AFTER what happened, Sahara and Baste never talked about ‘what happened or didn’t happen’, na para bang panaginip lamang ang lahat. Hindi na niya iyon binanggit pa, at ganoon din si Baste. Everything went back to normal, thank God.
May mga pagkakataong gusto niyang itanong rito kung nagbago ba ang pagtingin nito sa kanya pero natatakot siya sa maaaring sagot nito kaya hinayaan na lang rin niya. Ang mahalaga para sa kanya, maayos pa rin ang relasyon nila sa isa’t-isa.
Sahara was pleased that everything’s falling into place – her relationship with Baste, her singing and modeling gigs, and her graduation. Ilang linggo na lamang, ga-graduate na sila at excited siya sa mga mangyayari. Isa na lang naman talaga ang pinoproblema ni Sahara.
Si Del Mundo.
Hindi na siya nakakatanggap ng tawag o text messages mula kay Del Mundo, na dapat naman niyang ikatuwa. Pero kung bakit mas lalo niyang ikina-kaba iyon ay hindi niya alam.
She wanted to talk to him because he’s been on leave for the past two weeks. But she couldn’t reach him. Kung puntahan kaya niya ito sa bahay nito? Hindi rin magandang ideya dahil tiyak na sasalubungin siya ng itak ni ‘Umbridge’ sa oras na makita siya nito.
But then, after a few days of contemplating on how to contact the professor, Sahara received a text message from an anonymous number, saying that Del Mundo was already dead. Alam niyang hindi dapat siya naniniwala sa mga ganoong klase’ng texts dahil baka isa lang ‘yon sa mga nauusong scam at pera lamang ang gusto ng kung sino mang nagpadala noon. Pero hindi niya maiwasang kabahan.
At nakumpirma nga ang mensahe’ng natanggap nang mabalitaan niya ang totoo’ng nangyari sa kanilang propesor…
“Ang sabi, aksidente. Pero ang totoo, suicide.”
Suicide? Si Prof. Del Mundo, nag-suicide?
Maaaring chismis lang, pero ang balitang iyon ay galing mismo sa ka-eskuwela nilang may tiyuhing pulis, na siya noong humawak ng naging kaso’ng pambubugbog kay Del Mundo noon.
It was real. Professor Arnold Lee Del Mundo committed suicide.
“Bakit raw?” Iyon ang paulit-ulit na tanong ng lahat. Ano nga ba ang dahilan ng pagpapakamatay ni Del Mundo?
“Baka hindi kinaya ang stress at pressure. Alam n’yo na, ‘yung tungkol sa ‘the other woman’ ni Prof.”
Bulungan.
“Pero grabe naman, dahil lang do’n, suicide agad? Hindi ba p’wedeng depressed muna?” tanong ng kaklase nilang mahilig sa pink na bag, na agad namang sinalungat ng kaibigan nitong ang hilig naman ay mga pink na headband.
“Loka. Matagal na ngang depressed si Prof. Obvious naman diba? Parati ngang absent nitong mga nakaraang linggo. Eh, kilala naman natin si Prof sa pagiging OC pagdating sa tardiness, diba?”
Tumangu-tango ang mga kaklase nilang nasa umpukan. At muli, bulungan.
“Sigurado bang suicide? Baka may foul play.”
Nagkibit-balikat ang kaklase’ng may tiyuhing pulis. “Atin-atin lang, ha. Eh natagpuan raw sa loob ng kotse, may tama ng baril sa ulo. Nagbaril raw.”
“Baka binaril.”
“Wala raw nakitang ibang fingerprints, eh. Wala ring sign ng struggle. Ewan ko rin ha. Pero p’wede rin talagang may foul play. Sabi ni uncle, hindi pa nila ini-eliminate ‘yung possibility.”
Pero sino ang magtatangka sa buhay ni Del Mundo?
Bawat isa sa mga kaklase nila ay may opinyon. Sabi ng isa, baka pinapatay ng asawa dahil na rin sa mga kalokohan. Bukod raw pala kasi sa pagkakaroon nito ng relasyon sa estudyante ay napag-alaman na mayroon itong inuupahang town house sa kabilang bayan, na para di umano sa babae nito. Halos maubos raw ang savings ng mag-asawa at maging ang pag-aaral ng mga anak ay muntik nang maapektuhan. Del Mundo also wanted to annul his marriage with his wife.
So, he’s really serious about wanting her to live with him. At seryoso ito sa sinabi nito na hihiwalayan nito ang asawa para lamang sa kanya.
Napagkasunduan ng buong klase na dumalaw sa chapel kung saan nakaburol ang mga labi ng propesor pero tumanggi si Sahara. Paano siya pupunta roon? Ano ang mukhang ihaharap niya sa misis ni Del Mundo? Baka mag-eskandalo iyon doon at mabulgar pa ang kanyang lihim. Idinahilan na lamang ni Sahara na masakit ang kanyang ulo kaya kailangan na niyang umuwi.
“Okay ka lang ba? Parang madalas sumakit ang ulo mo nitong mga nakaraang araw,” nag-aalalang tanong ni Baste nang ihahatid na siya nito sa sakayan ng jeep. “Magpatingin ka na sa doktor, Sahara. Sasamahan kita.”
“Wala ito, baka stress lang.”
“Stress? Bakit? May problema ba sa mga klase mo?”
At sa maraming bagay. “Medyo.”
“Ano pa bang ikinaka-stress mo, ga-graduate na nga tayo, hindi ba? Dapat, excited ka.”
“Of course, excited ako.”
“So, saan ka stressed?”
Sa buhay.
“Sa akin ba? Sa relationship natin?”
Natawa siya. “Bakit naman ako mai-stress sa ‘yo at sa relationship natin eh ikaw na nga lang ang pampa-good vibes ko?”
“Talaga?” Lumiwanag ang mukha ni Baste.
“Talaga.”
“Kahit na…alam mo na.”
“Kahit pa,” nangingiti niyang sabi. Tungkol iyon sa pagkakaiba ng pananaw nila pagdating sa ‘intimacy’ – him being the conservative type and she, being the liberated one. Oh yeah, liberated is probably a very weak word to describe her when it comes to that part.
“Sahara, sorry talaga doon sa nangyari ha…well, sa hindi nangyari. Aaminin ko, medyo na-shock talaga ako kaya…”
“Baste, okay lang, promise. Ako ang dapat mag-sorry dahil sa nangyari.”
Natawa ito at napailing. “Grabe, nabigla talaga ako. At isa pa, ayun nga, medyo nahiya ako kasi ako ang lalaki, ako pa ‘tong pakipot, ako pa ‘yung pa-conservative.”
“Ang cute kaya.” Pinisil niya ang ilong nito.
“Talaga? Cute ‘yon sa ‘yo?”
“Cute na cute.”
“Hindi turn off?”
Umiling siya. Kung puwede lang niyang sabihin na breath of fresh air si Baste para sa kanya. Kung bago ang lahat para rito, parang bago rin ang ganoong sitwasyon nila para sa kanya – ‘yung siya ang mas may alam.
“Hay, ang suwerte ko talaga sa girlfriend ko. Hindi lang sobrang ganda at sexy, ang bait-bait pa,” sabi nito sabay yakap sa kanya. Improvement ‘yon, naisip ni Sahara dahil hindi na ito nahihiyang maglambing sa harap ng maraming tao. “Promise ko, sa susunod na nagkaroon ng chance, hindi na ‘ko aatras.”