“PAGKATAPOS ng graduation, ano’ng plano mo?” bulong sa kanya ni Baste. Magkatabi silang nakaupo sa harap ng klase, parehong may hawak na libro.
“H-hindi ko pa sigurado…maghahanap siguro ng trabaho?” tugon niya, nang pabulong rin. Hawak ni Sahara ang makapal na libro at itinayo niya iyon doon sa desk, na ginaya ni Baste. “Ikaw?”
“Ganoon rin.” Hinawakan ni Baste ang isa niyang kamay at pinisil-pisil iyon. “Kung puwede lang na pareho tayo ng kumpanya na pasukan, mas maganda sana. Para parati pa rin tayong magkasama.”
Inihilig ni Sahara ang ulo sa balikat ni Baste at tsaka ipinagpatuloy ang pagbabasa. Sa mga ganoong pagkakataon lamang siya nakakaramdam ng katahimikan ng utak ng katahimikan ng loob. Sa tuwing kasama niya si Baste, parang biglang nawawala ang lahat ng alalahanin niya sa buhay at parang kayang-kaya niyang lampasan ang kahit na anong pagsubok na darating pa.
“Salamat, ha,” narinig niyang sabi nito. Nang tingnan niya ito ay hindi ito sa kanya nakatingin kundi sa librong binababasa.
“Salamat saan?”
“Sa pagbibigay mo sa akin ng pagkakataon. Alam ko, ang dami kong karibal sa iyo pero ako pa rin ang pinili mo.”
“Ako ang dapat magpasalamat sa ‘yo. Kasi, mahal mo ako kahit matigas ang ulo ko, kahit hindi ako ‘yung ‘ideal girlfriend’ para sa ‘yo.”
“Ano ka ba, ikaw ang ideal girlfriend. Wala nang makakahigit sa iyo para sa akin.”
Umiling si Sahara dahil kung mayroon mang higit na nakakakilala sa sa sarili niya, siya iyon at wala nang iba. Kung pwede nga lang ibalik ang nakaraan niya, marami siyang gustong burahin mula roon bago niya makilala si Baste.
“Basta, mahal kita, Sahara. Kahit na ano ka pa, mahal kita, okay?”
“Thank you.” Hindi napigilan ni Sahara ang sarili na haplusin ang pisngi ni Baste at halikan iyon. Nagulat ito sa ginawa niya at lumingun-lingon. Ilan sa mga kaklase nila ang nakatingin sa kanilang direksyon.
“Pinagtitinginan na tayo,” nakangiting bulong ni Baste.
“So?” natatawa niyang sabi. Kinuha niya ang kamay nito at itinapat sa itaas na bahagi ng kanyang dibdib. Sa simula ay nagulat ito dahil akala siguro ay kung ano na naman ang binabalak niyang gawin. “Basta kahit anong mangyari, tandaan mo, ikaw ang narito, ha?”
“Bakit, ano ba ang mangyayari?” natatawang tanong ni Baste.
Marami, kung pwede lang sabihin ni Sahara – napakarami. Ngayon pa lang, hindi na niya alam kung paano makakawala sa banta ni Max at alam niyang hindi lang iyon basta banta. Kilala niya ang pagkatao ni Max. Dominant, possessive. And she’s sure that his threat was real and that she has to keep Baste safe. At bukod doon, hindi pa rin siya sigurado sa kung ano ang p’wedeng gawin ni Del Mundo sa oras na malaman nito ang tungkol sa kanila ni Baste.
“Uy, natahimik ka na d’yan.” Muling naramdaman ni Sahara ang paghawak ni Baste sa kanyang kamay. “Alam mo, kinakabahan ako kapag natatahimik ka,” bulong nito.
“Bakit naman?”
“Wala lang, baka lang kasi magbago bigla ang isip mo…baka na-realize mo na hindi mo pala talaga ako mahal…baka iiwan mo na ‘ko.”
Hinigpitan ni Sahara ang kapit sa kamay ng nobyo at muli siyang humilig sa balikat nito. “Kakasabi ko lang hindi ba? I love you…marami lang akong iniisip.”
“Tulad ng?”
Umiling siya at humarap kay Baste. “Basta. At basta, mahal kita, okay?”
“Okay,” tugon nito sabay ngiti. Napatingin ito sa paligid nang unti-unti nang naglalabasan ang iba nilang kaklase. “Teka, ano’ng oras na ba? Hindi na ba darating si sir?”
Napatingin si Sahara sa relong-pambisig na suot niya. Halos kalahating oras na pala silang naghihintay roon at bihirang ma-late si Del Mundo sa klase nila at kapag nagkaganoon, parati itong nagpapasabi.
“Baka nga hindi na papasok ‘yon,” narinig nilang sabi ng isa nilang kaklase na nakapuwesto sa likod nila. Maliit itong lalaki pero mahaba ang buhok nito na parating naka-ipit. Mahilig rin ito sa mga kulay pink na shoulder bag. “Baka totoo ‘yung nabalitaan ko na na-suspend si Prof. Del Mundo.”
Kinabahan si Sahara sa narinig.
“Bakit raw?” tanong ni Baste sabay lingon sa kaklase.
“Ewan, ang intindi ko, parang nahuli yata na may karelasyon na estudyante.”
Biglang bumitiw si Sahara sa kamay ni Baste. Parang ayaw na niyang marinig ang susunod pa nitong sasabihin.
“I don’t know the whole story pero parang may nakakita raw yata na may kasamang estudyante si Prof na pumasok sa isang hotel. Grabe ano, sa itsura ni Prof na gano’ng sobrang seryoso, uma-affair rin pala.”
Nagtawanan ang iba pang nasa loob ng silid. Nagsimula nang mag-ayos ng gamit ang iba pa at naghanda na ring lumabas.
“Totoo kaya?” tanong sa kanya ni Baste nang pababa na sila ng hagdan.
Hindi niya alam pero malaki ang posibilidad ng balita’ng iyon. At hindi alam ni Sahara kung paano iyon sasabihin kay Baste. Na siya ang dahilan kung bakit maaaring masuspendido si Del Mundo.
“Kawawa naman si Prof. Ang galing pa naman tapos masu-suspend dahil lang doon?” napapailing na sabi ni Baste. “Kung sa bagay, kasalanan rin naman niya. Alam naman niyang bawal makipag-relasyon sa estudyante, ginawa pa rin. Tsk, tsk. Pero mas kawawa ‘yung estudyante, baka ma-expel pa ‘yon.”
Expulsion. May posibilidad na ma-expel siya sa eskuwelahan nang dahil sa mga mali niyang desisyon.
She immediately called Del Mundo to ask him about the situation but his number could not be reached. Lalo tuloy siyang kinabahan. Paano kung totoo ngang nalaman na ng school administration ang tungkol sa kanilang dalawa?
~~
“BASTE? Ano’ng ginagawa mo rito?” Umiikot na ang paningin ni Sahara nang makita si Baste sa harap niya. Hindi nga siya sigurado kung si Baste iyon dahil hirap siyang aninagin ito dahil na rin sa madilim na paligid ng bar. Umayos siya ng upo doon sa bar stool para mas makita nang malinaw ang binata.
“Tinawagan ako nu’ng Karen, ‘yung kaibigan mo. Puntahan raw kita rito,” medyo malakas nitong sabi. Halos hindi sila magkarinigan dahil sa lakas ng tugtog. “Ano bang nangyari, bakit ka naglasing?”
Umiling-iling siya nang nakangiti. “Hindi ako lasing…”
“Ano’ng hindi, tingnan mo nga ang sarili mo, ni hindi ka na makaupo nang maayos.”
Tinabihan siya ni Baste at inalalayang makatayo. Oo, aaminin niyang marami-rami siyang nainom nang gabing iyon at totoong hindi na yata niya kayang maglakad mag-isa. Pero malinaw na malinaw ang utak niya at alam niyang pinuntahan siya ni Baste at katabi niya ito ngayon.
“Halika, iuuwi na kita.”
Ngumiti si Sahara at inakbayan ang kasintahan. “S-saan mo ako iuuwi?”
“Sa tinutuluyan mo, saan pa?”
Inumpisahan na siyang akayin ni Baste palabas ng bar. Mabuti na lamang at mayroon agad silang nakuhang taxi kahit pa medyo malalim na ang gabi.
“Manong, sa C&C Condominiums po,” sabi ni Baste sa driver. Nakasakay na sila sa likuran ng taxi. Iniayos nito ang pagkakaupo si Sahara pati ang suot niyang maiksing palda. Inilagay nito ang isang braso sa ilalim ng kanyang ulo para maging komportable ang kanyang pagsandal.
“Thanks, Baste,” halos pabulong niyang sabi. Yumakap siya rito at inilapit na ng husto ang kanyang mukha sa leeg nito. “Hmm ang bangu-bango naman ng boyfriend ko…”
“Shh…”
Napangiti si Sahara dahil alam niyang nahihiya ito sa driver na kanina pa niya nakikitang napapangiti doon sa rearview mirror. She didn’t want him to feel uncomfortable so she just rested her head on his shoulder and dozed off.
Hindi na maalala ni Sahara kung paano nila narating ang tinutuluyan niyang unit ni Karen, o kung paano niya nabuksan iyon. The next thing she knew, Baste was carrying her towards her bed.
Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakapasok si Baste sa kuwarto niya. Una ay noong kaarawan niya at naghanda ng kaunting salu-salo si Karen para sa kanya. Pangalawa ay noong sinamahan siya nito at inalagaan noong minsang nagkasakit siya.
Ibinaba siya ng kasintahan sa kama at iniayos at ikinumot sa kanya ang makapal na itim na blanket. Pagkatapos noon ay tumayo ito nang malayo sa kanya.
““B-Baste…sorry,” nahihiya niyang sabi matapos umayos ng pagkakaupo. Alam kasi niya na ayaw ni Baste na naglalasing siya lalo na’t walang kasama. But she couldn’t help it. She felt like she needed it to drink all her problems away.
“Ano ba kasing problema?” Muling lumapit sa kanya si Baste at nag-aalalang tumabi sa kanya. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. “Sahara, bukod sa boyfriend mo ‘ko, best friend mo ‘ko diba? P’wede mo namang sabihin sa akin lahat.”
Oo, alam naman iyon ni Sahara. Ang hindi niya alam ay kung paano iyon sasabihin, at kung ano ang magiging reaksiyon ni Baste tungkol doon. But she’s certain that whatever his reaction is, it’s gonna be ugly.
“Sahara, please…tell me.”
But how? Ano ang uunahin niyang sabihin? Ang tungkol sa deal nila ni Del Mundo para maka-graduate siya o ang tungkol sa kanila ni Max? Tiningnan niya si Baste sa mata at kita niya mula roon ang magkakahalong frustration, disappointment at concern. Sa halip na magsalita ay niyakap lang niya ito nang mahigpit.
“I love you, Baste.”
“I love you too, Sahara. Sobra-sobra. Kaya nga nag-aalala ako sa iyo.”
Umiling-iling si Sahara, pilit pinipigilan ang pag-iyak. “Basta mahal mo ‘ko…okay lang ako.”
Baste hugged her tight. Sahara just wanted to stay that way, holding Baste close, forever. Kung puwede lang na doon na lang ito matulog kasama niya, kung puwede lang na doon na ito tumira.
“Dito ka muna, please?”
“Hindi p’wede, Sahara…”
“Wala naman tayong class bukas, diba? Gusto lang kitang makatabi ngayon…” sabi niya. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito at narinig niya ang mabilis na paglakas ng tibok ng puso ni Baste. “Don’t worry, magbe-behave ako. Promise.”
“Hindi p’wede,” nakangiti nitong sagot pagkatapos nitong kurutin ang ilong niya. “Magpahinga ka na, okay?”
“May problema ba sa akin?” seryoso niyang tanong. Tatayo na sana si Baste pero pinigilan niya iyon sa paghawak sa kamay nito.
“Sahara-“
“Mahal mo naman ako diba? Mahal rin naman kita…halos ipagtulakan ko na nga ang sarili ko sa’yo pero…wala. Ano’ng problema?”
“Walang problema, Sahara.” Umayos ito ng upo sa kanyang tabi. “Sa tingin ko lang kasi…hindi pa tama. Mga bata pa tayo…”
Ah, oo nga pala. Nagmula si Baste sa isang napaka-konserbatibong pamilya at kung hindi nga niya ito kilala, aakalain niyang lumaki ito sa simbahan, sa piling ng mga pari. Magkaibang-magkaiba talaga silang dalawa.
Wait, ang ibig sabihin ba noon ay virgin pa si Baste? At sa tingin ba ni Baste ay virgin pa rin siya? Uh-oh.
“Mahal na mahal kita, Sahara at ang gusto ko, kung gagawin man natin iyon, may basbas ng kasal.”
Napapikit si Sahara at napasandal sa headboard ng kama. How is she going to deal with a man like Baste?
“Naiintindihan mo naman ako, hindi ba?” nag-aalala nitong tanong.
Tumango siya at pilit na ngumiti. “Of course.”
“Salamat.” Niyakap siya nito at tinamnan ng halik sa noo. “Kaya minsan, napapansin mo na ako na ang umiiwas na magtagal ang kiss natin, hindi ba? Lalaki lang rin naman kasi ako at alam ko sa sarili ko na malaki ang posibilidad na hindi ako makapag-control. H-hindi sa ayaw kitang halikan, Sahara. Kung alam mo lang na minu-minuto, gusto kitang halikan…”
That made Sahara smile, for real. Kay Baste lang siya nakakarinig ng mga ganoong nakaka-kilig na salita.
“Ayoko lang masayang ‘yung first time natin dahil lang sa ‘urge’.”
First time. If ever, siya ang magiging ‘first time’ ni Baste. Nakaka-kaba rin pala ang ganoon. Pakiramdam niya ay isang napakabigat na responsibilidad iyon na nakaatang sa kanyang mga balikat.
“Pero don’t worry, hindi naman ibig sabihin ay hindi na tayo pwedeng mag-kiss.”
“How about…make out?” pabiro niyang tanong.
“M-make out?”
Natawa si Sahara sa reaksiyon ng kasintahan. Nanlaki ang mga mata nito na para bang ibang lengguwahe ang sinabi niya. And then she remembered that he probably had no idea what she’s talking about. “I mean…I’ve read about it…p’wede tayong mag-enjoy nang hindi humahantong ‘doon’.”
“Mas delikado ‘yon, hindi ba?” Umiling-iling si Baste, maraming iling. Pero halata sa mukha nito ang pagkakaroon ng interes sa paksa.
“No. Kung alam naman natin ang limitations, bakit magiging delikado? Trust me. Ako nang bahalang mag-control for the two of us.”
“Parang siguradong-sigurado ka, ha,” may himig pagtatakang sabi ni Baste. “N-naranasan mo na ba?” seryoso nitong tanong. “H-hindi naman ako magagalit kung naranasanan mo na. I mean, make-out lang naman and parang nakakapagtaka nga kung hindi mo pa ‘yon nararanasan samantalang marami ka nang nai-date dati…”
Napayuko si Sahara. She shouldn’t feel embarrassed but it seems like her whole existence is an embarrassment in front of Baste.
“Uy, sorry, na-offend ba kita?” Agad siya nitong nilapitan. “Okay lang sa akin ‘yon, promise. Naisip ko nga, parang mas okay nga yata kung isa sa atin ang medyo may alam sa mga ganitong bagay para hindi tayo parehong nangangapa.”
She immediately looked at him, wanting to know if he’s serious about what he had just said.
“I love you. At dahil mahal kita, payag na ‘ko sa ‘make out’ request mo.” He cupped her face and kissed her cheeks. “Ako na nga ang may girlfriend na kasing ganda at kasing sexy mo, magrereklamo pa ba ako?”
Halos umabot hanggang tainga ang ngiti ni Sahara pero pilit niyang hindi ipahalata ang sobrang excitement.
Tumayo na si Baste at kinailangan pa nitong tanggalin ang kamay ni Sahara na mahigpit na nakakapit sa braso nito. Matapos siyang halikan nito sa noo ay tuluy-tuloy na ito sa palabas ng kuwarto. Ni hindi na niya nagawang ihatid palabas ng unit dahil sa sobrang sakit ng ulo.
Gustong matulog ni Sahara buong maghapon at magdamag para makalimutan ang mga problema pero alam niyang imposible iyon. Kahit ilang bote ng alak ang maubos niya at maglasing siya buong gabi ay hindi mawawala ang mga iyon.
Hay, mabuti na lamang at nariyan si Baste. At mabuti na lang at pumayag na ito sa kanyang ‘make out’ request. Kahit paano, nakalimutan niya ang patung-patong na problema. She’d rather think about what she’d do to Baste to pleasure him than to worry about her troubles that won’t soon go away.