Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 21

NANG makasigurong tulog na si Max ay sinamantala niya ang pagkakataon para makapag-shower. Pagkatapos noon ay mabilis siyang nagbihis at kinuha na ang shoulder bag sa ibabaw ng nightstand. Aalis na siya sa lugar na iyon hangga’t mahimbing ang hayop na iyon. It’s almost ten in the evening and she’s late for her gig.

“Oh, bakit nagmamadali kang umalis? May problema ba, baby?”

Napapikit si Sahara at napailing. Hindi na pala dapat siya nagshower at basta umalis na lang. Tiningnan ni Sahara ang sariling repleksiyon sa malaking pabilog na salamin habang sinusuklay ang mahabang buhok. Kita niya mula roon si Max na prenteng-prenteng nakaupo sa kama habang naninigarilyo at nakatingin sa kanya.

“Ano, bukas uli?” tanong ni Max. Nakakaloko ang ngiti nito.

“Huli na ‘to, Max. At huwag na huwag mo na ‘kong pupuntahan sa condo, dahil kung hindi-“

“Kung hindi, ano? Ipapa-pulis mo ako?” Tumayo si Max at nilapitan siya nito doon sa harap ng vanity table at niyakap siya habang nakatalikod. “Ano’ng ika-kaso mo sa akin? Rape? Ha, ha! Walang maniniwala sa ‘yo. Dahil isang halik ko lang sa’yo, bumibigay ka na, eh.” Sinimsim ni Max ang leeg niya, at nagdulot iyon ng pag-iinit ng kanyang katawan. “Hmm, ‘lika na nga, Sahara...magsama na tayo. ”

Mabilis na tinanggal ni Sahara ang pagkakayakap ni Max sa kanyang baywang. Hinarap niya si Max at tiningnan ito nang matalim.

“May nakita na ‘kong apartment na puwede nating upahan pansamantala.” Pinatay nito ang upos ng sigarilyo sa ashtray bago muling humarap sa kanya.

“Apartment? Akala ko ba ibibili mo ‘ko ng malaking bahay?” naka-irap niyang tanong. Malinaw pa sa alaala niya ang mga pangakong iyon mula kay Max noon.

Sinundan siya nito doon sa may pinto at muling niyakap patalikod. “Pansamantala lang naman, baby ko…teka, kapag nakabili ba ‘ko ng bahay para sa iyo, papayag kang magsama na tayo?” Malaki ang pagkakangiti ni Max. “Sige ha. Gagawa ako ng paraan para magkaroon tayo ng bahay, ha, baby?”

Max tried kissing her lips but she refused. “Teka, teka, pa’no si Michaela? Paano kung malaman ni Michaela ‘tong kalokohan mo?”

“Kalokohan ko? Ha, ha! Kalokohan ‘natin’ ito, Sahara. Tsaka wala na ‘yon, hiwalay na kami. Matagal ko nang gustong hiwalayan ‘yung pinsan mo na ‘yon, eh. ‘Yon naman talaga ang plano natin noon pa, hindi ba? At ngayong wala na kami, puwedeng-p’wede na tayo.”

She couldn’t hide her shock upon hearing the news. Kung noon pa niya iyon nalaman, magiging masaya pa siya dahil matagal na niyang pinapanalangin na hiwalayan nito ang pinsan. Pero iba na ang sitwasyon ngayon dahil ngayon, wala na siyang pakialam kay Max. Dahil ngayon, wala na siyang nararamdamang pagmamahal rito.

Mabilis siyang lumabas sa kuwartong iyon nang hindi na muling tiningnan pa si Max. Luminga-linga pa siya sa mga pasilyo para malaman kung saan ang labasan. Mabuti na lamang at may nakita siyang isang magkaakbay na magkapareha na eksaktong palabas na ng hotel kaya sumunod na lamang siya sa mga ito.

Ngayon, hindi na alam ni Sahara kung paano makakaligtas sa mga kamay ni Max. Kilala niya ang pagkatao nito at sigurado siyang gagawin nito ang lahat para lamang makuha ang gusto nito.

Should she call the police? Kung hindi lang niya iniisip ang kaligtasan ni Baste, hindi siya magdadalawang-isip na ipa-blotter ang hayop na ‘yon.

Should she tell Baste about Max? Maybe she should, as soon as possible. Kaya kahit may alinlangan ay nagdesisyon si Sahara na makipagkita kay Baste para mapag-usapan nila ang tungkol sa sitwasyon. Dalawang bagay lang naman ang kalalabasan ng pag-uusap nila – ang maintindihan siya ni Baste at tulungan siya sa problema niya kay Max, o iwan siya nito.

But she believes that Baste loves her and he’d love her for who she is and for what she has done in the past. Yes, she has to believe but before anything else, she has to find a new place to stay. At nang sabihin niya iyon kay Karen ay nagulat pa siya nang agad-agad itong nagbigay ng tulong.

“Pero bakit naman bigla-bigla? May pinagtataguan ka na naman ba?” natatawang tanong sa kanya ng kaibigan nang maabutan niya ito doon sa The Lounge. Katatapos lang ng last set nito at nang makita siya roon sa bar ay agad siya nitong pinuntahan.

Ngumiti na lang si Sahara. Karen knew her too well. Kung hindi mga lalaki, mga pinagkakautangan niya ng pera at ng loob ang madalas niyang pagtaguan.

“Saan ka pupunta? May nakita ka na bang apartment?”

“Wala pa.”

“Hmm, wait...p’wede ka sa townhouse ni Papa. You can stay there for a while, for free.”

“Really, for free?” gulat niyang tanong. Well, hindi naman talaga niya ikinagulat ang offer na iyon ng kaibigan but still, it was a really pleasant surprise.

“Of course. Pagbabayarin pa ba kita? Just tell me when you want to move so I could –“

Napakunot ang noo niya dahil hindi naituloy ni Karen ang sasabihin. Tiningnan niya ito na noon ay nakatuon ang atensiyon doon sa dance floor.

“Do you know that hot guy in a suit?”

“Hmm…hindi, bakit?” Medyo malayo ang kinauupuan ng lalaking pumukaw ng atensiyon ni Karen at hindi niya makita ang mukha nito dahil na rin sa madilim na paligid. All she could work out was that the guy was wearing a suit, and he’s looking at their direction – that’s it.

“Kanina pa nakatingin dito, e.”

O my God. Could it be Max? She narrowed her eyes to be able to see through the darkness. No. The guy’s frame was bigger than Max’s and the hair was a bit shorter. Hindi rin nagsusuot ng ganoong ka-pormal na damit si Max.

“Mukhang may nahulog na naman sa bitag mo, Sahara. He’s staring right at you.”

“Nuh-uh. Sa’yo nakatingin, Karen,” natatawa niyang sabi at tumalikod na siyang muli.

“How I wish!” kinikilig na sabi ni Karen.

“Teka, may boyfriend ka na, diba?”

“Nuh-uh,” sagot nito, na ginaya ang ginawa niya kaninang pagwagayway ng hintuturo. “That’s so yesterday, Sahara. I’m single…and ready to mingle.”

Napailing na lang si Sahara. Noong isang linggo lamang ay hindi ito magkanda-ugaga sa pagkukwento tungkol kay Chuck, na nakilala nito sa isang birthday party. She’s been telling her how great he was in bed…and then now, she’s telling her that it’s all over. Oh yeah, Sahara could actually see herself in Karen lalo na noong single pa siya at wala pang Baste sa buhay niya.

“Did you see his face, Sahara? Grabe, ang H-O-T!”

“Paano ko makikita eh sobrang dilim!”

“Well, I did. Nasalubong ko siya sa may C.R. kanina. Oh, my, Sahara, I’m telling you. Sobrang hot! Muntik ko na ngang sunggaban kanina eh, buti may set pa ‘ko, ha, ha! I think I’m in love again!”

That’s Karen. Tulad rin niya itong napakadaling ma-inlove, na kaunting titig lang, in love na agad. “Eh di gawin mo ngayon, go on, lapitan mo na si Mr. Hottie.” pag-uudyok ni Sahara sa kaibigan. Tinapik pa niya ito sa balikat.

“Eh paano kung ikaw ang type?”

Umiling-iling siya. “Sa’yo nga nakatingin, Karen. And besides, wala siyang mahihita sa akin dahil may Baste na ‘ko. And I’m a loyal kind of a girlfriend.”

Lumaki ang ngiti ni Karen at inubos ang natitirang laman ng bote ng beer. “Well, in that case, akin na siya. If ever na ikaw ang type niya, ibalato mo na sa akin ‘to, sis. Let’s just say na siya na ang bayad sa lahat ng mga utang na loob mo sa ‘kin ha?” natatawa nitong sabi. “This is it, Sahara. Remember this night - because this is the night when Karen Montinola gets a new boyfie.”

“Good luck, sis. And yeah, congratulations on the new H-O-T boyfie.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.