Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 54

“KUYA Lucio, may makukuha pa kayang taxi ngayon?”

Nanlaki ang mga mata ni Lucio, na siyang bartender ng restaurant. Maliit ito sa kanya, maitim, payat. Masayahin rin ito, mahilig magpatawa na kahit ganoong bumabagyo ay biro pa rin ito nang biro. “Naku ma’am! Wala na po tayong makukuhang taxi, o kahit na anong sasakyan ngayon! Eh kalakas ng ulan o! Tiyak na baha na po sa labas niyan! Kung gusto ninyo, bangka, baka meron akong ma-para riyan sa labas, he, he.”

Napangiti siya, maging ang mga kasamahan nito.

“Heto oh, kaka-text lang ng kapatid ko, bahang-baha na raw ang mga daan papunta dito sa atin sa Antipolo. Kahit nga po ‘yung ibang dapat na mag-che-check out ngayon, ipinagpaliban na lang bukas. Ang mabuti pa, dito na kayo magpalipas ng gabi. Tiyak, bukas e gaganda na ang panahon.”

Hindi pa man siya nakakasalungat ay may malakas na katok silang narinig doon sa malaking pinto na gawa sa kahoy. Lahat ng mga tauhan roon ay nahinto sa kani-kanilang ginagawa at nagkatinginan.

“Hala! May customer pa tayo? Sino naman kaya ang sira-ulo na susugod sa ganyan kalakas na bagyo? Aba e hindi ba niya nabasa na sarado na tayo?” sunud-sunod na tanong ni Lucio, na pinagkibit-balikat lamang ng iba.

Patakbo nitong tinungo ang pinto at binuksan iyon. Ilang segundo itong natahimik at pagkatapos ay nagsalita uli nang makilala kung sino ang bagong dating.

“Oh sir! Bakit kayo sumugod sa bagyo? Ano’ng ginagawa ninyo rito, sarado na po kami…naku sir, ‘yung mga nag-photoshoot…kanina pa po umalis!…Si ma’am po ba ang tinutukoy ninyo? Ayun po siya.”

Nanatili lamang si Sahara roon sa tabi ng kanyang mga gamit, iniisip kung ano ang susunod na gagawin at kung sino ang bisita nila sa gitna ng bagyo’ng iyon. Nang lumingon siya sa may pinto ay halos mapanganga siya sa sobrang gulat.

Mabilis na pumasok si Ace sa loob ng restaurant at lumapit sa kinatatayuan niya. He’s dripping wet at kinailangan pang abutan agad ito ni Lucio ng malaking tuwalya para kahit paano ay mapunasan nito ang basa’ng buhok, mukha at mga braso. Wala siyang ibang nagawa kundi ang tingnan lamang ito habang papalapit sa kanya.

“Thank God you’re fine. Kung hindi ko pa tinawagan si Darling, hindi ko pa malalaman na narito ka pa.”

Basang-basa ito, na parang sumugod sa ulan – ah, literal pala na sumugod ito sa bagyo…pero bakit?

“What happened, why are you still here? Bakit hindi ka pa sumabay kina Darling pababa ng Maynila?”

“Hinihintay ko si Mang Julio. I’ve been trying to call him pero hindi ko siya ma-contact…teka…paano ka nga ba nakarating rito?”

“It doesn’t matter. The important thing is…you’re safe.”

“Makakabalik ba tayo ng Manila ngayon?”

Umiling si Ace. “No, no. Impossible, Sahara. Iniwan ko ‘yung kotse ko sa may Imelda Avenue dahil baha. Nakisakay na lang ako sa truck paakyat dito.”

“So, we have to stay here?” She couldn’t help but smile at him despite the situation.

“I guess. We’ll go first thing in the morning.”

Lumapit sa kanila si Lucio, na nakikinig pala sa kanilang usapan. “Naku, tamang-tama, sir, ma’am! Dito na kayo magpalipas ng bagyo…kaso isa na lang po ang available na kuwarto sa itaas…pero dalawa naman po ang kama.”

“I-I don’t mind sharing the room…would you?” tanong niya rito.

Nagkatinginan sila ni Ace. He looked bothered so she just smiled. Pinunasan ni Ace ang mukha ng ibinigay rito’ng tuwalya. He didn’t say anything, he just shrugged his shoulders as if he had no other choice because probably, he wanted to get off those clothes and be dried up.

“Sige po sir, sumunod na lang po kayo sa akin sa gift shop diyan lang po sa kadugtong na building. May mga damit po roon na p’wede ninyong magamit ngayong gabi.”

Sinundan na lamang ng tingin ni Sahara ang dalawa papalayo. Wala na rin siyang nagawa kundi ang manatili roon sa Inn hanggang sa humupa ang ulan. Matapos makuha ang susi sa front desk ay umakyat na siya sa ikalawang-palapag ng Inn, kasunod ang isa pang tauhan roon na tumulong bumuhat ng kanyang mga gamit hanggang sa nag-iisang bakante’ng kuwarto. Nagpasalamat siya kay Lucing pagkatapos at tuluyan nang isinara ang pinto.

Kahit nasa loob na siya ng kuwarto ay dinig na dinig pa rin niya ang malakas na ulan at pagsipol ng hangin. Ibinaba niya ang kurtina ng bintana dahil talaga namang nakakatakot panoorin kung ano ang nagaganap sa labas. Madilim na madilim ang paligid at ang tanging makikita ay ang paghampas ng mga dahon at sanga ng mga punung-kahoy.

Hay, ano ba itong napasukan niya? She’s not supposed to be here now. Dapat ay nasa bahay na siya nang mga oras na iyon, humihigop ng mainit na kape habang nagbabasa o nanonood ng telebisyon. Kung hindi lang dahil kay Ace, hinding-hindi talaga niya tatanggapin ang trabahong iyon.

Napangiti si Sahara habang pinagmamasdan ang repleksyon sa salamin. Ace went back to Antipolo despite the really bad weather, because of her. He’s here for her.

And he’s going to sleep here in her room, with her. Napailing siya at muling napangiti. Tulungan sana siya ng Diyos para makaiwas sa tukso.

Sinimulan nang tanggalin ni Sahara ang suot na hikaw at kuwintas nang makarinig siya ng katok sa pinto. It’s Ace, she’s sure about it.

Nagmamadali niyang ibinaba ang hawak na mga alahas at tinungo ang pinto. He was now dressed with a simple white shirt and striped pajamas, now dried up. He’s also wearing rubber slippers and now holding a white towel and a small Ziploc with some toiletries inside. He’s not smiling nor glaring. He just looked at her, wearing his straight face.

“Come in.”

Dumeretso lang ito sa loob ng kuwarto at nanatiling nakatayo sa hindi kalayuan. Tiningnan nito ang kabuuan ng lugar na tila iniisip kung tama ba ang kuwarto’ng napasukan.

“Which bed do you prefer?” tanong niya.

Narinig niya itong bumuntung-hininga. “Anywhere is fine.”

~~

“ARE we being awkward now?” tanong sa kanya ni Sahara nang namagitan sa kanila ang mahabang katahimikan.

“Should we?” balik niyang tanong kay Sahara. She’s sitting on the bed, the one near the window while he’s keeping himself busy with his phone.

Umiling ito at napangiti.

Napailing na lang siya sa tanong na iyon ni Sahara. Tanong niya iyon sa dalaga noong muli silang magkita ni Sahara sa Subic, nang makipagkita ito sa kanya ilang linggo na ang nararaan at ngayon, ito na ang nagtatanong sa kanya ng ganoon.

They should go to bed but neither of them were sleepy. Nagngangalit ang bagyo sa labas at dinig na dinig nila ang hampas ng mga sanga ng puno sa bintana ng kuwarto. Pero hindi dahil doon kung bakit hindi dalawin ng antok si Ace kahit pa pagod na pagod siya. Seeing Sahara sitting there just a few feet away from him is making him uneasy. Being with her in a room, at that kind of weather is something he’s been wanting to happen but now that it’s happening, he didn’t know how to deal with it. His feelings for her hasn’t changed a bit but he knows that it’s all wrong.

Nakahalukipkip si Sahara, at yakap-yakap pa ang makapal na blanket. He could see fear in her beautiful face.

“Sahara, are you okay?” tanong niya.

Umiling ito. “Nakaka-stress ang ulan at hangin…naku huwag lang magba-brown-out…”

“Takot ka sa dilim?” Gusto niya itong lapitan para pakalmahin pero pinigilan niya ang sarili.

“Ikaw, hindi?” balik nitong tanong.

“Of course not.” Umiling siya.

“Yabang naman nito,” pairap nitong sabi, pero nakangiti. “Sige na, ikaw na ang matapang.”

“Matulog ka na para hindi mo na marinig ang ulan, para hindi ka na ma-stress.”

“Hindi rin naman ako makakatulog,” mahina nitong sabi. “Hay, sana tumigil na ‘yang bagyo para makabalik na tayo ng Manila. He’d be worried. Hindi niya alam ang tungkol dito sa photoshoot…hindi ko naman kasi alam na aabutin tayo ng bagyo.”

“I’m sure he’ll understand.”

“Well, I hope so.”

“Why don’t you call him?”

“I tried pero walang signal dito, eh. Even the wifi’s not working.”

She looked really worried and he’s not sure if it’s because of the bad weather or about the architect. He wanted to ask her more questions but he had a feeling that she’s not in the mood to talk.

"Can I ask you a question?" Kinailangan nitong lakasan nang kaunti ang noses para hindi matabunan ng malakas na buhos ng ulan. "Bakit mo pa ako binalikan dito?"

The answer to her question was too obvious and he's certain that she already knew it kaya hindi na lang siya kumibo. Napansin niyang mapangiti ito dahil sa pananahimik niya. Paminsan-minsan itong tumatanaw sa labas ng bintana at kulang na lang ay magtakip ito ng tainga sa tuwing lumalakas ang bugso ng hangin at ulan.

“Ay!”

Kasabay ng pagdilim ng buong paligid ang malakas ng tili ni Sahara. Halos mabingi si Ace dahil doon pero sa halip na mainis ay natawa siya.

“Ace? Nasaan ka?”

“Here…I’m just here.”

Tumayo siya at dahan-dahan siyang lumakad palapit sa direksiyon ni Sahara. Pero kahit pa gamit ang liwanag mula sa cellphone, hindi iyon sapat para at kailangan pa rin niyang mag-ingat at kapain ang anumang nasa paligid. Ilang sandali pa ay nahagip ng kanyang kamay ang kamay ni Sahara at agad itong kumapit sa kanyang braso. He couldn’t see her but knowing that she’s now holding him felt good.

“Wait, I’m sure there’s a flashlight around or a candle or something that we can use,” sabi niya sabay tanggal sa kamay nito sa braso niya.

“Teka, teka! Sasama ako sa’yo.”

Napangiti si Ace. Mas humigpit ang kapit ni Sahara sa kanya. Tinungo nila ang mga cabinet doon at binuksan ang mga drawers. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa cellphone ay nagawa nilang libutin ang kuwarto para maghanap ng flashlight at sa wakas ay nakakita sila ng isang emergency lamp doon sa pinakadulong bahagi ng cabinet. Nang buksan niya iyon ay nagulat pa siya nang makitang masyadong malapit ang kinatatayuan ni Sahara sa kanya. Her face was just a couple of inches from his chest and he wished that his heart won’t beat too fast. Nakatingin ito sa kanya na para bang nagtatanong ng – What now?

Titig na titig sa kanya si Sahara at hindi niya nagugustuhan ang epekto niyon sa kanya. What does she want, really? Why is she looking at him like that? Does she want him to kiss her now?

“Whatever happened to us?” she whispered. Nakatingala ito, nakatingin sa kanyang mga mata.

He gave out a low chuckle. “Don’t you think I should be the one asking that question?”

And then everything came back to him – the way she makes him feel every time she looks at him that way, and her kisses that made him crave for more. Alam niyang hindi tamang isipin ang mga ganoong bagay sa ganoong pagkakataon but he couldn’t help it. He’s got to admit that he’s been thinking about Sahara too much these days that he’s finding it difficult to function even at the office. To think that he’s not supposed to feel this way about her anymore. What she did was difficult to forget and now, he hates himself for letting her inside his head again, and inside his heart.

Without warning, Ace lifted his right hand and cupped the back of her head. There was no explanation as to why he did it, he just had this need to feel her closer to him.

“Oh, Sahara,” he moaned softly as his lips crushed down over hers.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.