Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 64

IT was definitely the worst night. Ever. Oh, well…that was second to the worst night – dahil wala pa ring tatalo sa gabing nakita niya ang pagtatraydor at panloloko nina Karen at Baste. Sino ba naman ang makapagsasabi na muling pagtatagpuin ang landas nila ni Karen, sa panahong may kani-kaniya na silang buhay? Ayos lang sana sa kanya kung makikita siya nito sa ibang sitwasyon at pagkakataon, pero hindi. Kung bakit ba naman kasi kailangan nitong malaman na walang nangyari sa relasyon niya kay Ace noon, at ngayon ay nakikisama siya sa isang lalaking may asawa at anak.

Okay lang sana, tanggap na niya na mas maganda pa rin ang buhay nito sa kaysa sa kanya pero nang sabihin nito ang tungkol kay Baste, na ito ang ama ng ‘little angel’ nito, parang gusto na niyang lamunin ng lupa.

Sahara knew that Karen’s laughing at her, behind her back.

“Ma’am, saan po tayo? Tutuloy na po ba tayo sa condo?” seryosong tanong nang nakatingin lamang sa daan. Kagagaling lamang nila ng photoshoot para sa TV commercial ng isang toothpaste.

Naistorbo ang ginagawang pag-iisip ni Sahara sa tinuran ni Marco. Tumingin siya sa suot na relo - Alas-tres pa lamang ng hapon. “Sa Sta. Margarita Hospital muna tayo, Marco.”

“Okay po, ma’am.”

Hindi na nakarinig ng anupaman si Sahara mula kay Marco dahil hindi naman iyon ang unang pagkakataong binisita niya ang ina sa ospital. Alam rin ni Ricky ang pagdalaw niya sa ina at wala rin siyang narinig mula rito.

Because Ricky has always been supportive when it comes to her mother. Siguro ay dahil na rin sa pagkasabik nito sa presensiya ng tunay na ina, na namatay sa sakit noong bata pa ito. Sinasamahan rin siya nito sa pagbisita sa ospital kapag may pagkakataon at nakakakuwentuhan nito ang ina sa tuwing naabutan nito na gising ang huli.

Her mother is getting better, thanks to Ricky and his neurologist friend. Ngayon, maaari na niyang puntahan ang ina kahit anong oras at ayon pa sa doktor nito ay puwede na itong iuwi sa bahay sa oras na mas maging maganda ang kondisyon nito.

At iyon ang tanging dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy ang balak niyang pagtakas. Parati niyang inaalala kung paano ang magiging kalagayan ng ina sa oras na umalis siya sa poder ni Ricky.

Pero hindi na ngayon. Dahil nariyan si Ace para tulungan siyang makawala sa pagkakakulong sa relasyon niya kay Ricky. May ilang linggo na rin silang lihim na nagpapalitan ng text messages ni Ace, pinagpa-planuhan kung ano ang maari nilang gawin para makaalis kay Aguas. At bukas, susubukan niyang maisakatuparan iyon.

Sana lang huwag nang maulit ang nangyari noon kung saan ilang beses na silang muntik na mahuli nito. Ramdam niya na may alam na si Ricky sa kanila ni Ace, kahit paano. She would see him looking at her as if he wanted to know what’s on her mind and there were times when he would just pop up in the location of her pictorials, telling her that he’s just in the neighborhood and thought of surprising her. Pero alam niyang sinusundan siya nito dahil hindi nagtagal ay nasundan pa iyon ng ilang beses kung saan kinailangan niyang magtago sa comfort room doon sa coffee shop para lamang pagtaguan si Ricky.

Naupo si Sahara sa upuan sa tabi ng hospital bed ng kanyang ina. Mahimbing ang tulog nito pero dinig niya ang mababaw nitong paghinga. Wala na ang dating sigla sa mukha nito at kitang-kita na rin ang hirap na dinanas nito. Sa tagal ng panahon nitong nakaratay sa karamdaman, hindi maikakaila ang malaking ibinagsak ng katawan nito. Her mother has bedsores on her tailbone, hips and ankles. Magagamot naman raw iyon pero kinakailangan ng ibayong pag-iingat upang hindi na lumala ang sitwasyon.

“’Nay, kaunting tiis pa po, ha. Kailangan ko lang makakuha ng tiyempo para makaalis sa condo. Promise ‘Nay, malapit na po tayong magkasama. ‘Yung malayo rito, ‘yung malayo kay Ricardo.”

Hindi niya napigilan ang mapaluha pero agad rin niyang pinunasan ang kanyang pisngi. Hindi siya sigurado sa gagawing pagpunta sa condo unit ni Ace para hingan ito ng tulong at sa wakas ay tumakas kasama nito. Ace promised her that he’d do everything for her mother at iyon na lamang ang pinanghahawakan niya para manatiling matatag.

Napagplanuhan na ni Sahara ang lahat. Ilang gabi rin niyang inisip ang mga gagawin at ang mga maaaring kahinatnan ng bawat niyang hakbang para lamang siguraduhin na magiging maayos ang lahat.

Kailangan niyang huhulihin ang loob ni Marco para sundin nito ang bawat niyang utos, na matagumpay na niyang naisakatuparan. She could ask him where she wanted to go, without worrying whether Marco’s going to tell Ricky about it or not because now, she’s got his loyalty.

Pangalawa. Sa oras na makakuha ng tiyempo, papakiusapan niya si Marco na ihatid siya sa condo unit ni Ace at kung nagkataon na wala ito, mag-iiwan na lamang siya ng mensahe sa front desk ng tinutuluyan nitong gusali para iparating ang nais niyang mangyari.

Pangatlo. Kapag nagkaroon na sila ng ugnayan ni Ace, maaari na nilang simulan ang pagpaplano ng kanyang pagtakas.

Pero paano kung nag-iba na ang damdamin ni Ace para sa kanya? Paano kung mayroon na itong ibang mahal at wala na itong pakialam sa kanya? Napag-planuhan na rin niya iyon at wala siyang ibang naisip kundi ang muli itong akitin at ibalik ang dati nitong pag-ibig. Dahil ngayon, kaya na niyang gawin ang lahat para tuluyang lumigaya. At walang makahahadlang sa kanya.

~~

“MARCO, can we stop for a while? I just need to pee.”

“No problem, ma’am.”

Mabilis na minaniobra ni Marco ang kotse para i-park iyon sa tapat ng isang coffee shop. Nag-alok ito na sasamahan siya sa loob pero tumanggi siya.

“Sigurado kayo, ma’am?” nag-aalala nitong tanong. “Pero sabi ni Sir, dapat bantayan ko kayo.”

Kumunto ang noo niya. “Kailangan ko lang mag-CR, sabi ba ng Sir mo, hanggang sa loob ng CR, samahan mo ako?”

“H-hindi naman po kaya lang-“ Umiling ito nang marahan at napakamot sa batok.

“I’ll be right back. Sandali lang ako, okay?”

At bago pa sumalungat si Marco ay mabilis siyang bumaba ng kotse at patakbong tinungo ang entrada sa coffee shop. Inayos pa niya ang suot na malaking sunglasses at luminga-linga bago tuluyang pumasok sa loob. Mabuti na lamang at kaunti lamang ang customers doon nang mga oras na iyon at hindi siya nahirapang hanapin ang payphone na naroon sa sulok katabi ng comfort room.

Nang makasigurong hindi na siya matatanaw ni Marco mula sa labas ay mabilis niyang dinampot ang handset ng telepono at idi-nial ang numero ng opisina ni Ace. Nang magsimula itong mag-ring ay nagsimula na rin siyang magdasal.

“Pick up…pick up…pick up…” paulit-ulit niyang bulong habang nilalaru-laro ang kurdon ng telepono. “Come on, Ace, pick up.”

Pero naka-limang ring na, wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Muli siyang luminga-linga at natanaw niyang bumaba ng sasakyan si Marco. She redialed Ace’s number and after a few rings, somebody picked up.

“Hello?” sabi sa kabilang linya.

“A-Ace?” Nakahinga siya nang maluwag. It was a familiar voice which makes her heart flutter.

“Yeah, who’s this?”

“It’s me,” mahina niyang sagot habang sinusundan ng tingin si Marco. Nakasandal na ito sa kotse habang naninigarilyo. “Ace, it’s me.”

“Sahara?” Mahabang katahimikan ang narinig niya bago may muling magsalita.

“Yes, Ace. It’s me,” bulong niya. “Magkita tayo, please.”

“H-huh? What do you mean? Are you okay?”

“H-hindi ako p’wedeng magtagal,” bulong niya. Shit. Papasok na ng coffee shop si Marco kaya kailangan na niyang magmadali at ibaba ang telepono. Kilala niya ang binata at alam niya kung gaano ito ka-loyal kay Ricky. “Sa coffee shop, The Forum. This Friday, around 4 pm. Sasama na ako sa ‘yo, Ace. Bye.”

And then she hung up. She’s not even sure if Ace heard or understood what she said but at that moment, she’s just thankful that she was able to reach him. At least, she was able to inform him that she’s not okay, that she needed help.

~~

NINE o’clock. Ilang beses nang nagpabalik-balik si Sahara sa kuwarto at sa living area dahil sa sobrang kaba. Ilang beses na rin niyang tinitingnan ang laman ng kanyang itim na bag upang siguraduhin kung naroon na ang lahat ng kailangan niya – mga personal na gamit, mga mahahalang dokumento. Wala siyang dalang anumang damit dahil maliit lamang ang dadalhin niyang bag para na rin hindi mahalata ni Marco ang gagawin niyang pagtakas.

Ilang minuto na lamang ay aalis niya para sa trabaho at mula sa go-see location ay susubukan niyang tumakas mula kay Marco. Sana lang makakuha siya ng tiyempo.

DING DONG.

It’s time. Kinuha ni Sahara ang bag sa ibabaw ng kama at mabilis na tinungo ang pinto. Nakamasid lamang sa kanya si Ate Yolly paglabas niya ng unit na halatang takang-taka sa kinikilos niya.

“Sigurado kang hindi ko na kailangang sumama, Sahara?” kunut-noong tanong ni Ate Yolly. Hawak nito ang isang feather duster sa isang kamay at isang puting pamunas sa isa pa.

“Yes, Ate. Sandali lang naman ‘yung go-see. I’ll be back in a couple of hours.”

Tumangu-tango ito at ngumiti. “Oh siya, mag-iingat ka. Kasama mo naman si Marco, ano hija?”

“Opo,” matipid niyang sagot. Hindi niya napigilang lapitan ang kanyang yaya at yakapin ito ng mahigpit dahil ito na marahil ang huli nilang pagkikita. “Sige po Ate Yolly. T-thank you po sa lahat.”

“Naku etong bata’ng ito, para namang hindi na tayo magkikita!” nakangiting sabi nito. “Oh siya, kayo’y humayo na at baka kayo’y ma-trapik pa.”

Pasimple’ng pinahiran ni Sahara ang namumuong luha sa mga mata at tinungo na ang pintuan. Pagbukas niya rito ay naroon na si Marco na malaki ang pagkakangiti.

“Ready, Ma’am Sahara?”

Alanganin siyang tumango at iniabot na rito ang dalang bag. Mula sa condominium unit hanggang sa elevator hanggang sa pagsakay sa kotse ay iba’t-ibang emosyon ang nararamdaman ni Sahara.

Takot, kaba, tuwa, panghihinayang.

Takot dahil hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari pagkatapos ng gagawin niyang pagtakas na iyon. Sigurado siyang hindi siya basta-basta titigilan ni Ricky at hahanapin siya nito kahit saan; kaba, dahil paano kung hindi niya iyon maisakatuparan? Paano kung mahuli siya? Hindi rin niya maiwasang matuwa dahil sa wakas, makakasama na niya si Ace habang-buhay, kung gugustuhin niya; at panghihinayang dahil sa mga panahong nasayang niya. Kung nakinig lang sana siya kay Ace at tinanggap ang pag-ibig nito noon, wala siya sa sitwasyon niya ngayon.

~~

“SIR Ace, sigurado ka ba dito?”

Tinanguan lang ni Ace ang tanong ni Agustin. Ni hindi niya ito tiningnan dahil abala siya sa pag-ayos ng mga gamit sa kanyang mesa. Buong araw siyang nagkulong sa opisina upang harapin ang mga papeles na iyon na kailangang pag-aralan at pirmahan. Dahil kailangan niyang makarating sa coffee shop bago mag-alas-kuwatro ng hapon.

“Akala ko, 4 o’clock ang usapan ninyo? Alas-onse pa lang, ah, masyado ka naman yatang excited.”

Nginitian lang niya iyon. Yes, he’s excited and if he has other choice, he’d be at the coffee shop at that moment rather than sitting inside his office with piles of papers that needed his signature. Napatingin siya sa kanyang wristwatch at napailing. He still has to do a lot of things before meeting Sahara. He’s planning to go shopping and buy clothes and some stuff for Sahara and visit a flower shop. He has even thought of buying her the engagement ring that he promised, just in case.

“Pero paano ‘yung mga meeting natin hanggang sa isang linggo? Tsaka ‘yung-“

“I have given Paul the instructions for everything. Kayo muna ang bahala sa lahat.” Bukod kay Agustin ay matagal na rin niyang assistant si Paul at ito ang naaasahan niya sa mga ganoong pagkakataon. “And I’ll try to work online as much as possible.” Tumayo na siya at isinilid sa briefcase ang tatlong folders na sa bahay na lamang niya aasikasuhin.

Tumango ito sabay abot ng isang maliit na envelope. “By the way, ito ‘yung pina-book mong flight to Boracay. Nandiyan na rin ‘yung address and contact number ng hotel na pina-reserve mo.”

Ngumiti siya at kinuha iyon. “Thank you, Agustin. Kapag may naghanap sa ‘kin, just tell them that I’m out of town, in a very important seminar. Nobody should know about this, do you hear me?”

Muli, tumango ito at isinulat sa dalang tablet ang mga bilin ni Ace. “Hanggang kailan ka mawawala?”

“I-I don’t know yet. A week, two…a couple of months…I’m not sure yet.”

“Pero Sir Ace, paano kapag nagtanong ang daddy n’yo kung nasaan kayo? Paano kung –”

“I’ll keep in touch, okay? At ako na ang bahala kay Dad,” putol niya sa sasabihin nito dahil alam niyang walang katapusan ang mga tanong ni Agustin hangga’t hindi niya ito pinatigil.

“Noted...i-is there anything else?”

“No more, thank you.”

Kinuha na niya ang blazer na nakasampay sa sandalan ng kanyang swivel chair at isinuot iyon. Nakasunod sa kanya si Agustin sa paglabas ng opisina hanggang sa pagsakay sa elevator. Sinabayan siya nito palabas ng gusali at sinamahan siyang hintayin ang kanyang sasakyan.

“Thank you, Agustin. I really appreciate everything that you’ve done for me and for the magazine.”

Napakamot ng ulo si Agustin. “Sir Ace naman, para namang huli na natin ‘tong pagkikita. Sini-sisante mo na ba ako?”

“Of course not. You are one of my best employees and truth is, you’re one of those whom I can only trust.”

“Hay, ewan ko sa’yo, Sir Ace. Gano’n mo talaga siya kamahal para gawin lahat ito, ano?”

Nagkibit-balikat siya dahil alam niyang totoo ‘yon.

“Oh well, what can I say? Good luck. You deserve to be happy, Sir. After a very long time, ngayon lang uli kita nakitang ganyan, ‘yung sobrang excited. I just hope it will all be worth it.”

“It will, Agustin. I know it will.”

Pinagbuksan pa siya ng pinto ni Agustin nang dumating na ang sasakyan niya. Nakangiting ipinukol sa kanya ni Mang Danny ang susi ng kotse. Nagpasalamat na si Ace at tinapik ang likod ni Agustin bago tuluyang sumakay doon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.