Royal Secret/Royal Engagement Duology Chapter 26

KUNG hindi lang nag-aalala si Roarke kay Cassiopeia, hindi siya magpapakita sa “dinner date” na `yon ng mommy nila sa isang five-star hotel. Okay lang sana kung silang tatlo lang. Ang problema, alam niyang may ipapakilala sa kanya ang kanyang ina. `Yon ang ayaw niya sa lahat. “Should I ditch–”

“No,” mariing sagot ni Creed na parang poste sa tabi niya sa elevator na `yon na solo nila ng mga sandaling `yon. Nang muli itong magsalita, French na ang gamit nito. “Pasensiya ka na, Mahal na Prinsipe. Pero mahigpit na bilin ni Lady Serranilla na hindi kita puwedeng patakasin kahit anong mangyari. Mahalaga raw ang gabing ito para sa pamilya niyo.”

Bumuga siya ng hangin at sumandal sa dingding, saka siya namulsa. “My mom is playing Cupid tonight, isn’t she?”

“Mukhang gano’n na nga, Mahal na Prinsipe,” pagsang-ayon ng Knight. “Hindi mo pa ba nasasabi ang tungkol kay Lady Hart?”

“I should tell my mom, right?” Muli, bumuga siya ng hangin. French na rin ang ginamit niya sa sunod niyang mga sinabi. “Hindi naman sa hindi ko kayang ipakilala si Cassy kay Mommy. Ang problema, hindi pa niya tinatanggap ang affections ko kaya baka mag-freak out siya kapag nalaman niyang sinabi ko na sa mommy ko na gusto ko siyang maging girlfriend.” Umungol siya sa reklamo nang maalala niyang hanggang ngayon ay tinatakbuhan pa rin siya ni Cassy sa tuwing ipaparamdam o sasabihin niya rito ang feelings niya, saka siya tumingin sa Knight niya na binibigyan naman siya ng tinging puno ng simpatya. “Creed, i-research mo kung pa’no ligawan ang mga Filipina. Mukhang hindi sila madaling mapa-oo sa isang date, eh. `Tapos, ituro mo sa’kin kung pa’no ko liligawan si Cassy.”

“Nag-confess ka na ba kay Lady Hart, Mahal na Prinsipe?”

“Pa’no ko mag-ko-confess kung hindi pa ko sigurado kung pareho kami ng feelings? Baka mag-no agad siya sa’kin.” Inumpog niya ang ulo sa dingding. “Hindi ko kakayanin `yon.”

“Love is not supposed to be convenient to one person alone, Your Highness,” sabi ni Creed sa boses na para bang sinesermunan siya. Nang tingnan niya ito, tumikhim ito at nag-French na uli. “May dahilan kung bakit tinatawag na ‘gamble’ ang pag-ibig, Mahal na Prinsipe. I-pu-pursue mo lang ba ang taong mahal mo dahil lang sigurado kang mahal ka rin niya? Pa’no kung hindi dumating `yong validation na hinihintay mo? Eh di sinayang mo lang ang maraming pagkakataon na makapag-confess at makasama siya sa paraang gusto mo.”

Binigyan niya ng hindi makapaniwalang tingin ang Knight niya. Ngayon niya lang ito nagbigay ng love advice sa kanya. Well, ngayon lang din naman siya naging seryoso sa isang babae. Needless to say, mahalaga sa kanya ang narinig niyang payo. “Merci, Creed.”

Ngumti lang si Creed at magalang na yumukod sa kanya bilang sagot.

Sakto ang pagtigil nang usapan nila dahil dumating na sila sa floor kung nasaan ang restaurant na sinabi sa kanya ng mommy niya. May reservation daw sila sa private area sa pangalan ng kanyang ina. May nag-assist sa kanila na staff sa secluded part ng restaurant. Naiwan sa labas si Creed para magbantay. Well, hindi naman literal na nasa labas ito. May mesang naka-reserve para rito na malapit sa area kung nasaan sila para kung may emergency man ay mapuntahan agad sila ng Knight.

Napaaga ang dating niya dahil wala pa ang mommy at kakambal niya. Nakakapagtaka na ma-late ang mga ito samantalang kapag lumalabas sila, parating maaga ang dalawa dahil food enthusiast ang kanyang ina at kapatid. Masama talaga ang kutob niya sa gabing `yon.

Should I just leave?

Paalis na talaga siya nang bigla namang may matangkad at payat na babaeng nakasuot ng little black dress ang pumasok sa private area. Kung hindi dahil sa pula at wavy nitong buhok, baka hindi niya ito napansin. Her vibrant red hair and pale skin stood out at the dim part of the restaurant.

Nagtama ang mga mata nila ng dalaga. Singkit na ito kaya nang ngumiti at kumaway ito sa kanya, parang nawala na ang mga mata nito.

Do we know each other?

Nanigas si Roarke sa kinatatayuan nang lumapit sa kanya ang babae. Pero bago pa ito tuluyang makalapit, napansin niyang para itong nawalan ng lakas kaya biglang natumba. O nadulas ba ito? Naging reflex niya ang pagsalo rito kaya bago pa niya namalayan, nakapalupot na ang braso niya sa baywang nito habang nakaliyad naman ito at nakatingin sa kanya, nanlalaki ang singkit na mga mata.

“Waaah,” amazed na sabi ng babae na para bang kumikislap pa ang mga mata habang titig na titig sa kanya. “You’re very princely just like what I’ve heard about you, Your Highness.” Sa pagkagulat niya, bigla nitong hinaplos ang pisngi niya sa intimate na paraan na para bang matagal na silang magkakilala. “Will you marry me, Prince Roarke St. Clair?”

Crazy girl!

Kung hindi lang siya lalabas na bastos, binitawan na niya sana ang babaeng `to. Pero magkahiwalay man ang mga magulang niya, pinalaki pa rin siya ng maayos ng mga ito. Kaya sa kabila ng pagkabigla niya dahil sa ‘marriage proposal’ ng dalaga ay tinulungan muna niya itong tumayo ng deretso at binitawan niya lang ito nang masiguro niyang nabawi na nito ang balanse nito.

Namulsa siya at naglakad na palayo pero natigilan siya nang humarang sa daan niya ang Chinita. Nakapatong ang mga kamay nito sa dibdib na para bang nag-aalala itong lalabas ang puso nito sa ribcage nito. Kung tingnan siya nito, para bang steak siya na gusto nitang kainin.

“I’m Nikita Lao, Your Highness,” nakangiting deklara ng dalaga, halatang walang pakialam kahit binibigyan niya ito ng kakaibang tingin. “Princess Cassiopeia’s best friend.”

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. “You know the royal secret about my sister?”

“Of course,” confident na sagot ni Nikita. “I’m the bride your mom chose for you, Prince Roarke.”

Mom… I knew you’d do this!

“I’m sorry but I don’t know what you’re talking about, Miss Lao,” malamig na sabi ni Roarke. “Please excuse me.”

Akmang aalis na siya at halatang susundan pa rin siya ng dalaga pero pareho silang natigilan nang dumating na ang mommy niya kasama si Cassiopeia. Halatang nagulat ang dalawa nang makita silang magkasama na ni Nikita na para bang hindi planado ang lahat ng `yon.

You’re getting better at acting, Mommy.

Binigyan ni Roarke ng nag-aakusang tingin si Cassiopeia na nag-iwas lang ng tingin. Traitor.

“I’m glad you two have met already,” nakangiting sabi naman ng mommy niya, pagkatapos ay nagpalipat-lipat ito ng tingin kina Roarke at Nikita. “Now let’s plan your wedding, children.”

“HINDI na okay sina Blossom at Koji?” malungkot na tanong ni Cassy kay Yuki na kasabay niyang maglakad sa kahabaan ng Polaris Boulevard. Absent sina Blossom at Roarke samantalang gusto naman daw mapag-isa ni Koji kaya silang dalawa lang ang magkasama ngayon. Dahil parehong nag-crave sa pancit canton, nagdesisyon silang lumabas ng academy para kumain sa labas. “As in seryoso na ang breakup nila ngayon? I mean, hindi naging sila officially pero counted as breakup pa rin `yong nangyari sa kanila, `di ba?”

Bumuga ng hangin si Yuki at malungkot na tumango. “Seryoso si Koji sa pag-dump kay Blossom ngayon. Nagpapaka-busy din siya sa review center as preparation daw sa college entrance exam ng dream university niya. After class, deretso na siya sa center at medyo late na siya nakakauwi. Sobrang down din niya lately. Kung noon nga eh bihira na siyang magsalita, mas lalo na ngayon.” Umiling-iling ito na parang may naalalang panibagong problema. “Worse, parang may cold war pa sila ni Prince Roarke. Hindi sila nag-uusap o nagtitinginan man lang. Kung may sasabihin man sila sa isa’t isa, ako pa ang gagawin nilang messenger kahit magkakasama naman kami sa iisang kuwarto.”

Napangiwi siya. Hindi naman na siya nagulat na binibigyan ni Roarke ng cold treatment si Koji ngayon. Sinaktan ng kaibigan niya ang twin sister ng prinsipe. Natural lang siguro na masira ang harmonious na friendship noon ng dalawang lalaki. “Hindi ko naman kasi maintindihan `yang si Koji,” frustrated na sabi niya. “Alam naman nating lahat na gusto niya rin si Blossom. Hindi ko gets kung bakit nag-ho-hold back pa siya. Wala namang pakialam si Blossom sa social ranking na `yan, eh.”

“I know, right?” tumatango-tangong pagsang-ayon naman ng binata. “Ang mas nakakainis pa kay Koji, halata namang ang laki ng regret niya sa ginawa niyang pag-dump kay Blossom pero wala pa rin siyang ginagawang move para ayusin ang problema nila. Kahit anong sabihin ko sa kanya, hindi naman siya nakikinig sa’kin. Actually, para nga siyang zombie na wala sa sarili.”

“Mukhang kailangan na nila ang tulong natin,” nakangising sabi niya, sabay bunggo sa balikat ng kaibigan. “Ano, Yuki? Let’s play Cupid. Tulungan nating magkabalikan sina Koji at Blossom.”

Binigyan siya nito ng nanunuksong tingin. “Ohh. Naka-move on ka na kay Koji?”

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Pero dahil para sa kanya ay matagal nang panahon ang lumipas simula nang nagka-crush siya kay Koji ay tinawanan na lang niya ang pagkapahiya niya. “Ah. Alam mo pala.”

“Medyo obvious ka `no. Kahit si Blossom, for sure napansin na crush mo si Koji noon.” Ito naman ang bumunggo sa balikat niya. “Pero don’t worry kasi alam din namang admiration lang `yon. Hindi naman kayo magiging friends ni Blossom kung alam niyang seryoso ang feelings mo for Koji.”

“Past is past,” deklara niya at totoo `yon. Wala na siyang nararamdamang lungkot kapag naaalala niya ang feelings niya para kay Koji noon. Petty crush lang talaga `yon. “Kalimutan na natin `yon.”

“Ayiiie. Si Prince Roarke na ang bago mong irog `no?”

Natigilan siya sa paglalakad at binigyan ng nag-aalalang tingin si Yuki. Alam nilang lahat ang feelings nito para sa prinsipe. “Yuki…”

Huminto si Yuki sa paglalakad at hinarap siya. Nakangiti naman ito at halatang walang hinanakit. “Cassy, alam nating wala akong chance kay Prince Roarke dahil straight siya. Tanggap ko `yon kaya `wag mo nang isipin ang feelings ko kasi super okay lang talaga sa’kin `no.” Pinisil nito ang pisngi niya na ikinatawa niya. “If you like each other, I’ll support you one hundred percent. I want all my friends to be happy. Masaya na ko kapag masaya kayong lahat.”

Na-touch naman siya kaya hindi niya napigilang yakapin ang binata na ikinatawa nito. “Yuki!”

“Cassioepia ‘Cassy’ Santos Hart.”

Kinilabutan si Cassy nang marinig ang buo niyang pangalan sa boses na sigurado siyang ngayon niya lang narinig. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Yuki para harapin ang tumawag sa kanya. Nalingunan niya ang isang lalaki na nakasandal habang nakahalukipkip sa isang silver Lexus car. Naka-sunglasses ito pero ramdam niyang nakatingin ito sa kanya at mukhang pinag-aaralan siya nito.

The guy was tall and his slim fitted black tailored polo shirt (with a collar that made him look more expensive) accentuated his obviously well-toned torso and arms. Halata rin ang mahahaba at strong looking-legs nito sa suot na slim jeans. Modelo ba ito? Mukha namang hindi ito nalalayo sa age nila.

Sand brown ang messy hair nito at may pakiramdam siya na iba rin ang kulay ng mga mata nito. Sa fair complexion at built pa lang ng lalaki, halatang may dugong banyaga ito.

“Yes, that’s me,” nag-aalangang sagot ni Cassy. “Can I help you?”

Tinanggal ng lalaki ang sunglasses nito at sumalubong sa kanya ang asul nitong mga mata. Blue was supposed to be a warm color but the dangerous glint in his eyes made them look cold and cruel. “You’re Cassy Hart, huh?” Dumeresto ito ng tayo at mas lalo yata itong tumangkad. Lagpas six feet siguro ang higanteng `to! “You’re pretty average.”

“You’re pretty rude,” sagot naman niya sa iritadong boses habang nakatingala sa lalaki na tumayo sa harap niya. Wow, giant nga talaga ito. Mas matangkad pa siguro ito kay Roarke o kay Koji. “Who are you anyway?”

Nilahad ng lalaki ang kamay nito sa kanya. “Brooklyn.”

Brooklyn?

Wala siyang kilalang Brooklyn pero ayaw naman niyang maging bastos gaya nito kaya tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “I’m Cassy– aw!”

Nasaktan siya nang walang sabi-sabing iangat ni Brooklyn ang kamay niya para titigan ang braso niya. Well, partikular na siguro sa accessory na suot niya– ang bracelet na bigay sa kanya ni Roarke.

“Hey, you’re hurting my friend,” saway ni Yuki sa lalaki at sinubukan ng kaibigan niya na alisin ang kamay ng dayuhan sa kamay niya. “Let go of her.”

“Stay out of this, faggot,” malamig at rude na singhal ni Brooklyn sa kaibigan niya, sabay tulak dito.

Sa sobrang lakas ng pagtulak na `yon, napaupo at napahiga sa kalsada si Yuki. Mukhang nasaktan ito sa pagbagsak nito dahil napasigaw ito habang nakahawak sa kanang balikat.

“Yuki!” nag-aalalang sigaw ni Cassy sa kaibigan niya. Tiningnan niya ng masama si Brooklyn na nakatingin na sa kanya. “Ang sama mo!” galit na sigaw niya rito habang binabawi ang kamay niya mula rito pero mas lalo lang humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Mangiyak-ngiyak na siya sa sakit. “Let me go, you asshole!”

“I heard you’re a former gangster,” nakangising sabi ng walanghiyang lalaki habang binibigyan siya ng naaaliw na tingin. “Show me. Show me how you fight.” Saglit itong huminto. “Or are you waiting for your prince charming?”

“I don’t know what you’re talking about!”

“That bracelet you’re wearing…” Bumaba ang tingin ng impakto sa bracelet niya. “It’s a gift from Prince Roarke, isn’t it? That pebble is his symbol.”

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Bakit ang dami nitong alam tungkol kay Roarke?

“Do you know what that means?” nakangising tanong ni Brooklyn. “That bracelet is only given to a family member for protection.” Dumukwang ito sa kanya hanggang sa nagpantay ang eye level nila. Mas lalo itong naging nakakatakot. “Cassy Hart… are you Princess Cassiopeia, perhaps?”

“What?” naguguluhang tanong niya.

“Hoy! Ikaw ba ang nanakit kay Yuki?”

Nalingunan ni Cassy si Chase na tinutulungan nang tumayo si Yuki na halatang iniinda pa rin ang balikat nito. Napansin niyang nakaparada sa malapit ang kotse ni Chase pero hindi niya siguro napansin ang pagdating nito dahil kay Brooklyn.

Tumingin sa kanya si Chase, pagkatapos ay sa kamay niyang ayaw pa ring bitawan ni Brooklyn, hanggang sa napako ang tingin ni Chase sa banyaga. “Let go of Cassy’s arm or lose yours, man.”

“Ah, Chase Serranilla,” nakangising sabi ni Brooklyn na halatang ikinagulat ni Chase. “A loser for a heir. Do you think you can manage the Serranilla group of companies with your wimpy attitude?”

Halatang napikon si Chase na iniwan si Yuki para sugurin si Brooklyn.

Tumawa naman si Brooklyn saka siya binitawan para salubungin si Chase.

Na-relieve naman si Cassy kahit masakit pa ang kamay niya. Pero hindi niya ininda ang injury niya at tumakbo agad siya sa tabi ni Yuki kaya hindi na niya nakita ang nangyayaring away nina Chase at Brooklyn. Pero naririnig niya ang murahan ang pagtama ng buto sa buto. “Yuki, okay ka lang?”

Tumango si Yuki na halatang namumutla habang nakatingin sa harapan nila. “Okay lang ako, Cassy. Pero si Chase…”

Tumingin din siya sa nangyayaring banggaan ng dalawang lalaki.

Napangiwi siya nang makitang nakahiga na agad si Chase sa kalsada at nakakubabaw na rito si Brooklyn na ginagawa nang punching bag si Chase. Ang mas nakakakilabot pa, nakangisi ang banyaga na para bang nag-e-enjoy ito sa ginagawang pananakit sa iba.

Sino ba `tong psycho na `to?!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.