Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 63

HALOS isang oras rin ang naging biyahe nila mula condominium hanggang sa hotel kung saan gaganapin ang 75th birthday ng kaibigan ni Ricky. Hindi naman raw iyon magarbong handaan pero siyempre, dahil sa isa ito sa mga pinakamayaman at pinakamatagumpay sa larangan ng pagnenegosyo, ang simple’ng pagtitipon ay dapat lamang na sa isang magarang hotel gawin.

It was one of those newly-opened first-class hotels. Marami na siyang napuntahang mga hotel sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas at kahit sa ibang bansa at masasabi niyang isa iyon sa pinakamaganda.

The lobby alone was magnificent. It has stunning dark mahogany wood all throughout and its interior design includes beautifully potted plants and the exquisite black, yellow and beige tones of the furnishings complement the walls.

Sa isa sa mga Italian restaurants sa loob ng hotel ang dinner pero kailangan muna niyang manatili sa lobby at magmukhang tanga para hintayin si Ricky. Marco was just standing beside her, looking attentive. Gusto na niyang matawa dahil sa pagka-OA nito sa pagbabantay sa kanya.

“Marco, alam kong bilin sa iyo ni Ricky na bantayan ako pero siguro naman p’wedeng sa labas maghintay?”

“Pero sabi po kasi ni Sir Ricky, huwag ko raw po akong humiwalay sa inyo at huwag ko raw po kayo tatanggalin sa paningin ko.”

Umiling siya. “Please, Marco? I promise, I won’t do anything that will cost you your job.” Lumingun-lingon muna siya sa paligid bago humarap sa kausap. “Sige ka, hindi ko pipirmahan ‘yung mga magazines mo.”

Napangiti rin si Marco at pagkatapos ay napakamot sa ulo. Hindi na siya nagdalawang salita at iniwan na siya nito nang mapayapa.

Noon, pangarap niya ang magkaroon ng bodyguard pero ngayon, gusto niya iyong pagsisihan. Kahit nga ang pagiging modelo ngayon ay parang ayaw na niya. It’s not that she’s not happy with the fame and the fortune, but there are times when she wished she’s just her old self – free. Noon, nagagawa niya ang lahat ng gustuhin nang walang inaalala na isang tulad ni Ricky.

Kung tumakas na kaya siya ngayon? Iniligid ni Sahara ang paningin sa kabuuan ng lobby. Marami ang tao roon, mga kilala at mga mayayaman at sa hindi kalayuan ay tanaw niya na nakatayo roon sa entrada ng hotel si Marco, na parang siya’ng guwardya. Kung may paraan lang sana siyang makawala sa paningin ni Marco kahit ilang minuto, magagawa niyang makatawag ng taxi at puntahan si Ace sa opisina nito, o kahit pa sa tinutuluyan nitong condominium.

Pero paano niya iyon gagawin kung pati ang cellphone niya ay kayang-kayang i-trace ni Ricky? At sa oras na malaman nito kung saan siya nagpunta, tiyak na hindi lamang siya ang lagot, kundi pati si Ace.

Argh, her situation now was just like Max all over again. Hindi man kasing-sama ni Ricky si Max, tulad ng una ang huli pagdating sa pagiging ‘possessive’ at kaya nitong gawin ang lahat para lamang makasiguro na hindi siya makakawala sa mga ito.

Uupo pa lamang sana siya sa malambot na couch nang biglang may dumaan sa kanyang harapan. Sa umpisa, akala niya ay namalikmata lamang siya pero nang sundan niya ng tingin ang mga iyon ay literal na napanganga siya dahil sa nakita.

It was Karen, with a cute little baby in her arms. She was wearing a very simple light pink long dress, which was totally different from what Karen used to wear years ago. Tonight, Karen looked simple but still beautiful. She also seemed happy, content. Maganda ang pagkakangiti nito habang naglalakad papasok sa isang restaurant. Kasunod nito ang dalawang unipormadong babae na sa tingin niya ay yaya ng hawak nitong sanggol.

So, Karen is now a mother. Is she married? Sino kaya ang ama ng anak nito?

Ilan lamang iyon sa mga tanong na biglang gumulo sa isip ni Sahara. At lalo lamang nadagdagan ang kanyang mga katanungan nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na lalaki na lakad-takbong sumunod kina Karen.

Hahakbang na sana siya para sundan ito para makita nang husto ang itsura lalaking iyon pero biglang dumating si Ricky at hinawakan ang kanyang kamay. Her eyes were still on the other direction when he kissed her cheek.

“Come on. Baka hinihintay na tayo ni Mr. Montinola.”

“M-Mr. Montinola?” Montinola…Karen is a Montinola. “S-sinong Mr. Montinola?” halos pabulong niyang tanong kay Ricky.

“Agusto Montinola. The birthday celebrant.”

~~

PUMASOK si Sahara sa Italian restaurant na iyon nang nakasunod kay Ricky. Gusto niyang tumakas o maglaho na lang dahil wala pa man ay masama na ang pakiramdam niya sa party na iyon. Though the party was private and only a chosen few were invited, she felt uneasy around those people. Lalo na’t naroon lamang sa tabi-tabi si Karen at kahit anong oras ay p’wede silang magkasalubong doon.

What if that happens? Is she ready to face her after all those years?

“Come, Sahara. Agusto’s table is just right there.”

Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon para tumanggi dahil hinawakan na siya ni Ricky sa kanyang kanang braso at halos hilahin palapit sa isang pabilog na mesa sa bandang likuran ng restaurant.

Wala pang sampu katao ang nakatayo palibot sa malaking mahogany table, at laking pasalamat niya nang matiyak niyang wala sa grupong iyon si Karen. Puro may katandaan ang mga nasa umpukan, marahil ay mga kaibigan at kasama sa negosyo ni Mr. Montinola. May tatlong pares ng mag-asawa na tantiya niya ay nasa singkuwenta ang edad, at dalawang matatandang lalaki na kapwa makikintab ang suot na mga amerikana. Everybody was staring at her when they approached the table and she’s not really care why.

“Architect Aguas!” masayang bati ni Mr. Montinola nang makita silang palapit. Agad siya nitong sinalubong sa kabila ng paika-ikang paglalakad. “I’m glad you made it!”

Tumangu-tango si Ricky at mabilis na nakipagkamay sa matanda. “I won’t miss it for the world, Sir Agusto,” tugon nito. “Happy birthday!”

“Salamat, salamat. By the way, aren’t you gonna introduce me to this gorgeous woman beside you?”

“Ah, of course…this is Sahara Smith,” simula ni Ricky. Kinabig siya nito sa baywang. “Sahara, this is Mr. Agusto Montinola, one of the most respected businessmen in the country. I’m sure you’ve heard of him.”

Inilahad ni Sahara ang kanang kamay sa matanda, na malugod naman nitong inabot. Kiming ngiti lamang ang itinugon niya sa tinuran ni Ricky.

“Pleasure to meet you, Miss Sahara Smith….your name sounds familiar,” sabi nito nang may mapanuring mga mata. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, na para bang iniiisip kung saan siya nito nakita o nakilala.

“Of course, Dad, her name sounds familiar. She’s the one that I’ve always told you about…my best friend…I mean she used to be my best friend.”

Sabay-sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. At naroon si Karen, palapit sa kanila, bitbit ang napaka-cute nitong anak. Humalik ito sa pisngi ng ama, at binati muna ang iba pang panauhin na naroon sa mesa bago ito muling bumaling sa kanila. Napatingin muli sa kanya ang may kaarawan at napangiti.

“Yes, of course, I remember!”

May mga sinabi pa si Mr. Montinola pero hindi na kinaya ng utak ni Sahara na maintindihan iyon dahil hindi maalis ang mga mata niya kay Karen, na mataman rin ang tingin sa kanya. Nakangiti ito at hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito – kung nagkukunwari lang itong ayos ang lahat at masaya na muli silang nagkita, o talagang nalimutan na nito ang mga hindi magandang nangyari sa kanila.

“Nice to see you again, Sahara,” masaya nitong bati sa kanya, na nagawa pang humalik sa kanyang pisngi. By the way, this is Miguelito, my son.”

She didn’t reply, nor smile. Karen’s smile reminds her of so much of what they had, especially their conflict, which ended their friendship.

“So, how have you been?”

Abala na noon si Ricky sa pakikipag-usap sa mga tulad nitong negosyante at para na siyang tanga roon na nag-iisa. Kaya nang lumapit sa kanya si Karen ay wala na siyang nagawa. She even handed her a glass of sparkling wine after handing the baby over to his yaya.

Tinapunan muna nito ng tingin si Ricky bago magsalita. “Whatever happened to you and…Ace? It didn’t work out, I see? That’s too bad.” But her face looks the opposite. “Is he your boyfriend now?” tanong nito sabay lingon kay Ricky. “But I believe Architect Aguas is a married man.” Marahang umiling si Karen bago inumin ang sarili nitong hawak na baso ng wine. “Oh well, he’s one of the most accomplished architects that I know today so I guess…he’s a really good catch for you, isn’t he?”

Tiningnan lamang ni Sahara ang kaharap. Nothing has really changed about Karen, she realized. Maganda pa rin ito, mamahalin pa rin ang suot nitong damit at mga aksesorya, maging ang arte nito at pagsasalita. Siguro kung may naiba man rito, iyon ay ang pagkakaroon nito ng anak. Kung kanino, hindi niya alam at wala na siyang pakialam.

“I’m really glad to see you again, Sahara, believe it or not. Let’s forget about the past, shall we?”

Forget about the past…really, now? Pinasingkit niya ang mga mata na parang hindi makapaniwala.

“Tutal, may kaniya-kanya na tayong buhay. May bago ka nang boyfriend…at may pamilya na ‘ko. And Sebastian would really want us to be friends again, you know.”

“Sebastian?” Doon parang lalong nagpantig ang tainga ni Sahara.

“Oh, didn’t you know? Sebastian and I…we’re still together. And do you see that cute baby over there?” nakangiti nitong tanong sabay turo sa hindi kalayuan. “That’s our little angel.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.