-demand ang parents na bigyan tayo ng break kasi may iba pa tayong schoolmates na nagkaro’n ng minor injuries. Just so you know, Mom is one of those parents who petitioned for the Polarians to have a short break.”

Ipinaikot niya ang mga mata. “I knew it.”

Bumuga ng hangin ang prinsipe habang iiling-iling. “We’ll pay for this short break later. Sigurado akong mababawasan ang sembreak natin para pagbayaran ang maikling bakasyon na `to ngayon.’

Napabungisngis siya nang may ma-realize. “Prince Roarke, ang lalim mong magsalita.”

Natawa ito ng mahina. “Alam ko, Princess Cassiopeia. Alam ko.”

Napatitig siya sa kakambal niya. Hindi na niya matandaan kung kailan sila huling nagtawanan at nag-usap ng ganito. Noon kasi, lagi silang nag-aaway. Pero ngayon, mukhang bumabalik na `yong dati nilang closeness. Nagsimula lang naman silang magkaro’n ng gap no’ng na-realize niyang mas importante sa mga magulang niya ang prinsipe.

But now, she knew it wasn’t his fault if their parents cared more about his safety than hers so she shouldn’t get mad at him.

Hindi pa niya naiintindihan ang mga magulang niya pero umaasa siyang may dahilan kung bakit parang mas mahalaga sa mga ito ang kakambal niya kesa sa kanya. O kung magiging honest siya, sasabihin niyang umaasa siyang mali lang siya ng akala.

“Kuya.”

Halata ang pagliwanag ng mukha ng prinsipe dahil sa tinawag niya rito. “Hmm?”

“I feel loved.”

“You are loved, Cassiopeia.”

Naging emosyonal naman siya dahil bukod sa nakaka-touch na sinabi ng kakambal niya, tinawag din siya nito sa pangalan niya nang walang honorific o titulo. Sa Elestia, nangangahulugan `yon na malapit talaga sila sa isa’t isa at katumbas na `yon ng pagtawag ng ‘kuya’ o ‘ate’ sa mga Filipino dahil sa pagiging casual pero intimate niyon.

Bago pa siya makapagsalita ay narinig na nila ang pagkatok sa pinto, kasunod ang pagbukas niyon. Sabay silang napatingin ng kapatid niya sa mommy nila na kapapasok lang ng kuwarto.

At may dala itong dalawang malaking plastic bag mula sa paborito niyang fast food chain. Bigla tuloy siyang nagutom.

“That’s my favorite,” masayang komento niya habang pumapalakpak.

“I know, sweetheart,” natatawang sabi naman ng mommy nila. Ipinatong nito ang mga dala sa night table sa tabi ng kama, pagkatapos ay hinaplos nito ang noo niya. Halata sa mukha ng kanyang ina ang pag-aalala. “How are you, my princess?”

Ngumiti si Blossom at hinawakan ang kamay ng mommy niya. “Better now that you’re here, Mom.” Nilingon niya si Roarke at kinuha ang kamay nito na halatang ikinagulat nito pero ngumiti naman agad nang nakabawi. Ngumiti rin siya dito. “You too, Kuya. Thank you for staying with me.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.