KINAKABAHANG pumasok si Sahara sa klase ni Del Mundo nang araw na iyon. Naroon na si Baste, at halos kasunod lamang siya ni Del Mundo. Mabilis siyang naupo sa tabi ng kasintahan.
“Ano’ng nangyari sa iyo? Bakit ka late?” nag-alalang tanong ni Baste pagkatapos niyang maupo at kunin ang libro sa bag. “Mukhang mainit ang ulo ni Del Mundo ngayon. Baka magpa-quiz ‘yan. Nakapag-aral ka ba?”
Umiling siya. “Late na ‘ko nakauwi. Madaling-araw na natapos ‘yung go-see nung in-apply-an kong modeling agency,” bulong niya. Nang tapunan niya ng tingin si Del Mundo, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanilang lahat.
Dumako sa direksiyon niya ang mga mata nito at bigla siyang kinabahan. She knew that kind of stare from him. He’s either angry or disappointed and with what she told him, she’s certain that he’s both. Kailangan na nilang tigilan ang pagkikita dahil kung hindi, parehong manganganib ang buhay nila.
Dahil iyon ang napagkasunduan nila ni Mrs. Del Mundo kagabi.
Nagulat siya nang maabutan ang isang babae sa lobby ng C&C condominium nang oras na iyon. Kagagaling lamang niya sa go-see sa agency ni Mr. Villahermosa at halos umaga na iyon natapos kaya naman hindi niya inaasahan ang isang bisita pagbalik niya ng condo, lalo na ang isang tulad ni Mrs. Del Mundo. She knew it was her, because she has seen a photograph of her inside Del Mundo’s wallet. She already knew about her affair with her husband. She’s dead…
Pinilit niyang maging kalmado at umaktong hindi apektado sa presensiya nito. She’s short, stout. Mukha rin itong teacher dahil sa malaking salamin sa mata. Maiksi ang kulot nitong buhok at pulang-pula ang mga labi nito na animo’y nababad nang matagal sa atsuete. She actually reminds her of Professor Dolores Umbridge. Hindi na nakapagtataka kung bakit nagawa ni Del Mundo na makipagrelasyon sa iba. Del Mundo is a very passionate man and a wife like this one couldn’t possibly give him the pleasure that he wants.
“Mrs. Zenaida Del Mundo,” seryoso nitong pagpapakilala sa sarili. “I am the wife of Professor Arnulfo Del Mundo.” Kung nakakamatay lang siguro ang pagtitig ay sigurado siyang naghihingalo na siya ngayon.
“G-good evening, ma’am,” mahinahon niyang sabi. Because she’s not the bitchy type. “M-maupo po kayo.”
“So, ikaw pala ang kinababaliwan ng mister ko.”
“Ma’am-“
“Ha, ha. Marunong ka palang gumalang…sino nga ba ang makapagsasabi na ang isang tulad mo na mang-aagaw ng asawa ay marunong palang gumalang.” Dahan-dahan itong naupo sa couch na hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Don’t worry, hindi ako mag-eeskandalo rito dahil may pinag-aralan akong tao. Hindi ako tulad ng iba riyan…oh, may pinag-aralan ka nga rin pala, ano, Miss Smith. ‘Yun nga lang, kinailangan mo pang makipag-relasyon sa isang propesor para lang makapasa.” Muli itong tumayo at isinukbit ang malaking bag sa balikat. “Anyway, hindi naman ako ganoon kasama, although kaya kong maging masama at ipa-expel ka sa eskuwelahan. Pero hindi ko gagawin ‘yon dahil kahit paano naman ay naaawa ako sa iyo. You’re still young, lady and you have a bright future ahead of you. Kaya isa lang ang ipapakiusap ko sa iyo – oh wait, hindi ito pakiusap, utos ito, Miss Smith…hiwalayan mo na ang asawa ko. Iwasan mo siya, tigilan mo siya. Iyon ay kung gusto mong maka-graduate nang hindi nadudungisan ang pangalan mo. At huwag na huwag mong mababanggit kay Arnold na kinausap kita tungkol dito...”
“Uy, Sahara!” tawag sa kanya ni Baste sabay kalabit sa kanyang braso nang matapos ang klase nila. “Kanina ka pa tinatawag ni sir.”
Napatingin siya sa propesor. Nakatayo ito sa harap nila, masama na ang mukhang nakatingin sa kanya. Hawak na nito ang mga gamit at handa nang umalis. Agad siyang napatayo.
“S-sir?”
“Follow me to my office, now.”
Hindi pa man siya nakakaupo ay nakalabas na si Del Mundo ng kanilang silid. Nanlulumo naman siyang napaupo.
“Bakit ka pinapatawag ni Del Mundo? May problema ba?”
“B-baka tungkol sa exam,” sabi niya nang nakangiti. “Hintayin mo na lang ako sa library, okay?”
After giving him a quick kiss on the cheek, she dashed her way to the faculty center. Ano man ang dahilan ng pagpapatawag ni Del Mundo sa kanya, sigurado siyang hindi iyon maganda. Kumatok siya ng tatlong beses bago buksan ang pinto.
Del Mundo immediately pinned her against the door and kissed her lips. Naglakbay ang isa nitong kamay mula sa kanyang pisngi pababa sa kanyang dibdib.
“S-sir-“
“Sahara, why are you doing this to me? Why are you torturing me like this? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? M-may usapan tayo, hindi ba? Hanggang maka-graduate ka, Sahara, iyon ang usapan natin!”
Pilit itinulak ni Sahara si Del Mundo para makaiwas sa mga halik nito. “P-pero…sobrang nagi-guilty na ako, at natatakot ako na baka may makaalam ng tungkol sa ginagawa natin.”
Umiling-iling ito. “Sigurado kang ‘yan lang ang dahilan mo?”
Alam na ba nito ang tungkol sa naging pag-uusap nila ng asawa nito? Naku, mas lagot siya kapag nagkataon.
“Si Castillo ba? Boyfriend mo ba ang Castillo na ‘yon?”
Hindi pa man siya nakakatugon ay nilapitan na siya ni Del Mundo at pilit na pinaupo sa leather sofa na naroon sa opisina. He kissed her neck like a thirsty man who’s been deprived of water for the longest time.
“Hindi ako selosong tao, Sahara pero hindi ko alam kung bakit selos na selos ako sa tuwing nakikita kitang kausap ang lalaki’ng iyon…kanina, kung hindi ko napigilan ang sarili ko, baka nasuntok ko ‘yon, alam mo ba? May relasyon ka ba sa kanya? Siya ba ang dahilan kung bakit biglang nagbago ang isip mo?” He kissed her again. He kissed her hard, as if punishing her. “I don’t want to see you with him, you hear me?”
She nodded because her gut feel told her to do so. “S-sir…baka may makakita sa atin…”
“I want you now, Sahara.” Hinihingal na nag-angat ng tingin si Del Mundo. Tiningnan siya nito na para bang gusto siya nitong kainin nang buhay.
“D-dito? Ngayon? Nababaliw ka na ba, sir?” Nanlaki ang kanyang mga mata at bigla siyang napatayo.
“Oo, Sahara. Baliw na baliw na ‘ko sa ‘yo.”
Agad na nag-ayos ng sarili si Sahara at tinungo ang pinto. Pero agad iyong ini-lock ni Del Mundo.
“Please, Sahara. Sandali lang ito…: Del Mundo slipped his hand inside her blouse and caressed her breasts. Isinandal siya nito sa pinto habang hinahalikan ang kanyang leeg. Gusto niyang sumigaw pero naisip niya ang sitwasyon nila at ang magiging epekto noon hindi lang sa kanilang dalawa ni Del Mundo, kundi pati na kay Baste.
“S-sir please…huwag po…”
Pero hindi iyon pinakinggan ni Del Mundo. Sa halip ay pilit nitong binuksan ang zipper ng kanyang pantalon. Ibaba na sana nito iyon nang biglang may kumatok sa pinto.