Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 26

SAHARA’S training has been great at dahil napakagaan kasama ni Miss Gopez, na ayaw magpatawag na Miss Gopez dahil mukha naman raw itong bata. Wala namang naging problema si Sahara sa mga itinuturo nito sa kanya.

Fast learner raw siya, ayon rito at tiyak raw na matutuwa si Arch. Aguas kapag nalaman na handa na siyang gampanan ang papel bilang ‘temporary personal assistant’ nito. Ang problema lang ay ang hindi maiiwasang ‘chismis’ sa opisina. Yeah, office politics. Uso na pala iyon kahit pa nga bago lang siya – o dahil nga sa bago siya sa kumpanya?

Sahara felt as if she’s in school once again. Iyo’ng pinagbubulungan at pinag-uusapan kapag nakatalikod siya, iyo’ng tinitingnan ng masama sa tuwing daraan siya, iyo’ng may mga naiinggit at nagagalit. This is why she hated working in the conventional office environment in the first place. Kung hindi nga lang sa malaking suweldo, na kailangang-kailangan niya ngayon, hindi siya magtitiyaga sa kumpanyang iyon.

“Don’t mind them,” ani Miss Gopez, na napapansin rin pala ang ‘tension’ sa opisina. “Normal lang ‘yan. Lalo na sa industriya natin, advertising. Dapat parating pataasan, pagalingan. Bago ka pa lang, pero ikaw agad ang napansin ni Architect, eh. Hay naku Sahara, don’t worry. Lilipas rin ‘yan. I’ve been in your situation. Wala eh, magaganda at matatalino tayo, may magagawa ba sila ro’n?”

Mabuti na lang ay nakakita siya ng kakampi at kaibigan sa katauhan ni Minerva, o Miss Gopez.

“By the way, may boyfriend ka ba?” pagkadaka’y tanong ni Minerva sa gitna ng training nila. “Well, kung meron man, just don’t bring it up to the Architect. Baka ma-awkward ‘yon sa’yo.”

“Ma-awkward? What do you mean?”

Humarap sa kanya si Minerva. “Let’s just put it this way. Arch. Aguas is the flirty kind of a boss. Napansin mo naman, hindi ba? ‘Yung mga malalapit na nagtatrabaho sa kanya, medyo mas angat sa karamihan, lalo na pagdating sa itsura. Tulad mo, tulad ko. He chooses his people carefully and when you are chosen, it only meant one thing – you are beautiful, you are smart, he likes seeing you around. Nabanggit nga niya sa’kin noon, nung bago pa lang ako tulad mo na seeing beauty around him makes him more productive. At totoo naman. It shows in every work he does.”

“But don’t get the wrong impression. Kung itatanong mo kung gusto ka niyang maging girlfriend, the answer is a big no. Iyan rin ang worry ko noon, nung kinuha niya ‘ko as his Executive Assistant, pero hindi naman. He just likes you and he wants you to be around him. Oy Sahara, ha, hindi naman sa pangmamaliit sa mga babae, ayokong mapagalitan ng mga peminista diyan pero may mga pagkakataon kasi na p’wede nating gamitin ang pagiging babae natin, at pagiging maganda natin sa ating advantage. Arch. Aguas likes you because you’re smart and you are beautiful, so use it. Take advantage of it. Siguro may mga naririnig ka na sinasabi ng iba na Flavor of the Month ka lang ni Architect. Huwag mo silang pansinin. Eh may katotohanan naman, kahit paano, diba? And I don’t see anything wrong with that. He’s not gonna make you a sex slave or a sex object, no no, nothing like that. Arch. Aguas is nothing like that. Disente si Architect. Kakaiba nga lang sa iba’t-ibang aspeto pero disente ‘yon. At mabait. Sobrang bait. At kapag nagustuhan ka niya at nagustuhan niya ang trabaho mo, sobrang suwerte ka. He’d take you to places you’ve never been before. I know, because I’ve experienced it.”

So, there’s really nothing to worry about. Being an eye candy wasn’t that bad after all.

“By the way, seloso ba ang boyfriend mo? Because I have to tell you that working real close with the Architect could affect your relationship with your boyfriend. Yeah, been there, done that. Kailangang may malawak na pang-unawa ang boyfriend mo para matanggap niya na isang tulad ni Architect Aguas ang boss mo. Well, you really don’t need to tell your boyfriend about it, do you?”

“Wala naman na akong boyfriend.”

~~

THE 60-minute flight from Manila to Dumaguete was better than she had expected. Alas nuebe sila dumating sa hotel at pagkatapos lamang ng maiksing breakfast ay tumuloy na agad sila sa convention na ginanap sa conference hall sa parehong hotel na tinutuluyan nila.

Arch. Aguas was a strict boss. Iyon ang napansin ni Sahara sa buong araw nilang magkasama. Hindi siya nito kinakausap kung hindi kailangan, ni hindi siya nito tinatapunan ng tingin. Which was actually a good thing, Sahara thought. Tama si Miss Gopez sa sinabi nito tungkol sa arkitekto. Disente ito at seryoso sa trabaho.

“After work, we’ll go shopping. You need something formal for the hotel’s opening party later.”

They were having coffee at the restaurant’s balcony while admiring the breathtaking view of the ocean. It was almost four in the afternoon and they were about to have their last meeting for the day in a few minutes.

Simula nang dumating sila doon kaninang umaga ay manghang-mangha na si Sahara sa mga nakikita at ngayon ay nagpapasalamat siya sa desisyong sumama kay Arch. Aguas para sa conference na iyon. It was indeed a once in a lifetime experience at alam niyang hindi basta-basta dumarating ang ganoong pagkakataon sa tulad niya.

Mula sa bintana ng 5-star hotel nila ay kitang-kita ang kagandahan ng napakalawak na karagatan. Kahit saan siya tumingin ay puro kagandahan at karangyaan lamang ang natatanaw niya na parang gusto na niyang tumira roon. Bukod sa magandang tanawin ay mababait rin ang mga tao at wala pa yata siyang nakasalubong o nakausap roon na hindi nakangiti.

Sa kabuuan, naging matagumpay ang unang araw nila sa Dumaguete. The last meeting for the day went well. Marami siyang nakilalang mga importanteng tao sa larangan ng advertising at maging sa arkitektura. Arch. Aguas was not just the founder of Aguas Advertising Agency, but he’s also one of the celebrated names when it comes to structural design at ang huling event na dinaluhan nila ay isang pagtitipon kung saan ito guest speaker.

“So, we’re done for the day,” sabi ni Arch. Aguas nang palabas na sila ng conference hall. “Ready for shopping?”

Gusto niyang sabihin na kanina pa siya kating-kati’ng mag-shopping pero ngumiti lang siya. Sumunod siya rito hanggang sa naghihintay na kulay pula’ng kotse sa harap ng hotel. And they arrived at the mall in less than thirty minutes. She get to choose anything she wanted – the dress, the shoes. He even let her get the accessories that would be perfect for her outfit.

“Sir, b-baka po hindi kaya ng sweldo ko na bayaran ang mga ito,” nag-aalala niyang tanong nang nasa loob na sila ng elevator ng hotel.

Natawa ito. “Sinong may sabi na kailangan mong bayaran ‘yan? Let’s say that that’s just some of the perks you get for being my personal assistant this weekend.”

“Wow, thank you, sir,” halos hindi makapaniwala niyang sabi.

At nang huminto at bumukas ang elevator sa ika-labing-isang palapag ay magkasunod silang lumabas roon. Magkatabi ang kuwartong kinuha ni Arch. Aguas para sa kanilang dalawa.

“So, see you in an hour, Miss Smith. I’ll just wait for you at the lobby.”

Hinintay pa muna ni Sahara na makapasok si Arch. Aguas sa sarili nitong kuwarto bago niya buksan ang pinto. Ibinaba niya ang mga dalang pinamili sa ibabaw ng kama at inilabas ang mga iyon sa paper bag.

Sahara chose a black strapless cocktail dress and its waistline was embellished with swarovski crystals, which accentuates her small waist, a pair of red stilettos, and red wine clutch purse. After taking her well-deserved long hot bath, she dressed up, made up and prepared herself for her first ever formal event.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.