SHE placed her chin over her left knuckle while staring outside the window. Her other hand was gripping the steering wheel of her silver Porsche Panamera, her index finger was slowly tapping the helm.
It was minutes before noon and there was heavy traffic ahead and behind her. She needed a little patience to get over it.
She took a glimpse at her wristwatch again and sighed. She was on the road for almost two hours now after she went off from the gym, hungry and exhausted. She was supposed to enjoy her day off, but here she was, stuck on a congested road.
Hinihintay niyang pumula ang ilaw sa traffic lights, ngunit iyon man ay lubhang napakatagal.
Nilakasan niya ang aircon sa loob ng sasakyan at binuksan ang stereo. Might as well enjoy her exasperating adventure.
Muli niyang itinuon ang paningin sa labas, saktong paglingon niya ay nakita niya ang ginawang pahablot ng isang lalaki sa bag ng isang ginang.
Walang pagdadalawang-isip siyang lumabas ng sasakyan at hinabol ang lalaki.
"Tabi!" sigaw niya upang mahawi ang mga tao sa sidewalk. She leaped when she saw a hole on the pavement and bent when she saw a man carrying pieces of stuff on his shoulders.
"Tumigil ka!" Sa halip na tumalima ay binilisan pang lalo ng snatcher ang pagtakbo. Dahil may kapayatan at matangkad ay mabilis ito.
Luminga ang snatcher at nang makita ang humahabol sa kanya ay tinabig niya ang paninda sa may bangketa upang pabagalin ang humahabol. Nang magkulay pula ang traffic lights sa street na nilikuan ay tinawid niya ang kalsada patungo sa kabilang kalye. Malalakas ang busina ng mga sasakyan dahil sa biglaan niyang pagtawid.
Niccola smoothly slid over a car's hood and fastened her pace when her feet landed on the ground. Her veins were pumping in an adrenaline rush and her brain was telling her to catch the man. She was determined.
Tinabig niya ang mga taong nakaharang at binilisan ang galaw.
Nang mapansin ng snatcher na malapit na sa kanya ang humahabol ay muli itong lumiko sa isang kalye. Ngunit isa iyong maling hakbang.
She grinned when he ran over a dead end street. Tumigil siya sa pagtakbo at napahawak sa tuhod habang naghahabol ng hininga. "Tumigil na tayo sa pagtakbo, puwede ba?"
Luminga sa kanya ang snatcher, nakita niya ang takot sa mga mata nito dahil sa pagkakasukol. Subalit iglap lang iyon at agad ding nawala.
"'Wag kang lalapit kung ayaw mong masaktan...!" Sabay dukot nito sa patalim na nasa likurang bulsa ng pantalon. Itinuon nito iyon sa direksiyon ng dalaga.
Umayos siya ng tayo at bumuga ng malalim na hininga. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki kasabay nang pag-iling. He's young, must be in his late teens or early twenties. Hindi na bago sa kanya ang makaharap ng mga kagaya nito.
"Ibaba mo ang patalim..." aniya sa kalmadong boses.
Imbes na tumalima ay ini-unday nito sa kanya ang kutsilyo na matulis ang dulo. Agad naman siyang umiwas upang hindi matamaan. She kicked his left foot from the back. Dahilan upang mailuhod nito ang isang tuhod.
Wala siyang sinayang na segundo at agad na hinawakan nang mariin ang kamay nito. Kapagkuwan ay pinilipit niya iyon patalikod dahilan, upang mabitawan nito ang patalim na lumikha ng ingay pagkabagsak sa semento.
Napaigik naman ang lalaki dahil sa kanyang ginawa at nakaluhod na ang dalawang tuhod. "'Wag kang manguha ng hindi sa 'yo," wika niya at hinablot ang bag na nasa kabila nitong kamay.
NAPAHILOT sa sentido si Niccola matapos makipag-usap sa rumespondeng pulis mula sa pinakamalapit na presinto. Nadala na roon ang snatcher at naibalik na sa may-ari ang bag nito.
Napatakbo siya nang makitang tino-tow na ang kanyang sasakyan ng mga traffic enforcers. "Sandali lang...! This is my car."
Hindi agad nakasagot ang enforcer at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Pinigilan niya ang inis dahil doon.
The man cleared his throat before speaking. "Illegal parking kayo, Ma'am. Malaking abala sa mga motorista ang kotse niyong nasa gitna ng kalsada."
Tiningnan niya ang paligid kasabay nang pagngiwi, lalong lumala ang traffic dahil sa kanyang sasakyan na nakaharang sa daan.
Nagpaalam siya sandali at tinungo ang kinaroroonan ng kotse at binuksan. Dumukwang sa may glove compartment at kinuha ang kanyang identification card at badge. Kapagkuwan ay ipinakita iyon sa traffic enforcer at nagpakilala kasabay nang paglalahad ng kanyang palad. "I'm sorry, Enforcer. I'm Police Master Sergeant Villarama from the Department of Investigation and Detection Group..." Ipinaliwanag niya ang nangyaring paghabol niya sa snatcher kanina at ang pagkakahuli rito. Agad naman itong naniwala, ngunit ni-radyohan pa rin ang presintong pinagdalhan sa snatcher upang kompirmahin.
Hindi siya tinikitan ng mga tagapangasiwa ng trapiko at malaya siyang nakaalis. Kaya heto na naman siya ngayon, nasa gitna ng kalsada at nakikipagbuno sa bumper to bumper na traffic.
Halos isang oras pa uli ang iginugol niya sa kalsada bago narating ang kanyang destinasyon.
Agad siyang pumasok sa gusaling iyon at sumakay sa elevator patungo sa partikular na palapag. Kinatok niya ang pinto ng condo unit na siyang sadya niya. Nakailang katok na siya subalit walang tugon mula sa loob.
Pinihit ni Niccola ang seradura at napabuntung-hininga nang malamang bukas iyon. Tumuloy siya papasok at hinanap ang may-ari ng unit. Tahimik ang sala at ang kusina kaya sinubukan niyang maghanap sa mga silid.
Napakunot-noo siya nang makarinig ng mumunting ingay mula sa isa sa mga silid. She listened to that faint sound cautiously, and when she realized what it was, her hands turned into a fist.
Inalis niya ang emosyon sa kanyang mukha bago binuksan ang pinto.
Agad na natigil ang mga nasa ibabaw ng kama at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya.
"E-Elize..." utal ng kanyang kasintahan na nahuli niyang nakapatong at bumabayo sa ibabaw ng ibang babae. Humihingal pa ito at hindi malaman ang gagawin. Hindi ito ang pinakaunang lalaki na tumawag sa kanya ng Elize, ang mga ex-boyfriends niya ay ganoon din ang tinatawag sa kanya. They said that her nickname was too masculine for her. Kaya marahil pakiramdam niya'y palaging may pader na nakapagitan sa kanila ng kanyang mga nakarelasyon dahil sa pamantayan nilang iyon.
Her cold eyes darted at them. "I see..." she muttered coldly. Nakita niya ang pagdaan ng takot sa mukha ng dalawa. Ang babaeng kaulayaw ni Paul ang unang nakahuma at hinila ang kumot patakip sa hubad na katawan. Sinalubong nito ang kanyang mga mata at bahagyang nakataas ang isang kilay.
"L-let me explain..."
Itinaas niya ang palad upang patigilin ito. "Hindi na 'yon mahalaga. From now on, you're free, you can do what you want to do. Screw some bitches, I don't care..."
Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ng babae dahil sa pagkapahiya subalit wala siyang pakialam dito. She looked at his nakedness from head to toe, then back to his pulsing organ, and smirked.
Tinalikuran na niya ang dalawa at muling lumabas ng silid. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng center table sa may living room. Iyon talaga ang sadya niya roon sa bahay ng kasintahan, dating kasintahan.
Naiwan niya ang kanyang cellphone sa kotse nito nang sunduin siya nito kahapon sa kanyang trabaho at ihatid pauwi. Hindi na man niya ito makontak kanina pang umaga upang makipagkita at makuha ang aparato. Naroon ang lahat ng kontak niya na mahalaga sa kanyang trabaho.
Naririnig niya ang mga kaluskos sa pinanggalingang silid ngunit hindi na niya iyon pinansin at lumabas mula sa loob ng unit ni Paul Guevara.
Hindi pa man nakakarating si Niccola sa kinaroroonan ng elevator ay agad na may pumigil sa kanyang braso. Umikot ang kanyang mga mata bago hinarap ang dating kasintahan.
"Let me explain, Elize," anito na mukhang nakabawi na sa pagkabigla.
"You don't have to. It's all over, Paul."
"It is your fault, you know? I couldn't even kiss you properly, you won't let me touch you! I am just a man, Elize, a man with needs and you can't give me that. What do you expect me to do?"
Ipiniksi niya ang braso dahilan upang mabitawan siya nito. Mariin niyang ikinuyom ang kamao upang mapigilan ang sarili na saktan ang kaharap.
"Whatever your reasons are, I don't care anymore..."
Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang ng dating kasintahan. Lalo niya iyong ikinainis, wala itong karapatang magalit sa kanya dahil ito ang nagtaksil, kahit pa sabihing hindi niya naibigay ang pangangailangan nito ay hindi kailanman iyon magiging rason upang maghanap ito ng iba. He should've ended their relationship first before banging another woman!
Sinuyod niya ito ng isang mapang-insultong tingin at tumigil ang mga mata sa harapan ng pantalon nitong nakabukas ang butones. "Goodbye, Jerk. You're not gifted in some areas anyway. Quite disappointing... Enjoy."
She smiled in satisfaction when she saw how his face turned red in anger and embarrassment. She doesn't need a man anyway, she doesn't even recall how their relationship started. Paul worked at the forensic's office and they met oftentimes. Marahil dahil sa pangungulit nito ay napapayag siya nito.
Serves you right, bastard!