“MISS Smith, follow me.”
Mabilis na tumayo si Sahara nang tawagin ang kanyang pangalan ni Miss Gopez, ang executive assistant ni Arch. Aguas. Maganda ito, mahaba ang tuwid na buhok, makurba ang katawan, morena ang makinis nitong kutis. Kahit limang taon na itong nagtatrabaho bilang executive assistant ni Arch. Ricardo Aguas, mabait ito sa mga tulad niyang mga baguhan. Pagkatapos ng anim na buwang OJT ay natanggap siya bilang copywriter sa Aguas Advertising Agency. There’s nothing to complain about, really – except the fact that the whole idea of a 9-5 job was a bit tedious for her.
Kinuha niya ang kanyang handbag at inayos ang nalukot na bahagi ng palda bago sumunod sa nakangiting si Miss Gopez.
“Bakit raw ako pinatawag ni sir?” medyo kinakabahang tanong ni Sahara habang nasa likod ni Miss Gopez. “May nagawa kaya akong mali?”
Umiling-iling ito at ngumiti. “Don’t worry. Ganyan talaga si Architect, gustong personal na kinikilala ang mga bagong staff tulad mo.”
Nakahinga siya ng maluwag. Kumatok muna si Miss Gopez ng dalawang beses sa napakalaking oakwood door bago binuksan iyon.
“Sir, narito na po si Miss Smith.”
Tumangu-tango ang kausap nito nang hindi tumitingin sa kanila. Nakaupo iyon sa magarang mesa na gawa sa salamin, kaharap ng napakaraming papeles. May hawak itong ballpen at abala sa pagpirma ng mga iyon.
“Sit down,” malalim na sabi ni Arch. Aguas. Ibinaba nito ang hawak na papel at matamang tumingin sa kanya. “Good morning, Miss Smith.”
Naupo na siya sa upuang naroon sa harap ng mesa. “Good morning, sir,” nakangiti niyang bati. It was her first time to be inside Arch. Aguas’ office and she should say that she’s more than impressed. Everything about it was modern. Puti ang halos lahat ng gamit sa loob – ang mga file cabinets, ang mga upuan, sofa at coffee table samantalang gray naman ang kulay ng carpet sa sahig.
The office has a conference area for creative discussions. Nasa kanang bahagi iyon ng opisina, at ang couch at coffee table sa kaliwa. Maaliwalas ang kabuuan ng lugar dahil na rin siguro sa matataas na glass panels na nagsisilbing bintana. Mula tuloy sa kinauupuan niya ay kitang-kita niya ang napakagandang tanawin sa labas.
“How’s working for the team so far?”
“Okay naman po, sir.”
Arch. Aguas is in his late forties. May mga puting buhok na ito pero hindi iyon nakabawas sa ka-guwapuhan nito. He’s tall, mascular. At nakadagdag pa ang kayumanggi nitong kulay, na para bang araw-araw itong lumalangoy sa dagat.
Tumayo si Arch. Aguas at lumigid sa mesa nito. May kinuha itong folder sa file cabinet at saka muling bumalik sa dating kinauupuan. “Tatapatin na kita, Miss Smith. Hindi ka bagay na maging copywriter.”
“B-bakit po? May mali po ba sa trabaho ko?” Kasabay ng panlalaki ng mata niya ay ang paglakas ng tibok ng kanyang puso.
“No, no,” natatawa nitong sabi. “Wala namang mali sa trabaho mo. It’s just that…I think you’re too beautiful…and well, I guess too smart to be just a copywriter. Do you really like your job, being a copywriter, I mean?”
What should she react to that? Mataman itong nakatingin sa kanya at nang ngumiti ito ay alam niyang hindi na niya kailangan pang sumagot.
“Anyway hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I’m gonna make you an offer, right now. I’ll be needing a temporary Personal Assistant. I have to leave for an out of town trip next weekend and I can’t take Miss Gopez with me because of her European cruise. And after going through your resume’, I can say that you are qualified for the post.”
Temporary personal assistant to the big boss. Napakagandang oportunidad iyon lalo na sa katulad niyang bago lamang sa ganoong propesyon. She could learn a lot from the job, and she’d have the chance to go out of town. Pero bakit siya? Sa dinami-rami ng staff ng agency, bakit siya ang napili nito samantalang bago lamang siya sa kumpanya?
“I’ve given Miss Gopez instructions about it so siya na ang bahalang mag-train sa ‘yo. Nothing complicated though.”
Makahulugan ang tingin na ibinigay sa kanya ni Arch. Aguas, naghihintay ng kanyang isasagot. Pero ano ang isasagot niya roon? Yeah, it was a good offer, better even, but she couldn’t help herself to think that something isn’t right.
“It’ll just take the weekend. I just really need somebody to assist me during the entire conference.” Ngumiti muna ito bago muling nagsalita. “And…there’s gonna be a new hotel opening that same weekend so I’d like you to come with me to their Grand Opening Party.”
Is he asking her to be his date on that party? “Pero bakit po ako, sir?”
“Just like what I’ve said, you are qualified to the position. And…”
Hinintay niya ang susunod na sasabihin ng arkitekto pero nanatili lang itong nakatitig sa kanya, na tila ba iniisip kung itutuloy pa ang usapan nilang iyon.
“Halos lahat kasi ng staff ko, either married, or single parents. Hindi sila available for out of town trips so basically, you are the only one who fits the bill. No worries, the trip is all expense-paid, with pocket money, double pay. I can triple your pay if you want. I’m not giving you an option, Miss Smith. You have to come with me.”