“W-WHAT’s going on?” Kunut-noong bungad ni Ace pagpasok na pagpasok niya sa location ng photoshoot. Nagrenta sila ng isang inn and restaurant sa bulubunduking bahagi ng Antipolo. It was a country-style Inn, makaluma, at halos lahat ng kagamitan ay gawa sa kahoy. Everything about the place actually reminds him of Baguio – the feel, the warmth of the people, the cold weather.
Abala ang lahat ng staff niya – mga photographer, ilang representative ng kliyente nilang clothing line, at iba pa para sa mga equipment, wardrobe at makeup. Lahat gumagalaw, lahat ay mabilis ang mga galaw dahil hinahabol ng mga ito ang napakagandang palubog araw, na kinakailangan sa kanilang photoshoot bilang backdrop.
Malaki ang pagkakangiti ni Agustin nang salubungin siya nito pero bigla itong sumeryoso nang mahalata’ng hindi maganda ang mood niya.
“Sir Ace, hindi na talaga makakarating si Miss Pascual. Nasa Palawan pa raw kaya…nagpadala ng ibang model ang agency niya…and siya ang pinadala.” sabi nito sabay nguso sa modelo. “Good thing, walang siyang schedule for today at kahit last minute, pumayag. She is indeed a professional.”
Pareho silang nakatingin lang sa modelo’ng iyon habang nag-uusap. Inaayusan ito sa veranda at matamang nakikinig sa sinasabi ng photographer.
Sahara was wearing a simple and classic black ball gown, which highlighted her beautiful face. She looks amazing, standing there, with the sun setting behind her. Wala itong kaalam-alam na naroon lang si Ace na nakamasid.
“Hindi kita masisi, sir Ace, kung hanggang ngayon hindi ka pa rin maka-get over. She’s really beautiful. At sobrang bait. Biruin mo, kahit sikat na model na, napaka-down-to-earth pa rin. Nakikipagkuwentuhan sa mga utility, at siya pa mismo ang bumabati sa mga staff.”
Yeah, Sahara’s beautiful. Down-to-earth. Really, she’s got all those great qualities and she’s almost perfect and he couldn’t get her off his head.
“She’s been asking about you since we started. Hindi mo ba hihintayin matapos ang photoshoot? It’s almost done.”
Umiling siya. He’s not sure weather he wanted to talk to her again or even see her up close, not after that dinner they had. “I still have to go back to the office. By the way, call Mr. Buenaventura and tell him that I need to talk to him about some of the photographs he sent me last week.”
Kahit pa anyong lito ay tumango na lang si Agustin. “Got it, sir Ace…paano po si Miss Sahara?”
“Tell her I’m busy.”
Hindi na nilingon pa ni Ace si Sahara na noon ay abala pa rin sa photoshoot dahil kapag nagtagal pa siya roon, sigurado siyang hindi na siya makakaalis. It’s as if every move, every stare and every smile she makes is drawing him closer to her, which should never, ever happen.
~~
“SIGE guys, bye! Ingat kayo, ha.”
“Naku miss Sahara, ikaw rin, ingat. Malayo pa ang biyahe mo, sigurado ka bang kaya mo?” tanong ni Darling sa kanya nang sa wakas ay matapos na ang photoshoot.
“Oo naman,” nakangiti niyang sabi. Naroon na silang lahat sa entrance ng inn, ang karamihan ay nakasakay na ng kani-kanilang sasakyan samantalang ang iba’y tulad niya na nag-aayos pa rin ng mga gamit at naghihintay ng taxi.
Ngumiti si Darling at hinalikan siya sa pisngi bilang pamamaalam. “Sige, sige. Mauna na kami sa ‘yo ha, you know naman my number if you need anything. Ay wait, do you want me to call sir Ace? Para siya na ang maghatid sa ‘yo sa Manila?”
Maraming iling ang itinugon ni Sahara. “No need, Darling. I can manage. Besides, busy raw masyado, sabi kanina ni Agustin.”
“Busy-busy. Umiiwas lang sa’yo ‘yon.” Pinaikot ni Darling ang mga mata’ng kulay asul dahil sa contact lens.
“Umiiwas? Bakit naman?” Kumunot ang noo ni Sahara.
“Takot ‘yon ma-in love sa’yo, eh.” Lumapit ito sa kanya at bumulong.
Sasalungatin pa sana niya iyon pero bumusina na ang van ng magazine na sasakyan ni Darling at ng iba pang staff.
“Oh, basta ingat, Miss Sahara, ha. Mukhang malakas na bagyo ‘yang parating,” sabi pa nito sabay tingin sa kalangitan doon sa labas ng bintana.
“Don’t worry about me, Darling. Sige na, baka hinihintay ka na ng boylet mo,” natatawa niyang sabi. Hinatid niya ito hanggang sa pinto at nang tuluyan nang umandar ang kotse ay muli na siyang bumalik sa loob ng restaurant.
Sobrang lamig na ng hangin na hindi sapat ang suot niyang sweatshirt dahil pakiramdamn niya ay nanuuot pa rin ang lamig sa kanyang buong katawan. Ilang beses na niyang sinubukang tawagan si Mang Julio pero hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag. Ilang beses na rin siyang nagpapabalik-balik sa loob at labas ng restaurant, hanggang sa mapilitan nang isara ng mga tauhan roon ang pinto at mga bintana para hindi pumasok ang malakas na hangin at ulan.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon at muling tinawagan si Mang Julio. Pero tulad kanina, hindi pa rin niya ito ma-contact. He’s probably stuck in traffic or something. Sana nga ay ganoon lang, na na-traffic lamang ito at sana ay wala namang masamang nangyari sa matanda.
Bakit ba hindi niya nabalitaan ang tungkol sa bagyo na iyon? Naupo siya sa may bukana ng restaurant, sinisiguro na naroon na lahat sa ibabaw ng mesa ang mga gamit niya – mga damit, make-up, sapatos. It was almost seven in the evening and she could see the branches of the trees swaying in the strong winds outside.
Bukod sa kanya ay wala nang tao sa restawran maliban sa iba pang nagtatrabaho roon. Tatlong waitress, isang janitor at isang bartender na abala sa pag-aayos ng mga kagamitan. Ang mga ito rin ang kanina pa niya kakuwentuhan dahil tulad niya ay stranded rin ang mga ito at hindi na makakauwi. Ayon kasi sa balita, mas bumilis raw ang pagkilos ng bagyo at lumalakas pa ito habang papalapit sa Southern Luzon at tinatayang mararamdaman ang mas malalakas na hangin at pag-ulan sa mga lalawigan ng Antipolo at mga karatig na mga lugar nito.
But she has to go home, now. Siguradong nag-aalala na sa kanya si Ricky. Hindi siya nakapagpaalam rito dahil kinabukasan pa naman talaga ang uwi nito galing sa business trip. He was in Singapore the whole week and she never thought that this photoshoot would last this long due the terrible weather.