Sanford Series 1 Chapter 22

SHE tried to free herself but to no avail. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kanyang kinaroroonan. Sa kaliwa ay may mga iba't tools ang naroon na ikinasindak niya. From a kitchen knife to a chain saw, anything that was used to cut and bore, you name it, it was there.

Binaling niya ang paningin sa kanang bahagi niya. Mayroong malawak na swimming pool doon, bagaman wala iyong lamang tubig.

May pumapasok na ilaw mula sa araw kaya alam niyang wala siya sa isang basement. At ang ilaw ay nagsasabing may araw na. Ilang oras ba siyang nakatulog?

Kinalma ni Niccola ang isipan, walang maitutulong kung magpa-panic siya, lalo lang iyong makakalala sa kanyang kinasusuungang sitwasyon. She was thinking of a possible solution to her situation when she heard footsteps.

Nilinga niya kung saan nanggagaling iyon at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang isang pamilyar na lalaki. "Ikaw?"

Lumapit ang lalaki patungo sa kinaroroonan ng mga patalim at sinuri iyon isa-isa. "Kumusta ang tulog mo, Villarama?"

"Pakawalan mo ako, hayop ka!" Parang walang narinig ang lalaki na patuloy sa ginagawa. All this time, tama ang kutob niyang nasa malapit lang ang taong nagtatangka sa kanyang buhay.

"May sapusa ka rin, Villarama. Sa ulo sana kita binaril noong una ng hindi ka na magising, subalit biruin mo nga naman, nakaligtas ka sa pagkakahulog sa hagdan at sa sindikato." Dinampot ng lalaki ang isang kutsilyo at naglakad papalapit sa kanyang kinahihigaan.

Nakaramdam ng takot si Niccola ngunit hindi niya hinayaang makita nito iyon.

"Mukhang hindi ka na susuwertehin ngayon."

"Bakit mo ginagawa 'to? Wala akong kasalanan sa 'yo!"

Tumigil ang lalaki sa tapat ng kanyang kinahihigaan at tinitigan siya. Ang mga mata ay walang buhay, hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito.

He was the one responsible for her shooting incident and the one who was threatening her. She had known him for quite some time but it never dawned at her that he could do such a thing. Though he was quite distant, he had done good things.

"Why are you doing this? Pulis ka at magaling ka sa trabaho mo. Bakit mo to ginagawa? Makukulong ka sa ginagawa mo! Your body will rot in hell!"

A shallow laugh came out of the man's mouth. "Can't you see? I'm already a dead man, Villarama. Pinatay mo ang anak ko! He was my only family left and now he's gone because of you!"

"I don't understand..." Naguguluhan siya, wala siyang natatandaang naagrabyado na kahit sino, na kapamilya nito. "...wala akong pinatay! I am no killer, Ortiz!"

"Justin Alonzo! He is my son. Maraming taon na mula nang mahanap ko ang anak ko, pero hindi ako nagkalakas ng loob para magpakita. I had been supporting and watching him since the day I found him. Wala akong planong magpakilala sa kanya, kontento na akong nakikitang maayos ang buhay niya but you ruin everything. You killed him!"

She was surprised, alright. But his reason doesn't justify his actions. The man was mad! "Alam mong pinatay niya ang sarili niya. It wasn't my fault! He died because of what he did, he took his own life!" She tried to put some sense on the man's mind, but his disposition was unyielding and she can't see any spark of emotion in his eyes, it was hollow, lifeless.

Hindi niya alam na anak nito ang lalaking naipakulong nila dahil sa pagpatay sa dati nitong girlfriend na isang artista, and eventually took his own life in his cell. "Hindi maibabalik ang buhay ng anak mo sa gagawin mo! You can't bring him back, patay na siya at wala akong kinalaman doon! Anong mapapala mo sa mga ginagawa mong ito?!"

"Satisfaction? Revenge?" The man shrugged and played the knife in his hand. "I need someone to blame at ikaw ang taong 'yon. Kung 'di dahil sayo hindi mapapatunayang may foul play na naganap. Very typical of you, Villarama, pa-impress ka masyado."

Nanigas ang kanyang katawan nang paglandasin nito ang kutsilyo sa kanyang pisngi.

"You're crazy! Pakawalan mo ako, ano ba!" Napangiwi siya ng bahagya nitong sugatan ang kanyang pisngi. Maliit lang naman iyon bagaman mahapdi.

"I'm not crazy, but a dead man!"

"Baliw ka, no sane man would kill a person!"

Pinaghihila niya ang mga kamay at paa at sinubukang makawala mula sa pagkakatali. She won't die that easy, hindi sa kamay ng lalaking kasama niya ng ilang taon at iginagalang niya.

Napasigaw siya sa sobrang sakit nang ibaon ng lalaki ang kutsilyo sa kanyang hita. It was too painful that she almost lost consciousness. Halos panawan siya ng ulirat nang gawin uli nito iyon sa kabila niyang hita.

"HAHANAPIN mo siya o kakalimutan mong may anak kang lalaki!" Mariing tinitigan niya ang lalaking nakaupo sa tapat ng mesa nito. Inalis ng lalaki ang salamin sa mga mata at hinilot ang gitna ng noo. Marahas na bumuntong-hininga si Mason at napakuyom ng kamao. "Please... Dad. Help me find her just this once."

He accepted the fact that he need his father's help, mas malawak ang koneksiyon ng ama niya at mas mapapadali ang paghahanap kay Niccola. Nang hindi ito makauwi kaninang madaling araw ay kinutuban na siya, maging ang pamilya ng nito ay nag-aalala ng hindi ito makontak.

Nang tingnan niya ang tracker na nakakonekta sa kuwintas na ibinigay niya rito noong kaarawan nito ay itinuro siya niyon sa isang madilim na kalye.

He had found her car but it was empty, no Niccola on sight. Naroon sa loob ng sasakyan ang police uniform ni Niccola at ang kuwintas na ibinigay niya rito.

He called Achilles to tell him what happened, at least one of her family needs to know what happened to her. Hindi niya direktang masabi sa pamilya ng dalaga dahil nangangamba siyang may mangyari sa matatanda, who knows if her mother or father had a weak heart?

May tinawagan ang kanyang ama at ilang sandali lang ay pumasok ang sekretaryo nito. "Tell me her whereabouts." Ibinahagi niya kay Armado ang mga bagay na nangyari kay Niccola ng mga nakaraang araw, umaasang matutulungan siya nito.

"Billy, organize a search and rescue party and call the intelligence department." Bumaling ito sa kanya pagkatapos magbigay ng order sa sekretaryo na agad na tumalima. "We'll find her, son."

Tinanguan lang niya ang ama at lumabas sa opisina nito. Tiyak ang mga kilos na sumakay siya sa kanyang motorsiklo at mabilis na minaniobra iyon.

"I'm here to see, Ms. Samson," saad niya sa guwardiyang humarang sa kanya papasok sa establisiyemento.

"May mahalagang bagay silang inaasikaso ngayon–"

"Tell her Mr. Clarkson is here!"

"C-Clarkson?"

Nainis siya sa naturang guwardiya at patabig itong hinawi at tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Hindi niya alintana ang pagtawag nito sa kanya at nagtuloy-tuloy sa pagpasok.

Ilang nakasarang pinto na ang nadaanan niya bago makita ang hinahanap. Lumabas ang babae sa isang pinto at halata ang pagkagulat sa mukha nang makita siya.

"I want the result now, Ms. Samson, or you will lose your job." He hates to do that but he had to.

Bumalatay ang pangamba sa mukha ng babae bagaman agad iyong nawala at pumormal. "I already finished examining it. I had the report, I was supposed to send it to you but I had some important matters to attend to."

"Was that important than the life of your friend? She's missing and god knows where she is right now!" He cannot contain his anger and shouted at the woman. Mabuti nalang at walang ibang tao sa hallway.

Napasinghap ang babae at lumarawan ang pag-aalala sa mukha. She had known Niccola since college and she cares for her. Hindi biro ang mga death threat na natatanggap nito nitong mga nakaraang araw. Someone was after her and she knew who that someone is.

"Follow me." Mabilis na naglakad siya patungo sa kanyang opisina. Nararamdaman niya ang pagsunod ng lalaki sa kanya. She did not bother to invite the man in or offer him something to drink. Agad niyang hinanap ang files na naglalaman ng resulta ng kanyang page-examine.

"Wala akong makitang DNA sa naunang ipinadala ni Niccola sa akin. Luckily, I found something in her uniform. A hair strand. A tiny one but I managed to see it. And I've found out whose strand is that."

Mason flipped the next page and cursed when he saw the man who was responsible for everything.

"Bring her back alive."

Tinanguan ni Mason ang babae at walang paa-paalam na lumabas sa opisina nito at sa naturang building.

Nang makita ng guwardiya si Mason ay akmang lalapitan niya ito, ngunit nagbago ang isip nang makita ang ekspresyon ng mukha ng binata. He looks angry and livid.

KANINA pa siya paikot-ikot at pinuntahan ang mga lugar na maaaring pagdalhan ni PSMg Orlando Ortiz kay Niccola. Wala ring positibong balita mula sa mga tauhan ng kanyang ama na naghahanap din sa dalaga.

Napalinga si Mason nang may tumabi sa kanyang motorsiklo. It was Achilles, katulong niya ito sa paghahanap. Ang ekspresyon ng mukha nito ay nagsasabing wala rin itong mahanap. Binagalan niya ang pagtakbo at gumilid sa kalsada nang maramdaman ang pagtunog ng kanyang telepono.

"Search outside the city. Senior police inspector Ortiz was constantly heading outside the city these past few weeks." Mataman na nakinig siya sa amang nagsasalita mula sa kabilang linya. "Search for Ortiz's property outside the city..." Narinig niya ang mabilis na pagtipa mula sa kabilang linya at ilang sandali ay muling nagsalita si Armado. "...go to his old house, faster!" Mabilis na pinaharurot niya ang sinasakyan nang marinig ang lokasyong sinabi ng ama, naramdaman niya ang pagsunod ng kaibigan sa kanya.

Pabalyang ipinarada niya ang sinasakyan ilang metro ang layo sa lugar na tinutukoy ng kaniyang ama. Patakbong tinungo niya ang bahay at maingat na sumilip sa loob ngunit wala siyang makita roon.

Sumenyas sa kanya si Achilles at agad niyang nakuha iyon. Tahimik ang hakbang na tinungo niya ang likurang bahagi ng bahay na kinaroroonan nito. Muling sumenyas si Achilles gamit ang mga daliri at nang tumango siya ay pabalyang binuksan nito ang pinto at alistong sinuyod ang paligid.

"Freeze! Huwag kang kikilos, Ortiz. Or I'll blow your brain out!" Itinutok ni Achilles ang baril sa pulis na hindi man lang nagbago ang walang ekspresyong mukha habang nakatingin sa mga bagong dating. Hindi natinag o nagpakita ng kahit anong emosyon.

Si Mason ay nanlaki ang mga mata nang makita ang dalagang nasa ilalim ng tubig at wala nang kakilos-kilos. Walang pagdalawang isip na mabilis siyang tumalon sa swimming pool.

NICCOLA couldn't move her limbs in so much pain. Nang pakawalan ng lalaki ang mga kamay at paa niya sa pagkakatali ay wala siyang lakas upang labanan ito. She was bleeding out and she was losing all her strength.

Maging nang kaladkarin siya ni Ortiz pababa sa pool na walang lamang tubig ay wala siyang magawa. Pasadlak na binitawan siya nito at tinalian ang kanyang mga kamay mula sa likuran.

"P-Pakawalan mo a-ako..." Parang walang narinig ang lalaki at tuloy-tuloy na muling pumanhik paalis ng pool.

Her eyesight was blurred and any minute, she would lose consciousness. Napaungol si Niccola nang maramdaman ang tubig sa kanyang katawan.

Hindi man niya gusto ay nakaramdam siya ng takot sa maaaring mangyari sa kanya kung walang dumating na tulong. Napapasigaw siya sa sakit ng subukan niyang umupo mula sa pagkakalugmok sa sahig.

Unti-unting tumataas ang tubig sa pool at hindi siya makatayo. Sinubukan niyang pakawalan ang mga kamay mula sa pagkakagapos ngunit hindi niya magawang pakawalan ang sarili. She cannot help but cry. She was afraid to die, she was scared to leave her family. Her mother would be devastated and who knows how she'll handle the situation if anything happened to her. Her father, her siblings, her cousins, her friends, Xylona, and Mason, isa isang pumasok sa isip niya ang mukha ng mga ito. Tila tubig na rumaragasa sa kanyang isipan ang mga masasayang ala-ala kasama ang mga taong mahalaga sa kanya.

She was crying until the water leveled her face. Huminga siya ng malalim bago lumampas ang tubig sa kanyang ulo. She tried to stand up but her legs were weak.

Paubos na ang hangin sa kanyang baga ng pumasok sa isip niya ang mukha ni Mason. He was smiling at her. Goodbye, Mason.

She choked when she felt the water entered her system, she lost air and succumb to darkness.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.