Sanford Series 1 Chapter 30

MARAHAN siyang kumatok sa pinto ng bahay ng kanilang kapitbahay. Ilang sandali ang kanyang hinintay sa labas bago iyon nagbukas.

Bumungad sa kanya si Achilles na nakalarawan ang pagka-inis sa mukha. Magulo ang buhok nito at wala sa ayos ang pagkakasuot ng damit, mukhang nagising niya ang kapitbahay mula sa pagtulog.

"What do you want?!" Muntik nang mapapitlag si Margareth dahil sa hostility nito.

"Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa akin kahapon. Kung hindi dahil sa iyo ay baka napahamak na ako."

Hindi sumagot ang binata at walang interes na nakatitig sa kanyang mukha. Akmang isasara na nito ang pinto nang muli siyang magsalita upang pigilan ito.

"Niluto namin ito ni Mommy," usal niya kasabay nang pag-umang ng dala niyang ulam.

Hindi ito agad tumalima at sandaling tiningnan ang Tupperware habang nakakunot ang noo at nakatiim ang mga labi. Marahil ay iniisip kung tatanggapin ba iyon.

Sa huli ay hinablot nito mula sa kanyang mga kamay ang kanyang dala. "You can leave now!"

"Okay ka lang ba? I saw a gauze on your belly last night. Are you hurt?" tanong niya sa halip na tumalima. Bagaman ay hindi niya masyadong nabistahan ang itsura nito kagabi nang mabilis siyang tumalikod nang makita ang kabuuan nito ay hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang gasa sa tagiliran nito.

Lalong nakaramdam ng inis si Achilles nang marinig ang malumanay na boses ng dalaga. It was too mellow and it irritated him for some reason. "Say my thank yous to Mrs Laurencio!" Iyon lang at mabilis niyang isinarado ang pintuan. Inilapag niya ang dala sa center table na nasa sala at humilata sa mahabang sofa kasabay nang pagpikit ng kanyang mga mata.

Si Margareth ay naiwang nakatayo sa labas ng pinto. She sighed and walked to the other house. What he did was rude, but maybe he had his reason. Marahil ay ganoon ang naging pakikiharap nito sa kanya dahil nagising niya ito mula sa pagtulog. Or was he having a bad day?

She entered their house and found her mother sitting on the sofa. Tinabihan niya ang ina at naglalambing na yumakap dito. Masaya siyang makitang naka-recover na ito at patuloy na lumalakas.

"Bakit mo po tinitingnan 'yan?" Tukoy niya sa photo album na binubuklat ng kanyang ina.

"When I miss you and your brothers, I always look at your old photos. Especially yours..." bumaling sa kanya ang inang si Sally at hinaplos ng kulubot nitong kamay ang kanyang pisngi. "I miss you so much. Don't leave me again, please," her mother sobbed. Pinaloob niya nito sa mga bisig upang payapain.

"Mommy..." Marahan niyang hinaplos-haplos ang likuran nito upang pakalmahin. Makakasama rito ang pag-iyak.

"Please..." she begged.

Margareth sighed and kissed her mother's cheek. She felt sorry all of a sudden, her mother always begged her to stay when she had the chance. She wanted her there with them, but what about her dream?

"I'M glad to see you again, Gareth. Are you back for good, or you're just visiting?"

Tinanggap niya ang binigay nitong isang baso ng juice at ngumiti. "I'll be back at the convent po. Siguro sa susunod na buwan po."

"Oh! Is that it? Well, good luck, I know you'll do good."

She can hear the sincerity in her voice and she was grateful for that. "Thank you po, Tita Lina."

"Hmm-mm... These cakes are so good, did Sally bake these?" Tukoy nito sa cakes at cupcakes na dinala niya roon nang bumisita siya sa manugang ng kanyang Kuya Harold.

"I gave her a hand."

"Really? That's sweet, thank you... Come here, Klaus, Gareth is here."

Agad siyang napalingon sa tinawag nito. Napangiti siya ng makita ang kababatang si Klaus na papasok ng kusina.

"Hi! It's nice to see you again, Gareth. It's been... how many years... two, three?"

"How are you, Klaus?"

"I'll leave you two here, I'll call Sally," paalam ni Catalina sa dalawa bago lumabas ng kusina.

"Life has been good to me, how about you? Are you back for good?"

Inulit ni Margareth ang isinagot niya kay Catalina kanina. She did plan to stay for a month. Hindi naman sila pinipigilan sa kumbento na lumabas o bumalik.

Nakipagkuwentuhan siya sa kababata at masaya siyang makausap muli ito pagkalipas ng maraming taon. Bukod sa kanyang mga kuya ay isa ito sa mga tagapagtanggol niya noong mga bata sila, and he had been a very good friend. He was one of those people who supported her when she entered the convent.

Hindi niya namalayan ang oras at malapit nang dumilim nang maisipan niyang umuwi. She had a good talk with him.

"Ihatid na kita."

"Hindi na, Klaus, I have a ride," sagot niya niya rito sabay ngiti na sinuklian naman nito. "Pakisabi nalang kay Tita Lina na uuwi na ako." Mula kanina ay hindi na muling bumalik sa kusina ang ginang at pinasabi sa katulong na papanhik ito sa loob ng silid.

Hinatid siya ni Klaus hanggang sa labas ng bahay kung saan naroon ang kanyang bike. Iyon ang ginamit niya sa pagpunta roon dala ang mga cake na nilagay niya sa basket. Kumaway siya rito bago pinatakbo ang bisikleta.

Napangiti siya habang binabaybay ang daan patungo sa bahay ng kanyang mga magulang na nasa kabilang block. Binagalan lang niya ang pagpapatakbo at ninamnam ang hanging tumatama sa kaniyang balat.

Marami ang puno sa paligid kaya malinis ang simoy ng hangin. Iyon ang isa nagustuhan niya sa subdivision nila, maraming mga puno doon at malaya silang nakakapaglaro roon noong bata sila dahil walang taga-labas ang nakakapasok. Malinis ang paligid at magkakilala ang mga nakatira. She always treasured those childhood memories she had in that place.

Naraanan niya ang bahay ng kanyang Kuya Harold, hindi na siya tumigil at nagpatuloy sa pagpedal. Doon na siya galing kanina bago siya tumungo sa bahay ng ina ng asawa nitong si Jasmin. Magkababata rin ang dalawa, noon paman ay alam na nila na sila ang magkakatuluyan hanggang sa pagtanda. She was happy that her brother found a great woman and built a beautiful family of his own.

Muli niyang itinuon ang paningin sa sementadong daan nang maramdaman niya ang puwersang pumigil sa kanyang katawan. Nawalan siya ng balanse at tumagilid ang kanyang bisikleta. Natumba siya sa Bermuda grass sa gilid ng daan kaya hindi masyadong napasama ang kanyang bagsak. Bagaman ay dumagan sa kanyang katawan ang sinasakyan sanhi upang maramdaman niya ang sakit sa kanyang tagiliran at mga binti.

Hindi siya agad nakagalaw upang alisin iyon sa pagkakadagan sa kanya at nanatiling nakalugmok sa mga damo. Masakit ang kanyang balakang at tagiliran at kumikirot ang kanyang paa.

Bahagya niyang ini-angat ang sarili at tiningnan kung ano ang nangyari. Napakagat labi si Margareth ng makita na kinain ng kadena ng bike ang kanyang mahabang saya. "Aray!" mahina niyang daing nang igalaw ang kanyang katawan.

Nang biglang may nag-alis ng bisikleta mula sa pagkakadagan sa kanya ay agad na tumaas ang kanyang paningin sa taong iyon. Lalo niyang nakagat ang pang-ibabang labi nang makita si Achilles na magkasalubong ang mga kilay at tiim ang mga bagang na nakatunghay sa kanya. Mahahalatang galit ito.

Walang sali-salitang tumalungko ito at hinawakan ang kanyang paa na ikinangiwi niya. Umupo siya sa damuhan habang pinipigilang kumawala ang mga daing mula sa kanyang bibig nang maramdaman ang pananakit ng katawan.

Napatingin siya kay Achilles nang marinig ang marahas na pagbuga nito ng hangin. Without warning, he tore a piece of her skirt that made her gasp in surprise. She watched him wrap her foot with it in awe.

Namilog ang kanyang mga mata at lalong umawang ang mga labi ng biglang may kumudlit sa kanyang isipan. Sa gitna ng parang, ito at siya na nakalugmok sa matataas na damo, ang ginawa nitong pagpunit sa kanyang saya at ang pagbuhat nito pabalik sa komunidad na nasa paanan ng bundok.

"It was you!" she exclaimed out and pointed her finger to him. "You're the soldier. It was you!" Puno ng pagkamangha ang kanyang boses, kulang nalang ay pumalakpak siya sa natuklasan.

Naalala niyang noong araw na iyon, tatlong taon na ang nakakaraan, ay hindi na muli niyang nakausap ang sundalong tumulong sa kanya nang makarating sila sa komunidad na naabot ng kanilang outreach program. Hanggang sa makaalis sila ng ligtas kinabukasan ay hindi na niya ito naka-usap muli.

Bigla niyang naibaba ang daliri na nakaduro nang lumingon ito sa kanya. Napakalamig ng mga mata nito at blangko ang emosyon sa mukha. Kagaya rin noong una silang magkita.

Nang dumako ang mga mata nito sa kanyang suot na mahabang palda ay nakita niya ang disgustong umukit doon. She waited and readied herself to receive an earful from him, but he remained silent.

Binalingan nito ng bisikleta at inayos ang kadena niyon na natanggal. Doon niya natutukang mabuti ang kabuuan ni Achilles. Tumatakbo ito nang makita siya base sa suot nitong damit at sa pawisan nitong katawan.

Malapad ang likod nito dahil malaki itong tao, ang mga masel sa braso ay gumagalaw. He was dangerously huge, she felt like a midget when she's with him. Well, she's small, she's five feet and two inches in height.

Namula ang mukha ni Margareth, maging ang kanyang leeg, nang bumaling si Achilles sa kanya at mahuli siyang nakatitig rito. Muli itong lumapit sa kanya at walang abisong hinawakan siya sa bewang at itinayo.

Naramdaman niya ang pananakit ng kanyang tagiliran na nadiinan ng malaki nitong kamay. Sa tingin niya ay nagkapasa siya sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Napakapit siya rito dahil hindi niya tuluyang maiapak ang kaliwang paa na nasugatan at tumama sa kadena ng kanyang bisikleta.

Napatingala si Margareth kay Achilles na nakatunghay sa kanya. Ang isa nitong kamay ay nakapalibot parin sa kanyang katawan upang pang-suporta, siya naman ay mahigpit ang hawak sa braso nito. "S-salamat," utal niyang wika nang mahanap ang kanyang boses.

Hindi ito tumugon at inakay siya pasakay sa kanyang bike sa may likuran. Ito ang nagmaneho niyon patungo sa bahay ng kanyang mga magulang.

Nakakapit siya sa basa nitong damit habang nakatingin sa likod nito. She bit her lips painfully when he blew a rough and heavy sigh continuously.

She cleared her throat and opened her mouth to make a conversation. "Thank you for three years ago, for last Monday and today." Gaya kanina ay wala siyang nakuhang sagot mula kay Achilles. "Ahm, w-what did you do to them...? I mean, those men in the woods?"

She didn't expect him to answer her but she was astonished when he replied coldly, "I killed them!"

She gasped in horror and her grip on his wet shirt tightened. "You're kidding, right?"

"What do you think?" he taunted.

Sandali niyang hindi malaman kung ano ang iisipin, hindi rin niya namalayan na napigil niya ang paghinga. Nakahinga lang uli siya ng maluwag nang marinig ang walang buhay nitong tawa. She was sure now that he didn't mean what he said, that he was sarcastic though he didn't sound like one. What's bothering her now was his hollow laugh, something was wrong with this man. She can feel that.

Nag-aagawan na ang liwanag at kadiliman sa kalangitan nang makarating sila sa bahay. Hindi niya ito pinigilan nang walang sabi-sabing pangkuin siya nito papasok.

Agad namang sumalubong ang kanyang mga magulang na nasa sala. She smiled at them to assure them that she was okay. But her mother was too anxious and insisted that they should take her to the hospital, she obliged to appease her.

Kasama ang kanyang mga magulang ay tinungo nila ang ospital kung saan nagtatrabaho ang kanyang Kuya Harold. Naroon na ito sa labas pagdating nila na tinawagan ng kanyang ina habang patungo sila roon.

Wala namang nabaling buto sa kanya, ang malalang natamo niya sa katawan ay ang pasa sa balakang at tagiliran. Ang paa niya ay may maliit na hiwa na hindi naman kailangang tahiin, nilinis lang iyon upang 'di ma-impeksiyon.

Pag-uwi nila ay dumiretso siya sa kanyang silid upang makapag-pahinga. Sandali siyang lumabas sa kanyang balkonahe upang tingnan ang pusa na ngayon ay payapang natutulog sa malambot nitong higaan na ginawa niya.

Nang matingin sa kabilang bahay ay hindi na naman niya maiwasang hindi mapabuntung-hininga. Madilim ang buong bahay at wala marahil ang may-ari niyon. Nang maihatid siya kanina ni Achilles sa kanila ay agad ding itong umalis.

Hindi niya mapigilang ang kuryosidad na biglang umahon sa kanyang dibdib. Something was bothering her and she knew she couldn't sleep soundly tonight because of it.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.