AWTOMATIKONG tinakpan ni Ace ang mga mata ng kanyang unan nang biglang bumungad ang liwanag sa kanyang kuwarto. Napaupo siya at pupungas-pungas na tiningnan ang paligid. Mataas na ang araw at masakit na sa mata ang nanggagaling na liwanag mula glass window ng kanyang penthouse. And there was a woman standing by the window, looking out. Then he suddenly remembered – he was with Sahara last night, and he had the best night ever. Wala sa loob siyang napangiti.
“Hey, Sahara. Good morning.”
“So, I’m right.” Yeah, the woman wasn’t Sahara. Sarkastiko ang pagkakangiti nito nang lumingon.
“K-Karen? What are you doing here?” gulat niyang tanong. Nawala bigla ang antok niya.
“So, you were with Sahara last night?” seryoso nitong tanong. May hawak itong sigarilyo at walang pakundangang bumuga ng usok. Maraming beses na niya itong pinagsabihan na huwag na huwag maninigarilyo sa loob ng kanyang bahay, lalung-lalo na sa kanyang kuwarto pero matigas talaga ang ulo nito. O sadyang gusto lamang siya nitong galitin nang mga oras na iyon.
“What are you doing here?” ulit niyang tanong.
Naupo ito sa dulong bahagi ng kanyang malawak na kama. “It’s eleven in the morning, honey. May trabaho ka pa, ano pa nga bang ginagawa mo rito?” Bahagya pa itong lumapit sa kinauupuan niya. “Ah, oo nga pala, I’m sure napagod ka kagabi…pinagod ka ba ni Sahara?”
“Where is she?” There’s no use denying it kaya hindi na lamang siya tumugon. But the question is where the hell is Sahara? Did Karen do something to scare her?
Tinawanan lamang siya nito. ‘Yung pamilyar nitong tawa sa tuwing nanunuya. “You want to know the truth? Fine, I’ll tell you the truth. She used you, Ace. Sahara just used you. At ngayong nakuha na niya ang gusto niya, she’s gone.”
Umiling-iling si Ace. She wouldn’t do that.
“Do you still don’t get it? We were both lied to. She used us both. Ako, ginamit niya noon para magkaroon ng mga koneksyon, ng trabaho, ng pera, ng mga libreng gamit, libreng matitirahan. And I was too stupid to believe that she was a good friend. And now, she’s doing it to you. Pinaniwala ka niya na isa siyang anghel, isang damsel in distress...”
“Just leave, Karen. Kahit ano’ng sabihin mo against Sahara, hindi ako maniniwala. You’ve got all the reasons to ruin her reputation.”
Si Karen naman ang napailing. “Oh well, wala naman akong magagawa kung hindi ka maniwala. I’m just here to warn you.” Tumayo na ito at humithit ng sigarilyo. “Sahara just broke up with her boyfriend Baste and you…” sabi nito sabay turo sa kanya. “…were just her rebound. Get it? She didn’t make love to you, Ace. What you had with her last night was…plain sex. No more, no less.”
Mabilis na kinuha ni Ace ang bathrobe na nakasabit sa night stand at sinuot iyon. Tumayo siya at hinarap si Karen.
“So, all along, you thought that she’s in love with you? Tsk, tsk, poor you.”
“Karen, go home,” mahinahon niyang sabi.
Pero hindi natinag si Karen. Sa halip ay mas lumapit pa ito sa kanya at tinitigan siya nang diretso sa mga mata. She was angry and frustrated, he’s sure about it. “Are you in love with her now or something? Kaya ka ba nagkakaganyan dahil mahal mo na ang babae’ng iyon?”
Natigilan siya sa tanong na iyon. Is he in love with Sahara? Iyon na ba ang matagal na niyang nararamdaman para rito?
“You know what? I hate you and I hate that stupid bitch even more! Both of you can go to hell for all I care!”
Sa wakas ay kinuha na nito ang shoulder bag na naroon sa ibabaw ng sofa, tinungo ang pinto at pabalabag na isinara iyon. Iiling-iling siyang muling naupo sa gilid ng kama at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng night stand. Kailangan niyang makausap si Sahara at linawin rito kung ano nga ba sila ngayon pagkatapos ng nangyari, bago siya tumulak papuntang Amerika mamayang gabi.
~~
“BITCH!”
Iyon ang nabungaran ni Sahara nang buksan niya ang pinto nang umagang iyon. She’s actually about to go to the office when she heard an unexpected knock at the door.
Karen was furious. Namumula ang buo nitong mukha, hanggang leeg, halos kasing-pula ng lipstick sa mga labi nito. Kung mayroon mang dapat magalit sa kanilang dalawa, siya iyon kaya tinaasan niya ito ng kilay. Yeah, Karen has been her friend for years…but not anymore.
“Ano’ng ginagawa mo rito? Ang kapal naman ng mukha mo at nagpakita ka pa talaga dito?” tanong niya. Hindi niya naituloy ang pagsusukbit ng bag sa balikat. Naramdaman niyang biglang uminit ang mukha niya pagkakita sa bisita. Pagkatapos ng nangyari, ang lakas rin naman ng loob nitong puntahan siya roon.
“How dare you? At ako pa talaga ang tinanong mo niyan?” halos sumigaw nitong tanong. “Pagkatapos mo akong traydor-in? Ganyan na ba talaga kakapal ang mukha mo ngayon, huh?”
“Sino sa ating dalawa ang makapal ang mukha, ha, Karen? Pinagkatiwalaan kita, itinuring kitang kapatid pagkatapos-“
“Woow, woow, wait up. Parang ako yata ang dapat na lumilitanya ng ganyan, hindi ba? Ikaw ang itinuring kong kapatid, Sahara. And after everything that I’ve done, you still had the guts to steal my boyfriend?”
“Ano ‘yang sinasabi mo?”
“No need to deny it, bitch! Akala mo ba, hindi ko alam ang tungkol sa inyo ni Ace? You’ve been fucking my boyfriend the whole time at ano sa tingin mo, hahayaan ko lang na gaguhin ninyo akong dalawa? Of course not! You are not the only one who knows how to fuck someone else’s boyfriend, you know. Oh, wait, matagal na nga pala kayong wala ni Sebastian, right?”
“Kaya ba nangyari ‘yung kababuyang nakita ko kagabi dahil gusto mong gumanti?”
“Kababuyan? Ha! Ha!” Bigla-biglang pumasok sa loob ng bahay si Karen, at alam niyang sinadya nito na banggaain ang balikat niya. “I’m sure mas baboy pa ro’n ang pinaggagagawa ninyo ni Ace! Saan-saan ba kayo nagse-sex dito sa bahay ko, ha? Sa sofa? Sa kitchen? Sa banyo? Sa rooftop? Kilalang-kilala kita, Sahara. Alam na alam ko ang mga kaya mong gawin para lang mang-akit ng lalaki. And I’m sure that you did everything you knew just to get my boyfriend,” nilapitan siya nito. Ngayon lamang nakita ni Sahara na magalit nang ganoon si Karen na halos pumutok na ang mga ugat nito sa sintido.
Naningkit ang mga mata niya. Paano nito nalaman ang tungkol doon?
“Speechless, I see?” nanunuya nitong tanong. Kinuha ni Karen ang pakete ng sigarilyo sa mamahalin nitong pulang tote bag at sinindihan iyon.
“Karen-”
“At sa tingin mo maniniwala ako sa’yo sa kung ano’ng kasinungalingan ang sasabihin mo? I know you too well, you slut! So tell me, sino ang mas masarap, si Ace…o si Sebastian?” nakangiti nitong tanong. “Ooops, hindi mo pa nga pala natitikman si Sebastian, ano? Oh well, sasabihin ko na lang sa iyo, for future reference…I think, I like Sebastian more…mas inosente, walang masyadong alam.” Nakakaloko ang pagkakangiti nito sa kanya.
Doon lalong kumulo ang dugo niya. Ilang minuto pa ay hindi na niya mapipigilan ang sariling sabunutan ito.
“You know what, thinking about it, I made you a favor pa pala. Because I taught him things…a lot of things. Actually, he wanted me to teach him more the next time daw…okay lang ba sa iyo ‘yon, Sahara?”
Isang malutong na sampal ang pinakawalan ni Sahara at tumama iyon sa kanang pisngi ni Karen. Sa sobrang lakas niyon ay napaupo ito sa sofa at kitang-kita ang pagbakat ng kanyang kamay sa pisngi nito.
“How dare you!” sigaw ni Karen. Tumayo ito at inindahan rin siya ng sampal pero naging maagap siya at napigilan niya ito.
“Sige, subukan mo. Hindi ako mangingiming saktan ka, Karen. Hindi porque nakikitira lang ako sa bahay mo, o malaki ang naitulong mo sa akin, o mas mayaman ka kaysa sa akin, kaya mo nang gawin lahat ng gusto mo. Kung ano man ang nangyari sa inyo ni Baste, sigurado akong ako pa rin ang pipiliin niya sa huli. Sino ngayon ang mas kawawa sa ating dalawa, ha? Even Ace chose me over you. He never loved you, Karen. Because truth is, he’s been in love with me ever since.”
“Get out of my house, now!”
Oops. It totally slipped her mind, that Karen owns this townhouse, where she’s been living. Pero hindi siya basta-basta magpapakita ng takot. Kung hindi nga lamang niya ito itinuring na kaibigan, at kapatid pa nga, kanina pa siguro niya ito nasampal. Biglang kumulo ang dugo niya. “Don’t worry, Karen. Bukas na bukas, aalis ako sa bahay na ‘to,” matigas niyang sabi. Hindi na rin naman niya kayang manatili sa lugar na iyon.
“Oh, and you actually expect me to give you more time? No. I want you out of this house now!” mahina nitong sabi matapos bawiin ang kamay nito sa kanya. “You’ll never win this, bitch. I’ll make sure that you’ll be miserable.”