“WHY ARE you reading a Tagalog romance novel in broad daylight, Prince Roarke?”
Sinubukan ni Roarke na huwag pansinin si Nikita Lao na kanina pa sumasabay ng lakad sa kanya. Seryoso siya sa pagbabasa ng libro ni Cassy dahil gusto niyang malaman kung ano ang idea nito tungkol sa pakikipag-date. Napansin niya na puro grand gesture ang ginagawang moves ng mga main guy sa mga nobela nito. Gusto kaya ng dalaga ng gano’ng klase ng confession? `Yong ipagsisigawan sa buong mundo ang feelings niya? Kung gagawin niya `yon…
Kakaladkarin ka ng daddy mo pabalik ng Elestia, sagot ng isang bahagi ng isipan niya. At siguradong magiging big news ito sa royal family.
Natigilan siya sa paglalakad. Bakit ba habang tumatagal, lalo niyang na-re-realize kung gaano kakomplikado ang sitwasyon nila ni Cassy kung itutuloy niya ang pag-pursue dito?
“Love is not supposed to be convenient to one person alone, Your Highness.”
Muntik na siyang mapangiti nang maalala ang love advice sa kanya ni Creed. Aminin man niya o hindi, nakatulong talaga `yon ng malaki para maintindihan niya kung gaano kaseryoso ang sitwasyon niya. Tama naman ang Knight niya.
There was no ‘easy’ kind of love for people who wanted to make a relationship last long.
“Hey,” reklamo ni Nikita na tumayo sa harap niya at inagaw ang hawak niyang nobela. Nang kunot-noo niya itong titigan pababa, nag-pout naman ang babae. “I’m here.”
“I know,” malamig na sagot niya, saka niya inagaw dito ang libro. “I just tend to forget you a lot.”
Halatang nabigla ang dalaga sa cold treatment niya kaya hindi na nakapagsalita.
Nilagpasan niya lang ito habang nilalagay sa backpack niya ang libro ni Cassy bago pa `yon agawin uli ng babae.
Sa totoo lang, bukas ng umaga pa sana siya babalik sa Polaris Academy pero nang makita niyang puro ‘date’ kasama si Nikita Lao ang nasa itinerary ng mommy niya para sa araw na `yon, nagpasya na siyang tumakas sa tulong ni Creed. Naiintindihan ng Knight niya ang dahilan kung bakit gusto niyang makalayo sa pag-ma-matchmake ng kanyang ina kaya sinuportahan siya nito.
Ang problema lang, nakita ni Nikita (no pun intended, really) ang pag-alis niya kaya sinundan siya nito. Sa backgate sila ng academy dumaan dahil mas malapit `yon sa Borealis Dormitory. Tapos na ang klase para sa araw na `yon kaya naisipan niyang sa dorm na lang dumeretso. Pero hanggang do’n ay sinundan pa rin siya ng makulit na babae.
“Prince Roarke…”
Kumunot ang noo ni Roarke nang mahimigan niya ang panghihina sa boses ni Nikita kaya napilitan siyang huminto sa paglalakad at harapin ito. Nagulat siya nang makitang nakasandal na ito sa poste na para bang nanghihina ito. Namumutla pa nga ang dalaga. Kaya kahit naiinis siya sa kakulitin nito, lumapit pa rin siya rito. “Okay ka lang? Bakit parang ang putla mo?”
“I’m just famished,” natatawang sagot nito– tawa na nanghihina.
Lalong kumunot ang noo niya sa narinig. “Hindi ko ba kumain?”
“I’m on a diet.”
Huh? `Yon din ba ang dahilan kung bakit parang bigla itong nanghina at nawalan ng balanse no’ng dinner nila kagabi? Medyo naaalala nga niya na salad lang ang kinain ng babaeng `to habang sila ni Cassiopeia ay enjoy na enjoy sa filet mignon ng restaurant.
Girls and their diet.
Natampal niya ang noo. “God, woman. You already look so skinny! Hindi mo na kailangang mag-diet. Kumain ka, okay? Ang putla-putla mo na, o.”
“I’m a model. I need to stay fit all the time.”
“Staying fit doesn’t mean you have to starve yourself.”
Bigla itong ngumiti. “Uyy… concerned ka na ba sa’kin, Prince Roarke?”
“I’m concerned as a decent human being. `Wag mong bigyan ng meaning ang pag-aalala ko sa’yo,” malamig na sabi niya, saka niya ito tinalikuran. Alam niyang magrereklamo ito sa pang-iiwan niya rito kaya nagsalita agad siya. “Go to cafeteria and eat a lot. Tell them to put it on my tab.”
“Okay!” halatang masaya na sigaw ni Nikita. “I’ll eat a lot for you, Your Highness!”
Napabuga na lang siya ng hangin.
Hindi naman niya binibigyan ng false hope ang babae dahil isang tingin pa lang dito, alam na niya ang feelings nito. Hindi rin naman `yon mahirap i-confirm dahil ito na mismo ang nag-confess sa kanya na gusto siya nito no’ng unang beses pa lang silang nagkita. Wala siyang balak na i-reciprocate ang damdamin ng dalaga pero hindi naman niya ito puwedeng basta na lang hindi pansinin dahil best friend ito ng kakambal niya. `Wag lang sanang mag-isip ng kung ano ang mommy niya sa consideration na ipinapakita niya sa ‘Polaris Princess.’
Wala na kasing binanggit ang mommy niya kagabi kundi si Nikita at ang pagiging prinsesa nito sa academy kaya tumatak na rin sa isipan niya ang moniker sa babae.
“Prince Roarke!”
Natigilan si Roarke sa paglalakad nang humarang sa daan niya sina Eloise at Brenda na mukhang nanggaling sa Aurora Dormitory na katapat lang ng Borealis. Kumunot ang noo niya nang mapansing natataranta ang dalawa na pareho pang hinahabol ang hininga. Tumakbo yata ang mga ito palabas ng dorm dala ng pag-aalala. Sumama agad ang kutob niya. “May nangyari ba?”
Himbis na sumagot, inangat lang ng hinihingal na si Eloise ang phone nito at nakita niya sa malapad na screen niyon ang isang video…
…. Video ni Cassy na nakangiwi sa sakit habang hawak ng kung sinong matangkad na lalaki ang kamay nito. Nakatalikod mula sa kanya ang estranghero kaya hindi niya makilala kung sino `yon, pero hindi na mahalaga `yon. Pagbabayarin niya ang kahit sinong manakit kay Cassy!
“Sa Polaris Boulevard `yan, `di ba?” paniniguro niya.
“Yes, Your Highness,” sagot ni Brenda sa natatarantang boses. “Ni-live feed ng witness ang nangyayari kasi natatakot siyang makialam sa gulo. Tumawag na daw siya ng mga guard pero may mga lalaki raw na humarang sa security team ng academy kaya walang makalapit kila Cassy. Worse, sa new update na napanood namin just a few minutes ago, binubugbog na no’ng stranger si Chase kasi in-attempt ni Chase na tulungan sina Cassy at Yuki.”
Shit!
“Thanks for telling me, ladies,” nagmamadaling sabi niya habang nagsisimula nang tumakbo. “Huwag na kayong sumunod at mag-stay na lang kayo d’yan sa dorm. I’ll help them, I promise.”
Nang tumango lang sina Brenda at Eloise, tumakbo na siya ng mabilis.
Habang tumatakbo, kinabit niya ang bluetooth earpiece niya na konektado kay Creed. Tinawagan niya ang Knight na iniwan niya kanina dahil i-pa-park nito ang kotse. Pero kung tutuusin, kanina pa ito dapat nakabalik dahil hindi naman ito lumalayo sa kanya ng matagal. Nagsimula na siyang mag-alala dahil hanggang ngayon, hindi pa ito sumasagot sa tawag niya. Ngayon lang `to nangyari.
Sinubukan niyang tawagan ang ibang Knights niya na alam niyang nasa academy din pero ni isa, walang sumasagot sa kanya.
Damn, something bad is happening!
Pagdating niya sa bungad ng Polaris Boulevard, napansin niyang may kumpulan na ng mga estudyante, Polaris Academy’s security team, at faculty staff sa harapan. Sumisigaw ang mga ito at sinusubukang umabante pero may human barricade sa buong entrance ng Boulevard na para bang pinipigilan ang kahit sino na makapunta sa kalsadang `yon.
Hindi siya masaya na makitang naka-blacksuit ang ‘human barricade’ sa harapan niya at may simbolo pa ng Elestia sa breastpocket ng mga ito. Halatang foreigner ang mga lalaking nakaharang sa mga Polarian dahil matatangkad at malalaki ang bulto ng bawat isa. Idagdag pa na karamihan, kung hindi blonde ay brunette naman. May ilang redhead din. Pero ang common denominator ng mga ito ay ang pagiging stiff at ang paglalabas ng mapanganib na aura.
Knights!
Oo, Knights ang mga ito pero hindi kanya at lalong hindi kay Cassiopeia.
Humugot ng malalim na hininga si Roarke, saka siya sumigaw ng malakas sa French para maintindihan siya ng mga Knight. “Anong ginagawa niyo rito at sino ang nagpadala sa inyo dito?!”
Natahimik bigla ang mga Polarian (mga estudyante, security team, faculty member) at napatingin ang lahat sa direksyon niya. Nang makilala siya ng mga ito ay agad gumawa ng daan ang mga ito para sa kanya. Ang mga Knight naman, tumingin sa kanya at sabay-sabay na yumukod bilang pagbati.
Naglakad si Roarke palapit sa mga Knight habang nakakuyom ang mga kamay dahil kinakalma niya ang sarili. Kung may mga Knight sa Polaris Academy ngayon, siguradong may panibagong royalty na dumating. Mahirap makabangga ang mga katulad niya kaya kahit gusto na niyang magwala ay pinigilan niya ang sarili. “Padaanin niyo ko,” utos niya sa lalaking tingin niya ay leader ng grupo dahil ito lang ang naglakas-loob sumalubong sa kanya. French ang gamit niya dahil siguradong hindi siya nito maiintindihan kung mag-ta-Tagalog siya at ayaw naman niyang malaman ng mga Polarian ang nangyayari kaya hindi rin siya nag-English. “At ihanda niyo ang sarili niyo dahil sa oras na matapos ako sa kung sino man ang nagmamay-ari sa inyo, kayo naman ang makakatikim ng galit ko.”
Nanatiling blangko ang mukha ng Knight na matangkad, malaki ang bulto ng katawan, at redhead. Hindi nalalayo kay Creed ang edad nito kaya siguradong nasa early to mid thirties lang ito. “Masusunod, Mahal na Prinsipe,” magalang na sagot nito sa French, pagkatapos ay pinatong nito ang kamay sa dibdib at yumukod sa kanya.
Kasabay ng pagyuko ng ‘leader’ ay ang pagkahawi naman ng mga Knight sa likuran nito para magbigay-daan sa kanya. Habang naglalakad siya, sabay-sabay na yumukod ang mga ito sa harap niya bilang pagpapakita ng respeto. Gusto sana niyang isa-isang pagsasasapakin ang mga Knight na `to na tumatakot sa mga Polarian pero alam niyang hindi `yon ang tamang oras para gawin `yon.
Alam niyang siya lang ang pinadaan ng mga Knight pero hindi na niya muna sinita ang mga ito. Mamaya na lang niya pagbabayarin ang mga ito sa malaking kasalanang ginawa sa kanya.
Tumakbo siya sa kahabaan ng Polaris Boulevard. Sa hindi kalayuan ay nakikita na niya ang dalawang nakaparadang luxury car. Sa harap ng mamahaling mga sasakyan ay nakita niya si Chase na patagilid na nakahiga sa kalsada habang sinisipa-sipa sa sikmura ng lalaking nakita niya sa video. Pero gaya kanina, nakatalikod ito mula sa kanya kaya hindi niya nakilala.
Gayunman, may ideya na siya kung sino ito kaya no’n pa lang, pinagdasal na niyang mali siya.
Dahil kung tama ang hinala niya, nangangahulugan lang `yon na nasa panganib si Cassiopeia.
“Hoy, psycho! Tigilan mo si Chase!”
Huminto si Roarke sa pagtakbo nang marinig ang malakas at galit na pagsigaw ni Cassy. Nang sundan niya ang pinanggalingan ng boses ng dalaga, nakita niyang nasa gilid lang pala ito kasama si Yuki na pinipigilan ang babae sa braso.
Pero hindi nagpapigil si Cassy na binawi ang braso kay Yuki. Pagkatapos ay patakbong sumugod ang dalaga sa bayolenteng estranghero.
“Cassy, no!” sigaw niya habang tumatakbo uli papunta dito. Dammit, woman!
Akala niya ay aatakihin na siya sa puso kahit wala siyang gano’ng sakit nang makita niya si Cassy na itulak ang estranghero na napaatras naman at sa wakas ay tumigil na sa pagsipa kay Chase. Nakita niyang mabilis na dinaluhan ni Yuki si Chase pero nawala agad sa dalawa ang atensiyon niya.
Si Cassy kasi, biglang bumanat ng suntok sa estranghero na narinig niyang tumawa lang at iniwas ang ulo nito mula sa kamao ng babae. Pero hindi pa rin sumuko ang dalaga na binigyan naman ng sidekick ang kalaban. `Yon nga lang, nasangga ng lalaki ang sipa nito gamit lang ang isang braso. Mukhang na-realize naman ni Cassy na hindi biro ang kinakalaban nito kaya tumalon ito paatras.
Good girl.
“Hoy!” sigaw ni Roarke sa estranghero nang makalapit siya rito pero nakatalikod pa rin ito mula sa kanya. Ayaw naman niyang umatake sa taong nakatalikod at hindi handa sa pagsugod niya kaya tinapik niya muna ito sa balikat. “What do you think you’re doing–”
“Watch out, Roarke!” sigaw ni Cassy sa boses na puno ng pag-aalala.
Mabilis namang naiwas ni Roarke ang ulo niya mula sa ‘surprise attack’ ng estranghero na biglang pumihit paharap sa kanya na nakaangat na ang kamao sa ere at sinubukan siyang sapakin.
This scumbag plays dirty!
Hinawakan niya ang pulsuhan ng lalaki para pigilan ito sa muling pag-atake, saka niya ito hinila ng malakas palapit sa kanya para tuhurin sana ito sa sikmura. Pero biglang nag-angat ng tingin ang lalaki at nang makilala niya ang mukha na `yon, tumigil sa ere ang tuhod niya.
“Prince Brooklyn…” hindi makapaniwalang sabi ni Roarke.
Well, may ideya na siya na ang bayolenteng prinsipe nga ang dumating pero nakakagulat pa rin na makumpirmang nandito nga sa Pilipinas ang mortal niyang kaaway.
“Prince?!” narinig niyang sabay-sabay na gulat na bulalas nina Cassy, Yuki, at Chase.
Ngumisi si Brooklyn– `yong ngisi na nakakainis at masarap sanang burahin sa mayabang nitong mukha sa pamamagitan ng isang malakas na suntok. “Prince Roarke.”
Binitawan niya ang pulsuhan ng kalabang prinsipe, saka niya ito marahang tinulak palayo sa kanya habang hindi inaalis dito ang nagbabanta niyang tingin. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya rito gamit ang French. “Wala akong natanggap na memo mula sa palasyo na darating ka ngayon dito sa Polaris Academy, Prince Brooklyn.”
Tumayo ng deretso si Brooklyn habang inaayos ang nagusot nitong polo. Nakangisi pa rin ito habang binibigyan siya ng naaaliw na tingin. Gaya ng inaasahan niya, sa French din ito sumagot. “Biglaan lang din ang pag-appoint sa’kin bilang pangalawang estudyante ng student exchange program sa pagitan ng Polaris Academy at Magnolia High.”
Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Isang taon nang graduate ng Magnolia High si Brooklyn dahil mas matanda ito ng isang taon sa kanya. “You’re supposed to be a university student by now.”
“Well, life happened.” Namulsa ang lalaki at tinaasan siya ng kilay. Nang muli itong nagsalita, French na uli ang gamit nito. “Habang naghihintay ako ng panibagong admission exam ng University of Elestia, nagdesisyon ang daddy mo na ipadala muna ako dito sa Polaris Academy para may makatulong ka naman sa mga prince duty mo nang magkaro’n ka ng time mag-relax.”
“Si Daddy ang nagpadala sa’yo dito?” hindi makapaniwalang tanong niya. “I don’t believe you.”
“You don’t have to believe me, Prince Roarke. I don’t care about your opinion anyway,” tatawa-tawang sabi nito bago mulig nag-switch sa French. “As of now, nasa principal’s office na ang assistant at staff ko kasama ang academy director para asikasuhin ang papers ko sa pagpasok dito sa Polaris Academy. Kaya simula bukas, mag-schoolmate na tayo.” Naglakad ito palapit sa kanya, pagkatapos ay ‘pinagpag’ nito ang mga balikat niya habang bumubulong sa kanya. “Prince Roarke, alam kong kasama mo rito si Princess Cassiopeia. Kung gusto mo kong paalisin agad sa bansang `to, sabihin mo sa’kin kung nasa’n siya at nang maiuwi ko na siya sa Elestia para sa kasal namin.”
Galit na hinablot ni Roarke ang kuwelyo ni Brooklyn na gaya ng madalas ay ngumisi lang– halatang walang kinatatakutan. “`Wag na `wag mong idadamay si Princess Cassiopeia sa mga kalokohan mo, Prince Brooklyn,” banta niya rito sa French. “Hinding-hindi ako papayag na maikasal sa baliw na tulad mo ang kakambal ko.”
“Hind ikaw ang magdedesisyon niyan,” mayabang na sagot ni Brooklyn, saka nito marahas na tinapik ang mga kamay niya dahilan para mabitawan niya ito. “Hahanapin ko ang prinsesa at sisiguruhin kong magkasama kaming uuwi ng Elestia.”
Susugurin sana niya ang aroganteng prinsipe pero natigilan siya nang marinig niya sa bluetooth earpiece na nakakabit sa tainga niya ang boses ni Creed.
“Prince Roarke, ayos ka lang ba?” tanong ni Creed sa nag-aalalang boses gamit ang French. “Hinarang kami ng mga Knight ni Prince Brooklyn kanina at inagaw nila ang control station ng mga tauhan ko kaya nawalan kami ng contact sa’yo.”
“Nilaban niyo ba sila?” tanong niya sa French din.
“Oo, Mahal na Prinsipe,” parang nahihiyang pag-amin nito. “Pasensiya na. Alam kong ayaw mo ng violence sa pagitan ng mga Knight lalo na kung laban sa ibang royalty pero hindi ko napigilan–”
“Nanalo ba kayo?”
“Huh?” parang naguguluhang tanong nito pero mabilis din itong sumagot. “Ah, oo, Kamahalan. Nanalo kami laban sa mga Knight ni Prince Brooklyn at sa ngayon nga, hinuhuli na namin sila at nabawi na rin namin ang mga station natin na inagaw nila kanina. Sisiguruhin namin na hindi na ma-te-threaten ang mga Polarian sa presence nila.”
“Good job,” papuri niya, saka siya ngumisi kay Brooklyn at sinadyang iparinig dito ang sunod niyang mga sinabi. “Hulihin niyo ang lahat ng Knights ni Prince Brooklyn, lalo na `yong mga nag-barricade sa Boulevard, at iharap niyo sila sa’kin mamaya.”
“Masusunod, Prince Roarke,” magalang na sagot ni Creed bago pinutol ang tawag.
“My stupid Knights lost, huh?” iiling-iling pero nakangisi pa ring sabi ni Brooklyn. “Anyway, nagawa ko naman na ang gusto ko rito.” Tumingin ito kay Cassy. “It was nice meeting you, Cassiopeia.”
Nainis si Roarke na makitang tinitingnan ng prinsipeng ito si Cassy kaya naglakad siya at tumayo sa harap ng dalaga para itago ito. Pagkatapos ay binigyan niya ng nagbabantang tingin si Brooklyn. “Umalis ka na, Prince Brooklyn. Sisiguraduhin kong hindi ka magtatagal sa bansang ito.”
Isang mayabang na ngisi lang ang sinagot ni Brooklyn bago siya tinalikuran at sumakay sa Lexus nito. Pagkatapos ay humarurot na ng andar ang sasakyan. Nakahinga lang siya ng maluwag nang mawala na `yon sa paningin niya.
Damn this mess.
“Prinsipe pala ang mayabang na lalaking `yon.”
Pumihit siya paharap kay Cassy na nakahalukipkip at nakatingin sa direksyon kung saan nawala ang kotse ni Brooklyn. Walang takot sa mukha ng babae na para bang wala lang dito ang nangyari. This girl was unbelievably fearless and stupid.
Muntik na kong atakihin sa puso dahil sa’yo, alam mo ba `yon?
Napansin yata ni Cassy na nakatingin siya rito kaya nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Bakit?”
Hindi niya pinansin ang babae dahil baka kung ano lang ang masabi niya dala ng matinding pag-aalala rito. Kaya binalingan na lang muna niya sina Yuki at Chase. Nakakagulat na makitang hinahayaan ni Chase si Yuki na ipatong ang braso nito sa mga balikat ng huli para maalalayan ni Yuki si Chase na halatang hirap tumayo dahil sa injury nito. Basag na naman ang mukha ng pinsan niya at nakahawak ito sa tagiliran nito na malamang ay nasaktan dahil sa pagsipa ni Brooklyn dito. “Chase, gusto mo bang ireklamo si Prince Brooklyn dahil sa ginawa niya sa’yo? `Wag kang matakot kahit prinsipe siya. Wala naman siya sa Elestia.”
Umiling si Chase, nakasimangot. “Simpleng away lang `yon at hindi na kailangang umabot sa gano’n. We fought and I lost. Ayokong i-broadcast ang pagkatalo ko.”
Bumuga siya ng hangin. Ma-pride talaga ang pinsan niyang `to. “Fine. Your call.” Binalingan na lang niya si Yuki. “Please bring my cousin to the infirmary, Yuki.”
Ngumiti at tumango si Yuki. “Ako nang bahala kay Chase, Prince Roarke.”
Tumango lang siya at hinatid ng tingin sina Yuki at Chase pero nawala sa dalawa ang atensiyon niya nang hilahin ni Cassy ang laylayan ng suot niyang button-down shirt. Kunot-noong tiningnan niya ang babae na napansin niyang parang maamong tupa habang nakatingala sa kanya. Muntik nang mawasak ang resolve niyang sermunan ito pero nagpakatatag siya. “What?”
“Galit ka `no?” nagpapaawang tanong nito. “Hindi mo ko pinapansin, eh.”
Shit, why is she acting cute now?
Ikinuyom niya ang mga kamay para pigilan ang sarili na kurutin ang mga pisngi ng dalaga dahil ang cute-cute nito magpaawa. Sumimangot siya para mas epektibo ang paggagalit-galitan niya. “Sinong nagsabi sa’yong labanan mo si Prince Brooklyn? He’s a skilled fighter! Sinabi ko naman sa’yo noon na ang mga prinsipe ng Elestia, tine-train makipaglaban! Hindi lang basta sports ang tinuturo sa’min. We are trained to fight and defend our lives! We can even kill a person with our bare hands!”
Napangiwi ang babae. Kung dahil sa pagtataas niya ng boses o sa huli niyang mga sinabi, hindi siya sigurado. “Hindi ko naman alam na prinsipe siya, eh.”
“Kahit na! Nakita mo na ngang nagawa niyang bugbugin ng walang kahirap-hirap si Chase na alam nating lahat na sanay sa away. What made you think you can fight Prince Brooklyn?”
“Anong gusto mong gawin ko?” reklamo nito, nakasimangot na. Mukhang sumuko na ito sa pagpapa-cute at nilabas na uli ang mga ‘pangil.’ “Panuorin ang psycho na `yon na saktan si Chase? Ikaw kaya ang nagturo sa’kin na huwag manahimik kapag may injustice na nangyayari sa harapan ko!”
“Hindi ko sinabi sa’yong isakripisyo mo ang safety mo para tulungan ang ibang tao!” katwiran niya sa frustrated na boses. “You should have called me!”
“Hindi ko naman alam na nasa school ka na. Ang akala ko, bukas ka pa babalik, eh!”
Naiinis na hinilamos niya ang mga kamay sa mukha niya. “Shit, you’re driving me crazy!”
“Inaano ba kita, ha?”
Binigyan niya ito ng matalim na tingin. “Pinag-alala mo lang naman ako.”
Biglang natahimik si Cassy. Base sa tinging ibinibigay nito sa kanya, mukhang nagulat ito sa mga sinabi niya. Pero nang makabawi, ngumiti ito. “Talaga? Nag-alala ka?”
Bumuga ng hangin si Roarke nang ma-realize niyang wala siyang laban sa babaeng `to. “Were you hurt?” tanong niya, saka niya maingat na kinuha ang kamay nitong nakita niyang hawak ni Brooklyn sa video. Napangiwi siya nang makitang namumula pa rin ang pulsuhan nito. Parang naging pula rin ang paningin niya. “Shit. I’m going to kill that asshole the next time I see him!”
“Hindi ako ang dapat ipag-worry mo,” sabi naman ni Cassy, saka marahang binawi ang kamay nito mula sa kanya. “Roarke, hinahanap niya si Princess Cassiopeia. Hindi ko alam kung bakit pero iniisip niyang ako ang kapatid mo.” Inangat nito ang braso para ipakita sa kanya ang bracelet na bigay niya rito. “Dahil daw dito. Para raw kasi ito sa family member na gusto mong protektahan.”
Mariin siyang napapikit. Kasalanan pala niya kung bakit nadamay si Cassy sa gulo. “Shit.”
`Yong bracelet na binigay niya sa dalaga, totoong dapat lang ibigay sa pamilya niya na gusto niyang protektahan din ng mga Knight niya. Merong gano’n ang mommy niya at ang mga Serranilla. Pati si Chase, binigyan niya noon pero tinapon daw `yon ng magaling niyang pinsan.
Pero ang pagbibigay niya kay Cassy ng bracelet na may simbolo niya, iba ang kahulugan. He was practically claiming her as his girl by making her wear his symbol when she wasn’t a family member.
“Roarke, sorry kung pinag-alala kita,” malambing na sabi ni Cassy. Sa pagkagulat niya, naramdaman niyang dinikit nito ang noo sa dibdib niya. “Mag-iingat na ko sa susunod.”
In-enjoy niya muna ang naamoy niyang mabangong strawberry scented shampoo sa buhok ng dalaga bago siya nagmulat ng mga mata. Napangiti siya nang sumalubong sa kanya ang tuktok ng ulo nito na hindi niya napigilang bigyan ng magaang na halik. Nang hindi ito nagreklamo, ipinalupot naman niya ang mga braso niya sa mga balikat nito. “Promise me you won’t put yourself on danger again.”
Tumango ito. “Promise.”
“Good,” pabulong na sagot ni Roarke, saka niya sinubsob ang mukha sa buhok ni Cassy. “You really have me wrapped around your little fingers, Binibining Cassy.”
“WHERE’S Blossom Serranilla?” tanong agad ni Brooklyn pagkapasok niya sa classroom na alam niyang pinapasukan ni Blossom ayon sa imbestigasyon ng mga tauhan niya.
Natahimik ang lahat ng estudyante sa loob at sabay-sabay napatingin sa kanya.
Hindi nakaligtas sa kanya ang takot sa mga mata nang ilang nakakilala sa kanya kung bilang ang adoptive son ba ng kriminal na si Romano o bilang ang transfer student na nanakit kay Chase Serranilla, wala siyang ideya at wala siyang pakialam.
Ito ang first day niya sa Polaris Academy bilang ‘new student.’ Tatlong buwan lang naman siyang magiging ‘exchange student’ at naka-focus sa ‘Filipino subject’ ang klase niya. Kumbaga ba, kukuha lang siya ng Filipino classes para matutong mag-Tagalog, orally at verbally. Hindi naman na siya puwedeng bumalik sa high school dahil naka-graduate na siya sa Magnolia High kaya `yon ang napiling ‘excuse’ ng staff niya para makapag-enroll siya sa academy nang walang problema.
“Blossom Serranilla is not here,” sagot sa kanya ng isang female student na siguro ay class president kaya ito ang naging spokesperson ng klase. “Kahapon pa siya hindi pumapasok sa school.”
Nagtagis ang mga bagang ni Brooklyn sa iritasyon. Tinatago ba ni Roarke mula sa kanya si Blossom Serranilla na isa sa mga hinihinala niyang new identity ni Princess Cassiopeia? Mukhang kailangan na niyang guluhin ang mundo ng karibal niyang prinsipe para mapilitan itong ilabas ang kakambal nito.
“Prince Brooklyn,” bati sa kanya ni Knuckles, ang personal Knight niya. Magalang na yumukod sa kanya ang lalaki bago nag-report sa French language. “Nakahanda na ang Broadcast studio gaya ng inutos mo, Kamahalan.”
“Good job,” nakangising sagot niya, saka niya nilingon ang mga estudyanteng ramdam niyang pinag-aaralan ang bawat kilos niya. “Bye, commoners.”
Kitang-kita niya ang pagsimangot ng mga estudyante dahil sa tinawag niya sa mga ito. Ngumisi lang siya, saka siya umalis.
Mabilis namang kumalat na isa rin siyang prinsipe ng Elestia dahil nakita niya ang news article tungkol sa kanya mula sa Polaris Academy Website. Naririnig din niyang binubulong ng mga estudyante ang pangalan niya habang naglalakad siya sa hallway ngayon. ‘Prince Brooklyn, ‘Prince Roarke’s cousin,’ ‘the violent prince’– ilan lang `yon sa mga naririnig niya na tawag sa kanya.
Hindi gaya ni Roarke, hindi siya mahilig sa formal gathering gaya ng pagpapakilala sa kanya sa buong Polaris Academy gaya ng ginawa ng kaaway niyang prinsipe no’ng dumating ito sa school. Nag-offer ng gano’ng klase ng ‘welcome party’ para sa kanya ang school principal at director pero tumanggi siya at sinabi niyang kaya niyang ipakilala ang sarili sa ibang paraan.
“Nandito na tayo, Mahal na Prinsipe,” formal na sabi ni Knuckles nang huminto sila sa tapat ng isang beige double-doors, saka nito binuksan ang pinto para sa kanya.
Tumango lang si Brooklyn at dere-deretsong pumasok sa loob ng studio kung saan may dalawang male student ang kumakalikot sa control panel hanggang sa senyasan siya ng mga ito at ituro sa kanya ang ‘on-air’ sign sa gilid. Tumayo naman siya sa harap ng microphone at hindi na nag-aksaya ng oras. “Good morning, Polaris Academy.”
Narinig niya ang sariling boses na nag-echo sa speaker sa loob ng studio.
“This is Prince Brooklyn of Elestia,” pagpapakilala niya sa sarili. “I know you all know my connection to Prince Roarke and how we’re not blood-related. I’m pretty sure you’ve already Googled me as well and found out that I’m the adoprtive son of the former Prince Romano who orchestrated the murder of his own parents and attempted to kill his nephews for the throne.”
“Prince Brooklyn,” marahang saway sa kanya ni Knuckles.
Tiningnan niya lang ng masama ang Knight niya na mabilis namang yumuko at humingi ng dispensa. “Anyway, that’s not the point of the broadcast,” pagpapatuloy niya. “I guess everyone who’s interested in the Elestian monarchy knew that Prince Roarke has a twin sister. Reports say that Princess Cassiopeia is in Paris for her studies. They also say that she’s too sickly to attend social gatherings and make public appearances. Tell you what? They’re all lies.” Saglit siyang huminto bago nagpatuloy. “The princess is not in France nor in Elestia– she’s in the Philippines. To be precise, she’s here. Yes, the princess-in-hiding attends Polaris Academy.”
Narinig niyang napasinghap sa gulat ang dalawang estudyante na kasama niya sa studio kaya na-imagine niyang gano’n din ang naging reaksyon ng mga Polarian sa explosive niya.
“I need to find Princess Cassiopeia,” deklara ni Brooklyn. “But like everyone else, I have no idea who she is because obviously, she made a new identity to hide herself from the world. I can’t depend on her old photos since it’s very easy to change one’s appearance today. Oh, yes. I’m looking for her and I want you to help me find the princess.” Muli, huminto siya para bigyan ng oras ang commoners na i-absorb ang mga sinabi niya. “I have to persons in mind actually. First is Cassy Hart of the ABM department and the other one is Blossom Serranilla from the HUMSS department.” Ngumisi siya dahil ngayon pa lang, na-e-excite na siya sa mangyayari sa larong sinimulan niya. “Who’s your pick?”
At pagkatapos no’n, lumabas na siya ng studio ng walang sabi-sabi.
“Hindi ako papasok sa klase ko,” sabi niya kay Knuckles na nasa likuran niya lang gamit ang French. “Lalabas ako ng academy pero maiwan ka dito. Tawagan mo ko kapag nakita mo nang dumating si Blossom Serranilla.”
“Masusunod, Mahal na Prinsipe.”
Dumereto siya sa parking lot kung nasaan ang Lexus niya. Hindi gaya ni Roarke, hindi niya sinasama ang Knight niya sa mga lakad niya. Alam ni Knuckles na kayang-kaya niyang protektahan ang sarili niya. Isa pa, wala naman itong magagawa para pigilan siya. Mas lalong hindi siya nito magagawang suwayin dahil alam nito kung paano siya magalit.
Nakahawak na siya sa doorknob ng kotse niya nang mapansin niya ang white Sedan sa tabi ng Lexus niya. Pero hindi ang sasakyan ang kumuha sa atensiyon niya.
A beautiful girl– and he meant beautiful in every sense of the word– stepped out of the luxury car’s backseat with a huge guitar case strapped on her shoulder. With her long ‘mermaid hair,’ porcelain skin, model-like figure, she was really, really stunning.
Siyempre, marami na siyang nakitang magagandang babae sa buhay niya– royalty man o hindi– mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Pero kakaiba ang dating sa kanya ng isang `to. May kung ano rito na humihila sa kanya palapit dito. Literal `yon dahil natagpuan na lang niya ang sarili na nasa harap na ng dalaga. Nakakatuwa pa dahil kahit may distansiya sa pagitan nila ay amoy na amoy na niya ang matamis nitong pabango. Hindi niya akalaing ganito kaganda sa personal si Blossom Serranilla.
Of course he recognized her from the photos the private investigator he hired sent him.
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang humarang sa harap niya ang isang babaeng naka-blacksuit. Ah, a female Knight.
Kunot-noong nilingon ni Brooklyn si Xia. Oo, kilala niya rin ito dahil napaimbestigahan na niya ang mga tao sa paligid nina Cassy at Blossom. Alam niyang Knight si Xia pero hindi `yon confirmation na si Blossom ang hinahanap niyang prinsesa dahil ang mga Serranilla, talagang mga Knight ang security team. Kahit na hiwalay na si Prince Reynold kay Margarette Serranilla, patuloy pa rin ang financial support at proteksyon na ibinibigay ng matandang prinsipe sa dating asawa na tinuturing pa rin namang miyembro ng kanilang royal family.
Hindi naman kasi legal na hiwalay sina Prince Reynold at Margarette Serranilla. Sa mga papeles, mag-asawa pa rin ang mga ito. Posible kasing mawalan ng titulo sina Roarke at Cassiopeia kung legally separated ang mag-asawa ayon sa batas ng Elestia.
“Can I help you?” tanong sa kanya ni Xia, blangko ang mukha at boses.
“I don’t like dealing with a lowly Knight,” malamig na sabi niya. “Get out of my sight.”