"THE other units can do this job, Sir! Send my troops to the Visayas, we would serve our purpose there!" He tried so hard to control his irritation and reminded himself that he was facing a superior, the Philippine Army Major General for that matter.
"This is as important as the job in Visayas, Sanford. The government demand securities for the volunteers and your team is fit for the job. We can't afford them getting killed by the terrorists in the mountain, the president will have our heads."
He sighed gutturally in defeat. He avoided eye contact and showed his right hand that was resting on his back and raise it sharply to his eyebrow. "Sir! Yes, Sir!" he saluted firmly.
Pagkatapos ng appointment niya sa General ay muli siyang bumalik sa kanilang kampo upang ihanda ang kanilang tropa sa gagawing misyon.
Kung siya lang ay mas gusto niyang maipadala sa Visayas kung saan may nangyayaring labanan sa pagitan ng militar at mga bandidong grupo. Subalit hindi niya kayang sulungatin ang misyong iniatas sa kanila ng nasa kataas-taasang puwesto.
Pagkaparada palang niya sa kanyang motorsiklo ay agad na sumalubong sa kanya ang isang humahangos na staff sergeant. "There's a brawl on the field, Sir," he announced shakily.
He calmly took his helmet off and climbed out of the motorcycle. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang sinabi ng staff sergeant kung saan naglalaban ang dalawang sundalo. Malayo pa lang ay nakita na niya ang kumpulan ng mga kalalakihan.
He gritted his teeth in controlled anger and his eyes were in a thin line. "Halt!" he commanded in a loud voice.
Nang marinig ang kanyang boses ay agad naman na naghiwalay ang dalawang taong nakahiga sa lupa at nagpapalitan ng suntok sa isa't isa.
"What do you think you're doing?!" he asked dangerously.
Ang dalawang sundalong nagpapalitan pa ng masasaming tingin ay agad na umayos ng tayo, maging ang iba ay tumayo ng tuwid, nakalagay ang dalawang kamay sa likuran.
"All of you, on the ground, now!" Agad namang tumalima ang lahat na naroon sa malaking field. "You! Call the men in the barracks!" utos niya sa sundalong sumalubong sa kanya kanina. Mabilis itong tumalima at tinawag ang ibang mga kasamahan. Nakita pa niya ang mga itong papalabas ng kanya-kanyang barrack, ang iba ay nagsusuot pa ng damit at sapatos habang patungo sa kanyang direksiyon.
"Give me 200 push-ups, now!" matigas niyang saad nang makarating na ang iba sa pwesto nila.
"One-thousand-one, one-thousand-two, one-thousand-three..."
The soldiers received an earful from him. Lalong uminit ang kanyang ulo dahil sa nangyari. Ang iba na imbes na umawat ay nanood lang sa nag-aaway, ang iba ay walang pakialam na nasa loob ng mga barracks at humihilata. They should know better than to kill each other, their skills should be directed to their enemy, not to each other.
"CHECK the perimeter!"
"Yes, sir!"
Nang makaalis ang iba ay isang sulyap ang kanyang iginawad sa maliit na kumunidad na naabot ng outreach mission ng mga volunteers. Iyon ang misyong iniatas sa kanila ng heneral, ang bantayan ang mga volunteers na tutungo sa liblib na pamayanan upang mag-abot ng tulong. May mga kasama silang doktor, guro at mga madre.
He hated babysitting but he had no choice, he had to obey his superior's command. Together with fifteen soldiers who were under his command, they accompanied the volunteers to one of the most dangerous places in the Philippines.
Nasa paanan ng bundok ang komunidad na iyon at nasa apat na raang mahigit ang mga mamamayan. Ang bundok ay pinagkukutaan ng mga rebeldeng grupo na ilang beses nang nakatagpo ng mga militar. But they were not there to seize and fought them, the order was clear, protect the volunteers. They were not allowed to fire unless needed.
Sinuong niya ang kagubatang nakapaligid sa komunidad upang siguraduhing walang dagang umaaligad. Tatlong araw na silang nandoon at bukas ng umaga ang balik nila sa lungsod. The past days were peaceful. Wala sigurong balak ang mga rebelde na atakihin sila, o 'di kaya ay walang alam ang mga ito na nandoon sila? Ang kahuli-hulihang nagtungo roon para sa outreach program ay tinambangan ng mga rebelde at hindi na nakauwi sa kanya-kanyang pamilya.
Ilang metro na ang kanyang nalakad nang matigilan siya nang makarinig ng kaluskos mula sa ibaba na may nagtata-asang mga damo. Nasa mataas siyang bahagi ng lupa, sa kanyang tagiliran ay bangin na hindi naman ganoon kalalim at hindi matarik.
Sa pag-aakalang isa lang iyong hayop ay akma siyang pipihit pabalik sa komunidad dahil malayo na ang kanyang nalakad. Ngunit ang pag-ungol ng nasa likod ng mga damo ang nagpatigil sa kanya. Agad niyang itinaas ang rifle at itinuon sa ibaba, hinintay niyang dumungaw ang kung sinumang naroon ngunit lumapis ang ilang sandali at walang lumabas.
Dahan-dahan siyang bumaba upang hindi bumulusok, madulas pa naman ang lupa sa bahaging iyon. Gamit ang dulong bahagi ng baril ay hinawi niya ang mga damong nakaharang, alerto sa maaaring maganap.
Napanatag lang siya nang makita ang isang babaeng nakalugmok sa gitna ng nagtataasang mga damo. Alam niyang kasamahan nila ito base sa suot nitong pang-itaas na kagaya ng suot ng mga madre. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya at natatabunan ng mahaba nitong buhok ang mukha.
"What are you doing here?" he asked between his teeth. Agad naman itong nagtaas ng tingin at nagulat nang makita ang dulo ng kanyang baril. Mabilis naman niya iyong ibaba at malamig ang mga matang nakatunghay rito.
"It's dangerous here! Get up!" His forehead knitted even more when she remained sitting on the grasses and looking at him with her mouth agape and her eyes were wide open. "Faster!" pasinghal niyang dagdag.
"N-nanguha ako ng tubig sa balon, kaya–" natigil ito sa pagsasalita nang takpan niya ang bibig nito.
Agad siyang yumuko upang maitago ng mga naglalakihang damo. "Stay still!"
Sa itaas, malapit sa bangin na mayroong balon na marahil ay siyang pinagkuhanan ng babae ng tubig, ay naroon ang mga armadong lalaki. Bahagya niyang hinawi ang mga damo sa harapan at inanggulo ang mukha ng kasama patungo sa direksiyon ng limang lalaki. Nakulong sa kanyang kamay ang pagsinghap nito.
"Papakawalan kita but you need to be quiet," bulong niya malapit sa tainga nito. Nang tumango ito ay dahan-dahan niyang pinakawalan ang babae na tahimik na naghabol ng hininga.
Pinanatili niya ang mga mata sa mga taong nasa itaas at kumukuha ng tubig sa may balon. Nasisiguro niyang bandido ang mga iyon.
Nang maramdaman ang pagkapit ng babae sa kanyang braso ay agad siyang napatingin dito. Hindi niya alam kung bakit siya natigilan pagkakita sa mukha nito, may mga pawis ito sa noong nakakunot at kagat-kagat ang pag-ibabang labi upang mapigilan ang pagngiwi.
Naririnig niya ang mahina nitong daing dahil marahil sa sakit mula sa napinsalang paa. Walang abisong hinawakan niya ang laylayan ng mahaba nitong saya at pinunit iyon na siyang ikinasinghap nito.
Hindi niya pinansin ang naging reaksiyon ng babae na napatingin sa kanya ng may panggigilalas. Kinuha niya ang paa nitong napinsala at ipinulupot ang tela sa sugutan nitong paa na marahil ay tumama sa mga bato. May dugong lumalabas doon ngunit kaunti lang, mas lamang ang pamamaga.
Pinagmasdan niya ang kabuoan ng kaharap at napailing nang makita ang madumi nitong kasuotan. Tumaas ang kanyang paningin sa itaas na kanyang pinanggalingan kanina. Nahulog ito mula sa itaas at nagpagulong-gulong pababa, iyon ang obserbasyon niya. Maliban sa mga paa ay masuwerte itong 'di nabaliaan ng buto.
"Bakit wala kang kasama at bakit ka lumayo?" tanong niya sa malamig na boses.
Nakita niya ang ginawa nitong paglunok bago nagsalita. "W-walang tubig sa naunang balon, k-kaya tumungo ako rito."
Agad na dumako ang kanyang paningin sa damuhan ilang metro ang layo sa kanila, naroon ang lalagyan ng tubig na may selyo kaya hindi natapon ang laman.
He wanted to give the woman a piece of his mind for being so reckless, but he won't waste his time for it. Masuwerte itong siya ang unang nakakita rito, siguradong hindi ito sasantuhin ng mga bandido.
Isang marahas na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan at tumalungko patalikod dito. He tapped his back to signal her to climb up. "Hurry!"
"Pero—"
"Wala na sila!" aniya nang makita itong luminga sa itaas, sa kinaroroonan ng balon. "Damn it! Hurry up, before they come back."
Nag-aalangan man ay sumampa ito sa kanyang likod, nararamdaman pa niya ang panginginig ng mga braso nito. He stood up on his feet and lifted her on his back with ease. She had a small frame and she's lightweight.
"Ang tubig..." Hindi na niya ito pinakinggan at sinimulang akyatin ang pabalik sa itaas. Hindi iyon ganoong naging madali dahil madulas at may karga siya sa likuran.
Humigpit ang hawak niya sa hita nito upang hindi ito mabitawan, nang makarating sa itaas ay wala siyang sinayang na sandali at lumakad pabalik sa komunidad na kanilang pinanggalingan. Maaaring bumalik doon ang mga bandido kaya kailangan nilang makaalis agad.
Tahimik niyang binagtas ang daan pabalik, tanging ang mga tunog ng kuliglig, ang paghahampasan ng mga dahon, ang tunog ng mga inapakang siit at ang mahinang paghinga ng babae ang tangi niyang naririnig.
"M-maraming salamat," she whispered.
Lihim siyang napaungol nang maramdaman ang pananayo ng balahibo sa batok dahil sa pagtama ng hininga nito malapit sa kanyang tainga. He can smell a sweet scent from her that resembled a flower, her soft body was pressed against him, and he can even feel her soft breast on his back. And he's just a man!
Pakiramdam niya ay bigla siyang napaso at gustong ilayo ang katawan sa kasama. Subalit hindi niya iyon magagawa. She's a nun for goodness's sake!
God, help him!