KANINA pa naroon si Mason habang mag-isang umiinom ng alak. May ilang kababaihan ang nagtangkang lumapit sa kanya ngunit tinanggihan niya ang mga ito. He sent them off in a not so friendly way. He wasn't in the mood for a company.
Nilagok niya ang alak sa kanyang kopita at inilibot ang mga mata sa loob ng bar. There were grinding bodies on the dance floor, some were smooching and groping. There's alcohol, smoke, and probably some drugs hiding somewhere and discretely being induced by the junkies.
Dumako ang tingin ni Mason sa entrance ng bar. Nakuha ng mga kakapasok na kadalagahan ang kanyang pansin. Partikular na sa isang babaeng nasa unahan. Matangkad ito at nagtataglay ng balingkinitang pangangatawan. She was tall and she had a strong aura around her, making her provocative and intriguing.
Agaw-pansin ang apat at maging ang ibang mga naroon sa bar ay napapatingin sa kanila. Dalawa sa mga ito ay nagtataglay ng kaparehong mukha. Ang isa pang babae ay may panlalaking gupit.
Pumuwesto ang apat sa katabing mesa na okupado ni Mason. Dahil sa sensitibong pandinig at malapit ang mga ito sa kanyang kinaroroonan ay naririnig niya ang usapan ng mga babae sa kabila ng ingay sa paligid.
"Ate, umuwi nalang tayo," tensiyonadong suhestiyon ni Snow sa nakatatandang kapatid.
"No! We will stay here and drink 'til we drop. Just no sex and no entertaining men. They are all pain in the ass!" sagot ni Niccola sa sinabi ng kapatid.
Si Snow ay namula ang pisngi sa narinig. "B-but Kuya Lucas will be mad."
"Oh please, he is completely clueless about this girl's night out. You're twenty-three, Sis, and you should learn more about life. No books and preschoolers tonight. Just alcohol and handsome men for our eyes to feast. But no sex."
Walang magawa ang tatlo. Hinila lang sila ni Niccola sa lugar na 'yon. It was their first time entering a bar without their male cousins and they were not comfortable with it.
"MEN ARE bunch of assholes!" bulalas ng dalaga na naaapektuhan na ng nainom. Kanina pa sila naroon at mabilis itong umiinom na tila ba isa lang ordinaryong tubig ang alak.
"So, it is a man again," ani Krishia na hindi na bago ang naririnig mula sa nakakatandang kapatid. "Why is it this time? He broke up with you because you don't have time for him? Or he calls it off because you don't want to have sex with him and better yet find a willing pussy?"
"Where'd you learn that?" tanong ni Niccola sa kapatid at napahagikhik. She was drunk and groggy. "Actually, it's the cliché... I saw him having sex with someone. I walked into his room and caught them in the act. His face was epic when he saw me..." aniya at sinabayan ng tawa. "...he was not even that long and big." It was foolish to waste her precious time on someone like him. He could rot in hell for all she cares!
"Do you love him?" tanong ni Tara.
"Hell no!"
"Then why are you so affected and drinking yourself to death?" nakataas ang kilay na buwelta nito.
Napatigil si Niccola sa paghagikhik at tumalim ang mga mata. "I am not in love with that asshole!" kompirma niya, diniinan ang bawat katagang inusal. "I cannot even recall how the relationship started. He bruised my ego, that's just it. But I trampled his..." Muli siyang tumawa nang maalala ang dating kasintahan at ang nangyari sa loob ng unit nito. "...he was flustered when he saw me there and caught him having sex with that wench. I just said, Goodbye, Jerk. You're not that gifted in some areas anyway. Quite disappointing. Enjoy. I was cool, wasn't I?"
Napailing ang tatlong babae na nakikinig sa kanyang lintanya. Ipinag-kibit lang niya iyon ng mga balikat.
"You're drunk, Ate. Let's go home."
"One moment," sagot niya at muling sumipsip ng alak sa kanyang kopita. She was a female alpha and no one tells her what to do.
Ang tatlo ay hindi kayang salungatin ang nakatatandang dalaga, kaya walang magawa ang mga ito kundi samahan si Niccola sa patuloy na pag-inom.
Tumayo si Keishia Snow at nagpa-alam na tutungo sa banyo. Sinamahan naman ito ni Tara. Ilang sandali pa ay pabalik na ang dalawa sa kanilang mesa nang may humarang sa kanilang lalaki. The man was drunk and he was eyeing the two with malice in his drunken bloodshot eyes. "Hey, ladies, wanna have some fun?" tanong nito na ang mga mata ay nakatutok sa isang partikular na dalaga na may maamong mukha.
"No!" matigas na tanggi ni Tara at hinila si Snow na natahimik sa kanyang tabi.
Hindi pa man nakakalapit ang dalawa sa kanilang mesa ay nakahabol na ang lalaki at hinigit ang braso ni Snow na nagulat sa ginawa nito. "L-let go of me," piglas ng dalaga, namumuo ang kaba sa kanyang dibdib. Nasasaktan din siya sa mahigpit na hawak ng lalaki sa kanyang braso.
"Bitawan mo siya!" it was Tara. She was mad at what the man did. Itinulak niya ang lalaki ngunit walang panama ang lakas niya rito. Instead, she was thrown away when the man shoved her off.
Naagaw ng tatlo ang atensiyon ng ibang naroon. Maging ang mga nasa dance floor ay napatigil sa pagsasayaw.
Si Niccola ay mapuwersang inilapag ang kopitang hawak nang makita ang ginawa ng lalaki sa pinsan at kapatid. Napatayo siya at napahakbang patungo sa nangyayaring komosyon. Maging si Krishia ay napasunod sa kanya.
Hinawakan ni Krishia ang braso ng kapatid at pinigilan ito. She knew her, and she knew what she's capable of doing. "Ate." Ipiniksi ni Niccola ang braso kaya walang magawa si Krishia kung 'di ang pakawalan ang nakakatandang kapatid.
The man pulled the scared Snow closer. "Let's get out of here, baby. We'll be going to have some fun," he whispered in her ear and filled his nostrils with her sweet flowery scent.
"Why don't you play with me instead? You must know that my sister isn't fond of games and she's inexperienced with playing games with a man," singit ni Niccola na narinig ang sinabi ng lalaki sa nakababatang kapatid. Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti kasabay nang pagpungay ng mga mata.
Binalingan ng lalaki ang dalaga at mas lumawak ang pagkakangisi nang makita ang kabuuan nito. "Really? Why don't you join us instead?"
"Oh, darling, not with my sister. I don't want to play games with her. You see, I'm kind of stingy. I don't share a man with any of my siblings. If you choose me, we'll gonna have so much fun. I'm capable and wild," she provoked. Kinindatan ang lalaki at humagikhik na tila ba lasing na at wala sa maayos na huwisyo.
Binitawan ng lalaki si Snow at lumakad palapit kay Niccola. Lumapad ang ngiti ng dalaga at sinabing, "Why don't you call your friend to join us? The more the merrier."
Nang makalapit ay hinapit siya ng lalaki sa beywang. "I am more than enough, baby."
"Really?" aniya. Hinawakan ang braso nito na nakapulupot sa kanyang katawan. Biglang nawala ang kanyang pagkakangisi at dumilim ang mukha.
Mapuwersa niyang pinilipit ang braso nito, napasigaw ito sa sakit dahil sa kanyang ginawa. "L-let go of me, bitch!" daing nito at akma siyang hahampasin gamit ang malayang braso, subalit nauhan niya iyon. Sinuntok niya sa mukha ang lalaki na napaatras dahil sa kanyang ginawa habang sapu-sapo ang nasaktang mukha.
"Now, this is my idea of having fun. No one messes with my sister, you bastard! Come here and let's see what you got," hamok ni Niccola sa lalaki na madilim ang mukha. His face was bruised, so was his ego. "What? Hindi ka lalaban dahil babae ako? Try me, I can give you the best game of your life... My way."
"Bitch!" malutong nitong mura bago sumugod sa kanyang direksiyon. Sumuntok ito ngunit madali niya iyong nailagan, siya naman ang umatake at binigyan ito ng suntok sa tiyan.
Namilipit ito sa sakit dahil sa suntok na natamo. Hindi siya nakuntento at umikot sabay sipa, sapol sa mukha ang katunggali.
Walang malay na bumagsak ang lalaki sa sahig ng bar.
"Weak! One round and he's knocked out. Man with no balls," she spatted then chuckled like crazy. Ang tatlong kasama ay napapailing sa kanyang ginawa.
"U-uwi na tayo, Ate," suhestiyon ni Krishia na siyang unang nakahuma sa mga pangyayari. Humingi ito nang paumanhin sa mga naroon, maging sa manager ng bar na nakanganga pa. May mga bouncer na rin na nakalapit sa kanila. Hinila niya ang nakakatandang kapatid palabas ng bar habang nakasunod sa kanila sina Tara at Snow.
Ang mga nakiki-usyusong customers ay namangha sa pangyayari. Si Mason na nasa isang tabi ay tumaas ang sulok ng mga labi habang sinusundan ng tingin ang apat na paalis na.
Kanina, nang makita niya ang dalawang babae na hina-harass ng isang lasing na customer ay binalak niyang lapitan ang mga ito ngunit naunang makalapit ang dalagang nagpatumba sa lalaki. At first, he thought that she was a bimbo or some whore when he approached the man with an obvious seduction. But he thought wrong. Hindi niya maiwasang mamangha sa nakita ng kanyang mga mata. The woman doesn't need saving. She wasn't just sexy but lethal too.
Inubos ni Mason ang natitirang laman ng bote at nag-iwan ng pera sa mesa bago lumabas ng bar.
"WAKE up, Elize Niccola."
Ungol lang ang tanging itinugon ng dalaga na nakahiga sa malaking kama at nakasubsob ang mukha sa unan.
Napailing si Alessandra habang nakatingin sa anak na natutulog. Mahirap itong gisingin lalo na't naka-inom ng nagdaang gabi. Mahina niyang tinampal ang p'wet ng anak. "Male-late ka na sa trabaho mo. Bakit kasi naglasing ka kagabi? Alam mo namang may trabaho ka ngayon... Wake up!"
"M-Mom, a minute or two," sagot ni Niccola sa malat na boses at hindi man lang nag-abalang buksan ang mga mata.
"Rise and shine, Niko. Wake up! Wake up!" Alessandra said in a sing-song voice.
Parang batang pinag-sisipa niya ang comforter dahil sa kakulitan ng ina. Pagkatapos ay bumalikwas ng bangon at napahawak sa ulong sumasakit. "I'm awake... Gosh, hang-over is killing me!"
"Here, drink this." Kinuha niya ang binigay ng kanyang ina at ininom. Ngunit hindi man lang naibsan ang pananakit ng kaniyang ulo. "Get up. Male-late kana. Hurry!"
Napa-ungol siya sa pagprotesta bagaman wala siyang magawa kung 'di ang tumalima. May trabaho siyang kailangang asikasuhin. She hated herself for drinking last night.
Nang makapag-ayos ay bumaba na siya patungo sa komedor. She was living with her parents just like her other siblings. She owned a condominium unit but she can't totally move out because her parents won't allow that idea. Hanggang maaari ay gusto ng kanilang mga magulang, partikular na ng ina, na tumira sila sa iisang bahay. Ang sabi ni Alessandra ay susulitin nila ang pagkakataong magkakasama hanggang hindi pa sila nagkakaroon ng kanya-kanyang pamilya.
Siya nalang ang hinihintay sa hapag-kainan. She sat on the seat beside Alson, her younger brother. Ramdam niya ang masamang tinging ipinupukol sa kanya ng kakambal na kaharap niyang nakaupo sa hapag.
Hindi paman umiinit ang kanyang pang-upo ay sinita siya nito dahil sa nangyari nang nagdaang gabi. "Your idea of having fun was knocking a man out? What will you do if he'll file a case against you? What were you thinking, Elize Niccola Villarama?!"
"Don't nag on me, Bro. My head is killing me as it is. And it wasn't my fault, okay? The man harassed Snow and Tara. What did you expect me to do?" dipensa niya sa sarili at sinimulang kainin ang pagkaing nasa kanyang harapan.
"It was your fault. Why did you even drag, Krishia, Snow, and Tara in that place? And you've caused a scene!"
Hindi na niya pinansin ang kakambal at itinuloy ang pagkain. Maging ang mga magulang ay pinagsabihan siya dahil sa nangyari ng nakaraang gabi. Humingi siya ng tawad sa mga ito dahil aminado naman siyang may nagawa siyang mali.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na siya sa mga ito. Muli siyang bumalik sa kanyang kuwarto at hinanap ang susi ng kanyang sasakyan, ngunit hindi niya 'yon mahanap.
"Where's my car key?" tanong niya sa kanyang ina nang masalubong niya itong papalabas ng hapag-kainan.
"I have it. You won't be using it for a week and Mang Lucio won't drive you to work. You can take a cab or the subway," Lucas answered with a straight face. There was finality in his voice and she knew she couldn't bend his decision.
Napatingin si Niccola sa mga magulang na nagkibit lang ng mga balikat sa kanya. "Mom! Dad!"
Lumapit si Nick sa anak at hinalikan sa noo. "You better leave now, Princess, or you'll be late."
Napapadyak ang dalaga, katulad ng isang batang hindi makuha ang gusto.
Binigyan niya ng nakakamatay na tingin ang kakambal bago lumabas ng bahay.