KAREN’S father has been a womanizer all his life at hindi na rin niya matandaan kung kailan nagsimulang mawala ang hilig nito sa mga babae. Nevertheless, she was happy about it. Her dad became a more respectable man and a better father. Isa na rin siguro iyon sa mga dahilan kung bakit pinili niya ang baguhin ang sariling buhay at lumagay na sa tahimik.
At first, Sebastian was just a challenge for her. Boyfriend ito ng dati niyang best friend, na naging malupit niyang kaaway, at wala siyang hangarin noon kundi ang paghigantihan si Sahara dahil sa pang-aagaw nito kay Ace. She loved Ace more than anybody, more than anything and she swore to her life that she’d do anything to win his heart again.
But things changed when she was able to know Sebastian more. He was a good soul and when he learned about her being pregnant, he didn’t think twice in being a part of the whole parenting process. Sinasamahan siya nito tuwing check-ups, sa pagbili ng mga gamit ng bata, sa tuwing kailangan niya ng tulong sa kahit na ano – pag-aayos sa nasirang tubo sa condo, pagpapalit ng lumang bumbilya, kahit sa pagdala ng mga maduming damit sa laundry shop ay ginagawa nito para sa kanya. Her pregnancy wasn’t an easy one and she was advised to bed rest for the remaining two months – and Sebastian never left her side all throughout.
Sebastian was the ideal boyfriend and eventually, a perfect father to Miguel. And it wasn’t hard to fall for his thoughtful ways. Alam niyang hindi siya ang talagang mahal nito pero sapat na ang mga ipinapakita nitong kabutihan sa kanya at sa kanilang anak para maniwala na darating rin ang araw na mamahalin siya nito tulad ng pagmamahal na nararamdaman niya para rito.
At hindi naman nito binigo ang kanyang dalangin. One day, he surprised her when he told her those three sweet words that she’s been longing to hear from him…
“Hey, gabi na, bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ni Sebastian sa kanya nang maabutan siya nitong nakatayo roon sa veranda ng kanilang bahay doon sa Ontario.
“Just thinking,” mahina niyang sagot.
Miguel, who was just six months old then was peacefully inside his crib. Doon siya sa bahay na iyon lumaki at ngayon ay hindi niya maiwasang malungkot nang malaman niya ang desisyon ng ama na ipagbili na iyon. She’ll definitely miss the nice weather, the warm people and neighborhood, and the scenic view of the waters.
It was the perfect place to start a family, katulad nila ni Sebastian. Kung siya ang tatanungin, mas gugustuhin na niyang doon lumaki ang anak at manirahan kahit habang buhay. Ayaw na sana niyang bumalik sa Maynila dahil ayaw na rin niyang maalala ang mapapait na nangyari sa kanya doon, pero hindi rin naman niya maaaring kalimutan ang kag tumatanda nang ama. Her dad wanted her to go home and settle there for good, which she’s been thinking for a long time now. Going back home to Manila means going back to her past, and just thinking about it makes her heart cringe.
Naramdaman niyang tumabi sa kanya si Sebastian sa kanya at tiningnan siyang mabuti. “Tungkol saan ang iniisip mo?” tanong nito.
“Sa…atin.” Huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy. “Dad has been asking me to go back home. Sa Manila. Gustong-gusto na raw niyang makita si Miguel.”
“O, bakit hindi tayo umuwi?”
She looked at him, not expecting the kind of response. He was the one who wanted to get away from it all, to forget everything, especially Sahara. “D-do you want to? I mean okay lang ba sa’yo?”
“Oo naman, bakit naman hindi?”
“Dahil…tulad ko, ayaw mo na ring bumalik do’n, right?”
Tinawanan lang siya nito at inakbayan. His warm arms around her shoulders made her feel secured and loved, which she hasn’t felt for a very long time. “Okay lang sa ‘kin, promise. At siguro, magandang pagkakataon na rin para madalaw ko si Nanay, at maipakilala ko kayo sa kanya.”
“R-really?” Karen didn’t know how to react. It was the first time that Sebastian said something about that – about wanting to return to Manila and about her meeting his mother.
“Really. Sabihin mo lang kung kailan in advance para makapag-leave ako sa ospital, okay?”
“A-are you sure?” Humarap siya kay Sebastian para matingnan ito sa mga mata. She wanted to see what’s really in those dark eyes.
“Sure,” sagot nito. Humarap rin ito sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang balikat. “Hindi naman ako papayag na kayo lang ang uuwi nang hindi ako kasama. Mami-miss ko si baby Migui, at lalo’ng mami-miss ko ang mommy niya.”
“Ako, mami-miss mo?” Nanlaki ang mga mata niya dahil hindi niya iyon inaaasahan mula kay Sebastian.
Kumunot ang noo nito. “Siyempre naman. Hindi ba kapag mahal mo ang isang tao, parati mong nami-miss?”
At lalo pang nanlaki ang mga mata ni Karen. Did she hear him right?
“O, bakit parang gulat na gulat ka?” natatawa nitong tanong. “Saan ka ba nagulat? Sa mami-miss kita, o sa mahal kita?”
“Well, actually...pareho.”
Doon sumeryoso ang mukha ni Sebastian. “Sorry ha. Sorry kung ngayon ko lang yata nasabi na…mahal kita.”
Umiling-iling siya. “No need to apologize, Sebastian. You just said you love me, and that’s more than enough for me…”
Hindi naiwasan ni Karen na mapangiti sa tuwing maalala ang tagpo nilang iyon ni Sebastian. It was unexpected but it was perfect. Probably the best moment she ever had.
“Hey, gabi na, hindi ka pa ba matutulog?”
Mas lumaki ang pagkakangiti niya. It was Sebastian in his favorite blue pajamas. “Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog? Napagod ka sa biyahe, right?”
Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “Oo, pero alam mo namang hindi ako makatulog nang hindi ka katabi, diba?”
Naroon siya sa garden, nakaupo sa pahabang upuang kahoy habang nakatingala sa mga bituin. Malamig na noon ang hangin kaya bukod sa pantulog ay mayroon pa siyang suot na sweater. Naupo ito sa tabi niya at hinigit siya ng yakap.
“Mahal kita.”
At para siyang teenager na kinilig. She smiled and looked at him. “Mahal rin kita, Sebastian. By the way, how’s your mom?”
“Okay naman siya. Bukas, pupuntahan ko ‘yung ni-recommend ng dad mo na cardiologist.”
“Pupuntahan ‘natin’.”
Ito naman ang ngumiti. “Salamat, ha. Sobrang dami na ng naitulong mo sa ‘min ni Nanay. Tapos ngayon, ang daddy mo naman. Parang nahihiya na nga ako.”
Kunwari’y pinatirik ni Karen ang mga mata. “Dad loves you, you know that – I think he loves you now more than he loves me.”
“Mabait naman kasi ako, kaya madali akong mahalin,” biro nito sabay kurot sa kanyang ilong.
“Totoo naman ‘yon. Kaya ako ang dapat nagpapasalamat sa ‘yo. Thank you, Sebastian for coming into my life. Kung hindi dahil sa’yo, baka napariwara na ‘ko. You were my savior – those were Dad’s exact words, by the way.”
Natawa ito pero nagseryoso rin pagkadaka. “Ang hindi lang alam ng Daddy mo, ikaw ang sumagip sa akin…kung hindi ka dumating sa buhay ko, hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari sa ‘kin…”
Madalas nilang mapag-usapan ang tungkol doon, na siguro, paraan na ng Diyos na magkakilala sila sa panahong pareho silang sira, at mahina para mas magkaroon sila ng pagkakataon na matulungan ang isa’t-isang bumangon at magbagong buhay. Sebastian was God’s way of telling her that life is too short to live in hate and anger at kung siya ang tatanungin, matagal na niyang napatawad ang ginawa ni Sahara sa kanya.
Pero kung ang tanong ay kung maibabalik pa ba ang nabuwag nilang pagkakaibigan, iyon ang hindi pa niya masasagot sa ngayon. Sa totoo lang, iyon ang bumabagabag sa kanya simula nang makabalik sila ng Maynila. Paano kung magkasalubong sila ni Sahara isang araw? Masyadong maliit ang Maynila para sa kanilang dalawa at hindi malayong mangyari na muli silang magkita. Is she ready to see her again?
And what if Sebastian sees Sahara again?
Isa lang ang sigurado siya – hinding-hindi niya papayagang muling agawin ng isang Sahara Smith ang mahal niya. Sahara could have everything she wanted but not Sebastian. Over her dead body.