Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 58

“WELCOME home, hija!”

“It’s good to be home, Dad!” masayang bati ni Karen sa ama pagdating na pagdating niya sa kanilang mansion. Her Dad was busy reading the newspaper that morning in the garden when they arrived.

Mr. Agusto Montinola was balding. Malaki ang tiyan nito at paminsan-minsan ay kailangan na ng alalay dahil hirap nang maglakad sa tuwing inaatake ng arthritis. He’s almost seventy at kung si Karen ang tatanungin, dapat ay mag-retire na ito sa pagne-negosyo.

“Akala ko hindi mo na ipapakita sa akin ang apo ko, eh.”

“P’wede ba naman ‘yon? Eh ito’ng si Miguel ang susunod sa mga yapak ninyo,” nakangiti niyang sabi. Kinuha niya si Miguel, ang kanyang isang taong gulang na anak sa yaya nito at ibinigay sa ama.

Tuwang-tuwa naman ito na binuhat ang unang apo. “At sino pa nga ba? Eh nag-iisang apo ko itong si Miguelito!” Iniupo nito ang apo sa kandungan at nilaru-laro iyon. “Mabuti at nakauwi kayo, just in time for my public announcement for candidacy.”

“I won’t miss it for the world, Dad. Kahit alam mo na hindi ako pabor sa pagpasok ninyo sa politics, I have no choice but support you.”

Ngumiti ang matanda.

Mr. Montinola has been swayed by his colleagues and friends to run for the senate for years pero ngayon lamang ito nakapagdesisyon. Karen never liked the idea of her dad entering politics but she knew that it was something her father really wanted to do – that is to help other people as much as he could.

“I’m expecting you to help with my campaign, okay?”

“But Dad, we have to go back to Canada next month. Kailangan kong asikasuhin ‘yung pinapaayos naming bahay do’n.”

Kumunot ang noo ni Mr. Agustin. “Wait, wait. Karen, I thought you’re planning to live here eventually. Bakit pa kailangang ipaayos ang bahay natin do’n? Just sell the property. Dumito na kayo at ang laki-laki nitong mansion at aaalog-alog ako dito.”

Umiling si Karen. “I know, Dad. Pero I have to renovate the entire house bago ibenta. Ayoko namang iasa sa iba ‘yon.”

“Basta ang gusto ko, dito lumaki at mag-aral itong si Miguelito. Gusto ko, hangga’t bata pa siya, malaman na niya ang tungkol sa pasikut-sikot sa negosyo, okay? O siya, siya, sabayan ninyo na ‘kong mag-breakfast and since it’s a Sunday, I want us to go out and spend time together. Ipapasyal ko itong apo ko…teka, sino ba ang kamukha?” nakangiting tanong ng matanda sabay buhat kay Miguelito.

“He looks just like his father, Dad,” masayang sabi ni Karen.

“Ah, speaking of the father, nasaan siya?”

Bahagyang umingit si Miguelito kaya kinuha na iyon ni Karen at inihilig sa balikat. Nakasunod agad ang yaya para kunin ang bata. “He just had to attend to urgent things. You know about his mom, right?”

Bahagya itong tumango. “Tell him to come by my office. Ibibigay ko sa kanya ang contact number ni Dr. Enriquez. Magaling na neurosurgeon ‘yon, he can help his mom.”

“Okay,” nakangiti niyang sagot. Iyon rin ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya makatanggi sa pakiusap ng ama na umuwi ng Pilipinas para sumuporta sa political career nito. When her father learned about her pregnancy, he didn’t get mad, like what she had expected. Tanggap nito iyon at mas excited pa nga yata sa kanya. Oh well, he has been wanting to be a grandfather for a long time kaya naman kahit sa naging ama ng kanyang anak ay naging mabuti ang pakikitungo nito, to the point na halos ito pa ang magpasalamat rito dahil sa nabuntis siya nito.

“So, kailan ang kasal?”

Muntik nang masamid si Karen ng iniinom na tubig dahil sa narinig na tanong mula sa ama. She looked at him as if it was the first time. “Not yet in our plans, Dad. We like to take our time.”

“Hanggang kailan? Aba, gusto ko naman na maranasan na maihatid sa altar ang kaisa-isa kong anak.”

Natawa siya. “Don’t worry, Dad. Maihahatid mo ‘ko sa altar. It’s just that, we don’t want to rush into things.”

“What’s keeping you from getting married? Ayaw pa ba ng ama ng anak mo? O ikaw ang hindi pa handa?”

She’s got to admit that she’s not very keen when it comes to marriage. Yes, she loves the father of her son but being married is something she couldn’t really deal with.

“You have to get married, Karen. It’s not for you, dear, but for your son. Isa pa, ayokong makarinig ng kahit na ano’ng chismis tungkol sa’yo na isang dalagang ina.”

“It’s not as if Miguelito’s father abandoned us or something.”

“Papasok na ‘ko sa politika, hija. Alam mo naman ang kalakaran dito sa atin. At higit sa lahat, maganda ang buo ang pamilya, Karen. Ayaw mo naman sigurong matulad sa pamilya natin ang pamilya mo, hindi ba?”

Tumangu-tango siya pero - “Pero Dad-“

“Fine, fine.” Tumayo ang ama at kumapit sa kanyang braso para sabayan siyang maglakad. “Take your time basta siguraduhin mong ikakasal kayo. I really like him for you. Aba, siya lang ang nakapagpatino sa’yo nang ganyan.”

“Dad naman,” nangingiti niyang sabi, kahit may katotoohanan ang sinabi ng ama.

“Noon, hindi kita mahagilap, parati kang wala sa condo mo sa tuwing tumatawag ako. You were always out of town, partying like there was no tomorrow. Pero noong nakilala mo ang lalaki’ng ‘yon, biglang nag- 360 degrees turn ang buhay mo…and now, you are a very responsible and loving mother to your baby. I am really thankful for what he has done to you.”

Ah, hindi rin niya maintindihan ang sarili. After meeting her son’s father, she realized that all along she was living a life that’s full of crap. Ito ang nagbigay ng direksiyon sa kanyang buhay at dahil dito, nagkaroon siya ng rason para maging mas mabuting tao.

“Huwag mo nang pakakawalan si Sebastian, ha. Iilan na lang ang lalaki’ng ganyan sa mundo. I should know,” sabi nito na nangingiti.

“Yes, Dad. I know that, too.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.