Sanford Series 1 Chapter 21

MASON WAS busy staring at her face and caressing her soft cheek when his phone rang. Inabot niya iyon mula sa bedside table at napabuntung-hininga nang makita kung sino ang caller. Dinampian niya ng halik ang pisngi nang natutulog na dalaga bago tumayo.

"Yes? Is the result out?" tanong niya sa malamig na tono.

"Not yet, Mr. Clarkson. But she handed another piece earlier, her uniform that was covered with blood. I just call to inform you. I'll work on it soon."

"I need it as fastest as possible, Ms. Samson." Iyon lang at pinatay na niya ang tawag. Napapabuntung-hiningang muli siyang bumalik sa kama at umupo. Tinitigan niyang muli si Niccola na payapang natutulog. "What will I do to you?" Alam niya ang mga nangyayari rito nitong mga nakaraang araw, ang mga death threat na natatanggap nito sa kung sino mang demonyo.

Hindi alam ni Niccola na alam niya ang mga bagay na iyon, he even hacked her phone. Lahat ng mga data roon ay nakikita niya, maging ang mensahe kung kani-kanino at ang tawag mula sa ibang tao ay naririnig niya.

Maging ang pagkonsulta nito sa isang forensic specialist ay alam niya. Kinausap niya si Samson upang malaman din ang resulta ng tests nito. Hindi agad pumayag ang babae dahil loyal ito sa kaibigan at maprinsipyo sa trabaho, he reached the point where he had to use his name and his father's influence to convince her.

Gusto niyang magalit kay Niccola dahil sa pagtatago ng mga bagay na iyon sa kaniya ngunit naisip niyang baka may maganda itong rason, and alongside, he realized that he doesn't have a place in her personal life, officially.

He was not sure if she felt the same way he does. If he'll admit it to himself, he's scared, scared of the possibility that she'll push him away. Niccola was an independent woman and he was worried that she would not need him in her life anymore. He knew to himself that he would need her until his last breath.

He wasn't aware that she became the air he breathes and he will rather die than to not have her by his side. He vowed to protect her with his life and stay by her side whether she needs him or not. The devil will rot in hell for threatening my princess!

Bumaba ang mga labi ni Mason sa balikat ng dalaga na nangingitim na dahil sa pagkapasa nang kagatin niya kanina. He was showering a feather light kiss on her shoulder and bare back when she stirred, ngunit hindi ito nagising, umiba lang ng puwesto paharap sa kanya at niyakap ang isang malaking unan.

Muling napatayo si Mason mula sa pagkakaupo sa kama nang may muling tumunog, it was his unit's buzzer this time. Kumuha siya ng boxer shorts, isang t-shirt at isinuot iyon bago lumabas ng silid para lang mapagbuksan ang hindi inaasahang panauhin.

KINAPA ni Niccola ang kabilang bahagi ng kama nang maalimpungatan siya. Nang mapagtantong wala roon ang binata ay tuluyan siyang nagising. Iinut-inot na napaupo siya sa kama, kapagkuwan ay napangiwi nang maramdaman ang pananakit ng katawan. Her body was tender and her legs felt weak.

Tumayo siya at humakbang patungo sa banyo upang malinis ang katawan na nanlalagkit. She used a shirt from his closet when she was done cleaning herself. The shirt reached mid-thigh and she did not bother wearing any undergarments on. She walked out of the room only to be appalled when she saw the woman sitting on the one-sitter couch. "M-Mom?"

Napangiwi si Alessandra habang sinusuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Parang gustong tumakbo ni Niccola palayo roon dahil sa pagkapahiya at kaba.

"Be decent.... here, wear this."

Sa oras na iyon ay hinihiling niyang bumuka ang sahig at lamunin siya. Her mom was handing the clothes she stripped earlier and it was neatly folded now.

"Mason, dear, can you get the food I brought, it's in the other unit. Para makakain na rin kayo, I know you're hungry."

Her cheeks flushed when she heard her mother's last words. She was indeed hungry.

Tumalima si Mason at tumayo mula sa kinauupuan nito. To her surprise, he kissed her lips in front of her mother who was grinning ear to ear.

"It was good, wasn't it?" Alessandra uttered when Mason stepped outside his unit.

"W-What?" Bumaling siya sa ina na nakangisi. She looked giddy and excited. "W-What are you doing here, Mom?"

Sa halip na sagutin siya ay lumapit sa kanya si Alessandra at ikinawit ang mga braso sa braso niya. "How was it? Lovemaking was delicious and addicting, right? Is he good?"

"Mom! That's not... it's not... we're not..." she muttered incoherently, couldn't find the right word to say. Niccola sighed and avoided her mother's eyes. Tumaas ang isang kilay ni Alessandra at nanghahamon ang mga mata. "Okay, fine! We're no prude here, we're open-minded individuals. Just don't ask me about my sex life, please," she said and rolled her eyes heavenward.

She chuckled, then giggled. "I want a grandson next year. Galingan niyo sa pag-shoot..." Napapadyak si Niccola dahil sa sinabi ng kanyang ina at sinamaan ito ng tingin. "...I better go. Say my goodbyes to Mason." Hinalikan nito ang kanyang pisngi bago lumakad patungo sa pinto. "You have the whole floor, you can be loud, dear." Her mother playfully winked at her before going out of the unit.

Nang makaalis si Alessandra ay nanghihinang dumapa siya sa ibabaw ng sofa. Isinubsob niya ang mukha roon at sumigaw habang sinusuntok ang malambot na sofa.

Naramdaman niya ang mga kamay na pumigil sa kanyang braso at inikot siya patihaya. "What the— Why are you crying?" Napahagulgol si Niccola nang dumapo sa kanyang mukha ang mga kamay ni Mason at pinahid ang luhang bumabagsak mula as kanyang mga mata. "Hey... What happened? May masakit ba sa—"

"N-Nakaka... hiya." Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at niyakap ito ng mahigpit. "She caught us."

Isang pagkalalim-lalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Mason habang hinagod hagod ang kanyang likod. "Pinag-alala mo ako, akala ko kung ano na."

Naiinis na hinampas niya ang dibdib ni Mason at itinaas ang paningin sa mukha nito. "It was a big deal, she caught us! It was embarrassing, oh god!"

He grinned and pinched her nose. "You're cute."

Niccola gasped, horrified. "I am not cute! I'm pretty, sexy, and delicious. Don't cute me, Mason Scott!" Sa halip na maapektuhan sa inis niya ay lalong lumawak ang pagkakangisi nito. "Stop grinning, you idiot. Why are you so handsome? Ah, shit!" Wala sa loob na lumabas iyon sa mga labi niya na lalong ikinaaliw ni Mason. His chuckle turned into laughter.

Pinugpog nito ng halik ang kanyang labi bago pinagdikit ang kanilang noo. "You're the most beautiful woman my eyes ever laid on... the most sexy..." bumaba ang labi ng binata sa kanyang kaliwang dibdib at nag-iwan ng halik doon, nang lumipat ang labi nito sa kabila ay sinipsip nito ang dungot niya mula sa labas ng kanyang damit, "...the most delicious." Ginawaran nito ng mabilis na halik ang kanyang balikat bago tumayo at hinila siya. "C'mon let's eat."

"Carry me, I'm tired."

Mason didn't complain and gladly carried her towards the kitchen. She could stay in his arms forever.

TUMIKHIM si Niccola upang kuhanin ang pansin ng dalawa. Nag-angat ng mukha ang mga ito mula sa pagkakayuko sa makina ng sasakyan. Tumaas ang kilay ng babaeng katabi ni Mason nang makita siya.

Walang emosyon ang kanyang mukha ngunit sa loob loob niya ay gusto niyang suntukin ang babaeng kaharap.

"Sabi mo busy ka, so I bring you food. Have you eaten?" Her face remained stoic.

"You're at a good timing, Ma'am. I'm famished." Lumapit sa kanya si Mason at hinalikan siya sa mga labi bago kinuha ang dala niyang pagkain. "You can join us, Laila," aya nito sa manager slash secretary. Ang babae ang katu-katulong ng dalawang lalaki na mamahala sa negosyo ng mga ito. Niccola doesn't like that woman since the very first time their eyes met.

"Hindi na, Mason. Mamaya ulit," anito at lumabas na ng talyer at pumasok sa loob ng shop pagkatapos siya nitong bigyan ng isang makahulugang tingin, or was it just her?

"May gagawin pala kayo mamaya," sarkastikong aniya. "I bet it is fun. And what is she doing here? Don't tell me she's interested in the engines?"

"Are you mad?"

"Why would I? I'm just stopping by, I'm going." Akmang lalakad na siya paalis nang higitin siya nito sa braso at ipinaloob sa mga braso nito.

"Are you... jealous?"

Niccola sighed and took the risk of telling him what she felt at that very moment. "What if I am? May karapatan naman ako, 'di ba?" She realized that it was foolish to say those words but she cannot take them back. "Or I don't..." mahinang dagdag niya. Insecurity was evident in her voice and Mason heard that.

Sinapo ng binata ang kanyang mukha at pinakatitigan siya sa mga mata. Naiilang siya at nahihiya ngunit hindi siya umiwas. She saw those familiar emotions in his sapphires but she cannot pinpoint what it was. Her knees weakened and her heart was beating way too fast than normal.

"You don't have to be jealous... I am all yours."

"I... I don't trust her. I don't trust your kind, you're all bunch of assholes!" galit-galitan niya upang pagtakpan ang nararamdaman.

"Don't compare me to them. I'm different."

"Yeah, right! You're telling me that you are mine but secretly, you found yourself looking at her big breast and butt. Men are the same... At mamaya ulit? What was that for? Sayang-saya ka naman." Inirapan niya ito at naunang maglakad papasok sa loob ng opisina nito. "Kumain ka na para ready ka mamaya!"

"What's with you?" Nagsalubong ang mga kilay ni Mason.

"Anong what's with you, what's with you ka riyan? Kumain ka na para tumibay ang buto mo, baka madismaya si Laila."

Marahas na bumuntung-hininga si Mason at inilagay ang dalang pagkain sa mesa bago lumapit kay Niccola.

Hinawakan nito ang kanyang balikat at iniharap dito.

"Hey, that's not it. She was curious about car engines and we were just talking back there. She had too many questions."

"Was she really interested in those cars? Or you are the one who is interested in her engines?"

Lumarawan ang pagkainis sa mukha ni Mason at bumaba ang labi nito sa kanya para sa isang mapagparusang halik.

She felt the sting on her lips before he let go of it. Hinaplos ng hinlalaki nito ang kanyang namamagang labi bago humugot ng malalim na hininga. "Let's go home. We'll eat there."

PAPAUWI na siya sa kanilang bahay nang maipit siya sa traffic. It was almost twelve in the morning. May emergency sa presinto nila kaya sobrang late na niya makakauwi.

Malapit nang magbagong taon ngunit hindi pa siya nakakarating sa kanilang bahay. Espesyal sa kanya ang pagsalubong niya sa bagong taon na iyon dahil makakasama niya ang pamilya at ang taong espesyal sa kanyang puso. Her mother invited Mason and his sister Xylona to spend their New Year with them at their house.

Malapit na si Niccola sa kanila ngunit hindi na siya nakaabot. It was already past twelve in the morning.

Ilang kanto nalang ang tatakbuhin niya nang mabilis niyang apakan ang preno. Hinihingal na nagtaas siya ng paningin mula sa pagkakayuko sa manibela at kapagkuwan ay lumabas mula sa kanyang sasakyan.

"Oh god! I'm sorry, I'm very sorry." She felt like crying when she saw the dead cat. Nasagasaan niya ang kawawang pusa at napisa ang maliit nitong katawan.

Hindi malaman ni Niccola ang gagawin, ni hindi niya napansin ang paglapit ng isang lalaki sa kanya. Nakaramdam siya ng bahagyang kirot sa kanyang braso at nagsimulang mandilim ang kanyang paningin. Umikot siya upang makita ang taong may gawa niyon sa kaniya.

Hindi niya makilala ang pagmumukha ng lalaki dahil namimigat ang talukap ng kanyang mga mata. Ang malawak na pagkakangisi nito ang kanyang huling nakita bago tuluyang nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.

Niccola didn't know what happened next. Nang magising siya ay natagpuan niya ang sariling naka strap sa isang lamesa at tanging mga panloob nalang ang suot niya sa kanyang katawan. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.