Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 18

“HI, may I join you?”

Nilingon ni Sahara ang lalaking biglang lumitaw mula kung saan. Hinahanap niya noon ang lighter sa loob ng kanyang maliit na bag kaya hindi niya napansin na may umupo na pala sa bar stool sa kanyang tabi.

“I’m Ace…you are?”

Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo at inilagay iyon sa kanyang labi. Without looking at the man, she introduced herself, “Sarah.”

“You were great back there,” sabi nito sabay alok ng sarili nitong Zippo. Binuksan nito iyon at itinapat sa kanyang sigarilyo.

“Thanks,” simple niyang sabi. Wala siya sa mood makipag-usap sa kahit na sino, lalo na ngayong pagod siya. She just finished five songs and still had to perform on stage but she already felt exhausted. She’s not even supposed to have a cigarette but she’s got to calm her nerves. Hindi niya inaasahan na napakaraming tao pala ang kakantahan niya sa business party na iyon.

The bar was located at the 2nd floor of a 5-star hotel. The place looked expensive, the food was great. Pagpasok na pagpasok pa lamang niya kanina sa lugar ay alam na niyang mayayaman ang mga tao na naroon. Wala yatang hindi naka-amerikana sa mga kalalakihan samantalang ang mga babae naman ay puro mga naka-long gown at cocktail dresses na sa mga magazines at fashion shows lamang niya madalas makita.

Mabuti na lamang at pinahiram siya ni Karen ng damit para sa gabing iyon – isang simple pero elegante’ng ‘little back dress’. Mayroon itong swarovski trimmings sa laylayan at pinahiram rin siya ng kaibigan ng diamond earrings and necklace set to complete the look.

“Are you with someone?”

Tiningnan muna ni Sahara ang katabi bago umiling. Ito ang tipo ng lalaking maipagkakamali mo sa isang artista. He’s got clean-cut hair and stunning chiseled jawline na lalong nagpa-guwapo rito. Kahit na medyo madilim sa bahaging iyon ng bar ay kitang-kita niya ang light brown nitong mga mata na tila kumikislap sa tuwing tinatamaan ng liwanag. Matangos rin ang ilong nito at tila may lipstick ang mga labi dahil sa pagkapula nito.

“Wow, a gorgeous girl like you shouldn’t be alone.”

It’s too obvious that he’s flirting. She just smiled at him.

“Care for a drink?”

Umiling siya. “I don’t take drinks from strangers.”

Sa halip na mainis ay lalong gumanda ang ngiti ng binata. Um-order ito ng isang baso ng rhum para sa sarili. “You know what? I like you.” sabi pa nito. “I’ll give you more time to get to know me, then.”

May sasabihin pa sana ang binata sa kanya pero mabuti na lamang at tinawag na siya sa entablado for her last set of songs. Tumayo na siya, pinatay ang sigarilyo sa ashtray at tuluyan nang umalis. Yeah, the guy is hot, no doubt about it but she’s no longer interested in men – in general. Because when she committed herself to Baste, she promised to be faithful.

Nang nakatayo na siya sa harap ng mikropono at nagsimula nang kumanta, napansin niyang mataman pa ring nakatingin sa kanya ang binatang nagpakilala sa kanya kanina. She felt his stare from afar, measuring her.

Siguro, kung single si Sahara at walang nobyo, hindi na siya magdadalawang-isip at susunggaban na niya ang pagkakataong iyon – guwapo, mayaman. Pero pinili niyang ilayo ang tingin sa binata at mag-focus sa kinakantang piyesa.

Sahara always sings with emotions and sensuality and that night, she made sure to outdo herself. Sabi nga ni Karen, malaki ang posibilidad na mayroong maka-diskubre sa kanyang potensiyal ngayong gabi kaya kailangan niyang gawin ang makakaya para mapansin.

Napuno ng palakpakan ang kabuuan ng bar, na hindi niya inaasahan. Ramdam niya ang lahat ng mata ng mga naroon ay nakatutok lamang sa kanya at may ilan pang kumuha ng litrato at video niya habang kumakanta – at sa mga ganoong pagkakataon niya nararamdaman na importante siya.

~~

“HEY!”

Nasa loob na siya ng elevator at pasara na ang pinto nang biglang may kamay na pumigil doon. Malaki ang pagkakangiti nito na pumasok at tumayo sa tabi niya.

“Late dinner?” tanong nito nang sumara nang muli ang pinto.

Umiling siya nang hindi tumitingin sa kaharap. Kung sabagay, hindi naman niya kailangang tumingin rito dahil kita niya ang repleksyon nilang dalawa sa kanyang harapan dahil sa salamin na pinto ng elevator.

“Coffee? Come on, just one cup of coffee,” muli nitong sabi. Tulad niya, doon na rin siya nito tiningnan sa salamin. At nang muli siyang umiling ay nagulat siya nang lumuhod ito sa kanyang harapan. “A couple of drinks? I know a great place…please?”

At eksaktong bukas ng elevator. Maraming tao roon na naghihintay, at kita sa mga mukha ng mga ito ang sobrang pagkabigla dahil sa nasaksihan. Pilit na pinatayo ni Sahara ang binata pero hindi ito pumayag hangga’t hindi siya pumapayag.

“How about your number? Just your number, Sarah, please?”

“Okay, fine!” Dahil wala na naman siyang pagpipiliian. Nang tumayo si Ace ay mabilis siyang lumabas ng elevator.

“So, dinner, coffee or a few drinks?”

“Akala ko ba number ko na lang?” taka niyang tanong sabay tingin rito. Patalikod itong naglakad para makaharap pa rin sa kanya.

Ace smiled. Aminin man niya o hindi, kinilig siya sa ngiting iyon. “Please? I’m not a criminal, I’m not gonna hurt you, I promise.” Itinaas pa nito ang kanang kamay.

“What do you want from me?” Nang marating nila ang entrada ng gusali ay huminto si Sahara.

“Sabi ko nga, your number…and a few minutes of your time.”

“Bakit?” iritable niyang tanong.

“Because I like you,” diretso nitong sagot. “And when I like someone, I do something about it.”

Hindi iyon ang unang pagkakataon na makaranas siya ng ganoong kulitin ng lalaki pero iyon ang unang pagkakataong kulitin siya nang hindi na siya single. And frankly, it was difficult. Dahil noon, napakadali niyang um-oo o humindi. Pero ngayon, hindi niya alam pero parang gusto niyang pagbigyan ang lalaking iyon, kahit alam niyang mali. O well, a few minutes of coffee won’t hurt.

The coffee shop was just a block away from the bar. Kahit dis-oras na ng gabi ay marami-rami pa rin ang tao roon dahil na rin sa mga call center agents na nagtatrabaho sa katapat na gusali. He ordered two cups of coffee for both of them.

He sat opposite her then, he just stared at her and said nothing. Ang kaninang madaldal na Ace ay biglang natahimik. Now he got her thinking.

“Tititigan mo na lang ba ‘ko?”

Tumango ito. “I’ve never seen you before. I mean, parati akong lumalabas with my friends, you know, club hopping…but I’ve never seen you before.”

“Well, that’s because I’m not from here.”

“Meaning, you’re from the states or something?”

Umiling si Sahara at natawa. “I just…don’t live here.”

Tumangu-tango si Ace, nauunawaan na hindi siya basta-basta nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanyang sarili.

“So, are you a professional singer? Are you a model?”

“Student,” sagot niya matapos uminom ng tubig. “How about you?”

“Well, I run my own business. Publishing.” Hinawak-hawakan ni Ace ang tasa pero tila wala itong balak na inumin iyon.

Hmm, interesting. Pero hindi si Sahara ang tipo ng tao na madaling maniwala. And he made it clear that she likes her so it could be just his way to impress her. Tumangu-tango lang siya at hindi ipinakita ang pagkakaroon ng interes sa paksa. Ni hindi na siya nagtanong ng kahit na ano tungkol doon.

“Boyfriend?”

Ito na.

Pagkatapos ng ilang basic Q & A, nagtanong na si Ace tungkol sa kanyang relationship status. Should she say yes, or no?

“Yes.”

Hindi maikakailang na-disappoint si Ace. Bahagyang kumunot ang noo nito na para bang hindi naniniwala sa kanya. “Sa bagay, sa ganda mong ‘yan, imposible na wala kang boyfriend.”

“So, nalaman mo na na may boyfriend na ‘ko, can I go home now?”

“Bakit, bawal na ba ngayong mag-kape kasama ng iba ang babae’ng may boyfriend?”

“Hindi naman pero bawal makipag-flirt sa isang babae’ng may boyfriend.”

“Says who?” natatawa nitong tanong. “I’m not flirting.”

Siya naman ang natawa. “Oh come on, I’ve known a lot of Aces in my life. And I know flirting when I see one.”

Tumayo na siya para magpaalam. Pero lalo lamang yatang na-attract si Ace sa kanya. Tumayo rin ito at sumunod sa kanya palabas, hanggang sa sakayan ng taxi.

“Ihahatid na kita.”

“No, thanks. Kaya ko nang umuwing mag-isa,” nakangiti niyang sabi.

“Ah, you are really something, Sarah. You intrigue me. At bihira lang akong ma-intigue sa isang babae. Hindi naman siguro magagalit ang boyfriend mo kung magkikita pa uli tayo?”

Umiling si Sahara. “I’d rather not see you again, Ace.”

“And why is that?”

Because it could be dangerous, sabi ni Sahara sa sarili. “Dahil sabi ko nga, I’m already taken.”

“Hey, I’m not gonna take you away from him.”

Niliitan ni Sahara ang kanyang mga mata. “You’re really persistent, aren’t you?”

Tumangu-tango si Ace. “Yes, ma’am. I guess it’s in the blood. I came from a family of businessmen. I was trained to be persistent. To do everything, anything to get what I want.”

“Well, we’ll see about that. Because I’m sorry to tell you but I am not some kind of a business deal that you can win, sir. Not with your money, not with your charm.”

“We’ll see about that,” biro nitong sabi.

Lihim na napangiti si Sahara. Mabuti na lamang at may dumating nang taxi dahil kung hindi ay hindi niya maipapangako na kaya pa niyang mag-behave kasama ng lalaking iyon. Nagulat siya nang si Ace pa mismo ang nagbukas ng pinto ng taxi para sa kanya.

“It was nice meeting you, Ace.”

“Nice to meet you too, Sarah. I hope this won’t be the last time.”

Nagkibit-balikat siya at pumasok na sa loob.

“So, can I call you?”

“Sure,” nakangiti niyang sabi.

“But you haven’t given me your number.”

“Aw, too bad.”

At umandar na ang taxi at nakita niya si Ace na umiiling-iling pero nakangiti.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.